Pagkarating namin sa unit n'ya ay nag hanap s'ya agad ng pwedi namin masuot. She let me wear a thight tube dress that fit for me. Na e- emphasize nito ang kurba ng katawan ko at kitang kita ang matataas kong legs. Ayoko pa sanang isuot ito pero pinandilatan ako ni Nadine ng mata. Humiram nalang ako ng jacket para mamaya pag uwi namin. "Ayan, you look hot para kang pancit canton na extra hot chili. Parang walang anak ang sexy mo Te," napa palakpak si Nadine nang makita n'ya ang kabuoan ko. Napatingin naman ako sa salamin at natuwa rin sa nakita ko. I really look sexy and different. She put some light make ups on me and she let my long curly hair down. "Please remind me about cutting my hair, nakakalimotan ko kasi," I said. "Copy," Nadine is now busy looking for her dress. She also did p

