DIEGO "Senyorito kami na ho ang humihingi ng pasensya sa ginawa sa'yo ni Haide. Hindi ka niya kasi kilala at wala ka naman picture dito sa loob ng mansyon. Kaya hindi niya alam ang hitsura mo. Pero Senyorito mabait na bata si Haide. Masipag magalang at may pangarap sa buhay. Kaya sana huwag ho kayong magalit sa kanya. At hindi niyo sa paalisin. Hindi naman kasi namin alam na darating ka. Sinabi sa amin ni Donya Mila na sa susunod na linggo pa ang dating niyo. At 'yan ang alam ni Haide. Kaya pasensya na Senyorito kung napagkamalan kayong magnanakaw." Saad ni Nanay Greta. Napangiwe pa siya sa huli niyang sinabi. Nakaramdam pa ako ngayon ng sakit sa aking batok. Dahil medyo masakit talaga ang pag hampas niya kanina sa aking batok. May pa karate pang nalalaman mahimatay lang naman pala. Napan

