Aurea POV
Katatapos lang ng klase namin at sakto namang breaktime. Lumabas na ang lahat maliban sa aming lima na classy group. Sinenyasan ko na si Je. Pumunta naman siya sa upuan ni transferee saka inilagay sa loob ng bag niya ang pink envelope. ‘Yon ay isang invitation para sa mga bagong miyembro ng classy group. Maswerte ka kapag isa ka sa mga nakatanggap no’n dahil isa sa mga sikat ang grupo namin sa buong campus. Marami ang nangangarap na makasali sa grupo namin pero karamihan ay nabibigo dahil hindi sila pasado sa initiation. Take note hindi ‘to tulad ng sorority na may paddle. Simple lang, una dapat maganda ka. Pangalawa dapat may pagka-sossy ang galaw. Pangatlo, sumusunod sa mga fashion trend. Pang-apat, habulin ng mga boys pero never magkakajowa dahil isa sa goal ng mga classy group ay ang mambasted ng mga feeling gwapo na mga lalake. Panghuli syempre brainy! Malalaman ko after class kung papayag si transferee sa invitation namin.
———————————————————
Drei POV
“Bring out 1/2 sheet of paper and we will have a quiz.” Utos ng english teacher namin.
Kinuha ko naman ang papel ko sa bag ngunit nang buksan ko’y bumungad sa akin ang pink envelope. Ano kaya ‘to? Love letter kaya ‘to? Kanino ‘to galing? Kinuha ko ‘yon saka binuksan.
“CONGRATULATIONS! You are invited to join our CLASSY GROUP. We’ll be waiting for you at the rooftop at 5:30 pm.”
Kinabahan ako sa nabasa ko. Bakit kaya gustong nilang isali ako sa kanilang grupo? Tumingin ako sa kinaroroonan ni Aurea. Nagulat pa ako nang saktong nakatingin din siya sa akin. Nagwink lang siya saka ngumiti. Alanganing ngiti naman ang naitugon ko.
Tapos na ang last period. Palabas na ang iba kong mga kaklase. Hinanap ng mata ko ang mga classy group pero nakaalis na sila. Nagdadalawang isip naman ako kung tatanggapin ko ‘yong alok nila o hindi.
“Uyy hindi ka pa ba uuwi muse? Sigaw ni Covey na papalabas na.
“Mamaya pa may kukunin kasi akong libro sa library.” Pagsisinungaling ko.
“Samahan na kita gusto mo?”
“Ayiieeeee!” Tukso naman ng mga natira pang classmate namin.
Namula naman ang mukha ko pero ‘di ko pinahalata. Feeling close lang kasi si kuya.
Umiling ako bilang tugon kaya lumabas na siya ng classroom.
Napabuntong hininga ako saka binasa ulit ang laman ng pink envelope. Bigla namang itong inagaw ni Betty, isa sa mga kasama namin sa grupong kinabibilangan ko.
“Wow ghourl ba’t may hawak kang pink envelope?”
“Ahh...”
“Naks ang ganda mo talaga ghourl! Invited ka sa classy group. How I wish ako rin!”
“Nagdadalawang isip nga ako kung magjojoin ba ako o hindi.”
“Hayy naku kung ako sa’yo, join ako cyst! Alam mo bang sikat sa buong campus ang group nila Aurea. Magiging isa kana rin sa mga Goddess. Bongga ka cyst!”
“Ha?”
“Oh siya goodluck sana lang makapasa ka sa initiation.”
“May initiation?”
“Oo pero kayang-kaya mo ‘yan cyst matalino ka naman ee.”
Tuluyan na akong iniwan ni Betty. OMG! May initiation pa pala?
“Ahh Betty pa’no ‘pag hindi ko tinanggap ‘yong offer?” Pahabol kong tanong. Sumenyas lang siya ng gunshot sa kanyang ulo. Paktay! Tiningna ko ‘yong oras, 5 minutes na lang bago mag-5:30. Hayyst bahala na.
———————————————————
Aurea POV
Isang minuto na lang ang natitira.
“Hala pa’no kung hindi pupunta si Drei?” Tanong ni Cha.
“Alam niyo naman siguro kung anong kahahantungan niya.” Mataray kong wika.
Nagsimula na akong magcountdown.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
“Look who’s here!” Sigaw ni Myka.
Paglingon ko’y nakita ko nang paparating si transferee. Lihim naman akong napangiti. Humanda ka ate ghourl!
“Hi Drei!” Masayang salubong ni Je.
“Welcome to the group!” Bati naman ni Julz.
“Oopss not yet girls.” Sabad naman ni Cha.
“Hello sa inyo.” Nahihiyang bati niya sa aming lahat. Nakipagbesohan naman ang apat maliban sa ‘kin.
Lumapit ako sa kanya na nakangiti. Kabado naman ang reaksyon niya habang papalapit ako. Pilit lamang ang kanyang nga ngiti.
“Welcome Drei.” Wika ko saka iniabot ang aking kamay. Nanginginig naman ito nakipagkamay.
“You almost have the quality kaya ka namin ininvite sa group namin. Maganda ka at matalino.” Diretsahan kong tugon. Nakatingin lang siya sa akin na parang maamong aso.
“Konting make over lang naman ang pagdadaanan mo before we officially announce na ikaw ay member na ng classy group. Are you willing to take the risk or quit?”
“Ahhh ehh.” Nanginginig ang kanyang mga labi.
“Don’t worry ghourl wala namang paddle. Tuturuan ka lang namin kung paano magdala ganern!” Wika ni Myka na ikinagulat niya.
“O-oo!” Mabilis na tugon niya.
Napalakpakan kaming lahat.
“At dahil weekend bukas, sisimulan natin ang initiation sa bahay nila Cha.” Dagdag ni Julz.
“At exactly 8:00 dapat nakaready ka na dahil susunduin ka namin.” Wika naman ni Je.
“See you tomorrow Drei!” ?