Cow's milk

1120 Words
Tulad nang sinabi ni Sophia pinadalhan na lang niya ako ng pagkain dito sa itaas. Pagkatapos ko kumain' naglinis na ako nang katawan at nahiga na sa kama. Hindi ko na sinubukan na lumabas dahil wala din naman ako gagawin sa labas ng Hacienda. Nahiga na lang ako sa kama hangang sa dalawin na ako nang antok' Sa kalaliman ng gabi at nang aking pagkakahimbing parang may nararamdaman ako na humahalik sa akin. Pagmulat ko nang mata nakita ko ang mukha ni Rafael' amoy alak siya at lasing. "Rafael anong ginagawa mo.." Sabi ko sa kanya na pilit ko iniiwas ang mukha ko sa paghalik niya. Pero parang bingi siya' Gumapang ang labi niya sa leeg ko. Hindi ko siya makuhang itulak' dahil walang galit o marahas na pagpupumilit sa klase nang ginagawa niya sa akin. Bumalik ang labi niya sa labi ko' hindi ko alam kung dapat ko ba itong tugunin' Naramdaman ko na tumigil siya sa paghalik sa akin at tumabi sa akin para mahiga. Niyakap niya ako' at sumiksik ang mukha niya sa leeg ko. "Rafael.." Tawag ko ulit sa kanya' narinig ko ang malalim na paghinga niya. ibig sabihin tulog na siya'. Kaya hinayaan ko na lang siya na manatili sa tabi ko. Kahit papaano nakaramdam ako nang kasiyahan dahil hindi kami nagtatalo at walang pader na nakapagitan sa amin. Malaya kong naramdaman ang init nang katawan niya sa tabi ko.. Mahal Kita Rafael' hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo, hindi ko din magagawa ang binibintang mo na kahit galit ako sa iyo' Bakit hindi ka pumunta sa araw na iyon? nandun sa sulat ang lahat nang gusto ko sabihin sa iyo' Bakit binalewala mo ang pagmamahal ko sa iyo kahit na alam mo na may nangyari na sa atin' Bulong ko sa isip ko' habang tulog siya na nakayakap sa akin. Siya lang ang nakayakap sa akin' hindi ko siya makuhang yakapin dahil natatakot ako na baka magising ko siya. kahit hindi ako makatulog' dahil nanatiling nakayakap siya sa akin' pinilit ko parin na bumalik sa pagkakahimbing. Nagising ulit ako nang wala na siya sa tabi ko' pero may mahabang unan ako na yakap at may kumot din na nakatalukbong sa akin hangang leeg ko. Tumayo ako para mag banyo na' tulad ng dati maluwag na dress pa din ang suot ko. Lumabas ako nang kuwarto para bumaba. Nagtuloy sa kusina' nagulat pa ako dahil si Rafael ang nanduon sa nakaupo sa harapan ng mesa at nagtitimpla ng kape niya Tatalikod Sana ako' pero huli na dahil nakita na niya ako. "Pumasok kana dito' Narinig ko na sabi niya' kaya wala ako nagawa kundi ang pumasok nang tuluyan sa loob ng kusina Naupo ako sa dulong upuan kung Saan malayo sa kanya' hindi ko alam kung paano kikilos sa loob' dahil dalawa lang kami nanduon. Naramdaman ko na tumayo siya naglakad hindi ko na tinignan kung Saan siya nagpunta' pero napansin ko din agad ang bigla niya pagbalik papunta sa kung saan ako nakaupo' akala ko lalabas na siya dahil malapit lang naman ako sa pintuan. Pero nagulat ako dahil may nilapag siya na gatas sa mesa sa harapan ko' " inumin mo iyan' alam ko Paborito mo yan" Tinignan ko ang gatas na nasa harapan ko' at inamoy ko ito pagkaupo niya isang pagitan ng upuan mula sa akin. Gatas ng kalabaw paano niya nalaman na paborito ko ito' sa isip isip ko. Kahit medyo malayo siya sa akin narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Sorry sa nasabi ko kahapon Savannah" Nagulat ako sa pabigla niyang pagsasalita' tumingin ako sa kanya pero nasa kape na hawak niya ang atensyon niya. "Ok lang iyon' hindi ko naman hawak ang damdamin mo para pigilan ka sa mga gusto mong sabihin" Sabi ko sa kanya sa malumanay na boses' pero masama pa din ang loob ko. Sabi ko sa sarili ko' mahang katahimikan ang namagitan sa amin' pero siya din ang bumasag. "Akala ko kaya kong mamuhi sa iyo kahit ang laki ng kasalanan mo sa akin' pero mas lalo lang ako nagagalit sa sarili ko pag nakikita kitang nasasaktan" Narinig ko na sinabi niya' na siya naman dating ni Don Felife. "Good morning iha'" Bati sa akin ni don Felife. "Magandang umaga din po" Tipid na sagot ko. Nakita ko na lumapit siya kay Rafael at tinapik ito sa balikat. "Aalis na ako Rafael Ikaw na ang bahala sa pamangkin ko na darating" Narinig ko na sinabi ni Don Felife kay Rafael. "Opo tito" Narinig ko na sagot niya'. "Maiwan ko na kayo iha' dalawang linggo ako mawawala dahil kailangan ako nang aking esposa sa Spain' nandito naman si Sophia" Sabi sa akin ni don Felife' Lumabas na si Don Felife nang kusina na siya naman dating ni Sophia. Natuwa ito nang makita ako' na siyang tabi niya agad sa akin. "Dinaanan Kita kanina sa kuwarto mo bago ako bumaba' nandito ka na pala" Nakangiti niyang sabi sa akin' at napatingin din siya kay Rafael na tahimik pa din na nakatingin sa baso niya na hindi na yata ginalaw. "Kuya bakit nandito kapa?" Tanong sa kanya ni Sophia' na hindi pa din kami tinignan'. Pero hindi katagalan nakita din namin na tumayo na siya' at kinuha ang jacket na itim na nakasampay sa bakanteng upuan. Walang imik na lumabas nang kusina' nanibago ako sa asal ni Rafael. "Bakit Saan ba siya pupunta?" Tanong ko kay Sophia na sinundan pa din nang tingin ang papalayo na si Rafael. "May pinapasundo kasi sa kanya si daddy si kuya Michael Cousin ko na siya muna papalit sa pamamahala dito' habang nasa Spain si daddy" Sagot sa akin ni Sophia' napatingin pa siya sa baso na nasa harapan ko na may laman na gatas' na hindi ko pa iniinom. "Nag away ba ulit kayo?" Bigla niyang tanong sa akin' umiling lang ako sa kanya. "Para pala sa iyo ang gatas na iyan'" Nakangiti niyang sabi sa akin' na nasa gatas pa din ang tingin. "Bakit mo nasabi?" Nagtataka na Tanong ko' dahil sa simpleng gatas lang naman. "Lasing na lasing siyang umuwe kagabi' habang dala niya iyan" Pagkukwento ni Sophia. "Pinagalitan pa nga niya si Cardo na naghatid sa kanya na huwag iinumin yung gatas na uwe niya" Napatingin ako sa gatas na nasa harapan ko' bigla ako may naalala kung paano ko ito unang natikman at kung bakit nagustuhan ko ang lasa. Nasa manggahan kami nuon ni sierra habang Kasama ni kuya Lambert na nag-iikot. Napadaan kami sa mga kumpulan nang mga tao ni kuya na nagpapahina habang kumakain na sila Inalok nila kami Kumain para dahilan na mapahinto kami sa harapan nila' duon ko unang nasilayan si Rafael' Medyo kaputian pa siya nung mga panahon na iyon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD