Malamig na simoy ng hangin ang humampas sa aking mukha kaya nagising ako sa pagkakatulog. I-dinilat ko ang aking mga mata. Karga ako ng kung sino at naglalakad patungo sa isang bahay.
Madilim pa rin ang paligid. Ang tantiya ko ay maghahating gabi na. Sa una ay hindi ko naaninag ng maayos ang mukha ng taong bumuhat sa akin ngunit base sa amoy ay alam kong si Mr. Dilton ito.
Ipinikit ko ang aking mata . Medyo inaantok pa ako kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata . Hindi naman siguro ako masyadong mabigat dahil hindi ko naramdaman na pumupungas siya.
Pumasok na kami sa bahay. Gawa ito sa kahoy . Malinis at Malaki ang loob at may dalawang kwarto.
Napansin niya na gising na ako, ngunit hindi niya pa rin ako ibinaba.
“How’s your sleep?” mahina at kalmado niyang tanong sa akin. Marahan ang kaniyang pagtatanong sa akin na para bang bata ang kinakausap nito.
Tinitignan ko ang kaniyang mukha. The tiredness of his face is evident. Kahit na halata ang pagod sa kaniyang mukha ay hindi pa rin maipagkakaila ang maganda nitong p*********i.
Minsan ko na ring naisip na baka ay marami itong babae. Kahit sino naman kasing babae ay magkakagusto sa kagaya niya.
“ Pwede mo na akong ibaba, Sir. Alam kong pagod kayo sa trabaho.”
Nagtagal Ang kaniyang tingin sa aking mukha. Naging conscious ako bigla, dahil galing pa ako sa tulog at hindi ko nakita kung anong hitsura ko ngayon.
“ You’re so light. Did you even eat?” tanong niya bigla.
Hindi ko alam kung compliment ba ‘yun or an insult. Akala siguro nito wala akong pambili ng pagkain.
Nawala ang namuong inis sa akin nang makita ang pag-aalala sa kaniyang mukha, ngunit agad din itong naitago. May sumilaw na konting saya sa kalooban ko.
Ibinaba niya ako. Nakita ko ang isang katulong na siyang kumuha sa mga gamit namin sa sasakyan. Kinuha ko ito sa kaniya.
“ Akin na po , Manang. Salamat po.” Sabi ko sa ginang na tantiya ko ay nasa singkwenta e anyos na .
Hindi ito umimik ngunit sinuklian niya ako ng isang mainit na ngiti. Tumingin siya sa likuran ko. Dun ko naalala kung saan nakatayo si sir Dilton.
“ Gabing-gabi na kayo ,hijo. Ay siya nga pala, handa na ang matutulogan ninyo.” Bakas ang saya sa mata ng ginang.
Mukhang malapit ang loob nito sa boss ko.
“ Thank you, Nanay. Matulog na rin ho kayo.” Malumanay na sabi ng lalaki sa ginang.
“ Oh sige. Magpahinga na kayo at mahaba ang naging byahe ninyo patungo rito.” sabi ng matanda.
Tatalikod na sana ako nang tumunog ang tiyan ko. Oo nga pala at hindi pa ako nakapaghapunan. Sino ba naman kasi ang makaalala pa kung kanina eh minamadali akong mag-impake.
Ipagsawalang bahala ko na sana nang may kamay na humawak sa pala-pulsuhan ko.
“ Nag-take out ako kanina. You were asleep so didn’t wake you up ,since I know that you're tired from work… I’ll just prepare the food.’ Binitawan niya ang kamay ko at tumungo sa kusina .
Nakatayo lang ako dun. Saglit akong natulala dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko ini-expect ‘yun, ah.
Hindi nagtagal at bumalik ito sa kinaruroonan ko. Tapos na siguro ito sa kusina.
“ Come here. Let’s have our late dinner.” Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay.
Kinuha ko ito at sabay kaming naglakad sa pasilyo patungo sa kusina. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa na alam kong yun ang tinutukoy niya na tinake-out niya sa isang sikat na restaurant.
Ipinaghila niya ako ng upuan. Pina-upo niya ako dito at saka siya umupo sa kaniyang upuan na kaharap lang din sa pwesto ko.
Una siyang nagsandok. Akala ko ay kaniya ngunit inilagay niya sa pinggan ko.
“ You should eat, Ms. Lopez. I know you’re tired but kailangan mo rin lagyan ang tyan mo.”pormal nitong tawag sa akin.
Halos magsalubong ang kaniyang makapal na kilay . Hindi naman ito galit pero strikto ang kaniyang mukha.
Gutom ako pero hindi ko magawang pulutin ang mga kubyertos dahil sa tindi ng tingin nito. Hindi naman kasi inalis ang maoagmatyag nitong mga mata sa akin na parang binabantayan ang bawat kilos ko.
Napansin niya ang hindi ko paggalaw ng pagkain.
“ Ahh.. Hindi mo ba gusto ang pagkain? What do you want to eat?”pag alala nitong tanong.
“ Ayy, hindi po, Sir. Mukhang masarap naman ,pero kasi…..” nahihiya akong sumubo sa harap niya.
“ What? “
“ Pwede po bang wag niyo kong tignan nang ganyan?”pag-aalangan kong sabi.
“ What’s the matter with my stares?” tanong nito na may kinang sa mga mata.
“Para kasing kakainin mo ko nang buhay, eh.” Sagot ko rito.
“ Did I?” mapaglaro nitong tanong na parang may iba itong na-iisip sa sagot ko.
Hindi ako mapakali. May dilim ang kaniyang tingin habang may multong ngiti naman sa mga labi. Anong nakakatawa sa sagot ko?
Nagsimula na akong kumain para tumakas sa kaniyang tingin sa akin. Hindi ito sumabay sa akin na kumain, Hindi rin ako nagtanong pa dahil ko kinaya ang intensidad sa kaniyang mga mata.
Busog na busog ako pagkatapos kong kumain. Hapo-hapo ang tyan ko dahil pakiramdam ko ay puputok ang zipper sa palda ko.
“ Sit still.” Bigla akong natigilan.
Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang kamay sa mukha ko. Hindi ako makagalaw. Inilapat niya ang kaniyang kamay sa gilid ng aking labi at saka dinala sa kaniyang bibig.
“ Ang dungis mong kumain.” sabi nito.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Tangina. Icing yun sa kinain kong dessert. Masarap ‘yun pero hindi niya naman kailangang kainin ang galing sa gilid ng labi ko, nu.
Nakakahiya.
“ Are you done? You can rest now . Mahaba pa ang raw natin bukas.
“ Mamaya na, sir. Liligpitin ko muna to.” sabay turo sa pinagkainan namin.
“Ako nang bahala rito. You should go now.” Tumayo ito at akmang liligpitin na ang mga pinggan nang inunahan ko siya.
Ipinagpatong-patong ko ang mga pinggan at sinunod ang mga kubyertos. Inilagay ko ito sa lababo. Huhugasan ko na sana ito nang isang katawan ang dumikit sa likuran ko .
Pinipigilang kong gumalaw dahil mas lalo lang magdidikit ang aming katawan.
“ Take a rest now. I didn’t bring you here to do the dishes. There is someone who will do that. Magpahinga ka na lang. “ mahaba niyang litaniya.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.
Umalis ang pagkakadikit namin at binigyan ako ng daan. Wala akong lingon na umalis at deritso akong pumasok sa isang silid dala ang mga gamit ko.
Mabilis kong sinarado ang pintuan at sumandal rito. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman.
Ramdam ko pa rin ang init ng katawan ng lalaki sa aking likuran. Putrages naman kasi. Bakit niya pa kailangang lumapit ng ganun.
Napagpasyahan kong mag shower nalang . Pagkatapos kong maglinis ng katawan at nagbihis ay humiga na ako sa aking kama.
Gawa sa pagod galing sa byahe ay hindi nagtagal at nakatulog na rin ako.
Buakas nalang kita haharapin, sir Dilton….