Umpisa
Louisiana
Araw ng sabado, maingay ang musikang nanggagaling sa mansyon ng Del Fabbro. Ang tugtugin ay tila nanghahalina, nanghihikayat ng kung sino mang makakarinig nito.
Ang lahat ay nagsasaya sa araw na iyon, samantalang ang dalagitang si Ana ay nakamasid lamang, pinapanood ang mga taong nandoon.
Hindi ito ang unang beses na nasaksihan niya ang salo-salo ng pamilyang Del Fabbro, taon taon kasi ay hindi mabilang kung ilang beses may pagdadaos ng kasiyahan doon, kaya hindi na ito bago pa sa mga nakatira sa lalawigan.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Ana ng may nag salita sa gilid niya.
"Ana? Anong ginagawa mo dito?" Isang matandang ginang ang pumukaw ng pansin niya, sa katunayan ay kanina niya pa ito hinihintay, napangiti siya.
"Ma, mabuti po at lumabas kayo. Pinapunta ako ni Papa para ibigay ang gamot niyo."
Sadyang magalang ang dalagita kahit kanino dahil ito ang turo ng kaniyang mga magulang sa kanya.
Ang kanyang ina at ama ay taga lingkod sa mansyon. Bata pa lamang siya ay doon na ang mga ito namamasukan bilang mayordoma at driver ng mag asawang Del Fabbro.
May katandaan na rin ang ina nito, mag lilimangpung taong gulang na ito, pero hindi naman masyadong mahahalata dito ang katandaan.
Maaga ding nagasawa ang magulang niya, kontento sila sa simpleng pamumuhay sa lalawigan.
"Naku! Salamat naman at hindi na ako babalik pa saatin." Ani nito ng maiaabot ko sa kanya ang tableta ng gamot. Ngumiti ito na sinuklian niya agad.
Tumingala ito sa kalangitan.
"Sige na anak, maggagabi na baka maabutan ka ng dilim sa daan." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. Kuryoso man ay sa kaganapan sa mansyon ay hindi na niya nagawang mangusisa.
Gusto niya pa sanang magtagal, kahit na manonood lang ang kontento na siya roon, pero tama ang mama niya kailangan niya na ngang lumakad.
Pauwe ay madadaanan niya ang batis na malapit sa kanila, kaya hindi na siya nag dalawang isip pang huminto at damdamin ang lamig niyon.
At dahil na rin sa sobrang dalang ng tao dito ay kampanti siya kahit ilang oras na lang ay aagawin na ng dilim ang liwanag.
Agad niyang hinubad ang suot na bistida at agad na nilapag iyon sa malapit na bato. Masaya na si Ana sa pagligo doon kahit mag isa, nakakagaan ng pakiramdam.
Ilang minuto din ang tinagal niya doon ng maisipan niyang umahon at magpatuyo.
Ito ang magandang oras para sakanya hindi lang sa ganda ng batis kundi sa liwanag na nanggagaling sa palubog na araw, tumatama pa ang kulay nito sa balat niya, ang kulay ng kahel.
Minsan lang niya itong nagagawa dahil abala siya sa paglalako ng sampagita sa plaza. Ito kasi ang naisip niya para hindi na rin makadagdag sa gastusin ang mga projects at baon. Iipunin lamang niya iyon.
Hindi man sabihin ng magulang niya ay alam niyang kapos sila sa pera, pero ni minsan ay hindi niya nakita o narinig man lang na nagtalo ang mga ito.
Iyon kasi ang natutunan nila kila lolo't lola na labis na kinatuwa ko.
Ng matapos siyang mag patuyo ay pinulot niya ang damit sa bato
Isusuot niya na sana ito ng labis na taranta ang naramdaman niya ng makarinig siya ng yabag.
Malakas iyon kumpara sa paa ng tao at may iba din itong tunog, Tunog ng tumatakbong kabayo. Kinakabahan man ay nagmadali siyang suotin ang kanyang bistida.
Kasabay niyon ay ang pagtigil ng mga ito sa kanyang harap. Nahintatakutan siya, Hindi pamilyar sa kanya ang mga matitipunong lalaki.
At ng tignan siya ng mga ito ay mababakas ang pagkalito sa muka ng mga nito.
Sa hitsura pa lamang, pananamit at gamit na kabayo ay naguumapaw ang mga ito sa karangyaan. At dahil nga sa kakatapos lang niya sa pagligo ay agad siyang nakaramdam ng lamig sa buong katawan.
"Ano ginagawa mo dito? Bata." Agad siyang nainis sa tinuran ng lalaki. Oo at labing anim pa lamang siya pero hindi naman tamang tawagin siyang bata.
Gusto niyang isigaw iyon pero buti at napigilan niya ang kanyang sarili, yumuko na lamang siya at tiyaka niya ito sinagot.
"Naligo lang po ako saglit, pero paalis na rin po ako." Ngumiti ang lalaki at tumingin sa dalawa pa nitong kasama na pinapanood lang siya.
"Hindi mo ba alam na delikado sa isang babae ang mag isa sa gitna ng gubat?" Umiiling siya, tama ito delikado nga sadyang matigas lang ang ulo niya.
"Ang mabuti pa ay umuwi kana bago pa tuluyang dumilim." Matapos nitong sabihin iyon ay agad itong kumaripas ng takbo sunod ng dalawa pa nitong kasama.
Napahinga siya ng maluwag ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya, at doon lang niya naalala na hindi man lang ito nagpakilala, ni isa man sa kanila.
Hindi na din niya masyadong nakita ang mga muka nito dahil sa kaba at inis niya. Ng makauwe siya ay sinalubong siya ng kanyang ama.
"Bakit ngayon ka Lang anak? Kamusta ang nanay mo?" Nagmano ako at ngumiti. Kung si mama ay hindi halata masyado ang tandaan, iba si papa. Hindi ko alam kung dahil ba sa layo ng agwat ng edad nila dahil kitang kita sa mga puti nito sa buhok at muka.
"Sorry po pa. Napasarap lang po ang pagligo ko sa batis." Na papakamot kong sabi tiyak kasi na papagsabihan na naman ako nito. " Okay naman po si mama, Papa."
"Anak, sinabihan na kitang huwag ugaliing maligo magisa sa batis, paano kung napahamak ka?" Ngumuso ako, niyakap ko ito at ngumiti.
"Sorry po, na excite lang naman po ako. Hindi na po mauulit." Naramdaman ko ang buntong hininga nito.
"O sya, alam na alam mo talagang makukuha mo ako sa paglalambing mo." Niyakap ko ito ng mahigpit. " Kumain na tayo."
Gabi ng makauwi si mama at lagi rin siyang hinihintay ni papa at minsan ito pa ang susundo doon kapag inumaga ito.
Hindi kasi pumapayag si papa na hindi ito makauwe. Kasalukuyang tulog na ang mga kapatid ko ng makaramdam akon ng uhaw.
Ako ang panganay, si Liam ang sunod at Grade 8 na ito habang si Xia naman ay Grade 6 na. Dalawang taon ang agwat namin ni Liam, ganun din sila ni Xia.
Lumabas ako para kumuha ng tubig sa kusina ng marinig ko ang marahan at mahinang pag uusap ng mga magulang ko.
"Mahal, huwag ka ng masyadong magisip, kaya naman natin diba? Ayoko lang na mag alala ang mga bata." Alu nito kay mama. Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ni papa?
"Ako din naman, pero Mahal. Saan pa tayo kukuha ng pera? Malaki na ang nagagastos natin, lumalaki lang lalo ang utang natin sa mga Del Fabbro." Ani ni mama. Halata ang pangamba sa boses nito.
Ngayon ko lang narinig itong ganito, at utang? Bakit nila kailangan umtang?
Kapos man kami minsan pero hindi naman aabot sa mangungutang sila at mangangailangan ng malaking halaga.
Kinaya naman namin sa pagbebenta at trabaho nila mama't papa. Alam kong masamang makinig sa usapan ng matatanda pero hindi ko mapigilan.
"Huwag mo muna masyadong isipin iyan. Halika at matulog na tayo." Agad akong kumaripas ng takbo papuntang silid namin ni Xia.
Hindi iyon naalis sa isip ko kinabukas. Maaga kaming gumising upang gumawa ng sampagita kahit na ang mga narinig ko kagabi ang laman ng utak ko.
Alam ko meron silang hindi sinasabi saamin at kailangan kong malaman iyon, lutang ako habang naglalakad papuntang plaza.
"Ate, ayos ka lang?" Si Liam. Tumango ako.
Hindi ako makapagbenta ng maayos nakita kong paubos na ang kila Xia pero ang akin ay ilan pa lang ang nababawas.
Nagbuntong hininga ako at umupo sa gilid.
"Magkano sampagita? Bata." Napaangat ako ng tingin. Isang pamilyar na lalaki ang bumungad saakin hindi ko lang matandaan kung saan ko ito unang nakita.
"Sampu lang po." Kumunot ang noo nito. May maputi itong balat at pansin din na matikas ang katawan nito.
Napangiwi ako ng mapansin iyon .
"It's you again." Umiling ito. " Magkano lahat yan?" Napatingin ako sa dala ko. Teka, bibilhin niya ito lahat? Agad ko naman iyong binilang.
"Limang daan po i-ito lahat." Nautal pa ako, at hindi makapaniwala.
Kinuha niya ang pitaka niya at kumuha doon ng isang asul na papel, hala. Bibilhin nga ata talaga niya lahat. Teka, wala ata akong panukli dyan.
"Ate, may tinapay ka pa dyan?" Naagaw ni Xia ang atensyon namin ng lalaki, tumaas ang kilay nito at tumingin sa kapatid ko.
" Ah. Oo meron." Kinuha ko naman agad iyon sa bag at agad na binigay sa kanya.
Nagpasalamat ito pero hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki sa harap ko.
"Is that your sister?" Tanong ng lalaki. tumango ako, sinundan niya ng tingin si Xia.
"How old is she?" Seryosong tanong nito at nakatingin parin sa kapatid kong nakangiti na ngayon kay Liam.
Naghaharutan pa ang dalawa. Pero nagtataka kong binalik ang tingin sa lalaki, bakit nga ba niya tinatanong ang edad ng kapatid ko?
"Eto na po ang sampagita." Binalot ko na ito inabot naman niya saakin ang pera, inabot ko ang sukli pero hindi niya tinanggap kaya na pa kamot ako sa ulo.
Inulit niya pa ulit ang tanong kaya wala na akong nagawa at sinagot din ito.
"Dose po." Kunot ang noo nito tila hindi ako naintindihan.
" What?" Pansin kong panay ang Ingles nito, naiintindihan ko naman iyon kahit paano.
"Twelve po." Mahina itong nag mura at bigla na lang akong tinalikuran, napatingin ako sa sukli nitong hawak ko.
"Sir, sukli niyo po." Hindi ito lumingon at itinaas lang ang kamay. Nagkibit balikat na lang ako. Isosoli ko na lang sa susunod.
Hindi man lang ako nakapag pasalamat ang swerte ko kahit lutang, naubos parin ang sampagita.
Maagang naubos lahat ng tinda walang natira kaya kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Ng makauwe kami ay ganun na alang ang pag tataka ko ng madaming tao sa labas. At ang iba ay nakatingin pa sa bahay namin.
Hindi nila kami na pansin dahil busy sila sa kung ano mang pinag uusapan nila.
"Kawawa nga e. Ang bata pa ng mga anak. " Rinig ko.
Agad agad akong pumasok pero wala akong nadatnan doon, linggo ngayon kaya dapat nandito si mama pero asan?
"Ate. Asan sila nanay?" Tanong ni Xia. Dumeretso ako sa kwarto si Liam naman ay sa kusina.
"Wala din sa kusina." Lumabas ako ng bahay, itatanong ko lang kay aling Nena kung na saan sila Nanay.
Meron itong tindahan at katabing bahay lang namin ito kinatok ko ito.
"Aling Nena, nakita niyo ho ba si Nanay at Tatay?"
"Ate." Si Xia. Hindi ko ito pinansin at kay aling nena lang ang buong atensyon ko.
Kinakabahan ako ng hindi ko alam kung bakit, pero ganun na lang iyon tumindi ng pumikit si Aling Nena ng mariin.
Napatingin pa ito sa paligid pero sa huli tinignan ako sa mga mata.
"Ana. Ang Mama mo." Biglang dumagundong ang puso ko sa bilis ng t***k niyon. " Sinugod sa hospital."