CHAPTER SEVEN

1399 Words
HAIDE "Pagpasok namin sa loob ng bahay parang ayaw ko pa'ng pumasok. Sobrang linis at kintab ng sahig. Nakakatakot apakan. Nanatili ako sa pinto dahil kinakabahan ako na baka madumihan ko ang sahig. Pagkababa namin ni Ana Mae sa sasakyan umalis din kaagad si Tatay Ramon upang i-park daw ang sasakyan sa grahe. Nang mapansin ni Ana Mae na hindi ako nakasunod tumigil siya at humarap sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo. "Best friend ano ang ginagawa mo diyan? Bakit nan'dyan ka pa? Halika na, kailangan mo munang kumain para makapag pahinga na tayo." Saad ni Ana Mae saka binalikan ako. "Sorry best friend nakakatakot pumasok at tapakan ang sahig. Sobrang linis at kumikintab pa. Baka hindi pa ako nakapag simula ng trabaho itapon na ako pabalik ng Iloilo." Nahihiya kong sabi. Bigla naman siyang tumawa ng malakas habang ang kanyang dalawang kamay pumalakpak pa. "Hay nako best friend masanay kana sa mga ganitong sahig. Mas bongga pa sa bahay ng magiging amo mo. Kaya halika ka na. Alam kong kanina ka pa nagugutom. Huwag ka'ng mahiya mga mabait ang mga kasamahan at amo ko. Mamaya pagkatapos natin magpahinga ipakilala kita sa kanila. Alam na rin ni Dok na nandito ka. Kaya halika na kumain muna tayo para makapag pahinga na tayo. Tulog yata ang mga kasamahan ko." Mga ganitong oras kasi pahinga namin sa tanghali. Pagkatapos namin kumain kanya-kanya na kami pasok sa aming silid basta matapos lang ang aming trabaho." Saad ni Ana Mae. Alas una na rin kasi ng hapon. Alas dose ng tanghali kami kanina nakarating sa daongan ng barko. Niyaya ako ulit ni Ana Mae na pumusok na. Kaya humawak ako sa kanyang kamay at sumama papasok sa kanya. Parang mga prensisa at prinsipe ang nakatira. Kumikinang ang lahat na mga gamit. Ang laki ng mga ilaw na naka sabit sa itaas ng kisame. Kaya sobra ako'ng namangha. Maingat ang bawat hakbang ko habang nakasunod kay Ana Mae. Pagpasok namin sa kusina ang daming iba't-ibang prutas sa mesa. Sobrang laki parang wala nga sa kalahati ng bahay namin. Nakakatakot talaga kahit hawakan. Kumikinang sa linis at ganda, dati sa television ko lang napanuod. Pero ngayon nakapasok na ako sa isang magandang malaking mansyon. Nawili ako sa pagtingin sa paligid ng kusina. Hindi ko napansin na nakahain na pala si Ana Mae ng pagkain namin sa mesa. Kung hindi niya ako kinalabit hindi ko namalayan. Bigla akong nag-laway sa nakita kong mga pagkain. May fried chicken. May karne na may halo-halo na gulay. Hindi ko kilala ang tawag pero nakita ko na rin sa tv at sa handaan sa Hacienda Pula. At may isda na malaki. "Best friend kain na tayo. Ito ang plato mo, umupo ka na." Yaya ni Ana Mae. Natakam ako sa mga pagkain dahil ngayon lang ako maka tikim nito. Sa tuwing may okasyon sa Hacienda Pula may mga ganito din pero tinatabi ko ang aking parte para sa mga kapatid ko. Nakabalot na kasi kaya hindi na pwedi kumuha. "Salamat bestfriend." Pasalamat ko kay Ana nang pinag hila niya ako ng upuan. Kukuha na sana ako ng pagkain ng maalala ko ang mga kapatid ko. Kung kasama ko sana sila, sa kanila na ang parte ko kahit kunti lang. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang nakatingin sa mga pagkain. Naramdaman ko na yumakap sa aking likuran si Ana Mae. "Best friend. Huwag ka malungkot. Huwag ka ng umiyak. Alam ko na iniisip mo ang mga kapatid mo dahil sa mga pagkain. Kaya kailangan mong kumain ng marami para hindi ka magkasakit. Nang sa ganun kapag makapag trabaho ka na at maka sahod. Kapag maka padala kana sa kanila. Pwedi na rin silang kumain ng ganito. Sa ngayon tiis muna, alam ko naman na hindi sila pabayaan ni Mama. Kaya tahan na. Naiiyak din ako. Alam mo naman na parang kapatid na kita at ang mga kapatid mo. Kapag malungkot ka, malungkot din ako. Kaya kain ka na." Naiiyak na rin si Ana Mae. Kaya pinahiran ko ang aking luha at yumakap din sa kanya. "Salamat bestfriend saka pasensya na. Hindi pa kasi ako sanay. Ngayon lang kami nagkalayo ng mga kapatid ko. Pero pangako magpakatatag ako para sa kanila. Salamat talaga best friend." Naluluha na saad ko. Ngumiti siya at pinahiran ang aking luha. Kaya pilit din na ngumiti ako sa kanyang harapan kahit may luha pa ako sa mata. Pagkatapos humiwalay na ako sa kanya at nagsimula nang kumain. Marami kaming nakain ni Ana Mae dahil gutom talaga kami. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko siya upang mag ligpit at maghugas ng pinagkainan. Pagkatapos tinuruan niya ako kung paano gumamit ng oven, coffee maker at microwave . Nilista ko naman sa papel bawat tinuro niya sa akin. Dahil ang sabi niya katulad din daw ang mga gamit nila sa amo ko. Madalas daw kasi ginagamit ang coffee maker dahil ilang beses kung uminum ng kape ang magiging amo ko'ng lalaki. Tahimik ako habang tinuturuan ni Ana Mae at tinatandaan ko talaga. Pero sa tuwing binabanggit ni Ana Mae ang amo ko'ng lalaki bigla kaagad lumalakas ang pagtibok ng aking puso. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Para kasing iniisip ko na strikto at suplado. Pagkatapos ako'ng turuan ni Ana Mae sinama na niya ako sa kanyang silid. Pagpasok ko namilog ang aking mata. Parang malaki pa sa bahay namin. Saka may aircon at telibisyon pa. "Grabi best friend dako dako ang imo kwarto daw sobra pa ka dako sa mga balay naton. Daw Indi tulugan sang mga maid." In tagalog ( Grabi best friend sobrang laki ng kwarto mo, malaki pa sa mga bahay natin sa Iloilo parang hindi katulong ang nakatulog dito.") Hindi ko na mapigilan na magsalita ng ilonggo. Kaya tumawa si Ana Mae ng malakas. Manghang-mangha talaga ako sa kanyang silid. Kaya kaagad akong pumunta sa ibabaw ng kanyang kama at tumalon-talon. "Wow! Ang lambot best friend parang gusto ko ng matulog. Kung alam ko lang na ganito pala ka ganda ang magiging kwarto ng mga katulong sa Manila. Matagal na akong nag apply bilang katulong." Natatawa kong saad. "Best friend baka magsalita ka ng ilonggo sa mga amo mo huh? Pero sa ngayon bestfriend sanayin mo na ang sarili mo dahil bukas kapag pumunta ka na sa bahay ng amo mo. Katulad din ang magiging kwarto mo at may sariling banyo pa." Turan ni Ana Mae at tinuro ang banyo. Hindi ko kaagad napansin ang isang pinto na banyo pala dahil abala ang aking paningin sa malaking kama at tilibisyon. "Kung pagod ka na bestfriend matulog ka na. Bukas ka nalang maligo. Saka bukas ng umaga tatawag tayo kay Mama para makausap mo ang mga kapatid mo. Sasabihin ko din sa mga kasamahan mo sa bahay ng amo mo na pahiramin ka nila ng cellphone kapag nandun ka na. Mga mabait din ang magiging kasama mo best friend kaya sure ako na hindi ka malungkot duon. Basta kung may problema tawagan mo ako kaagad. Huwag ka'ng mahiya na makiusap sa mga kasama mo. Basta laban lang para sa mga kapatid mo best friend." "Maraming salamat talaga best friend. Hayaan mo pilitin ko na maging maayos ako sa bahay ng magiging amo ko. Para sa mga kapatid ko. Hindi na ako iiyak, iisipin ko na sa bawat trabaho ko. Makabili ng mga masarap na pagkain ang mga kapatid ko, at makapag-aral." Masiglang sambit ko kay Ana Mae. "That's my bestfriend. O see English 'yun best friend." Natatawa niyang sabi. Kaya gumaan ang aking pakiraramdam. Simula bukas kakayanin ko muna na malayo kami ng mga kapatid ko para maibigay ko sa kanila ang magandang buhay. Kahit hindi man kami maging mayaman. Basta hindi na sila magutom at maka kain sila ng kanin ng tatlong beses sa isang araw. Nakaramdam na ako ng antok ngunit nanlalagkit ako kaya nagpaalam muna ako kay Ana Mae na maglinis nga aking katawan. Mabilis lang ang pag linis ko ng aking katawan at nagbihis na rin kaagad. Paglabas ko ng banyo. Nakita ko na si Ana Mae na mahimbing na ang kanyang pagtulog na nakanganga habang malakas na humilik. Napangiti nalang ako saka tumabi na rin sa kanya ng higa. Nilagay ko ang isang unan sa aking tainga para hindi ko marinig ang kanyang malakas na hilik. Dahil nakaramdam na talaga ako ng antok at pagod sa byahe. Pagkatapos ko'ng mag dasal. Kaagad naman akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD