Nakarating kami sa resort ni Nadine na umaga na. Dumaan naman ako sa mga kainan para painumin ng sabaw si Nadine. Until now hindi parin namin ino- open ang cellphone namin. "Ang sakit ng ulo ko grabe. Parang ma babasag na," sambit n'ya habang sapo sapo n'ya ang kanyang noo. "Ayan kasi laklak ka malala kagabi." "Last na to Lord, promise hindi na talaga ako uulit. Ang sakit." "Ilang last mo nayan? Wag mo ng damayin si Lord sa kalokohan mo." Pagka park ko ng sasakyan ay bumaba na kami. Napansin namin busy na ang lahat ng organizers para sa gaganaping kasal. Kami naman ni Nadine ay nag lakad papuntang cabin ko. Pagka rating namin sa cabin ko ay napatayo lahat ng tao ron. Inside my cabin was my Mom, Dad, Rejan and Jerome. Sabay- sabay silang lahat na napatay nang makita kami ni Nadine. "

