Dark Secret

1277 Words
Aurea POV Nagulat ang lahat nang sabay kaming pumasok ni Drei. “Omo! Si Drei ba ‘yon?” “Para silang kambal ni Aurea!” “Sana all member ng classy group!” Kambal? May pagkakahawig ba kami? “Whoah! Muse ikaw na ba ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Covey. Ngumiti lang si Drei. Sino ba naman ang hindi mapapahanga sa bagong transformation niya. Thanks to us! “Hoy ba’t ‘di kayo pumasok kahapon?” Sita ni Myka. “Alam niyo bang nagbigay ng long quiz si Ma’am Espi kahapon sa Filipino?” Sabad naman ni Je. “Nevermind, ang mahalaga ay importante! Char! Basta mahabang story.” “Uyy Drei ang laki ng ipinagbago mo ah.” Puri naman ni Julz. “It’s all because of you guys! Maraming salamat lalong-lalo na kay Cha na naging mentor ko.” “Small thing! Haha!” Tugon naman ni Cha. Then nagsimula na ang klase. Katabi na namin si Drei. Lima na kami sa grupo and I’m sure hindi na worst nightmare ang magiging memories ni Drei dahil nakapagpasya na ako. Road to friends forever na itiz! ? Hindi ko nga lang alam kung paano ko ipapaliwanag ito sa mga classy group pero I’m sure maiintindihan din nila. Mabilis nga namang lumipas ang panahon. First day of school lang dati and now katatapos lang ng 1st quarter. Tatlo kaming pasok sa with high honors. Me, Drei at si Covey. Mayabang si Covey pero may angking talino. Syempre hindi naman pahuhuli ang classy group pagdating sa with honors! Remember isa sa mga qualification namin dapat brainy! Papalapit na ang Intrams. Si Covey ang napiling isabak sa Mr. Sports. Napili naman kami na Classy group na magsilbing Pageant Organizer. Tumanggi naman si Drei na isabak sa Ms. Sports kaya nirekomenda ko siyang maging emcee. “Aurea matindi ang stage fright ko baka hindi ko kaya.” “Drei may tiwala kami sa’yo. Don’t worry narito naman kami para gabayan ka.” Nagtiwala naman siya sa’min kaya pumayag na rin siya. Si Cha naman ang nanalong Ms. Sports 2019 kaya siya ang magte-turnover ng crown. Nagsimula na kaming gumalaw ng kanya-kanya naming task. Abala naman kami ni Drei sa pag-eensayo niyang bumigkas ng script. Do’n na nagsimula ang bonding namin. Hanggang sa tuluyan na kaming naging close sa isa’t isa. Bukas na ang intrams kaya abala na kaming lahat sa kinabibilangan naming committee. Hindi ko na nasubaybayan pa si Drei dahil last practice na ng mga candidates. Hindi na rin kami nagkita buong maghapon kaya nang makauwi ako’y nagchat ako sa kanya. “Drei, I’m sorry kung hindi na kita napractice kanina abala kasi kami sa rehearsal ng mga candidates. Alam kong kaya mo ‘yan and I trust you. Goodluck sissy! ???” “Ok lang ‘yon alam kong busy ka kaya hindi na rin kita inabala. Thank you sissy. ?” ——————————————————— Drei POV Mabilis ang pitik ng pulso ko. Kinakabahan talaga ako dahil first time kong mag-emcee sa napakaraming tao. Hinahanap ko si Aurea pero hindi ko makita kahit na anino niya. Nasa’n kaya siya? Siguro abala siya o baka nasa backstage siya kasama ang mga candidates. Hayysst! Hindi ko alam kung paano magsisimula sana narito si Aurea. 5 minutes na lang at magsisimula na ang pageant. Huminga ako nang malalim. Kaya ko ‘to! “Good evening! Welcome to the search for Mr. and Ms. Sports 2020. Let us all witness the candidates in their production number!” Nakakabinging hiyawan ang umalingawngaw sa stage. Lalo pang lumakas nang lumabas na ang mga candidates. Nakatingin lang ako kay Covey. Grabe ang gwapo niya talaga! Isa siya sa mga tinitilian ng mga audience. Palihim naman akong nagchi-cheer sa kanya. Isa siya sa mga nangingibabaw sa lahat ng mga candidates na lalake. Marami sigurong nagkakandarapang babae sa kanya. Gwapo at matalino naman siya ‘yon nga lang may pagkamayabang. Pagkatapos ng production number sumunod nilang appearance ang street casual at ang huli ay ang sports attire. Nakuha ni Covey ang Best in Street Casual at Mr. Ramp model. Tuwang-tuwa naman ako sa kanya dahil nirerepresenta niya ang buong department namin. “Go Covey!” Sigaw ko tuwing nakakahakot siya ng award. “At this juncture, we will now announce the top 5 who will be competing in the Q&A portion.” Nanginginig kong binuklat ang resulta at sobrang saya ko naman nang makapasok si Covey sa top 5! After ng Q&A, nagbigay naman ng message ang CEO ng campus bago i-announce kung sino ang magwawagi. Ayokong tignan ang result ng Mr. Sports 2020 kaya ipinaubaya ko ‘yon sa partner ko. Ako naman ang mag-aanunsyo kung sino ang tatanghaling Ms. Sports 2020. At syempre hindi rin mawawala ang eksena ng Farewell walk ni Cha. Grabe! Talagang beauty queen ang kanyang awra. Napakafinest ng kanyang pagrampa. Parang si Catriona. Dumating na ang takdang oras para i-announce ang Mr. and Ms Sports 2020. “Our Mr. Sports 2020 is...” pambibitin ng partner ko. “Congratulations candidate number 3!” Nagtatalon ako sa tuwa! Panalo ang aming department! “Uyy ikaw na.” Wika naman ng kasama ko kaya nataranta naman ako. “A-and for our Ms. Sports 2020 is none other than candidate...” “Candidate number 9!” Sigaw ko ngunit parang nadismaya ang lahat. Pumaharap na si candidate number 9 na tuwang-tuwa. Umentrada naman si Cha para iputong ang corona. Bigla namang lumapit ang chairman ng mga hurado sa akin. “Ms. Si candidate number 6 dapat ang tatanghaling Ms. Sports 2020.” Napakamot-ulong wika nito. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko! Pagtingin ko sa resulta’y 6 pala ang nakasulat do’n at dahil sa pagmamadali ko’y baliktad ang pagkakabuklat ko sa papel na hawak ko. “Ahh e-excuse me. I-i have to apologize...” Biglang natigilan ang mga audience. Napatingin sa’kin ang mga candidates. “O-our Ms. Sports 2020 is c-candidate number 6.” Biglang naghiyawan ang mga audience. May mga narinig naman akong boooooooo. “I-I’m so sorry.” Ang tanging nasambit ko sa sobrang kahihiyan. Nagtatakbo akong umalis dahil hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Hiyang-hiya talaga ako sa nangyari. Siguradong magkakaroon ako ng bashers lalo na sa mga tagasuporta ni candidate number 9. Huhuhuhu! Humagulhol lang ako. Bigla kong naalala si Aurea. Tinawagan ko siya pero hindi ko macontact. Sabi ko na kasi ee hindi ko kaya pero pinush pa rin niya kasi ako. Huhuhuhu! Nagulat ako nang biglang may humawak sa aking kamay saka hinila papalayo. “T-teka, bitiwan mo ako!” “Ssshhhh... H’wag kang maingay.” “Sino ka ba at bakit mo ‘ko hinila?” Takang tanong ko habang pinapahid ang aking mga luha. “l’m Corona. ABM din ako pero sa ibang section. Alam mo bang naplano ‘tong nangyari sa’yong kahihiyan?” “A-ano?! Anong ibig mong sabihin?” “Ikaw ‘yong bagong member ng classy group right?” “O-oo.” “Don’t you know na plinano ng mga classy group na kunin ka nila sa kanilang group para igawan ka ng kahihiya?” “Ha?!” Tama ba ‘tong naririnig ko? May iplinay siyang voice memo sa phone niya. *Paglalaruan natin ang buhay niya hanggang sa magsawa siya rito’t bumalik na sa kanila* ‘Yon ang huling katagang narinig ko at kung hindi ako nagkakamali, boses ‘yon ni Aurea. Parang gustong sumabog ng puso ko sa galit! Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Lahat ng ginawa nilang mabuti ay puro pagpapanggap! Humanda sila sa’kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD