Nagdaan ang mga araw, simula nang malaman kong buntis ang kaibigan ko ay napadalas na ang pagkikita namin. Hindi ko alam kung sino ang ama nito dahil hindi rin naman niya sinabi sa akin. Ayaw ko siyang pilitin.
Day off namin pareho, kaya nagpasya kami na pumasyal. Napili naming pumunta sa park para kahit papaano ay marelax naman siya.
“ Alam na ba ni tita na buntis ka?” marahan kong tanong sa kaniya.
Andito kami ngayon naka-upo sa isang bench dito sa park. Nakaharap kami sa malawak na lawa . Marami ang mga tao ngayon dahil walang pasok . Kadasan ay pamilya ang makikita rito.
“ Hindi ko alam. Hindi pako hangang ipaalam sa mga magulang ko. Wala rin naman silang pakealam sa’kin eh, kaya ano pang silbi kung sabihin ko sa kanila?
Galing sa broken family si Mary. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya kasama ang kani-kanilang pamilya. Siya lang ang nandito sa Pilipinas kaya wala siyang pamilya na malalapitan. Pinapili siya nuon kung kanino siya sasama ngunit sa halip ay pinili niyang magpa-iwan mag-isa sa kanila.
Niyakap ko na lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil wala naman ako sa posisyon na meron siya. Ayaw kung magbigay ng suggestions or advices dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang nararapat gawin sa kaniyang buhay.
Buong araw kaming nanatili sa park. Hindi namin namalayan ang oras, dahil sa dami naming pinag-usapan. Kung ano-ano na ang pinag-usapan namin na hindi tungkol sa problema kaya pansamantalang nawala sa isipan ko ang sariling isispin.
“Okay ka lang ba na mag-isa sa bahay niyo? Malaki naman ang apartment ko… dun ka na lang din kaya?” nag-aalala kung tanong sa kaibigan ko.
“Ano ka ba. Okay lang ako ,nu. Sanay nakong mag-isa kaya walang problema sa ‘kin yun. Wag ka nang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko at salamat din dahil iniisip mo ang kalagayan ko.
“ Sige. Tawagan mo lang ako ‘pag kailangan mo ko.” Nag-aalala pa rin ako sa kaibigan ko lalo ngayon sa sitwasyon niya.
Nagdaan ang mga araw at normal naman ang lahat. Simula ng araw na yun , hindi ko na hinayaan ang sarili ko na ma-distract sa trabaho.
Araw-araw kaming nagkikita ngunit hindi kami nag-uusap kung hindi naman tungkol sa trabaho.
Hindi ko pa rin alam kung sino si Veronica. Hindi naman kasi ulit ito pumunta simula nung may huling kababalaghang nangyari sa opisina ni Mr. Dilton. Ngunit batid ko na higit lang ito bilang isang kaibigan ng boss ko.
Naka-upo lang ako sa aking opisina habang ginagawa ang trabaho. Hindi ako tinawag ng boss ko ngayong araw.
Dapit hapon na kaya naghahanda na ‘ko sa pag-uwi. Narinig ko ang katok sa aking pintuan at saka bumukas ito. Bumungad sa akin ang mukha ni sir Dilton.
“ Good afternoon Ms. Lopez. I just want to inform you that we’re going out of town. You can pack your things now. Will going after an hour—”
“ Teka..teka.. Po? Anong out of town?” lito kong tanong. Biglaan naman ata to. Hindi ako handa !
“ You heard me Ms. Lopez . We have to meet an investor there.” Casual nitong sabi sa akin na para bang hindi ako binigla .
“ Y-yes ..S-sir…” pagsang-ayon ko kahit gulong- gulo ang isispan ko.
“ I’ll ask my driver to send you to your house…. Para mas mabilis” dagdag niya nang namataan niyang aalma sana ako.
Oo nga naman. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako ghanda at saka hindi pa ako nakapag-impake.
Binilisan ko ang kilos ko. Pagbaba ko ay nakita ko si Manong Ed. Matagal na siyang driver ng mga Lewis kaya alam kung siya ang maghahatid sa akin sa apartment.
“ Maganda gabi po Manong Ed” bati sabay ngiti ko rito.
“ Magandang gabi Maam. Sakay na po.” Iminwestra niya ang kaniyang kamay sa sasakyan sa harapan nito.
Mabilis akong sumakay. Nasa front seat ako naupo. Pangit naman kasi tignan kung sa likod ako at empleyado lang din naman ako.
Mabilis kaming nakarating. Binilisan ko ang kilos ko kahit na and totoo ay mabagal talaga akong kumilos.
Inilagay ko na lahat ng kailangan ko sa maliit kong makita.
Oo nga pala. Hindi ko matanong kung ilang araw kami!
Ang tanga……
Nagdala .nalang ako nang damit na sakto para sa tatlong araw.
Lumabas na ako. Hindi naman siguro ako natagalan dahil nandito parin naman si Manong Ed. Sinigurado ko munang naisarado ko ng maayos ang pintuan bago lumapit sa sasakyan.
Nagulat ako nang makita kong ang boss ko ang lumabas . Hinintay kong magpakita si Manong pero hindi ito nangyari.
“ Let me carry it. “ kinuha niya ang malita ko sa aking kamay. Aangal na sana ako ngunit madali nitong inilagay sa likuran ng kotse.
“ Ahmm.. Sir. Saan po tayo pupunta at parang biglaan naman po ata.” maingat kong tanong.
“ Baguio.” Maikli nitong sagot sa akin.
Seryoso ang aura nito. Hindi ako mapakali nang umalis na kami. Nitong mga nagdaang araw ay hindi ko siya gaanong nakikita kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isispan ngayon na magkasama kami.
Hindi ko alam kung bakit biglaan ito. Wala naman kasi akong matandaan na appointment sa isang client.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. May ilang oras pa akong dapat indahin na katahimikan kung walang magsasalita sa amin ngayon.
Hindi ko natiis ang katahimikan kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa labas.
Maraming mga gusali na may ilaw. Traffic din sa ibang lungsod pero nakakaraos naman. Bukod sa probinsya ay pangalawa pa lang ‘to na mapupuntahan ko na alam kung presko ang hangin.
Isang oras na ang nakalipas. Nakaramdam na ‘ko ng antok ngunit hindi naman pwedeng matulog ako dahil bastos naman kung tignan.
Simula nang pag alis namin ay hindi talaga kami nag-uusap. Nakatingin lamang ako sa labas at kung saan-saan na umaabot ang imagination ko. Habang siya naman ay minsan sumasagot siya sa tawag .
Ilang besis na ‘kong humikab dahil sa antok. Unti-unti na ring nalaglag ang talukap ng aking mga mata ngunit sinisikap ko pa ring gisingin ang diwa .
“ You can sleep. We still have an hour to arrive in our destination.” kanina pa pala ito nakamasid sa akin.
“Ahhh… okay lang po ako. Baka sabihin niyo na ang bastos kong kasama dahil tinulogan lang kita, sir.” Medyo inayos ko ang aking pagkaupo.
“ Really…” umangat ang i0sang kilay na tanong ng lalaki sa akin.
Nakita kong may kinalikot siya sa harap. Naramdaman ko anamn ang pag-adjust nang upuan na saktong komportable ako.
“ You don’t have to pretend, baby. I know you’re tired and sleepy. I’ll just wake you up when we get there.” Binigyan niya ako ng maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
Hindi ko maiwasang magtampo. Grabe ang mood swings ng lalaking ‘to. Ang bilis nagbago ng mood. Kanina lang strikto ito at seryoso tapos ngayon naman ay bibigyan niya ko ng matamis na ngiti.
Kaloka ka Sir…..
“ Okay lang po ba?” paninigurado ko.
Hindi ito sumagot at sa halip ay binigyan niya ko ng maliit na kumot na kinuha niya galing sa backseat.
Hindi na ‘ko nagpakipot pa dahil hindi ko na talaga na tiis ang antok.
Tinignan ko ang mukha sa lalaki. Seryoso ito . Nagmala misteryosong tao ito dahil sa kunting ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa kaniyang imahe.
Tuluyan na ‘kong dinalaw ng antok. Nakapikit na ‘ko at nakalimot na sa aking ulirat.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ngunit pakiramdam ko ay may dumampi sa malambot sa aking noo at may sinabi ito ngunit dala sa antok hindi ko na narinig ang sinabi nito.
Goodnight….