After ng class namin sa hapon ay mabilis akong lumabas ng school. I texted my boyfriend na hindi ako makakasabay sa kaniya pauwi dahip may importante akong gagawin. "Nagmamadali ka yata, Sancha?" Napalingon ako nang makitang nakasunod pala si Jake sa akin. Umismid ako at hindi siya sinagot. "Saan ang punta mo? Samahan na kita." muli niyang pahayag kaya hinarap ko siya. "Pwede ba, Jake. Asikasuhin mo nalang yung research natin. And please don't act like we're close kasi hindi tayo close." inis kong sikmat sa kaniya. Imbes na madismaya ay ngumisi pa si gago kaya mas lalo akong naiinis. "Eto naman. Magkaklase na tayo simula high school, Sancha." wika niya at muling sumunod sa akin. "Leave me alone, Jake." inis kong singhal kaya napatigil siya at mabilis na itinaas ang dalawang kam

