HAIDE "Hello triplets! Kamusta ang araw natin mga babies? Gusto niyo ba dito?" Kausap ni Mamita sa triplets. Nandito kami sa labas habang Pina pa-arawan namin ni Diego ang triplets. Alas siete ng umaga kaya maganda ang sikat ng araw. Malakas na tumawa ang triplets habang kinakausap ni Mamita. Parang naka kita na sila sa tuwing kakausapin sila ni Mamita. Panay ang malakas nilang hagikhik. Alaiw na aliw naman si Mamita sa kanyang apo. Kung nuon alas nwebe o alas dies ng umaga magising si Mamita. Ngayon alas sais ng umaga gising na para kausapin ang triplets. Parang naging masigla pa lalo si Mamita. Ganun din si Lolo at Lola. "Mamita did you drink you're milk?" Tanong ni Diego habang pina painum niya ako ng gatas. Ang triplets naman nasa kanilang trolley. "Kanina pa apo, habang hinihint

