Drei POV
Umiiyak akong nagmukmok sa kwarto. Noong una palang ramdam kong may masamang plano sa’kin ang grupo ni Aurea. Nagtagumpay nga sila. Siguro nagse-celebrate na sila ngayon dahil sa pagkapahiya ko. Kung bakit napakadali kong magtiwala sa isang tao? From now on hindi-hindi na ako magtitiwala sa kahit na sino. Hindi na ako papayag na apihin ako. Lalaban na ako!
Biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, si Myka ‘yong tumatawag. Agad ko naman itong kinansela. Muling nagring ang phone ko, si Je naman ngayon pero pinatayan ko rin. Tumunog na naman pero dahil inis na inis ako sa kanila in-off ko na ‘yong phone ko. Hindi ko talaga sila mapapatawad sa kahihiyang ginawa nila sa’kin. Mabuti na lang at nalaman ko nang maaga.
Late akong nagising dahil weekend naman. Inopen ko ‘yong phone ko. Magkakasunod na text message ang natanggap ko. Para hindi masira ang araw ko pinatay ko ulit ‘yong phone ko. Puro kaplastikan lang din naman ang mga mababasa ko. Bumaba na ako’t nakita si loley na nagkakape.
“Oh Drei kumusta naman sa school niyo?”
“Hmmm... Loley pwede ba akong lumipat sa ibang school?”
“Bakit? Binibully ka ba nila sa school niyo?”
“Hindi naman po Loley pero nahihirapan po ako sa mga itinuturo ng mga teachers sobrang taas ng standard nila ang dami pang pinapagawang requirements.” Pagsisinungaling ko.
“Ayy naku Drei lahat naman ng school gano’n.”
“Pero Loley kapag hindi niyo ako ililipat ng school mas mabuti na lang pong tumigil na lang ako sa pag-aaral.”
“Jusko ang batang ‘to? Sige pero sa 2nd sem na.”
“Yehey! Thank you Loley.” Hinalikan ko siya sa pisngi saka niyakap.
“Loley kumusta po sina mama at papa?” Pag-iiba ko ng usapan. Bigla siyang napigilan sa paghigop ng kape saka bumuntong hininga.
“Naglayas daw ang ang mama mo.” Malungkot na saad niya.
Nadagdagan na naman ng bigat ang damdamin ko. Nagpaalam ako kay loley na pupunta ng CR dahil sumakit ‘yong tiyan ko. Pero ang totoo ibinuhos ko sa CR ang sama ng loob ko. Do’n ako umiyak. Patong-patong na ang problemang pinagdaraanan ko. Makakaya ko pa kaya? Buong araw na mugto ang mga mata ko dahil wala akong ibang ginawa kundi umiyak.
Kinabukasan sumama ako kay loley na nagsimba. Naliwanagan naman ang isip ko sa mga sermon ng pari. Buo na ang pasya ako. Iiwasan ko na ang classy group. Handa na ‘kong harapin ang mga pagsubok na darating. Kaya mo ‘to self!
Kkrrrrrrriiiiinnngggg!
Kinilabutan pa ako sa tunog ng alarm clock. Lunes na! Kaya ko bang harapin sila? Parang ayokong pumasok pero baka makahalata si Loley kaya napilitan akong bumangon. After kong maligo’y humarap ako sa salamin. Nakita ko ang mga makeup kits na binigay nila sa’kin. Kinuha ko ang mga ito saka ibinasura. Just be yourself Drei!
Matamlay akong pumasok sa school.
“Uyy ‘di ba siya yong emcee no’ng pageant?”
“Oo siya nga. Grabe ang galing niyang mag-emcee.”
Nagulat ako sa narinig ko. Inaasahan kong pag-uusapan nila ang pagkakamali ko.
Pagpasok ko sa classroom ay bumungad sa’kin ang mga dating kagroup ko.
“Uyy Drei ba’t ka umalis no’ng coronation ang galing mo pa manding mag-emcee.” Wika ni Gely.
“Oo nga.” Sang-ayon naman ni Lorie.
“Umalis ako dahil napahiya ako nang mali ang i-announce kong winner.” Malungkot na paliwanag ko.
“Sus hindi naman halata cyst. Alam mo bang pumunta ‘yong Chairman of the board of judges sa harap ng stage at humingi ng sorry?”
Nagulat ako sa sinabi ni Betty. Umiling na lang ako saka pumasok sa room.
“Good job Drei!” Bati sa’kin ng adviser namin.
“Ahh Sir? Sa’n po?”
“Sa pag-emcee mo. Ang galing mo pala.”
“Ahh thank you Sir.” Nahihiyang tugon ko.
Tumingin ako sa kinauupuan ng classy group. Himalang wala silang apat. Nagtaka rin ako dahil wala si Covey. Nasaan kaya sila?
Nagring na ‘yong bell. Hudyat na magsisimula na ang first period. Wala pa rin sina Aurea pati si Covey. Naupo na kaming lahat.
“Nasaan ang grupo nila Aurea?” Takang tanong ni Sir Jei Yu.
Walang sinuman ang ang nakasagot sa tanong niya.
“G-good morning Sir! Sorry I’m late.” Habol hiningang wika ni Covey.
“Congrats Covey!” Sabay-sabay namang bati ng mga classmate namin kasama si Sir.
“Thanks guys! Thank you Sir.”
“By the way, why are you late?” Tanong ni Sir.
“Ahh ee Sir dumaan pa kasi ako sa bahay nila Aurea.” Kamot-ulong paliwanag niya.
“Oo nga pala bakit hindi siya pumasok?”
“Hmmm... Sir, ahh... namatay po kasi ‘yong papa niya Sir.”
“Ano?!” Gulat na tanong ko kay Covey. Nagulat naman si Sir pati ang mga classmate ko.
“Kaya wala si Aurea noong pageant Sir kasi itinakbo sa ospital ‘yong papa niya.”
Kinilabutan ako sa mga narinig ko. Kaya pala hindi ko siya nakita noong araw na ‘yon. Inopen ko ‘yong phone ko. Doon ko lang nabasa ang mga message nila.
“Cyst punta ka ngayon sa bahay nila Aurea.” - Myka
“Patay na raw papa ni Aurea. Tara bisitahin natin siya.” - Cha
“Besh kailangan tayo ngayon ni Aurea may problema siyang pinagdaraanan.” - Je
“Drei ba’t ‘di macontact phone mo? Alam mo na ba ‘yong balita?” - Julz
Parang binabagabag ako ng aking konsensya. Bakit ba kasi nagpaniwala ako kaagad sa coRONAng ‘yon?
“Sir, I’m sorry.”
———————————————————
Aurea POV
Babawi ako kay Drei ngayon. Alam kong kinakabahan na siya dahil mamayang gabi na ang pageant. Siya naman ang aasikasuhin ko para sa final practice niya.
Papasok na ako sa school nang biglang nagring ang phone ko. Si Mamey Daize ang tumatawag.
“Hello mamey?”
“Anak...” garalgal ang boses niya sa kabilang linya. Kinabahan naman ako.
“Mamey bakit?”
“Nak ang dadey mo. Huhuhu!”
“Mamey anong nangyari kay dadey?”
Nagmadali akong pumunta sa ospital na kinaroroonan ni dadey. Pagkarating ko’y bumungad sa akin si mamey kausap ang doctor.
“I’m sorry for your lost Ma’am.”
Humagulhol na lang si mamey. Lumapit ako sa kanya saka niyakap. Hindi ko na rin namalayan na dumadaloy na pala ang masaganang luha sa aking pisngi.
“Anak ang dadey mo. Huhuhu!”
Nagwawala si mamey. Hindi ko alam kung paano siya patahanin. Niyakap ko lang siya nang mahigpit at napahagulhol na rin. Patay na ang dadey ko! Huhuhu!
Parang kailan lang nang mag-usap kami ni dadey sa phone at heto na siya’t wala nang buhay. Hindi ko man lang siya nayakap o nahagkan. Hindi ko man lang naipadama sa kanya o nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Napakasakit mawalan ng isang ama!
Sunud-sunod na text messages at calls ang natanggap ko mula sa classy group maliban kay Drei. Siguro’y hindi pa niya alam ang nangyari.
Dumating sa burol ni papa ang apat.
“Nasa’n si Drei?” Agad kong tanong.
“Natawagan ko siya kanina pero hindi na macontact ‘yong phone niya.” Sagot ni Myka.
“Tinxt ko na siya baka sakaling mabasa niya.” Tugon naman ni Je.
Niyakap nila ako. Muli na naman akong napahagulhol.
Kinabukasa’y sinubukan kong tawagan si Drei pero hindi macontact ang number niya. Bakit kaya nakapatay ang phone niya? Gusto ko siyang makita. Gusto kong damayan niya ako sa pinagdaraanan kong problema pero bigo ako.
Sumapit ang Linggo pero wala pa ring Drei na dumating. Nag-aalala na ako. Wala man lang kahit text message na natanggap ko mula sa kanya. Kumusta na kaya siya?
Pangatlong araw nang nakaburol si dadey. Hindi pumasok ang apat na kaibigan ko. Kasama ko lang sila maghapon. Inaaliw nila ako tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Kung may isa mang bisitang inaasahan kong dumating, ‘yon ay walang iba kundi si Drei. Biglang may taong bumisita. Umasa akong si Drei ‘yon pero si Covey ang bumungad.
“Nakikiramay ako Aurea.”
“Maraming salamat.” Sambit ko at tumulo na naman ang aking luha.
Hinagod naman ni Covey ang likod ko. Kahit papano’y naibsan naman ang bigat na nararamdaman ko.
Umaasa pa rin akong darating si Drei pero bigo pa rin ako. Sinubukan ko ulit siyang kontakin pero naka-off pa rin ang phone niya.
“Sige Aurea mauna na ako malelate na kasi ako sa klase.” Paalam ni Covey.
“Sige salamat. Kung makikita mo si Drei...Ahh h’wag na pala.”
Siguro nagtatampo ‘yon sa’kin kasi hindi kami nagkita no’ng pageant.
Dalawang oras na ang nakalipas. Nakaramdam ako ng antok dahil puyat ako kagabi. Nagpaalam ako sa classy group na matutulog muna ako saglit. Papanhik na sana ako sa kwarto nang marinig kong bumukas ang gate. Sumilip ako sa labas. Bigla akong nabuhayan nang makita ko si Drei. Patakbo itong lumapit sa’kin saka niyakap ako nang mahigpit.
“I’m sorry Aurea.”
Pareho na kaming napahagulhol. Lumapit naman ang apat at nakipagdamayan. After ng kadramahan nami’y nagpaalam ako kay mamey na magpahangin muna kami sa terrace sa itaas.
“Nagtatampo ako sa’yo Drei, bakit ngayon ka lang dumating?” Saad ko.
“Oo nga ee ilang beses ka naming tinawagan tapos pinapatay mo.” Sabad naman ni Myka.
“Bakit Drei may problema ba?” Seryosong tanong ni Julz.
“Ahh...” Napakamot siya ng ulo na tila hindi alam kung ano ang isasagot.
“Alam ko na!” Wika ni Cha.
“No’ng nagwalk out ka sa coronation no?” Dagdag ni Cha.
“Ha? Ba’t ka nagwalk out?” Tanong ko.
Natawa naman si Cha.
“Nagkamali kasi siya ng inanunsyong Ms. Sports 2020.” Sagot ni Cha.
“Pero hindi naman naging isyu ‘yon kasi alam naman ni candidate number 9 na hindi niya deserve ang crown. Saka nag-apologize din ‘yong chairman ng judges after mai-announce ni Drei kung sino talaga ang nanalo. Then nagulat na lang ako nang wala na si Drei sa stage.” Mahabang paliwanag ni Cha.
Nagtawanan kaming lahat. Seryoso lang na nakatingin sa amin si Drei.
“Oh bakit anong reaction ‘yan?” Takang tanong ko sa kanya.
“Ahmm...guys may gusto lang ako i-clear sa inyo. May nakapagsabi sa akin na kaya niyo lang ako kinuha sa group ninyo dahil gusto niyo akong patalsikin sa school.” Malungkot niyang wika.
Natahimik naman ang lahat. Maging ako’y hindi rin agad nakaimik.
“Drei, sa totoo lang noong una talagang iritang-irita ako sa’yo and you’re right, plinano nga namin ‘yon but to tell you the truth hindi namin ‘yon ipinagpatuloy dahil mas nanaig sa’min ‘yong friendship kaysa i-bully ka.” Malumanay na tugon ko.
“Ang akala ko kasi plinano niyo rin ‘yong pag-emcee ko para ipahiya ako pero...”
“No ‘wag mong isipin ‘yan Drei. Kaya kita pinush do’n ay para mabuild up mo ang self confidence mo.”
Niyakap ko siya.
“From now on, magsisimula tayong gumawa ng magagandang alaala. Right ghourls?”
“Yeah right!” Tugon naman ng apat.
“Thank you Aurea and to you guys. Sorry kung napag-isipan ko kayo nang masama. No more trust issue.” Wika ni Drei then nag-group hug kaming anim.
Kahit papano’y nabawasan ang lungkot na nadarama ko sa pagkawala ni dadey. This is because of the classy group most especially kay Drei. ❤️