I'm pregnant

1129 Words
**Flash back** "Señorito' Señorita Kain po tayo" Narinig ko na alok sa amin nang isang tauhan ni kuya' Kasama sa karamihan na mga trabahador na nakasalampak sa damuhan habang kumakain. Napahinto kami ni Sierra sa paglalakad dahil huminto si kuya para maupo sa tabi nila' Naupo na din ako'' nakita ko ang pag alinlangan sa kakambal ko dahil nagulat siya na sumalampak din ako nang upo. Natatawa ako na hinila ko siya' hindi naman sa nandidiri siya' alam ko na naiilang siya makisalamuha sa karamihan nang tao. Habang kumakain sila nakikipag kuwentuhan sa kanila si kuya' nilibot ko ang mata ko sa karamihan nang mga tao na kumakain' naagaw nang pansin ko ang isang lalaki na seryosong kumakain na naka kamay, Narinig ko na tinawag siya na Rafael nagtama saglit ang mata namin' pero agad din ako umiwas dahil parang bumilis ang t***k nang puso ko. Napansin ko din na maraming bote ng gatas sa harapan nila' Pinag interesan ko itong tignan dahil kakaiba ang Lalagyan at may makapal na dahon na takip' kumuha ako ng baso at palihim na tinikman iyon. Nasarapan ako sa lasa' tapos kinalabit ko si kuya' na nasa tabi ko. "Kuya anong gatas ito?" Tanong ko sa kanya' na tinignan lang saglit ang hawak ko. "Gatas ng kalabaw yan" simpleng sagot niya sa akin' dahil hindi sila nakatingin nagsalin ulit ako sa baso at inalok ko si sierra' pero tumanggi ito. Hindi ko alam na kanina pa pala nakatingin sa akin yung Rafael na narinig ko na tinawag ni tatay Lucio. Muntik ko na maibuga ang gatas na tinikman ko' nahiya tuloy ako baka kung ano pa ang isipin niya. Kaya binaba ko na lang ang baso na hawak ko at nilayo sa akin ang isang bote ng gatas. Narinig ko na nagpaalam na si kuya sa kanila' kaya sabay na kami tumayo ni Sierra. Pero bago kami lumakad palayo kinalabit ko muna si kuya. "Kuya Saan makakabili ng gatas na iyon? Simpleng bulong at turo ko sa kanya, Nilingon naman ni kuya ang sinasabi ko. "Galing pa iyan sa kabilang hacienda" Simpleng sagot sa akin ni kuya. Umalis na kami na napalingon pa ako sa ilang bote ng gatas sa lapag kasama ng mga iba pang pagkain nila'. Kinabukasan pagkagising nagpunta ako ng kusina nakita ko agad si Manang' "Good morning Manang" Masayang bati ko sa kanya. "Good morning señorita savannah" Masayang bati din niya sa akin. "Si Manang talaga sabing wag mo ako tatawagin na señorita e'" Kunwari na pagma-maktol ko sa kanya. Lagi namin sinasabing magka-kapatid sa kanya iyon' lalo na si mommy lagi sinasabi na tawagin lang niya kami sa pangalan namin. "Oh siya Sige na' gusto mu naba Kumain? nasaan si sierra tulog pa ba?" Pagtatanong niya sa akin' at naupo na ako sa tapat ng mesa. "Opo Manang tulog pa nung bumaba ako" Pagkakagay niya ng mga pagkain sa mesa nanlaki ang mata ko sa sinunod niya na nilagay' Yung katulad ng bote na may laman na gatas kahapon na tinikman ko'. Kinuha ko iyon at tinignan heto nga iyon' bulong ko sa isip ko. Nagsalin agad ako sa baso na nasa harapan ko na kalalagay lang ni Manang. Pagkainom ko nalasahan ko na ito nga yung natikman ko na gatas' Natuwa ako kasi nakaramdam siguro si kuya nung tanungin ko siya tungkol sa gatas na ito. Mula nang umaga na iyon araw araw na ako nakakatikim ng gatas ng kalabaw pag umuuwi ako sa hacienda' isa iyon sa hinahanap ko lagi pag umuuwe. **End of flashback** "Savannah ok ka lang?" Narinig ko na Tanong ni Sophia' na nagpabalik sa akin dahil sa naalala ko sa gatas na ito' "Ok lang ako" Sagot ko sa kanya at sabay inom sa gatas na inabot kanina ni Rafael' nang matikman ko ito' heto nga yung gatas na lagi kong iniinom pag umuuwi ako ng Hacienda namin. Pagkatapos namin Kumain inaya ako ni Sophia na mamasyal sa labas ng bahay nila. Hindi naman kami lumayo' Naupo kami sa isang malaking puno na may nakasabit na duyan. Dahil malapad at malaki ang duyan nagkasya kaming dalawa' kasya pa nga ang isa. "Savannah wag mo sana ikakagalit ang itatanong ko sayo'" Pag uumpisa niya sa akin, "Sige ano ba iyon?" Matipid na sagot ko sa kanya. "Totoo ba na nawala yung dapat na anak ninyo ni kuya Raf?" Pero agad ulit siyang nagsalita. "Pero ok lang kahit huwag mo sagutin' Kalimutan muna na nagtanong ako" Sabi niya sa pag aalala na boses. "Sophia ano ba ang pagkaka-kilala mo sa akin?" Tanong ko naman sa kanya. Nakita ko na natahimik siya' dahil bahagya ko siyang sinulyapan dahil sa magkatabi lang kami sa duyan. "Sa totoo lang savannah hindi ko alam' pero nakikita ko sa'yo ang pagiging palaban na babae' Ikaw yung kahit na nasasaktan na ay pilit pa din na itinatago" Sagot niya sa akin' tama siya sa sinabi niya na pag nasasaktan ako ay pilit ko itong itinago' dahil ayoko may makakita sa akin na nasasaktan ako' pero yung sinasabi niyang palaban na babae ako. Napailing ako dun' dahil maskara ko lang iyon, iyon lang ang pinapakita ko sa lahat' dahil para iyon sa kakambal ko na si sierra. Dahil sa amin dalawa' siya ang mas higit na mahina, kaya pilit kong iniba ang ugali ko para sa kanya, dahil sa akin siya halos kumukuha nang lakas pag dumadating sa pagkakataon na may mang aapi sa kanya at pinanghi-hinaan siya nang loob. Pero nakita nila totoong ako' ang totoong duwag na si Savannah na halos mawalan nang pag asa nang dahil lang sa lalaki. Pero hindi ako kinutya nang pamilya ko mas lalo pa nila akong minahal' Lalo na si mommy' na lagi niyang sinasabi na.. "Ok lang anak' na minsan ilabas natin ang kaduwagan natin' hindi makakabawas sa pagkatao mo kung minsan makikita namin na nahihirapan ka at kakailanganin mo din kami' at Ikaw naman ang mangailangan nang pagdamay ni sierra' at kahit na anong mangyari ang savannah na Kilala namin ay mananatili na si Savannah" Naiyak ako sa sinabi ni mommy na iyon habang lugmok ako sa kalungkutan' iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin. Kaya dahil sa pagmamahal nila at ni sierra nakabangon ako. Bumalik ang isip ko sa Tanong kanina ni Sophia' at tumingin ako sa kanya nang nakangiti. "Sophia hindi nawala ang anak namin ni Rafael.." Sabi ko sa kanya' nakita ko ang malaking tuwa sa mga mata niya. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa maliit na umbok nang tiyan ko. "Sabi ko na nga ba savannah e" Tuwang tuwa na sabi niya. "Sabi ko na nga buntis ka kasi napagmasdan ko ang tiyan mo nung nakahiga ka' hindi maitatago ang normal na ikot at nakaumbok na tiyan mo" Tuwang tuwa na sabi niya sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD