HAIDE
"Best friend gising na! Best friend." Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Kaya pahikab-hikab ako habang unti-unting minumulat ang aking mga mata. Pagmulat ko, nakita ko si Ana Mae na bagong ligo na. Kaya bumangon ako at sumandal muna sa kama. Ang sarap ng tulog ko, hindi ko naramdaman na mag-isa na lamang pala ako sa kama ni Ana Mae.
"Hala bestfriend kanina ka nagising? Ano oras na ba? Baka pagalitan tayo ng boss mo. Hindi tayo tumulong sa trabaho." Kinakabahan kong saad n'ong naalala ko, kung nasaan kami. Ngumiti naman sa akin si Ana Mae habang nagsusuklay ng kanyang basang buhok.
"Huwag kang mag-alala best friend. Ayos lang sa mga kasamahan ko na hindi muna tutulong sa kanila. Ganito kami dito, kapag galing sa bakasyon. Magpahinga muna ng isang araw dahil pagod aa byahe. Kaya maligo kana at pupunta tayo jay Dok. Valdez ipakilala kita muna sa kanya bago sa mga kasamahan ko. Alas singko na rin ng hapon." Turan ni Ana Mae. Kaya mabilis akong bumaba sa kama upang maligo. Pero huminto ako sa akmang pagpasok sa kanyang banyo at humarap sa kanya.
"Uhm! Best friend! Matanda na ba si Dok. Valdez?" Tanong ko kay Ana Mae.
"Kung hindi mo alam ang edad ni Dok. Valdez. Mapagkamalan mo na 20 years old lang ang edad niya. Pero ang totoo 40 year's old na si Dok. May asawa at dalawang anak na rin siya. Wala dito ngayon si Ma'am at ang dalawang anak nila. Nasa Canada, sa sunod na araw nga pupunta din si Dok.sa Canada kaya dadalawin kita duon sa bahay ng amo mo." Saad ni Ana Mae. Kaya tumango ako at pumasok na sa banyo. Mabilis lang ang pagligo ko at kaagad din nagbihis ng kupas kong malaking t-shirt at maong na pantalon. Paglabas ko sa banyo naka-upo na si Ana Mae sa kama. Kaya kinuha ko ang kanyang suklay at sinuklay ko din ang kulot-kulot kong maitim na buhok na hapit sa king baywang. Pagkatapos ko'ng magsuklay. Niyaya na ako ni Ana Mae na lumabas ng silid. Para daw pupuntahan namin si Dok. Valdez sa kanyang opisina. Nang makarating kami sa kumikinang na pintuan. Kumatok kaagad si Ana Mae ng tatlong beses.
"Come in." Narinig namin na boses sa loob. Kaya dahan-dahan na binuksan ni Ana Mae ang pinto. Naka kapit ako sa damit ni Ana Mae dahil medyo kinakabahan ako. Ngumiti naman si Ana Mae sa akin at niyaya ng pumasok. Pagpasok namin nakita ko ang isang lalaki na naka upo sa harap ng maliit na mesa na nakayuko na parang may ginagawa. Nang makalapit na kami, umangat siya ng kanyang ulo at ngumiti sa amin. Tama nga ang sinabi ni Ana Mae ang gwapo at ang bata tingnan.
"Good afternoon po Dok. Valdez?" Napabalik ako sa tamang wesyo ng marinig ko ang pagbati ni Ana Mae sa kanyang amo. Napalunok ako ng sarili ko'ng laway ng bumaling siya sa akin.
"Good afternoon ladies! You're Haide right?" Tanong ni Dok. sa akin.
"Good afternoon po Dok. I'm Haide Lim po. 18 years old, from the province of Iloilo." Masiglang saad ko. Nakita ko siyang ngumiti at tumango-tango. Pasimple naman akong siniko ni Ana Mae.
"Hanep ka best friend, hindi ako na inform. Kailangan pala English ang introduction?" Bulong ni Ana Mae sa akin. Na parang natatawa. Siniko ko lamang siya dahil nakatingin sa amin si Dok. Valdez.
"I like you, Haide." Sambit ni Dok. Valdez.
"Ho, po?" Magkasabay namin na saad ni Ana Mae. Biglang tumawa naman si Dok. Valdez.
"Anong, sinabi niyo Dok? Gusto mo ang best friend ko? Nako! nako! Dok. Huwag mo'ng sabihin na gawin mong kabit ang best friend ko? Hindi talaga ako makakapayag Dok. Ang bata pa ng best friend ko para maging kabit. Mahirap lang kami pero may dangal naman kami Dok. Saka hindi ako papayag na dahil lang sa pero maging kabit ang best friend ko." Sambit ni Ana Mae. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay upang patigilin sa kanyang mga sinabi pero ayaw niya talaga tumigil. Nakita ko na kumunot ang noo ni Dok.Valdez at nag-isang linya ang guhit sa kanyang noo. Kaya nilakasan ko na ang pag tapik sa kamay ni Ana Mae na patuloy parin sa pagsasalita ng kong ano-ano.
"Best friend hayaan mo ako. Huwag kang mag-alala. Kaya ko 'to." Sambit niya ulit at kinumpas pa ang kanyang kamay. Kaya tumayo na si Doktor Valdez at nagsalita ng malakas.
"What are you talking about Ana Mae? Ano ang mga pinagsasabi mo? Bakit gagawin kong kabit si Haide? Nababaliw ka na ba?" Malakas na tanong ni Doktor Valdez kay Ana Mae. Kaya napa hinto si Ana Mae sa pagsasalita. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ana Mae ng makita ko na parang galit si Doktor Valdez na nakatingin kay Ana Mae.
"Ana Mae siguro pagod at antok ka pa. Kaya samahan mo ang kaibigan mo na kumain sa kusina at magpahinga kayo ulit. Para bumalik ang tama mo'ng pag-iisip. I said I like Haide. Not means gusto ko siyang maging kabit. Saan mo nakuha ang idea na 'yan? I like her confidence 'yan ang gusto ko'ng sabihin. Saka tigilan mo na ang kapanuod ng K-drama. Kung ano-anong iniisip mo. Sige na kumain na kayo na kusina. Bye the way Haide. Nakausap ko si Donya Mila bukas ng alas nuebe ng umaga pupunta dito ang magsusundo sa'yo. Kaya kumain ka muna bago ka pumunta sa bahay ng magiging amo mo. Mabait si Donya Mila kaya tiyak magugustahan mo duon. Huwag ka'ng palaging sasama kay Ana Mae baka mahawa ka sa kabaliwan niya." Malumanay na saad ni Doktor Valdez at medyo napangiti sa huli niyang sinabi sabay tingin kay Ana Mae. Hindi naman makatingin ng diretso si Ana Mae kay Dok.Valdez sa hiya. Panay ang kamot niya ng kanyang dalawang kamay.
"Do-dok. So-sorry po! Akala ko kasi, asi ano." Nau-utal na bigkas ni Ana Mae na parang hindi niya malaman ang kanyang sasabihin. Pinaningkitan naman siya ng mata ni Doktor Valdez.
"Sorry po Dok. Sa mga sinabi ni Ana Mae. Saka salamat po Dok sa pagpatulog mo sa akin sa bahay niyo po. Pasensya na po talaga. Ngumiti si Dok. Valdez at tumango.
"It's okay! And I know Ana Mae already. So it's okay! But next time Ana Mae. Listen at wait first bago ka magsalita ng kung ano-ano. Saka hindi ko magawang lokohin ang ma'am mo." Malumanay na sabi ni Dok. Valdez. Kaya tudo ang hinging paumahin at pasalamat ni Ana Mae. Nagpasalamat din ako ulit kay Dok. bago kami lumabas. Pag-sara ni Ana Mae ng pinto. Binatukan ko siya kaagad sa kanyang ulo.
"Bakit nasabi mo 'yun? Sobrang nakahihiya kay Dok. Pasaway ka talaga best friend. Ang akala ko pareho tayong mawalan ng trabaho." Saad ko sa kanya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo at napangiwe.
"Sorry naman best friend. Ang akala ko talaga gusto ka ni Dok. As in gusto na balak ka niyang gawin na maging kabit. Sobrang ganda mo kasi. Lalao na kapag nakasuot ka ng mga bago. Panigurado titingkad ang kagandahan mo. Kaya akala ko talaga na love at first sight sa'yo si Dok." Natatawa niyang sabi. Kaya nahampas ko siya sa kanyang kamay.
"Tara na nga! Baka tama nga si Dok na gutom at pagod ka pa sa biyahe. Dahil kung ano-ano ang mgaa pinagsasabi mo." Saad ko na natatawa. Humaba lamang ang kanyang nguso at niyaya niya na akong pumunta ng kusina. Pagdating namin sa loob ng kusina may nadatnan kaming dalawang babae at isang lalaki na kumakain. Ang Isa babae parang matanda na. At ang isa parang ka edad lamang ni Ana Mae.At ang lalaki Hindi naman gaano ka tanda ang hitsura.
"Good afternoon! Manang Fe, Lorna, Kuya Butsoy." Magiliw na bati ni Ana Mae. Ngumiti naman ang tatlo at binati pabalik si Ana Mae.
"Ito po lala ang kaibigan ko na magtrabaho sa bahay ni Donya Mila. Siya si Haide na best ko." Magiliw na pakilala ni Ana Mae sa Akin.
"Best friend, si Manag Fe ang mayordoma namin dito. Ito naman si Lorna tulong-tulong kami sa gawaing dito sa bahay. At ito naman si Kuya Butsoy ang hardenero." Pakilala ni din Ana Mae sa kanila. Nakangiti na binati ko sila at ganun din sila sa akin. Pagkatapos niyaya na kami ni Manang Fe na kumain daw ng meryenda kaya umupo kami ni Ana Mae sa bakanteng upuan.
"Ilang taon kana iha? Sigurado ka ba na katulong ang gusto mong maging trabaho? Parang hindi bagay sa mukha mo ang magiging katulong. Ang ganda mo Haide pwedi ka na maging artista o model." Sambit ni Manag Fe. Pakiramdam namula naman ang aking buong mukha dahil hindi ako sanay sa papuri. Kahit nahihiya ako, ngumiti ako at nagpasalamat.
"Oo nga! Haide sure ka ba talaga na maging katulong ka? Ang ganda ganda mo kasi talaga. Parang hindi bagay sa'yo maging katulong." Saad naman ni Lorna. Ganun din ang sinabi ni Kuya Butsoy. Kaya nagpasalamat nalang ako sa kanila at sinabi na katulong talaga ako. At hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya katulong lang talaga ang magiging trabaho ko. Masaya kaming kumakain habang nag kwentuhan. Sinabi din ni Ana Mae kung Ani ang ginawa niya sa loob ng opisina ni Dok. Valdez kaya na puno ng malakas na tawanan namin ang buong loob ng kusina. Wala pala dito si Tatay Ramon dahil kapag walang pupuntahan ang kanilang mga amo o susunduin. Umu-uwi si Tatay Ramon sa kanilang bahay. Ang saya ng aking pakiraramdam dahil nakatagpo ako ng mga mabait na tao dito sa Manila.