He was jelous

1045 Words
Napatingin din ako kay Raf habang sinasabi iyon ni Sophia' sa akin siya nakatingin habang tumango lang at tuluyan na siya umakyat ng hagdan. Pagkatapos nang isang maghapon na iyon' naging ayos naman ang araw ko sa pamamalagi sa Hacienda mondragon, Nasa sala ako habang kausap ko si mommy at sierra sa phone ko' "Yes mommy I'm ok' I love you" "Yes sierra uuwe din ako diyan" Natatawa na sagot ko sa kanila' dahil salitan ko silang kinakausap ni mommy dalawa silang nagsasalita sa kabilang linya. Natapos na ang pag uusap namin nang nakita ng mata ko si kuya Michael na papalapit sa akin, Nalaman ko na 28 na nga siya' kaya nakakahiya naman kung hindi ko siya tawagin na kuya dahil ang laki ng tanda niya sa akin' Si Sophia naman ayaw magpatawag ng ate kahit matanda siya' sa akin ng tatlong taon. Si Rafael lang naman kahit sa isip ko nuon na hindi ko kaya na tawagin ng kuya kahit alam ko na malaki din ang tanda niya sa akin. "Bored ka na ba?" Tanong niya sa akin' Sabay abot nang isang baso ng juice pagkaupo niya sa sofa sa tapat ko "Hindi naman po kuya" Tipid na sagot ko sa kanya' "Ano ba yan' nailang naman ako tinawag mo ako na kuya" Nangingiti na sabi niya' "E' kasi po mas matanda ka sa akin e' at pinsan ka po ni Sophia" Nakangiti ko din sa sagot sa kanya' "Dahilan ba iyon para tawagin mo akong kuya?". Nakangiti ulit na tanong niya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya' para naman problema sa kanya ang pagtawag ko ng kuya sa kanya, "Hayaan muna nga' ang lalim tuloy ng iniisip mo" Natatawa niyang sabi sa akin' natawa na din ako sa sinabi niya. Nasa ganoon kami na tagpo nang sabay na bumaba si Sofia at Rafael' Nakangiti si Sofia habang nakatingin sa amin' Si Rafael naman hindi ko mabasa ang mukha. "Savannah' gusto mo sumama sa amin?" Nakangiti niyang Tanong sa akin at naupo sa tabi ko. "Saan?" Nakangiti ko na tanong sa kanya, "18th birthday kasi ni Maria ngayon' wag ka mag alala konti lang daw ang mga bisita niya'" Kaya pala hindi ko nakikita si Maria mula kaninang umaga' "Sige ba" Nakangiti ko na sagot sa kanya'. "Sophia' ako hindi mo tatanungin?" Narinig namin na salita ni kuya Michael, "Kuya hindi ka naman mahilig sa mga ganoon na simpleng okasyon e" Narinig ko na sagot ni Sophia. "Basta sasama ako' wala ako Kasama dito" Sabi pa din ni Kuya Michael . "Ok Sige na nga' tara na" Sabay aya na sa amin ni Sophia, Naunang naglakad sa amin si Rafael' kaya napagmadan ko ang likod niya'. Pagdating sa harapan ng kotse ni Rafael binuksan niya ang pintuan sa tabi ng driver seat' at narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko. Pero bigla din nagsalita si kuya Michael na nasa likod naman namin. "Sophia duon kana sumakay sa tabi ni Rafael' sa likod na lang kami ni Savannah" Sabi niya kay sophia' na napatingin naman si Sophia Kay Rafael. kaya napatingin din ako kay Rafael. Nakita ko pag galaw ng panga niya' At saglit na galit sa mata niya'. Wala na nagawa si Sophia dahil pinagbuksan na ako ng pintuan ng sasakyan ni kuya Michael. Habang nasa biyahe' si kuya Michael lang ang panay ang salita sa amin. Nasa akin ang atensyon niya' lahat' ng tungkol sa akin inaalam niya'. "Saan kayo sa Canada? kasi minsan may work ako na related sa Canada para naman minsan madalaw Kita duon" Tanong niya sa akin' pero bago ako sumagot biglang nagpreno ang sasakyan namin. Muntik na ako sumubsob sa harapan ko na agad naman ako nakabig payakap ni kuya Michael. "What happened?" Tanung ni Kuya michael' "Ayos ka lang Savannah?" Pag aalala na Tanong ni Sophia' na nakalingon sa amin' siguro naalala niya na buntis ako. Umayos ako ng pagkakaupo ko' nakita ko si Rafael' na masama ang tingin kay kuya Michael. "May biglang aso na dumaan muntik ko na masagasaan" Sagot niya na may halong pagkayamot. Pagkadating sa bahay nila maria' agad kami sinalubong nito' "Happy birthday maria" Nakangiting bati ni Sophia at yakap dito. "Thank you señorita" Sagot naman niya kay Sophia'. Dinala kami ni Maria sa likod bahay nila kung Saan gagawin ang birthday niya. konting upuan at ilang mesa ang nakaayos' nakita din namin ang ilang kadalagahan at mga binata na mga kaybigan at mga kamag anak niya siguro. Naupo kami sa ilang bakante na upuan' agad tumabi sa akin si kuya Michael at Sophia' si Rafael naman nakita ko na tumabi na lang kay Sophia. Napansin ko si Sophia na panay lingon at ikot ng paningin sa mga tao. "Bakit sino hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya' habang may mga pagkain na naglagay sa mesa namin at ilang bote na inumin. "Si Cardo yung kababata at kinakapatid ko' sabi kasi niya gagawa siya ng paraan para makapunta sa birthday ni maria" Naagaw ang atensyon namin ng biglang may tumugtog na magandang awitin' at may nagsalita din sa harap, "Good evening po sa inyong lahat' salamat po sa inyong lahat' Salamat po sa mga kaibigan ni maria na nagpunta dito' dahil sa simple lang po ang kaarawan ni maria. wala po sa plano ang 18th roses' pero dahil na din po sa hiling ni mam sophia na amo po niya' ay magkakaroon po ng 18th roses. kaya ang gagawin na lang po natin' lahat'po ng gusto isayaw si maria ay Puwede po' hangang sa matapos ang 18th roses dance po niya' salamat po ulit sa inyo" Pagtatapos nang babae na nagsalita. Napatingin ako kay sophia na may hinahanap pa din ang mata. isa isa nang tumayo ang ilang lalaki na gustong isayaw si maria habang may nag aabot sa kanila ng roses para iabot naman kay maria, "Kuya Michael kulang sa 18th dance si maria' isayaw ninyo na din siya ni kuya Raf ah" Narinig ko na sinabi ni Sophia sa kanilang dalawa na abala na sa iniinom na bote na nakakalasing sa lamesa namin. Naunang tumayo si Rafael para pumunta sa gitna at isinayaw si maria' sumunod naman si Kuya Michael. Pagbalik ni Rafael umupo na siya sa upuan na iniwan ni kuya Michael sa tabi ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD