The Initiation

2036 Words
Drei POV Ehmegesh self! Ba’t ba kasi pumayag ka sa alok ng mga classy group? Parang bibitayin na ako ngayong araw! Kinakabahan talaga ako. Ano kayang isusuot ko? Baka maging katawa-tawa lang ako sa kanila? Just be yourself Drei. Ignore mo na lang if ever mabaduyan sila sa’yo. Aja! “Drei may bumubusina sa labas.” Halos tumindig ang balahibo ko sa narinig ko. Lord please help me. Kaya ko ‘to. Hinga nang malalim self. “Loley, may gagawin lang kaming group project sa bahay ng classmate ko. Uuwi rin ako agad ‘pag natapos namin.” “H’wag kang magpapagabi ha?” “Opo! Alis na po ako Loley.” Bumaba na ako. Tumambad sa harap ko ang pulang kotse na magara. Mapapa-sana all na lang talaga ako. ? Pagbaba ng windshield dumungaw ang artistahing babaeng nakashades. “Hi Drei!” Bati niya saka kumaway. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Cha. Sa kanilang magbabarkada siya ang pinakasopistikada. Kahit anong style ng damit nababagay sa kanya. Ash blonde ang kulay ng buhok niyang mahaba na nakadagdag sa awra niyang parang barbie. Siguro siya ‘yong pambato nila lagi sa beauty pageant. “Hello, pasensya na kung napaghintay ko kayo.” “It’s okay. Hindi naman tayo nagmamadali eh. Sakay na!” Pinagbuksan naman ako ni Je. “Join na cyst! This will be exzooiiitiingg!” Sigaw niya then tumabi ako sa kanya. Sa kanilang group si Je ang petit. ? Napagkaitan man ng height pero bawing-bawi naman sa kacute’an. “I like your OOTD ghourl! Alam ko na kung anong favorite sport mo. Horseback riding anetch? Taray ng boots! Haha!” Puri naman sa’kin ni Myka. Nasa harap siya, magkatabi sila ni Cha. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yon o kabaliktaran. Siya kasi ‘yong prangkang magsalita sa kanilang magbabarkada. “Ok ka lang Drei?” Nag-aalalang tanong naman ni Julz. Napansin niya sigurong aloof ako dahil parang hindi ako komportable sa suot ko and at the same time nahihiya ako sa kanila. Si Julz ang pinakatahimik sa kanilang lahat kaya bihira ko lang marinig ang boses niya sa klase. Tumango na lang ako pero hindi talaga ako kampante. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili. At dahil narito na ako, come what may! “Ok so lezzzz goooowww!!!” Sigaw ni Cha saka pinaharurot ang sasakyan. After a few minutes nakarating na kami sa bahay nila. “We’re finally here!” Sigaw ni Je na ikinagulat ko. Kaliit na tao pero ang lakas ng boses. Mas malakas pa sa chipmunks char! ? Pinagbuksan kami ng maid at masayang sinalubong. Halos malula ako sa sobrang laki ng mansyon. Nagtataka ako kung bakit hindi pa namin kasama si Aurea. Sumunod lang ako sa kanila saka napapalingon sa mga disenyo at display ng bahay. Hindi ko mapigilan ang mapahanga. Pero hindi ko ‘yon pinahalata. Dumiretso kami sa kwarto ni Cha. Pagbukas ng pinto’y bumungad sa’min si Aurea na nasa harap ng malaking salamin. Pagharap niya’y para akong nakakita ng isang napakagandang manikin. Para siyang isang barbie. Barbieque charot! ? ——————————————————— Aurea POV “Nice to see you Drei.” Nakangiting bungad ko sa kanya. “Nice to see you too Aurea.” Tugon niya saka matipid na ngumiti. “Are you ready for the first initiation?” Napakamot siya sa ulo. Pagkuway tumango rin. “Wait bago tayo magsimula pwede bang magmeryenda muna tayo? Nagugutom na ako.” Reklamo ni Myka. “Sinabihan ko na si manang Mari na magdala ng meryenda besh.” Sagot naman ni Cha. “Cha paopen ng wifi magcoconnect ako. Kailangan ko kasing abutin ‘yong score sa nilalaro kong games.” Request naman ni Je. “Ako rin!” Sabad naman ni Julz. “Worry not. Kanina pa nakaopen ang wifi magconnect lang kayo.” So ‘yon akala ko pa naman kasama ko sila sa unang initiation ni Drei pero mukhang iba ‘yong pinuntahan nila rito. Hayyssst! Mabuti na lang nariyan si Cha. Siya kasi ang maasahan ko pagdating sa pagmemakeover. Magaling siyang mag-ayos sa sarili lalo na sa pananamit. Sa kanya ako minsan nagtatanong kung nababagay ba ang suot ko kasi magaling siyang mangilatis ng outfit. “Drei come over here.” Pinaupo ko siya sa harap ng salamin. “Hindi pwedeng maganda ka lang dahil sa classy group dapat nangingibabaw ang kagandahan natin compared to other group. So for your first initiation, kailangan mong matutong ayusin ang sarili.” “Yeah right.” Sang-ayon naman ni Cha na papalapit sa amin. Nanlaki ang mga mata niya nang buksan ni Cha ang box na punum-puno ng iba’t ibang uri ng makeup kit. “For the first session, kailangan mong mamemorize ang tawag sa mga kit na ‘yan at kung paano gagamitin.” Paliwanang ni Cha. “Lahat ng ‘yan?” Alanganin niyang tugon. “Yup so focus lang cyst.” Nagsimula na ang make-up tutorial. Hindi naman nahirapan si Cha dahil matalino nga si Drei. Nagmumukha nga lang siyang ignorante dahil ngayon lang siya naexpose sa mga bagay na ‘yon. Lihim naman akong napapatawa. “Tadaaaaa!!! Drei version 2.0!” Pagmamayabang ni Cha. Napatigil naman sa paglamon si Myka. “Parang hindi pantay ‘yong kilay niya. Bawasan mo nang konti ‘yong kaliwa.” Puna niya. “Sakto lang ee.” Sabad naman ni Je. “Oo ok na yan.” Sang-ayon naman ni Julz. Pinagmasdan ko namang mabuti ‘yong mukha ni Drei. “Ok good! Nagmukha ka nang tao charot! Naglevel-up ka na kahit papano.” Komento ko kahit na alam kong napakaganda talaga niya. Hindi nga nagkamali si Cha ng assessment. “This time tuturuan naman kita kung paano magdala ng outfit.” Nagpunta silang dalawa sa closet. Tumambad doon ang magagaramg outfit ni Cha na nagpamangha na naman sa kanya. “Wow! Grabe sa’yo lahat ng damit na ‘to?” “Yup. Minsan ko lang ginamit ‘yang mga yan so kung ano mang magustuhan mo riyan ibibigay ko sa’yo for free.” “Pero nakakahiya naman sa inyo?” “Sus ‘wag ka nang mahiya ate ghourl!” Direktang saad ni Myka. “Ok pumili ka na.” Utos ko. Nang makapili siya’y isa-isa niya ‘tong isunuot. Una niyang isinuot ang formal dress. “Hindi bagay. Parang office girl.” Puna ni Je. Napahalakhak naman si Myka. “Next.” Paglabas niya’y suot niya ang jumpsuit. “Taray te para kang si Romina Mondragonfruit este Mondragon pala. Haha!” Puna ni Myka. Pinigilan ko ang sarili kong matawa. “Next.” Skinny jeans at croptop naman ngayon ang suot niya. “Cyst ‘yong tiyan kailangan mong paliitin para magmukhang sexy.” Puna naman ni Julz Konting-konti na lang talaga’y mapapatawa na ako pero not this time baka magquit si ate ghourl. Paglalaruan muna namin siya. “Next.” Wika ko na parang naiinip na. “Perfect!” Sigaw ni Cha nang lumabas si Drei. Napanganga naman ang tatlo nang mapagmasdan nila si Drei. Suot nito ang floral dress na pink na bumagay talaga sa kanya. “Ayy Barbie sabi ko na!” Sigaw naman ni Myka. “Parang wildflower kulang na lang ang gubat na background.” Saad naman ni Je. Nagthumbs up naman si Julz. Well, sa gubat nga dapat siya nababagay. “Ok. That’s all for today. Nice look, nice outfit. Not bad. Pasado ka sa dalawang initiation.” Walang gana kong wika. “Good job Drei!” “T-thank you Aurea at sa inyo classy group lalong-lalo na kay Cha.” “Last initiation na bukas so be here at exactly 8:00.” “S-sige. Maraming salamat talaga. Marami akong natutunan ngayong araw na ‘to dahil sa inyo. And Cha salamat sa makeup kit at dress. Tatanawin ko ‘tong utang na loob sa inyo.” “You’re always welcome Drei.” Tugon naman ni Cha. “Ihahatid na kita.” Alok ko sa kanya. Hindi naman siya tumanggi. Thank us now, but goodbye later! Unti-unti na naming nakukuha ang loob mo. So be ready sa mga susunod pang eksena ghourl! ——————————————————— Drei POV Umupo ako sa front seat tabi ni Aurea. Akala ko’y katapusan ko na pero mali ang aking akala. Mabait at masaya rin pala silang kasama. Ngayon ko lang naranasang magkaroon ng katulad nilang kaibigan. Hindi ako nagsising tanggapin ang alok nila na mapabilang sa classy group. Mahirap nga lang pero nasa period of adjustment pa lang ako. Last initiation na bukas kaya kailangan ko ‘yong paghandaan. Pinaandar na ni Aurea ang sasakyan. Habang kami’y papalayo ay napagawi ang tingin ko sa side mirror. Nakita ko si Cha na parang may isinesenyas. Kitang-kita ko ang pangamba sa kanyang mukha. “Aurea parang may problema si Cha?” Alanganing saad ko kay Aurea. Pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Papalabas na kami ng gate ng mga sandaling ‘yon at hindi ko na rin maaninag sa side mirror ang imahe ni Cha. Nagtaka ako saka ibinaling ang tingin kay Aurea. Ngumisi lang siya. Binilisan niya ang pagpapatabko sa kotse na halos kapusin ako sa paghinga. “A-aurea anong ginagawa mo?!” Natatarantang tanong ko pero hindi siya sumasagot. Kakaiba ang ngiting namutawi sa kanyang mga labi. Nakaramdam ako ng takot. “Aurea baka mabangga tayo!” “WAHAHAHAHAA!!!” Mas lalo akong nanginig sa lakas ng tawa niya. “Kasalanan mo ‘to Drei! Lahat na lang inaangkin mo!” “Wa-wala akong alam sa mga pinagsasabi mo Aurea please lang itigil mo ang sasakyan!” Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko dahil sa nerbyos. Bigla siyang nagpreno kaya nauntog ang ulo ko sa salamin. Unti-unting nagdilim ang aking paningin. Nang magkaroon ako nang malay ay nakaramdam ako ng matinding kirot. Ramdam ko rin ang pagdaloy ng dugo sa aking mukha. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nakagapos ang mga paa at kamay ko. Hindi ko rin magawang humingi ng saklolo dahil sa nakadikit na packing tape sa bibig ko. Tanging ungol lang ang pumapalahaw sa madilim na silid na kinaroroonan ko. Nasilaw ako nang biglang bumukas ang ilaw kaya napapikit ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. May naaaninag akong tao na papalapit sa aking kinaroroonan ngunit malabo ang aking paningin. Nang makalapit sa aki’y unti-unting luminaw ang kanyang imahe. Laking gulat ko nang tumambad ang mukha ni Aurea! “Hahaha! Masyado ka kasing agaw eksena ghourl. Kung hindi ka sana dumating, wala sanang makakaagaw sa korona ko!” Galit na saad niya. “Kaya ang dapat sa’yo ay mawala na nang tuluyan! Wahahahaa!” Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawang masama. Diyos ko malamang katapusan ko na ‘to. Dumaloy na ang masaganang luha sa aking mga mata. Tumingin ako sa kanya na nagmamakaawa ngunit wala akong ibang mababakas na reaksyon sa kanya kundi galit. May dala-dala siyang galon at lighter. Susunugin kaya niya ako nang buhay? Sana hindi na lang ako nagtiwala sa kanya. Tama nga ang kutob ko kaninang nakita ko si Cha na parang may masamang mangyayari ngunit huli na. Bilang na ang aking oras. “Bukas magiging laman ng balita na bumangga ang kotse ko saka sumabog ngunit ako lang ang nakaligtas. Hahahaha!” Ibinuhos na niya ang gasolina sa katawan ko. Lalong humapdi ang sugat sa aking noo. Sinindihan na niya ang lighter na hawak niya. “Welcome to hell Drei” Wika niya saka binitiwan ang hawak niyang lighter. Sumiklab naman ang apoy saka gumapang sa buo kong katawan. Ramdam ko ang init. “Hayop ka Aurea! Isinusumpa kong magkikita tayo sa impyerno! Aaaaaaahhhhhhh!!!” . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Char lang! Haha ? Gawa lang ‘yon ng pag-ooverthink ko. Practice lang ‘yon. What if gano’n nga ang nangyaring eksena? Pero syempre hindi mangyayari ‘yon dahil isa ako sa mga bida rito pwede ba?! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD