Aurea POV
No! This is not right. Hindi pwedeng ma-fall ako kay Drei pareho kaming ghourl! Pero bakit na-attract ako sa kanya? Gumising ka self!
Minsan ina-assess ko ang sarili ko kung tama pa ba ang pinaggagawa ko. Napansin ko kasing mayroon ding feelings si Covey kay Drei at binabalak niya ‘tong ligawan.
“Drei alam mo habang tumatagal, gumaganda ka.” Puri ni Covey kay Drei one time habang kumakain kami sa Jollibee.
“Tse! Nambobola ka na naman.”
“Promise seryoso ako parang crush nga kita ee.”
“Loko-loko!” Sagot naman ni Drei habang namumula ang kanyang pisngi.
“Parang nawalan na akong ng ganang kumain. Mauna na ako sa station.” May pagkainis na wika ko saka nagwalk out.
“Luhh anong problema no’n?”
“Baka may problema siya, busog na rin ako kaya sasabay na ako sa kanya.”
“Ako rin.”
Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Drei pala. Nasa likod naman namin si Covey.
“Uyy bakit may problema ba?”
“Ah wala kasi ee basta hindi ko alam kung bakit moody ako ngayon siguro dahil red day ko.” Pagsisinungaling ko. Pero nakaramdam naman ako nang tuwa dahil nakahawak siya sa braso ko.
May time din na nagmeryenda kami sa 7-11. Habang nagbibiruan kami’y nadulas ang dila ko.
“Drei alam mo crush kita.”
“Ha?! Hahaha anong klaseng joke ‘yan?”
“Ewan ko pero parang nagagandahan ako sa’yo.”
“Covey ikaw ba ‘yan? Hahaha!”
“Seryoso, parang nafa-fall na ‘ko sa’yo.”
Bahagya naman siyang natigilan.
“Pareho tayong babae ano ka ba? Tomboy ka ba?”
“Oo, natotomboy na ako sa’yo.”
Hindi siya nakasagot.
“Charot! Hahaha!” Pag-iiba ko ng usapan para hindi niya mahalata na may feelings na talaga ako sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa pero may kaunting kurot akong nadama sa puso ko.
Narealize ko na malabo ngang maging kami at hindi nga kailanman magiging kami. Dapat hindi ako masanay na nariyan siya lagi. Dahil kung magkakagayon ay ako ang magiging talunan. Ako lang naman ang may nararamdaman sa’ming dalawa.
Mabuti na lang at naging close na kaming tatlo. Mabait rin pala si Covey. Akala mo mayabang pero may itinatago rin naman pala siyang kabutihan saka sanay na rin kami sa kayabangan niya. Galante siyang manlibre at laging siya ang taya tuwing meryenda o kaya kapag lunchbreak.
Gusto ko nang umiwas sa nararamdaman ko kay Drei kaya minsan kunwari nagiging moody ako. Minsa hindi ko siya pinapansin at parang wala akong siglang makipag-usap sa kanya. At kapag ramdam niyang wala na ako sa mood bigla siyang tatahimik at iiwas. Pero hindi ko siya kayang tiisin kaya maya’t maya ay ok na naman kami.
“Drei sorry kanina ha? Wala kasi ako sa mood.”
“Luhh ok lang ‘yon kaw naman parang hindi natin kilala ang isa’t isa.”
Hayyst medyo nahihirapan ako sa’king sitwasyon. Lagi ko na lang alibi ‘yong pagiging moody ko pero ang totoo gusto kong umiwas. Kaso hindi ko talaga mapigilan ang damdamin ko sa tuwing nakakasama at nakikita ko siya. Ano kaya ang nararapat kong gawin?