THIRD PERSON "Sing kinakabahan ka ba? Malapit na tayo sa amin. Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. May problema ba?" Malumanay na tanong ni Pancho kay Consing. Simula kasi n'ong lumapag ang eroplano galing Manila hanggang sa pagdating nila sa Loakan airport parang kinakabahan na hindi alam ni Consing ang kanyang pakiramdam. Nahihiya na kinakabahan siya sa pagharap niya sa pamilya ni Pancho. Kahit nagkausap na sila ng mga magulang ni Mylene sa cellphone. Nag-alala pa rin siya na baka hindi siya magustuhan ng ibang pamilya ni Pancho dahil matanda na ito. Kaya hanggang sa paglabas nila sa loob ng eroplano at naka kain na rin sila sa restaurant na malapit sa airport. Walang imik si Consing at parang hindi mapakali. Hinawakan ni Pancho ang kamay ni Consing ng hindi ito sumagot. "S

