HAIDE "Hon, dito nalang natin ihanda ang binyag ng triplets. Para walang media. Ayaw ko muna na may maraming makakita sa triplets natin. Gusto ko tayo-tayo lang." Kausap ko kay Diego. Habang nandito kami sa aming kwarto. Katatapos lang namin paliguan ang triplets. Dumidede sila habang naka pikit. Habang pinadede namin ang triplets napag usapan namin ang tungkol sa binyag sa susunod na linggo. Ngumiti naman si Diego sabay tayo. Napansin ko na pagkatapos nila mag-usap ni James parang malalim ang iniisip ni Diego. Hinintay ko siya kung may sasabihin siya sa akin pero hanggang ngayon wala naman siyang sinabi sa akin. Gusto ko rin siyang kausapin tungkol kanina sa napag-usapan namin ni Mamita. "Kung 'yun ang gusto ng Reyna ko. Masusunod Honey. Saka baka mahirapan din si Grandma and Grandpa ka

