THIRD PERSON Dahil sa pagod sa pagbyahe mula Manila hanggang Baguio hindi namalayan ni Consing na nakatulog pala sa siya sa sofa na may tampo Kay Pancho. Ngunit nagtaka siya ng sa kanyang pag-gising nasa malambot na siyang kama. Napatingin siya sa kanyang gilid mahimbing din ang tulog ni Pancho habang kayakap siya ng mahigpit. Tiningnan kaagad ni Consing ang picture sa mesa ngunit hindi niya na ito nakita. Maya-maya gumalaw si Pancho at nagmulat din ng kanyang mga mata. Nag-iwas ng tingin si Consing kay Pancho saka akmang kukunin niya sana ang kamay ni Pancho sa kanyang tiyan nang humigpit ang yakap ni Pancho sa kanya. "Sing sorry na please! Mahal kita Gha." Malambing na sabi ni Pancho malapit sa tainga ni Consing. Ngunit nainis si Consing sa sinabi ni Pancho kaya buong pwersa niyang k

