Aurea POV
Almost 5 months na ang nakalipas nang mailibing si dadey. Lalong naging busy naman si mamey sa pagpapatakbo ng business para madali siyang makalimot. Habang ako nama’y unti-unti na ring natatanggap ang pagkawala ni dadey. Mabuti na lang nariyan ang classy group and of course malaki ang naging part ni Drei sa pag-move on ko dahil lalo kaming naging close at parang magkapatid na ang turingan namin sa isa’t isa. Para kaming kambal-tuko na mahirap paghiwalayin. Minsan nagseselos na rin ang apat dahil lagi na lang kaming magkasama ni Drei pero naiintindihan din nila dahil alam naman nilang do’n ako masaya.
And here comes the immersion.
“So ngayon idedeploy na namin kayo sa kani-kanyang station ninyo.” Instruct sa’min ni Sir Jei Yu.
Pinapanalangin ko na sana madeploy kami ni Drei sa iisang station. Parang ang lungkot kasi ng buhay ko ‘pag wala siya.
“Drei, Covey...”
Lord please sana matawag ang pangalan ko. ??
“And Ann ang magkakasama.”
Biglang sumakit ang ulo ko sa aking narinig. Nainis ako dahil hindi kami magkasama ni Drei.
“Pero dahil under medication si Ann...”
“Sir I volunteer myself!” Mabilis kong wika.
“Ok sige kayong tatlo na lang ang magkakasama.”
“Yes!” Sabay naming wika ni Drei saka nagyakapan.
“Hayy mabuti na lang hindi tayo napaghiwalay.” Nakangiting wika ni Drei.
“Magpoprotesta talaga ako kapag hindi tayo magkasama.”
Nagtawanan kaming pareho. ‘Yon nga lang kasama namin si Covey pero ayos na rin basta join force kami ni Drei. Magkasama naman sina Julz at Je sa isang station habang sina Cha at Myka ay napaghiwalay.
“Magsisimula na bukas ang immersion kaya galingan ninyo.”
“Yes sir!” Sabay-sabay naman naming tugon.
Kinabukasa’y nagreport na kami sa kanya-kanya naming station. Maaga kaming pumasok ni Drei habang si Covey ay late na naman.
Na-orient muna kami saka ipinakilala sa mga staff ng station namin. Pagkatapos ay binigyan na kami ng kanya-kanyang task.
Habang abala si Covey sa pag-eencode, naghaharutan naman kami ni Drei. Napakaraming naiisip naming kalokohan kaya minsan naiinis si Covey sa’min kapag siya ang aming napagtitripan.
Walang araw na hindi kami magharutan ni Drei hanggang sa dumating ako sa point na si Drei na lang ang laman ng isip ko. Namimiss ko siya tuwing weekend. Parang gusto kong nakikita siya palagi. Ehmegesh self anong nangyayari sa’yo?
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko para kay Drei parang may mali?
Omo?! Natotomboy na ba ako?! ?