SANCHA's POV A month had passed and I'm not liking what I'm feeling.. Kabado ako dahil sa posibilidad na buntis ako. Natatakot din akong mag pa check up dahil natatakot akong malaman ang totoo. I know I'm pregnant. I can feel it. s**t! Madalas akong magsuka tuwing umaga. Mabilis mahilo at higit sa lahat, hindi pa ako nireregla! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Patapos na ang klase namin pero may inaasikaso pa kaming thesis na kailangang ipasa bago matapos ang buwang ito. Hindi pa nakakatulong na lalaki ang ka partner ko sa project na to. Matalino naman siya pero nakakainis dahil panay ang pagpapalipad hangin ni Jake sa akin. "Girl, ayos ka lang ba diyan? Baka na flush kana diyan ah kanina ka pa." rinig kong bulalas ni Kira. Kasama ko kasi siyang nagpunta sa banyo eh. Lumabas

