Rafael's happy moment

1091 Words
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Rafael' pero hindi ko makuhang idilat ang mata ko dahil sa bigat nang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na binuhat niya' ako may binalot siya sa akin na makapal na kumot. Naramdaman ko din na isinikay niya ako sa Sasakyan at tumabi siya sa akin na hindi inalis ang pagkakayakap sa akin. Ramdam ko ang panay halik niya sa noo ko' at paghawak niya sa dalawang palad ko. "Sweetheart malapit na tayo' pls wag ka matutulog may doctor na naghihintay sa atin duon" Rinig ko na sinabi niya' Naramdaman ko ang sobrang pag-aalala niya' hanggang sa makarating sa Hacienda Mondragon nanatili niyang yakap ang katawan ko habang hawak ang palad ko na pinipisil niya'. Binuhat ulit niya ako palabas nang sasakyan' narinig ko pa ang labis na pag-aalala sa boses ni Sophia' naramdaman ko din na dinama nang palad niya ang pisngi ko. "Oh my god kuya Raf ang taas nang lagnat niya'" "Anong ginawa mo? bakit sumugod kayo sa ulan'?" Narinig ko na tanong ni kuya Michael na labis din ang pag-aalala. "Hindi ko oblisgasyon na sagutin ang tanong mo pagdating kay savannah" Narinig ko din na sagot ni Rafael' na buhat pa din ako. "Raf giniginaw ako" Mahinang sagot ko sa kanila' na nanatili na nakapikit ako dahil sobra na talaga panginginig nang katawan ko sa lamig' bigla ako nakaramdam nang takot para sa baby ko. "Sorry sweetheart" Narinig ko na sagot niya' naramdaman ko na nagmadali na siyang umakyat sa hagdan habang buhat pa din ako. Pagkababa niya sa akin sa kama agad niya ako kinumutan' narinig ko ulit ang boses ni Sophia na nasa tabi ko na at nakaupo. "Kuya malapit na si doctor Santiago huwag ka mataranta diyan" Narinig ko na sabi ni Sophia' na siyang Pasok din nang doctor na sinasabi ni Sophia dahil nakarinig ako nang ibang boses. Habang tinitignan ako nang doctor's narinig ko na nag utos ito na mag dala nang tubig sa palangana at mag int na din nang sabaw para mapainom sa akin. Narinig ko ang boses ni Rafael na siya na ang gagawa' kaya napadilat ako nang bahagya' Nakita ko si Sophia na nasa tabi ko na Labis ang pag aalala' habang sa kabila yung doctor na patuloy na tumitingin sa kalagayan ko. "Buntis ka pala' bakit hinayaan mo mapagod ang katawan mo at maligo sa ulan'" Narinig ko na sabi nang doctor' hindi ko siya sinagot. hinawakan ni Sophia ang kamay ko at pinisil. Habang patuloy ang doctor na tumitingin sa akin' muli na naman bumigat ang talukap nang mata ko' pero gising ang diwa ko. Narinig ko na nagbibilin na ito kay sophia kung ano ang mga gagawin sa akin. "Huwag ninyo siya hahayaan na mapagod dahil maselan ang pagbubuntis niya" Iyon ang narinig ko na sinabi nang doctor' bago ako makarinig nang pagbagsak at pagbasag nang kung anong bagay na nahulog mula sa sahig. "Kuya Raf" Narinig ko na banggitin ni Sophia ang pangalan niya': pero hindi ko talaga maidilat ang mata ko, Naiinis ako bakit ngayon pa ako nagkasakit gusto ko ako ang magsabi kay Rafael na buntis ako at hindi totoo na nawala ang anak namin. "Aalis na ako sophia basta lahat nang ibinilin ko gawin ninyo' kapag hindi nagbago ang temperatura niya hangang bukas nang umaga' tawagan mo ulit ako ha" "Opo doc salamat po" Sagot ni Sophia sa doctor at narinig ko na ang pagsara nang pintuan. "Kuya Raf anong nangyari sa'yo bakit ayaw mo lumapit dito'?" Narinig ko na tanung sa kanya ni Sophia' "Tama ba ang narinig ko' buntis si Savannah'?" Garalgal na rinig ko na pagtatanong ni Rafael kay sophia. "Oo kuya 4moths na ang tiyan niya' hindi mo ba nahahalata? pag titignan mo maigi ang tiyan niya' makikita mo ang umbok nang tiyan niya'" Narinig ko na masayang sagot ni Sophia kay Rafael' "Kuya bakit?" Narinig ko na pagtatanong ni Sophia kay Rafael' Gusto kong tignan at tawagin si Rafael' pero parang walang lumalabas sa na boses sa akin, "Raf...." Pilit na bigkas ko' dahilan para muling hawakan ni Sophia ang palad ko. "Kuya tawag ka ni Savannah" Naramdaman ko ang biglang paglapit ni Rafael sa akin' at ang paghalik niya sa noo ko. Naramdaman ko din ang mainit na likido na tumutulo sa mukha ko na parang galing sa kanya Naririnig ko din sa kanya ang paghikbi niya' kaya pinilit ko idilat ang mata ko. Nakita ko na umiiyak siya na nakatingin sa mukha ko habang hawak niya ang palad ko. "Bakit umiiyak ka?" Paos ang boses ko na tanung sa kanya. Umiiling lang siya habang patuloy na umiiyak. "Sweetheart magpagaling kana" Sabay halik niya sa labi ko' narinig ko din na nagpaalam na si Sophia. Pero bago iyon nagsabi siya kay Rafael na babalik siya para bantayan ako' pero hindi pumayag Rafael dahil gusto niya daw siya ang magbabantay sa akin. "Huwag kang aalis sa tabi ko ha" Buong lambing kong sabi kay Rafael' hinalikan ulit niya ako sa labi. "Hinding hindi ako aalis sa tabi mo' basta promise mo bukas magaling kana" Sagot naman niya sa akin' tuluyan na akong nakaramdam nang antok' dahil siguro na panatag ako na alam ko na nasa tabi ko lang si Rafael. Unti unti nagmulat ang mata ko' magaang na ang pakiramdam ko pagtingin ko sa bintana mataas na ang sikat ng araw. Napatingin ako sa lamesa na nasa tabi ko ang daming bimpo na nagkalat habang may palangana pa na nanduon. Napaupo ako sa kama' nakita ko na bumukas ang pinto at pumasok si Sophia, "Hi Savannah maganda naba pakiramdam mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin at umupo sa tabi ko. "Oo maginhawa na ang pakiramdam ko' salamat" Nakangiti ko na sagot sa kanya', "Wala naman ako ginawa' para sa akin ka magpasalamat" Nakangiti ulit na sagot niya'. "Si Kuya Raf ang nagbantay sa'yo, dahil nag aalala ako din ako sa'yo panay ang silip ko dito sa kuwarto mo' baka kasi makatulog si kuya Rafael at hindi ka mabantayan dahil mataas ang lagnat mo pero sa tuwing sisilip ako dito nakikita ko na lagi ka niyang pinunasan para bumaba ang lagnat mo" Mahabang paliwanag sa akin ni Sophia' at napatingin ako sa lamesa na maliit sa gilid nang kama, kaya pala ang daming bimpo, "Nasaan si Rafael?" Tanong ko sa kanya, "Umalis lang kanina nang masigurado niya na wala ka nang lagnat' may bibilhin yata na importante at sinama pa si Cardo' pero ibinilin ka niya sa akin" Nakangiti pa din na sabi ni Sophia' na halatang masaya sa nangyayari..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD