Isang linggo pa ang lumipas na naging maayos ang lahat sa amin ni Rafael, Dahil din sa kagustuhan niya na matapos ang bahay na pinapagawa niya. mas maramin na tao ang kinuha niya. Kaya isang buwan lang daw tapos na ito. Nasa plano na din namin ang ipaalam kay kuya Lambert ang plano namin para na din malaman nila mommy at daddy. Dahil plano ni Rafael pagka-gawa ng bahay magpa-pakasal kami bago lumabas ang baby namin. Mag-hapon ko hindi nakita si Rafael ngayon. inisip ko na lang baka abala sila sa bahay na pinapagawa niya. Dahil pati si Cardo ay hindi ko din nakikita. Si Sophia naman para ba na kakaiba ngayon. dahil kanina pa siya labas Pasok sa kuwarto ko. "Savannah magbihis ka aalis tayo" Sabi niya sa akin habang nag nagbabasa ako ng message nila mommy at Sierra sa phone ko' binaba

