THIRD PERSON "Sana all." Wika ni Dahlia pagkatapos ibigay ni Austin, Nelson at Romnick ang bulaklak nilang hawak kay Mylene, Lily Jessa. "Maka sana all ka Dahlia. Parang hindi mo katabi si Gudo. Tsaka parang hindi ka binigyan ni Gudo ng bulaklak at chocolate. Nauna pa nga siya dito." Sagot ni Lily. Kaya ngumiti ang kanilang mga kasamahan pati si Gudo na nasa gilid lamang ni Dahlia. Napahaba nalang ang nguso ni Dahlia. "Joke lang yun love. Baka magtampo ka sa sinabi ko." Bulong ni Dahlia sa kasintahan. Ngumiti si Gudo saka hinawakan ang ilong ni Dahlia. "Sanay na ako sa iyo love. Kaya nga mahal kit." Tugon ni Gudo. "Ayieh! Ang daming langgam." Tili ni Jessa, Lily at Mylene. Pa ngiti ngiti lang ang kanilang mga kasintahan. Sanay na Kasi sila sa mga ugali ng kanilang mga girlfriend. K

