Pagkaupo ni Rafael sa tabi ko' agad din naman tumayo si Maria para ikuha siya ng mangkok na may laman na sopas. Naramdaman ko na nakatingin siya sa akin' kaya napatingin na din ako sa kanya, mababakas sa mukha niya ang walang tulog at pagod, naawa naman ako bigla sa nakikita ko sa kanya. "Ayos naba pakiramdam mo?" Buong lambing na tanung niya sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya habang tumango. "Ok na ako' huwag ka nang mag alala" Sagot ko sa kanya' "Kumain kana" Sabi ko pa din sa kanya' dahil ayaw niyang alisin ang tingin niya sa akin. Nilapit ko na ang mangkok na may sopas sa harapan niya at inabot ko sa kamay niya ang kutsara, dahil sa ginawa ko napabuntong hininga na lang siya, "Raf bukas dadating pa ang ibang tao na kinuha ko para maumpisahan na ang bahay mo" Basag ni Cardo sa

