Covey POV
Natatawa talaga ako sa naging reaction ni Aurea. Ang sarap niyang asarin lalo na ‘pag napipikon. ? So I was elected as escort of our class. Iba talaga ‘pag pogi hehe. Nang sumunod na ang pag-elect ng muse parang nagflashback ang pangyayari nang matumba ako dahil sa pagbunggo sa’kin ng isang babae. And if I’m not mistaken, siya ‘yong bagong muse namin.
Tinawag na kami na naelect para sa aming short message. Nang paharap na kami’y napansin kong nakayukong pumaharap ‘yong muse. Iniiwasan kaya niya ako? Ba’t kaya siya naelect na muse? Hindi ko naman siya napansin na maganda. Makilatis nga.
Magkatabi kami sa harap. Nakayuko pa rin siya. Siniko ko siya.
“Ayy.”
“Natatandaan mo ba ako?”
“Ah eh hindi ah B-bakit mo natanong?”
Nakayuko pa rin siya at ayaw makipagtama ng tingin sa’kin.
“Wala ka ba talagang maalala? Hindi mo ba kilala kung sino ‘yong binunggo mo yesterday?”
“Ha?” Gulat na reaksiyon niya saka napatingin sa’kin.
Para natangay naman ang diwa ko sa awra niya. Para akong nakakita ng isang anghel. Napakaamo ng kanyang mukha. Matagal akong napatitig sa kanya.
“Hello?” Wika niya na ikinagising ng aking diwa. Hindi ko naman ipinahalatang nabighani ako sa kanyang karisma.
“So ikaw nga ‘yong nakabunggo ko na nagmamadaling umalis?” Seryosong tanong ko. Bigla namang namula ang kanyang pisngi.
“Ah eh sorry ha? Baguhan lang kasi ako rito kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot that time and hinahabol ko rin ‘yong first period kasi late na akong pumasok. Sorry talaga ha?”
Parang lumambot naman ang puso ko sa pagpapaliwanag niya.
*Tsug...Tsug...Tsug...*
Wait anong nangyayari sa’kin ba’t bumibilis ang t***k ng puso ko?
Hoy Covey anong nangyayari sa’yo? Gumising ka nga ‘wag mong sabihing tinamaan ka na sa babaeng ‘to? Gising self!
Kunwari namang nagsungit-sungitan ako baka mahalata kasi niyang natetense na ako sa kanya.
“Sa susunod alamin mo kung sinong binabangga mo ah? Pasalamat ka mabait pa ako that time baka kung ano pang magawa ko sa’yo.”
“So ibig sabihin ba no’n bakla ka?”
“Anong bakla?!”
“Eh kasi bakla lang ang pumapatol sa babae.”
“Anong...”
“It’s your turn Mr. Escort!” Mataray na wika ni Aurea.
“Ahh I just wanna say thank you for voting me as your escort. I promise that I will do my responsibility the best I can.”
Lokong President ‘to ah parang isang dipang langit ang galit sa’kin. ‘Di tuloy ako nakaganti sa muse namin. FYI hindi po ako bakla! ?
———————————————————-
Aurea POV
After ng election, nagturo na ang adviser namin. I’m not disappointed to him kasi sobrang galing niyang magturo. Mali ‘yong first impression ko sa kanya. Gusto ko ‘yong part na binibigyan niya ng value ‘yong lesson. Humuhugot ‘din si Sir Jei Yu. May lovelife na kaya siya? ? Luhh bat ba napunta sa isip ko ‘yon? ?
Todo recite naman ako sa discussion. Hindi rin nagpahuli ‘yong unggoy! Nakikipagdebatehan pa ng solution. ‘Yong transferee naman tahimik lang. Pero kapag tinatawag ni Sir, sumasagot naman siya.
Nagtataka ako kung bakit parang magkakilala na ‘yong dalawa. Kaninang presentation ng mga new elected officer napansin kong may pinag-uusapan silang dalawa? I’m curious. ?
“Cha, ano naman ang masasabi ninyo sa bagong classmate natin?” Tanong ko.
“Si Covey? Hmmm ok naman siya. Gwapo pero parang mayabang.”
“No, hindi siya. Alam kong feeling gwapo lang ‘yan saka nagpapa-impress pero seriously nagmumukha siyang unggoy!”
“Bakit meron pa bang new classmate?” Takang tanong ni Cha.
“Yeah. She’s a transferee. ‘Yong bagong muse natin. Matanong ko lang, maganda ba talaga siya?”
Tumingin sa likod si Cha na parang sinuri ang kabuuan ni ate ghorl.
“Base on my evaluation besh, simple lang siya pero maganda rin naman.”
Lihim naman akong napangiti.
“How about me?”
“Sus besh wala nang makakatalo sa ganda mo!”
Abot-tenga naman ang pinakawalan kong ngiti.
“Pero...”
Naudlot ang ngiti ko.
“Pero, ano?” Nagtatakang tanong ko.
“Kakaiba kasi ‘yong beauty ni ate ghorl. Pang-exotic beauty.”
“What do you mean by exotic beauty?
“Rare ang awra niya besh. Kumbaga ‘yong beauty mo lutang na lutang na. I mean common. Pero si ate ghorl, simple lang siya pero maganda na, how much more kung magdala siya tulad mo?”
Kinabahan ako sa sinabi ni Cha. Kapa nakurot ko siya.
“Ouch!”
“Quiet!” Sita ni Sir Jei Yu dahil napalakas ang boses ni Cha. On going ang individual seatwork namin.
“Ang ingay mo kasi.” Bulong ko kay Cha.
“Eh ba’t mo ‘ko kinurot? Sinasabi ko lang naman kasi ang totoo eh.”
Napabuntong hininga ako. Mukhang may kaagaw na ako ng Korona!
———————————————————-
Drei POV
Pagpasok pa lang ng bagong classmate namin, kinabahan na ako. Siya ‘yong lalakeng nakabangga ko! Yumuko lang ako para hindi niya ako mapansin. Sana hindi siya uupo rito sa likod.
Sa wakas nabawasan ang kaba ko nang pinaupo siya ng adviser namin sa harap. Magkatapat sila ni Aurea. Parang magkaaway silang dalawa dahil iniirapan ni Aurea si Covey. May something kaya sa kanila? Ex-boyfriend kaya ni Aurea si Covey? Siguro oo kasi maganda naman si Aurea saka gwapo naman si Covey. Perfect match silang dalawa. Teka ba’t napunta ‘don ang pag-iisip ko? Advance mag-isip self?
Si Aurea ang napiling president ng klase. Fluent siyang magsalita ng english at napakaismarte niya. Bagay na bagay nga sa kanya ang position na ‘yon. Napakapowerful ng awra niya pero nakakatakot minsan lalo na kapag nagtataas siya ng kilay.
Si Covey naman ang nahalal na escort. Sa lahat naman kasi ng lalake sa klasrum, siya lang ang nangingibabaw.
Then nagulat ako nang ma-elect ako bilang muse! Gusto kong mag-object pero nahihiya ako. Wala rin akong lakas-loob na tumayo dahil makikilala ako for sure ni Covey.
Nang tawagin kami lahat, lalo akong kinabahan. Parang natatakot ang mga paa kong humakbang papuntang harap. Kaya mo ‘to self! Inhale! Exhale!
Nakayuko akong pumaharap saka tumabi kay Covey. Nabigla ako ng bigla niya akong kausapin. Ngunit hindi ko iniangat ang mukha ko sa kanya para hindi niya ako mahalata pero buking na ako kaya wala na akong magagawa.
Tumingin ako sa kanya. Napatitig lang siya sa akin na walang kibo.
“Hello?” Nagulat siya sa pagpukaw ko ng kanyang atensyon.
Seryoso siyang nagsalita kaya humingi ako ng sorry sa kanya. Natakot ako sa sinabi niyang baka kung ano pang magawa niya sa’kin kaya tinanong ko kung bakla ba siya?
Mabuti na lang at tinawag na siya ni Aurea.
After kong magpasalamat dali-dali na akong bumalik sa upuan ko. Nagsimula nang magklase si Sir.
Nagulat ako nang may sinita si Sir sa harapan dahil sa kanilang ingay habang may seatwork kami. Napansin ko namang nakatingin sa’kin ang grupo nina Aurea. Kinabahan na naman ako. Ano kayang iniisip ng mga ‘yon. Daan kaya ako sa initiation. Juice colored!