Humanda ka Drei!

769 Words
Aurea POV Matagal na akong nakaharap sa salamin. Pinag-iisipan ko kung maglalagay pa ba ako ng makeup. Nakakainis kasi si Cha! So dapat simply pretty lang. Dapat ‘yong kakaibang awra. Shet naman pa’no ko ba magagawa sa sarili ko ‘yon eh nasanay akong may makeup? Hayysst bahala na! “Whoaah?! Aurea is this really you?” Takang tanong ni Myka. Tumango lang ako saka tipid na ngumiti bilang tugon. “Parang may kakaiba sa awra mo ngayon.” Dagdag ni Je. Eto na! Napapansin na nila ‘yong panibago kong awra! “Oo nga parang may kulang.” Sabad naman ni Julz. Tsk. Tsk. So anong ibig nilang sabihin? Pangit kaya ako today? “Hay naku mga besh mukhang naimpluwensyahan siya ni ate ghourl na transfe...” Tinakpan ko ‘yong bunganga ni Cha. “Pwede ba ‘wag kang maingay!” Pabulong ngunit mariin kong sagot kay Cha. “Ano ba talaga assessment ninyo sa awra ko ngayon bagay ko ba kapag walang masyadong makeup? Pulbos lang at liptint ginamit ko today.” “Ahhhh...” Hindi sila makasagot nang maayos sa’kin. Kinakabahan na ako baka maging katawa-tawa ako sa klase. “Alam mo cyst, mas sanay kasi kaming naka-makeup ka.” Paliwanang ni Myka. “So what do you mean, am I ugly today?” “That’s not what I mean. Just be yourself kasi. Magkaiba kayo ng awra ni ate ghourl.” “Don’t worry, mas maganda ka pa rin kaysa sa kanya.” Sabi ni Julz saka tinapik ang balikat ko. Hayysst ano ba kasing nangyayari sa’kin. Nai-stress talaga ako kapag ganitong meron akong kakompetensya! Nagsiupuan na kaming lahat nang pumasok si sir. “Ok class may I just announce the result of your seatwork yesterday.” Kinakabahan ako. I expect na dapat ako ang highest. “Congats to Ms...” Heto na, ready na akong marinig ang pangalan ko. “Ms. Santos.” Para akong binagsakan ng langit sa narinig ko! Sino si Ms. Santos? Nagulat ako nang tumayo si transferee! Nagpalakpakan naman ang lahat. “She got a perfect score!” OMG! Noooooooo!!! “Wow ang galing naman ni Drei.” “Oo nga, akala ko si Aurea na naman ang highest.” “Pa’no ‘yan may katapat na talaga siya.” Nainis ako sa mga narinig ko. Ito na ‘yong kinakatakutan ko! Baka tuluyan nang maagaw ng transferee na ‘to ang korona ko. “Then followed by Ms. Aurea and Mr. Covey isa lang ang mistake nila.” Mabilis kong kinuha ang papel ko saka tiningnan ‘yong mali ko. “Sir ba’t po mali ‘yong number 2?” Reklamo ko. “Tama ‘yong solution mo pero mali ‘yong sagot.” Hinablot ko ‘yong papel ni transferee saka pinagkumpara ko ang aming papel. Juice colored! Mali nga ‘yong computation ko. Nacrample ko ‘yong papel ni transferee dahil sa inis. “Ooppss sorry, I thougt it was may paper.” Sarkastikong wika ko saka ibinalik sa kanya ang papel. Napakamot ng ulo si Sir Jei Yu. Wala namang kaimik-imik si transferee. Subukan niyang magreklamo at baka ipakain ko pa sa kanya ‘yong papel. Charot! ?✌? I need to be careful this time. Hindi na ako masaya sa mga nangyayari. Dumating na ang kinatatakutan ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi niya ako matalbugan. After ng class, nagpatawag ako ng emergency meeting naming mga classy group. Nasa rooftop kami ng department namin. “Ok girls, alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag.” “Yeah right!” Si Cha. “Is it because of the transferee?” Tanong ni Myka. “Bingo!” Sang-ayon naman ni Je. “Why?” Nagtatakang tanong naman ni Julz. “Alam niyo naman na siguro ang ugali ko right? Ayokong may kaagaw ng atensyon. Ayokong nilalamangan at ayokong maagaw ang korona ko!” Gigil kong wika. “So what’s the plan?” Tanong ni Cha. “Isasali natin sa grupo si Drei!” “What?!” Gulat nilang tanong nang sabay-sabay. “Yes! Kakaibiganin natin siya hanggang sa mapabilang siya sa ating grupo.” “And then?” Tanong ni Myka. “Paglalaruan natin ang buhay niya hanggang sa magsawa siya rito’t bumalik na sa kanila.” “Hala kawawa naman si ate ghourl.” Tugon ni Je. Siya kasi ‘yong may malambot ang puso sa aming grupo. “No need to worry. Magiging mabait naman tayo sa kanya para makuha ang loob niya hanggang sa pagsisihan niyang nagtransfer siya rito hahaha!” Starting tomorrow. Humanda ka ate ghourl! *evil smile*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD