Michael Alcazar

1063 Words
Nakita ko na walang paglagyan Ang tuwa ni Sophia dahil sa narinig niya sa akin. "Sophia may ipapakiusap Sana ako sa iyo" Sabi ko sa kanya' sa seryosong boses ko. "Tayo lang muna sana ang makakaalam Puwede ba?" Nakita ko ang unti unting paglaho nang kasiyahan sa mukha niya. "Bakit savannah?" Pagtataka na Tanong niya' hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na hindi ako magtatagal dito sa Mindoro at babalik din ako ng Canada pag nagawa ni kuya ang pakiusap ko na kailangan kasal na sila ni stella bago ang isang buwan na ilalagi ko dito. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya' at tinignan ko siya nang nakangiti. "Masyado pa kasing kumplikado ang lahat' marami pang bagay na dapat iayos" Sagot ko na lang sa kanya. "Pero paano si kuya Raf savannah? karapatan din naman niya malaman diba?" Sagot niya sa akin. " Matutuwa si kuya pag nalaman niya na hindi totoong nawala ang anak ninyo" Nakangiti ulit niya na sabi sa akin. "Basta sophia' darating din naman ang panahon na malalaman niya rin' basta ngayon gusto ko wala kang pagsa-sabihan sa nalaman mo" Pakiusap ko sa kanya' nakita ko din ang bahagyang pag iisip niya. "Sige Ikaw ang bahala Savannah' Sana maging maayos ang lahat sa inyo ni kuya raf para na din sa baby ninyo" Masaya na ulit niyang sabi' nagtagal pa kami sa duyan habang masaya na nagkukwentuhan. Nalaman ko din sa kanya na hindi siya gaanong lumalabas ng Hacienda' Kung lalabas man daw siya kailangan may kasama at kailangan hindi naka expose ang kanyang mukha. Kaya pala nung magpunta kami ng pamilihan minsan' naka sumbrelo siya na hindi naman kalakihan' akala ko ayaw lang niyang maarawan. Nagulat ako sa sinabi niya' masyado pa lang over protective ni don Felife para sa nag iisa niyang anak. Maganda kasi si Sophia' Maganda ang kutis niya hindi nalalayo ang tangkad namin. maganda din ang katawan' yung kagandahan niya may lahing espanyol base sa nakikita ko sa kanya. Lalo na pag ngumingiti siya' sumasabay ang singkit na mata niya sa dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi Siguro may lahing Espanyol ang asawa ni don Felife' hindi ko pa kasi nakikita ang esposa niya. Hindi din daw niya naranasan ang mag aral sa labas para maransan ang isang normal na estudyante' dahil dito daw siya nag aaral sa Hacienda' at may private teacher siya hanggang sa makapag tapos siya. Nakaramdam ako nang awa dahil sa mga nalaman ko sa kanya' pero ok lang daw ang lahat sa kanya ang ganoon. Dahil alam daw niya na para naman sa kanya iyon' dahil may edad na daw ang daddy at mommy niya nang dumating siya sa buhay ng mga ito. Kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon ang daddy at mommy niya. Naputol lang ang pag uusap namin nang matanaw namin mula sa medyo kalayuan na parating na ang sasakyan ni Rafael' sa kanya ko din nalaman na matalik na kaibigan ng papa niya ang daddy ni Rafael na nakatira sa Spain. Kaya pala ang laki ng pinagbago ni Rafael mula sa pagiging simpleng trabahador sa Hacienda' hindi na siya nalalayo sa mga lalaki na nakikita ko sa maynila at Canada. "Tara na savannah salubungin natin si kuya Michael" Nakangiti niyang sabi' at inalalayan niya ako patayo sa duyan. Pag kadating namin sa tapat ng bahay huminto kami para salubungin ang paparating na sasakyan. Pagkahinto nito lumabas ang isang lalaki sa tabi ng driver seat. Nakangiti ito na tumingin sa tabi ko na si Sophia' at napabaling din sa akin ang tingin niya na napa seryoso ang mukha at bigla din ngumiti nang simple. Parang nakita ko sa kanya si kuya Ashlem' base sa kilos at pananamit niya. Guwapo din siya at may kaputian' singkit din ang mata niya na katulad ng kay Sophia. hula ko nasa edad 28 siya kung hindi ako nagkakamali. Lumapit siya sa amin at yumakap agad sa kanya si Sophia na nasa tabi ko. "Kamusta ang diyosa kong pinsan dito" Nakangiti niya na salubong kay sophia. "Ok lang kuya' kamusta naman ang hunk na kuya ko?" Nakangiti naman na sagot ni Sophia' halatang close sila base sa pag uusap nila. "Heto hunk pa din' at lalong gumwapo" Sagot naman sa kanya ulit ng pinsan niya' napatingin na sa akin ang lalaki na nakaakbay kay sophia na nasa tabi ko pa din. Napansin siguro iyon ni Sophia. "Ahh kuya siya pala si Savannah' isa siya sa anak na may ari ng Hacienda Casivue" "Savannah siya si kuya Michael ang pinsan ko' siya ang pumapalit dito pag wala si daddy' kaya makakagala tayo dahil suportado ako ni kuya." Masayang sabi ni Sophia sa akin. "Ikaw pala si Savannah ang Kapatid ni lambert' diba may kambal ka?" Nakangiti na sabi ni michael sa akin. "Yes' nasa Canada siya nag aaral" Sagot ko lang sa kanya' nakita ko ang pagtango niya' at nakita ko din ang paglahad ng kamay niya sa akin. "Michael Alcazar" Pag papakilala niya sa akin nang nakangiti' agad ko naman itong tinangap dahil pinsan siya ni Sophia. "Savannah Casimiro" Nakangiti ko naman na sagot sa kanya' na kinalingon namin tatlo sa pabalibag na pagsara ng pintuan ng sasakyan. Nakita ko ang galit na mata ni Rafael na nakatingin sa kamay ko na hawak pa din ni Michael' Hinila na ako ni Sophia para maalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko na hindi rin niya siguro namalayan na hawak pa niya' dahil parehas kami napalingon sa malakas na ingay na gawa ni Rafael. "Kuya Michael tara na pasok na tayo sa loob'" Narinig ko na sabi ni Sophia sabay hila na sa akin' papasok sa loob' Napalingon pa ako kay Rafael na nakatingin pa din sa akin. Naupo kami sa malaking sala nasa tabi ko pa din si Sophia' habang si Michael naupo sa mahabang bankuan na nasa harapan lang din namin. Hindi ko alam kung ano ang masayang pinag uusapan nila' dahil nasa pintuan ang atensyon ko. hinahantay ko si Rafael na pumasok sa loob. "Savannah narinig mo? sabi ko sa'yo makakagala tayo basta nandito si kuya" Sabi niya sa akin na kinalingon ko na sa kanila' Nakangiti sa akin si Sophia at si michael. Siya naman na Pasok ni Rafael. "Kuya sama ka sa amin bukas aalis tayo nila kuya Michael" Nakangiti na sabi ni Sophia sa papaakyat ng hagdan na si Rafael na seryoso ang mukha..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD