Pagbalik din ni Kuya michael' naupo na lang siya sa tabi ni Sophia' na kanina ay inupuan ni Rafael'
"Nandyan na siya"
Narinig ko na sinabi ni Sophia' sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya'.
Nakita ko na may lalaki na lumapit kay maria at may dala na maraming roses at inabot kay maria'
Napatingin pa ako sa suot niya' Yung kupas niya na pantalon na may mga talsik pa ng Putik at ang damit niya na parang Puro talsik ng kung anong dumi para bang tumakbo o naglakad ito sa putikan para makarating lang dito'.
Hindi na siya nag abala na magpalit man lang.
"Sino ba siya?"
Tanong ko kay Sophia na ang ganda nang ngiti habang nakatingin sa dalawang sumasayaw sa gitna.
"Siya si Cardo ang kinakapatid ko na nagtatrabaho din kay daddy' alam mo ba pinilit niya makarating sa kaarawan ni Maria' galing pa kasi siya ng Maynila may pinalakad na importante sa kanya si daddy"
Pagkukwento ni Sophia.
"Mahal kasi niya si maria' yun ang hindi alam ni maria hinihintay lang ni Cardo na mag 18 si maria at magtatapat na siya dito"
Sabi pa niya'..
Napatingin ako sa dalawang sumasayaw sa gitna' hindi maalis ang mata nila sa isa't isa. kahit hindi nakapustura si maria at simple lang ang kanyang kasuotan' Habang si Cardo naman ay galing pa pala sa malayong lugar ay pinilit makarating sa kaarawan ni maria' para sa babaeng mahal niya.
Naramdaman ko na may mainit na likidong naglandas sa mata ko' pinunasan ko ito at umiiyak na pala ako.
Napatingin akong bigla sa katabi ko na si Rafael' nakatingin din siya sa dalawang sumasayaw sa gitna, seryoso ang mukha niya.
Napatingin din ako sa lamesa namin nakarami na pala siya ng iniinom dahil marami ng basyo ng bote.
Nagtapos ang magandang awitin kasabay ng dalawang sumasayaw sa gitna' napalitan ito ng ibang awitin at tumayo ang iba para sumayaw na din sa gitna.
Nagulat pa ako na may nakatayo sa harap ko' at may kamay na nakalahad pagtingin ko sa kanya' Si Kuya Michael Nakangiti sa akin habang inaantay na abutin ko ang kamay niya.
"Can I dance with you?"
Sabi niya sa akin sa malambing na boses' napatingin ako kay sophia hindi nakaligtas sa akin ang simpleng tingin niya kay Rafael' pagkatapos nun ngumiti siya sa akin.
Dahil sa pagngiti ni Sophia inabot ko na ang palad ko kay kuya Michael.
Hindi ko na pinag aksayahan na tignan si Rafael' basta narinig ko na lang na habang papalayo kami sa kanila' tinawag ni Sophia ang pangalan niya.
Nasa gitna kami ni kuya Michael' habang sinasabayan ang malamyos na tugtugin.
"Savannah hindi ko alam kung ano ang rason mo kung bakit nasa Hacienda Mondragon ka"
Pag uumpisa ni kuya Michael' nanatili lang ako na nakikinig sa kanya.
"Alam ko may dahilan' dahil 2years ago nakikita na kita na laging kayong Kasama ng kambal mo ni kuya Lambert mo' kaya alam ko na hindi siya papayag na iwan ka sa Hacienda ni tito Felife"
"Kuya Michael.."
Sambit ko na lang sa pangalan niya.
"Alam ko may mabigat na dahilan siya' pero Kung ano man iyon' Masaya ako dahil nakakasama kita. alam ko may problema ka dahil hindi maitatago ng mata mo iyon' hindi ang savannah ngayon' na nasa harapan ko ang dating savannah na natatanaw ko lang lagi mula sa malayo"
Nag-uumpisa na ako umiyak sa sinasabi niya' pinunasan niya ang luha ko'
"Habang nasa Hacienda ako ni tito Felife Puwede mo ako ituring na kuya mo' kung iyon lang ang tanging paraan para mapalapit ako sa iyo at gumaang ang nararamdaman mo"
Nakangiti ulit niya na sabi sa akin' halos hindi na mapigilan ang Paglandas nang mga luha ko. dahil hinahanap ko ang ganitong klase ng pagkalinga sa akin ni kuya Lambert.
Pinunasan niya ang mga luha ko.
"Huwag kana umiyak' baka isipin ni Sophia pinaiiyak Kita"
Sabi niya ulit sa akin' dahil sa sinabi niya napayakap ako sa kanya, ang tingin ko sa kanya nung gabi na iyon ay si kuya lambert ang nasa harapan ko.
Ganito ako kausapin ni kuya Lambert pag nararamdaman niya na may problema ako' hindi namin maitago sa kanya kahit anong pilit namin itago ni sierra.
Dahil bukod kay mommy na magaling kumilatis ng aming nararamdaman isa na duon si kuya Lambert.
"Thank you kuya"
Sagot ko sa kanya' may sasabihin pa sana si kuya Michael na marinig ko na may tumawag sa pangalan niya.
"Kuya Michael baka gusto mo din ako isayaw?"
Sabi ni Sophia na nasa tabi na pala namin at kasayaw naman si Rafael na nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin.
"Yeah sure Cousin"
Lumipat sa amin si Sophia at hinila ako sa tapat ni Rafael' na siya naman ulit lapit niya kay Kuya Michael'
Hindi ko alam kung paano kikilos sa tapat ni Rafael' siya ang kumuha nang dalawang kamay ko at nilagay sa balikat niya' siya naman hawak na niya sa bewang ko.
Ang lakas nang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya.
Nagpalit na ng ibang tugtugin' naging mas malamyos at masarap sa pakiramdam lalo na't kaharap ko si Rafael at kasayaw.
Ganito ang pinangarap ko nuon ng sumapit ang 18th birthday namin ni Sierra.
Siya ang gusto kong huling sayaw ko' habang si sierra ang huling sayaw niya ay si kuya Ashlem'.
Nakaramdam ulit ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa alaala na iyon. dahil sa hindi na siya nagpunta binalewala pa niya ang sulat ko.
"Savannah.."
Tawag niya sa akin' naamoy ko ang hininga niya kasama ang amoy ng alak na ininom niya.
"Sino ang huling sayaw mo nung sumapit ka sa ganitong kaarawan mo?"
Narinig ko na tanong niya' hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin,
Dahil pinapaalala lang niya sa akin na binalewala niya ako. pinaasa niya ako nung gabi na iyon.
"Si Kuya Lambert"
Tipid na sagot ko na lang sa kanya.
Nakita ko ang paglambong nang mata niya.
"Ang swerte talaga ni lambert Mahal na nga siya ng Kapatid ko' siya pa ang naging huling sayaw ng babaeng pinangarap ko makasayaw sa importanteng ganap sa buhay niya"
Narinig ko na sinabi niya...