DIEGO CONTINUATION OF FLASH BACK Simula ng makita ko ang picture ni Haide na maging katulong ko daw. Hindi na siya mawala sa aking isipan. Excited akong umuwi na kinakabahan. Ngunit napamura ako ng malakas ng biglang nagkaruon ng problema sa ginagawa naming building. Kaya ang pag-uwi ko sana ay hindi natuloy. Ginawa namin ng maayos ang naging problema sa site para maging maayos ang lahat. Tinawagan ko lamang ang aking kaibigan ni si James na hanapan ako ng magandang location kung saan ako pwedi magpatyo ng kompanya. Mabuti at may nahanap siya kaagad kaya kailangan ko na talagang umuwi. Hanggang sa naabutan ng isang buwan ang tinagal ko ulit sa Europa. At sa wakas makauwi na talaga ako. Hindi ko sinabi kay Mamita na uuwi na ako bukas. Gusto ko siyang i-surprise pero sa isip ko, gusto ko

