Ang lakas ng kalabog nang dibdib ko sa narinig ko mula sa kanya' nakita ko din sa mata niya ang Panghinhinayang sa panahon na iyon na gusto sana niyang mangyari.
"Anong sabi mo?"
kinakabahan ko na tanong sa kanya' hindi ko alam kung natatakot ako sa maari niyang isagot.
"Pinangarap ko na makasayaw ang babaeng mahal ko nung sumapit din siya sa edad na ito"
Umiiyak na ako habang naririnig ko mula sa kanya iyon' gusto ko pa ulit magtanong sa kanya.
"Bakit sabi mo nakasayaw siya ni kuya Lambert?"
Garalgal na ang boses ko sa pagtatanong ko sa kanya.
"Dahil iyon ang sabi niya ngayon'"
Lalo ako napaiyak sa narinig ko' kahit na alam ko na hindi pa sapat iyon para sa gusto kong malaman. dahil kahit konting pag asa lang na malaman ko na may halaga din ako sa kanya ay malaking kaligayahan na para sa akin.
"Bakit umiiyak ka savannah? sorry sa nasabi ko"
Umiiling ako sa kanya habang umiiyak,
"Rafael pakiusap ulitin mo ang sinabi mo"
Umiiyak ko ng sabi sa kanya' nasa mukha niya ang pagtataka.
"Pakiusap Rafael!!"
Nakita ko ang labis na pagtataka niya sa pakiusap at uri nang pagiyak ko.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya.
"Pinangarap ko siya makasayaw isa sa importante na ganap sa buhay niya' gusto ko makapunta nung araw na iyon' pero natatakot ako na baka hindi niya' ako kailangan"
Sabi niya sa mahinang boses' parang binibiyak ang puso ko sa naririnig ko sa kanya.
"Bakit hindi mo pa rin sinubukan?"
Matigas na tono na pagkakatanong ko sa kanya habang umiiyak pa rin ako na nakatingin sa kanya.
"Natakot ako' dahil walang kami! kahit na may nangyari na sa amin. hindi ko alam kung dapat ko na bang panghawakan iyon' dahil sa layo ng estado namin sa buhay"
Gusto kong sumigaw sa harapan niya'! gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko na naipon sa dibdib ko!
Paano niya nasabi na walang kami! may nangyari na nga sa amin. at yung sulat na pinaabot ko para sa kanya' nanduon lahat ng gusto kong sabihin para sa kanya.
Bakit hindi man lang niya pinang hawakan ang mga sinabi ko sa sulat!
Dahil sa sama ng loob ko' dahil sa mga narinig ko sa kanya tumakbo ako palayo sa kanya.
Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Savannah!!!!"
Pero hindi ko siya nilingon' gusto kong sumigaw sa kung Saan man ako makarating. gusto ko ilabas ang lahat ng ito na walang makakakita sa akin.
Dahil sa madilim hindi ko alam kung Saan ako dinala nang paa ko na tumatakbo habang umiiyak pa rin.
Tinignan ko ang paligid ko' nasa masukal na lugar pala ako at mga naglalakihan na puno.
Umupo ako pasalampak sa damuhan at ubod lakas na sumigaw habang umiiyak.
"Ahhhhhhh!!!! Ang daya mo Rafael!!!!
Ubod na lakas na sigaw ko na ume-echo sa buong paligid ko'
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong sitwasyon habang patuloy na umiiyak.
"Savannah"
Narinig ko na tawag sa pangalan ko' hindi ko siya nilingon dahil Kilala ko ang boses niya.
"Bakit sumunod ka!!"
Paasik na tanong ko sa kanya.
"Umuwi na tayo"
Sagot niya sa akin'
"Umuwi ka mag isa mo!!!"
Sigaw ko na sa kanya' habang umiiyak
Naramdaman ko na lumapit siya sa akin' natakot ako para duon.
"Huwag kang lalapit sa akin! umuwe ka mag isa mo' tatawagan ko na lang si Sophia!"
Sabi ko pa din sa kanya' sa pagalit na boses.
"Umiiyak kaba?"
Tanung niya sa akin'
"Wala kang pakiaalam!!! iwanan mo na ako!!"
Sigaw ko pa din sa kanya' lalo lang sumama ang loob ko sa kanya dahil sa boses na pag aalala niya.
Naramdaman ko na pilit niya ako pinatayo at hinarap sa kanya'
Nagpumiglas ako' at pilit ko siyang itinutulak pero malakas siya at nakita niya ang itsura ko na walang tigil ang pag agos nang luha ko.
"Savannah bakit umiiyak ka?"
Pag aalala na tanong niya' nakita ko sa kanya ang labis na pag aalala.
Niyakap niya ako na pilit ko na mang inaalis ang katawan ko sa kanya.
"Pls savannah' wag mo gawin ito bakit umiiyak ka? nahihirapan ako na nakikita ka nang ganyan"
Dahil sa sinabi niya lalo ako umiyak' pinagpalo ko na siya sa dibdib niya' dahil gusto ko ilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
"Bitawan mo na ako!! bakit Rafael??!! bakit hindi mo sinubukan magpunta!! hinintay Kita!!"
Umiiyak na sabi ko sa kanya habang patuloy na pinapalo ko siya' na tinatanggap naman niya
"Bakit!!! bakit!!! kahit man lang ang sulat na binigay ko sa iyo ay hindi mo pinahalagahan!!"
Umiiyak na sabi ko pa din sa kanya' habang pilit niya akong niyayakap kahit na patuloy ko siyang sinasaktan.
Naramdaman ko na hinawakan nang isa niyang kamay ang dalawang palad ko na patuloy na pumapalo sa dibdib niya'.
Inangat nang isa niyang kamay ang mukha ko para magtama ang mata namin' nakita ko ang labis na pagtataka niya sa mga sinabi ko.
"Anong sulat savannah?"
Tanong niya sa akin' habang hawak pa din niya ang dalawang palad ko para mapatigil niya sa pagpalo ko sa katawan niya.
"Yung sulat na pinaabot ko kay anna Kasama ang invitation bago sumapit ang kaarawan namin ni sierra para ibigay sa iyo"
Umiiyak pa din na sagot ko sa kanya' dahil naka-angat pa din ang mukha ko sa pagkaka-hawak niya' nakita ko na lalo siyang nagtaka.
"Savannah wala akong sulat o invitation na natanggap"
Ako naman ang nagulat sa sinabi niya' dahil inulit ko pa kay anna ang pagtatanong kung naibigay niya mismo kay Rafael' at sabi niya naibigay daw niya.
"Raf may pinabigay ako na sulat para sa iyo' dahil gusto ko Ikaw ang huling makasayaw ko sa araw na iyon"
Umiiyak pa din na sagot ko sa kanya' halos paos na ang boses ko sa kakaiyak, Nakita ko ang labis na tuwa sa mukha niya,
"Hinintay Kita Raf' nang makita ni kuya na walang lumalapit sa akin para isayaw ako siya na ang tumapos sa huling sayaw ko!"
Walang tigil na iyak ko habang sinasabi pa din iyon' dahil bumabalik sa akin ang labis na hinanakit ko sa kanya.
Kahit naguguluhan siya' hinila niya ako para maupo sa isang ilalim na puno.
Nauna siyang maupo' at pinaupo niya ako sa hita niya nang patagilid, pinunasan niya ang mga luha ko na hindi pa din tumitigil.
"Isa ito sa pinaghandaan ko ang mag-mahal ng mas bata sa akin"
Sabi niya na nakatingin sa mata ko.
Sinabi ko din sa sarili ko na kahit mas matanda at nakaka-angat ka sa akin' patuloy kitang mamahalin at iintindihin"
Sabi niya sa akin habang patuloy na pinupunasan Ang luha ko na ayaw pa din tumigil sa pagdaloy.
"Kaya lang para ako natauhan sa kabaliwan ko nuon nang marinig ko na nandidiri ka sa akin' kaya inisip ko' na napag-isip mo din nuon na matanda ako para sa'yo"
Sabi pa niya sa boses niya na may kasamang hinanakit..