Dahil maayos na ang pakiramdam ko' pagkatapos ko magpalit nang damit bumaba na ako para duon na kumain sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutomt.
Nag offer naman si Sophia na padadalhan niya ako ng pagkain pero pilit akong tumanggi.
Pagkababa ko nakita ko agad si kuya Michael na sumalubong sa akin.
"Ok ka naba? Sana hindi ka muna bumaba"
Pag aalala na sabi niya' nakita ko din sa kanya ang labis na pag aalala.
"Ok na po ako kuya Michael"
Sinalat niya muna ang leeg at noo ko' nang masigurado niya na ok na ako ngumiti na siya.
"Buti naman' nagugutom ka naba? tara na nagpaluto si Sophia nang sopas kay maria"
Sabay na kaming nagpunta nang kusina'
nadatnan namin si maria at sophia na abala sa pagluluto.
Agad ako nilapitan ni Sophia' at inakay paupo sa bankuan sa tapat ng mesa.
Natutuwa ako sa nakikita ko sa kanilang pag-aalaga sa akin' dahil kung nandito lang si mommy at sierra ganito din ang gagawin nila sa akin.
Naupo din sa tabi ko si kuya Michael' habang si Sophia ay tinutulungan si maria na mag asikaso nang pagkain sa lamesa.
Sabay sabay na kaming kumain' pati si maria ay Sumabay na sa amin dahil pinilit din siya ni Sophia.
Habang kumakain nagkukwento si Maria kay sophia dahil may itinanong dito si Sophia
"Magiging busy po kasi si Cardo dahil nagpapakuha ng mga tao si kuya Raf dahil ipapagawa daw po yung naiwan na bahay ni tatay lucio' at dahil nabili din ni kuya raf yung katabing lupa duon"
"E' Saan ba sila nagpunta ni Cardo ngayon' at nagmamadali si Kuya Raf?"
Narinig ko na tanong ni Sophia kay Maria'
"Narinig ko señorita pupunta sila sa kabilang Hacienda yung maraming mga alaga na kalabaw"
Sagot pa ni Maria.
Siya naman biglang Pasok ni Cardo na pawis na pawis at halatang pagod' nakita ko na biglang tumayo si Maria at kumuha ng tubig para iabot dito'.
.
Naupo din ito sa tabi maria na malapit sa harapan ko.
"Nasaan si kuya Raf Cardo?"
Pagtatanong ni Sophia dito' Habang humihigop ng sabaw ng sopas na kabibigay lang ni maria.
"Nasa bahay ni Tatay lucio dahil pinaayos niya muna ang mga bakod para sa sampung kalabaw na binili niya sa kabilang Hacienda"
Napatingin ako kay Cardo dahil sa sinabi niya' dahil pasimple din itong napatingin sa akin.
Pero bigla din itong napatayo dahil biglang may naalala' at nagmamadali na lumabas ng kusina.
Pagbalik nito may dala na itong basket na may mga bote ng gatas na sa tingin ko ay gatas ng kalabaw.
Isa isa niya itong nilabas lahat sa harapan ko' napatulala naman akong napatingin sa kanya.
"Ano ito Cardo?"
Pagtataka na tanong ko' dahil lahat iyon ay sa harapan ko talaga niya nilagay.
"E' sabi kasi ni Rafael sa'yo ko lang daw iyan ibibigay' bilang pa niya iyan pag daw iyan nabawasan ako ang mayayari sa kanya"
Pagkakamot sa ulo na sagot niya sa akin, Nakita ko na kinuha ni kuya Michael ang isa at tinangal ang makapal na dahon na nakatakip dito' at bigla itong ininom.
"Boss Michael"
Pag-aalala na sambit ni Cardo sa pangalan ni kuya michael' dahil sa ginawa nito.
"Masarap! magtatayo na ba ng farm si Rafael at napakarami naman ng kalabaw na binili niya'?"
Tanung ni kuya Michael' sabay lapag sa bote na wala ng laman sa lamesa.
Kahit ako nagtataka din bakit napakarami naman kalabaw na binili ni Rafael.
"Boss narinig ko kasi sa kausap niya sa kabilang Hacienda na nakikipag deal siya tungkol sa mga kalabaw at kung paano mapapa-sagana ang gatas ng mga ito"
Napapakamot pa din si Cardo sa buhok niya habang sinasabi iyon kay kuya Michael.
Bigla naman bumulong si Sophia sa akin.
"Savannah Paborito mo ba ang gatas ng kalabaw?"
Mahinang bulong niya' pabulong ko naman siya na sinagot.
"Oo mula nang matikman ko iyan 3years ago"
"Hmm kaya pala"
Kinikilig na bulong din niya sa akin' dahil sa sinabi niya bigla din ako may naalala.
***FLASHBACK***
"Manang bakit wala na po tayo stock na gatas'?"
Tanong ko kay Manang pagkabukas ko ng ref' dahil kakauwe ko lang ng Hacienda galing sa maynila.
"Ayy ano bang gatas? marami diyan ah"
Sagot sa akin ni Manang,
"Yun pong lagi na pinapa-deliver dito ni kuya"
Sagot ko naman sa kanya' habang naupo ako sa mesa at kumuha ng isang slice na tasty at nilagyan ng palaman.
"Wala naman pinapa-deliver ang kuya mo na gatas iha ang lahat nang iyan ay ako ang pumili bumili.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may pumasok sa sa kusina na galing sa likod.
Napatingin ako sa kanya' dahil pawis na pawis siya at wala siyang damit pang itaas habang may nakasampay na bimpo sa balikat niya.
Lumukso Ang puso ko dahil nakita ko na naman siya' saglit lang siya napatingin sa akin at binaba na niya sa gilid ng pintuan ang basket na dala niya.
Pagkalapag niya ng basket ay agad din siyang tumalikod' napatingin ulit ako sa basket na binaba niya' na siya naman balik ulit ni Manang sa loob ng kusina,
Nakita ko na kinuha niya ang basket at nilabas ang limang bote na gatas na lagi kong nakikita at iniinom pag nandito ako.
"Manang yan po iyon' akina po"
Natutuwa na sabi ko sa kanya' inabot naman niya sa akin ang isang bote at inabutan na din niya ako ng baso.
"Ayan ba ang sinasabi mo? nakikita ko lang naman ang gatas na yan pag nandito ka' Ikaw lang naman ang nakikita ko na umiinom niyan dito'"
"Baka pinapadala lang nang kuya Lambert mo yan pag nandito ka"
Mahabang paliwanag ni Manang' pero Natuwa ako kasi Kumpleto ang araw ko dahil nakita ko si Rafael at yung gatas na lagi kong hinahanap sa Hacienda namin"
***End of Flashback***
Siya kaya talaga ang nagdadala ng gatas na iyon sa Hacienda sa loob ng tatlong taon? tanung ko sa Sarili ko.
Nawala ako sa malalim na pag iisip nang may pumasok sa pintuan ng kusina na tila may hinahanap.
Biglang napako ang tingin niya sa akin' na kinangiti niya din bigla.
Pero habang papasok nakita niya ang isang bote ng gatas sa harapan ni kuya Michael na wala nang laman,
Agad manlisik ang mata niya kay Cardo' na bigla naman nagpaliwanag.
"Raf huwag ka magalit sinunod ko ang utos mo"
Napakamot ulit na salita niya' at sabay tingin kay kuya Michael na kumuha ulit ng isang bote ng gatas na kinalaki ng mata ni Rafael.
Pero bago magkaroon ng sagutan o hidwaan sa paligid namin biglang nagsalita si Sophia na nasa tabi ko.
"Kuya Raf dito kana maupo sabayan muna si Savannah kumain'"
Nakangiti na sabi ni Sophia sa kanya' na agad naman tumingin sa direksyon namin at lumakad na para tumabi sa upuan ko at lumipat naman si Sophia sa kabilang upuan..