CHAPTER 1
Solene's POV
Trenta minutos nalang at sa wakas ay makakauwi na ako.
Buong araw akong nakatuka sa computer dahil marami kaming ginagawa ngayon dito sa kompanya.
Ramdam ko pamamanhid ng katawan ko kaya tumayo ako at nag stretch ng konti. At dahil malapit na rin kami matapos ay inisa-isa ko ding nilagay ang gamit ko at pinasok sa dala kong bag.
"Hoy, Sol."tawag sa akin ng katrabaho ko na para bang excited sa sasabihin niya.
"Oh."sagot ko naman na para bang walang gana.
"Anong 'oh'? Inom tayo mamaya? Sige na..." pagmamaka-awa niya sa akin.
Kapag talaga itong babaeng to nag-aya, alam kung inuman ang pupuntahan eh. Para namang ikakamatay niya kapag hindi nakainom sa isang linggo.
"Hindi ka ba nauuyam kakainom mo ng alak? Aba't inaraw-araw mo na ah."sabi ko pa sa kaniya.
Wala akong balak magpadala sa kaniya ngayon dahil may plano akong gawin pagkatapos ng trabaho— ang matulog.
"Graba ka ah. Iba ngayon. Sige na...inom tayo, kahit ngayon lang. Ang tagal na nating katrabaho at Ang tagal na rin kitang inaaya pero ni isang beses hindi ka sumasama."pagmamaktol niya. Para niyang pinapamukha sa akin na wala akong kwentang kaibiga kaya....
"Make me."panghahamon ko sa kaniya habang naka-smirk.
Nakita kong parang napaghinaan siya ng loob. Alam niya kasing kahit anong gawin niya ay hindi niya ako mapapasama.
Unti-unti siyang lumakad papunta sa akin. Nasa kabila siyang lamesa kaya may distansya kaming dalawa.
Niyakap niya sabay sabing..
"Hindi ba talaga kita mapipilit kahit ngayon lang...Birthday ko ngayon eh tapos hindi pa ako sasamahan." Pilit niyang pinapaliit ang bilog niyang mata na para bang nagpapa-cute.
Bigla naman akong nakonsensya. Nakalimutan kong ka-arawan niya pala ngayon. Sa unang pagkakataon ay napa-oo niya ko.
"Pagbibigyan kita ngayon... pero ngayon lang 'to ha?"dinuro ko pa ang noo niya para siguradong maintindihan niya ang sinasabi ko.
Sumigla ang mukha ng bruha dahil sa sinabi ko. Niyakap niya ko ng mahigpit dahil sa sobrang saya.
"Sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi sa pagsama sa 'kin kaibigan."sabi niya na para bang may saltik.
Sakto namang uwian na kaya sabay na kaming lumabas.
"Magkita nalang tayo dun ha. Sa Lux Club, huwag mong kakalimutan." paalala niya sa akin na parang bata. Twenty-five nako pero kong tratohin ako parang limang taong gulang.
Nauna na siyang sumakay kaya mag-isa nalang ako. Napag-desisyonan kong magtawag na rin ng masasakyang dahil kailangan ko nang umuwi.
Pagkarating ko sa apartment ay naligo agad ako. Alas-utso ang napagkasunduan namin at alas-sais pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para makapaghanda.
Nangalkal ako sa kabinet ng pwede kong suotin ngayon gabi. Unang beses ko 'tong pupunta sa ganung lugar kaya medyo kinakabahan ako.
Napili kong suotin ang pula na bodycon dress na hanggang hita lang ang haba. Pumunta ako sa bandang salamin upang tingnan ang sarili kong reflection. Kitang-kita ko ang hulma kong katawan— malaki ang dibdib, maliit na baywang at malapad na balakang.
Pinaresan ko ng pointed hills na bumagay sa suot ko. Saktong namang alas-utso nang matapos ako kaya bumaba na ko at nagtawag ng taxi.
Nakarating nako sa labas ng club kaya hinanap ko sa loob ng bag ang cellphone para sana tawagan si Mary—ang katrabaho/kaibigan ko.
Tatawagan ko na sana siya pero nakita ko siyang lumabas sa b****a ng club na parang may tatawagan. Mabilis ko siyang nilapitan. Agad niya naman akong nakita.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Bigla siyang ngumiti ng nakakakilabot.
"Alam mo, kung hindi lang tayo magkaibigan tapos may ano ako– talagang papaltusin kita" sabi niya sabay tawa na parang sinapian ng demonyo.
Bruha....
Alam kong may saltik talaga ang kaibigan ko kaya hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
Pumasok na kami sa loob. Pagkarating namin sa loob ay bumungad sa akin ang reyalidad na talagang nasa loob ako ng isang club— mausok, maraming tao, at nakakabulag na mga ilaw.
Lumapit kami sa isang table– malapit sa dance floor.
Kami lang ang tao sa table na 'yun kaya medyo kampanti ako.
Iba ako kay Mary. Siya kasi mahilig makipag-usap sa mga tao. Mas gusto ko naman ang manatili nalang sa bahay. Hindi ko ugaling makipag-socialize sa mga tao. In-short, tamad akong kumilala.
May nakahanda nang alak sa lamesa namin kaya hindi na kailangan pang kumuha sa dun sa bartender.
Inabutan ako ni Mary ng isang baso ng alak. Nakita kong nilagok niya ang isang maliit na baso ng alak kaya ginawa ko rin.
Humigpit ang hawak ko sa babasaging baso nang malasahan ko ang alak.
Ang pait!
Narinig ko ang tawa ng impakta habang nakatingin sa 'kin .
Mabilis kong dinampot ang pulutan malapit sa bucket kung saan nakababad ang ibang alak. Dinamihan ko ng kain kaya nasuway ako.
"Hindi 'to haponan hooyy. Huwag mong ubusin pulutan natin." Tawa-tawang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pait na dumadaloy sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit marami ang imiinom kung ganito naman pala ang lasa.
Inabutan na naman ako ng isang baso. Tinanggap ko ito ngunit hindi tulad ng una– nilagay ko lang ang alak sa harap ko na nakapatong sa mesa.
Hindi ko gugustohing malasing ngayong gabi. Kung maaari ay hindi na ako iinom ng karagdagang alak.
Tumingin ako sa paligid ko dahil simula ng dumating kami ay hindi ko napagmasdan ang buong kabuo-an ng club.
Sa gitna ay may malaking dance floor kung saan maraming tao ang sumasayaw. Nasa kanan naman mula sa banda namin makikita ang maraming alak at ang bartender . Pinapaligiran ito ng maraming babae na parang manghang-mangha sa ginagawa ng bartender.
Pinagmasdan ko naman ang bandang kaliwa.
Marami itong tables na karugtong sa banda namin. Actually, pabilog naka-pwesto ang tables.
Habang nagmamasid sa paligid ay naramdaman kong parang may mata na nakatingin sa akin. Kanina ko pa napapansin ngunit pinagsawalang-bahala ko lang.
Hinanap ko kung saang banda at nakita kong sa isang mesa ito sa gilid. Medyo madilim sa banda niya kaya ko masasabi kung ano ang mukha nito.
Mag-isa lang siya. At.. nakatingin banda ko.
"Solene." agaw pansin ng kaibigan ko dahil parang kanina pa 'ko nakatanaw dun sa lalaki.
"Bakit" pasigaw kong sagot dahil sa ingay ng paligid.
"Dito ka muna. May pupuntahan lang ako. Saglit lang ako."sabi niya at umalis.
Nakita ko siyang naglalakad malapit sa unahan kung saan marami ang babae na nagku-kumpulan.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumunganga sa upuan.
Tinungga ko ang kanina pa naka-abang na alak sa aking harapan. Nalalasahan ko parin ang pait ngunit konti nalang.
Sa tagal kong paghihintay sa kaibigan ko – Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang isang bote ng alak.
Naramdaman kong naiihi ako kaya tumayo ako. Parang nayanig ang paligid ng tumayo ako kaya kumapit ako sa sandalan ng upuan.
Pilit akong humakbang dahil baka pumutok pa ang pantog ko.
Matagal akong nakarating sa comfort room dahil nagta-tanong pa ako sa staff. Agad akong pumasok sa isang cubicle at nilabas lahas ng ihi ko.
Tumindi ang pag-alon ng paningin ko at mas sumakit rin ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko per sinigurado ko naman na tama ang pagsuot ko ng panty.
Babalik na sana ako sa mesa at baka hinahanap nako ni Mary ngunit—
"Hi. Are you free tonight?"sabay kindat ng isang lalaki sa akin.
Tinignan ko sya hanggang sa kaya ko dahil hindi ko gaanong kita ang mukha niya. May hitsura naman siya pero parang— manyakis.
Hindi ko siya pinansin at diretso lang ang lakad ko. Aalis na sana ako ngunit hinarang ulit ako.
" Hey! I'm asking you."sabay hawak sa pala-pulsuhan ko.
Pumiglas ako. Ang pinaka-ayaw ko talaga ang ganito— namimilit.
"Wag mo kong hawakan! Ayaw ko sayo, okay?"sabi ko at pilit pa rin kumakalas sa hawak ng onggoy.
Dahil sa inis ko at mas pumiglas pa ako dahil himigpit ang hawak niya sa akin.
Patuloy ang pagpupumiglas ko nang may nabangga akong matigas–malaki sa likuran ko.
"Let her go."matigas at malalim na boses galing sa likuran ko.
Nagv-vibrate ang boses niya sa katawan ko dahil sa lapit naming dalawa. Amoy ko rin ang gamit niyang pabango— parang amoy mayaman.
Tumiim ang bagang ng lalaking nakahawak sa akin, parang susuntukin pa ata ang lalaki na nasa likuran ko.
"Wag kang maki-alam dito pare."matigas na sabi ng lalaki.
"She doesn't want you. And... you're hurting her." parang galit na pagkakasabi ng lalaki.
Sinubukan kong pumiglas dahil lalong tumindi ang epekto ng alak sa akin. Napansin kong mas lumapit pa ang lalaki sa likuran ko kaya halos magkadikit na ang aming mga katawan.
Nagtitigan lang ang dalawang lalaki at parang wala ako sa gitna nila.
Lumaki ang mata ng lalaki na parang may napagtanto. Kumaripas ito ng takbo at hindi na lumingon.
"Anong nangyari dun?" mahina kong usal.
Humarap ako at magpapa-salamat sana ngunit bigla akong nata-meme ng makita ko ang mukha nito..
Holy cow.....