SYLUS' POV Alas kwatro palang ng hapon ay agad ko nang isa isang niligpit ang mga gamit ko. 4:30pm ang tapos ng last subject ng girlfriend ko kaya anytime now ay nandito na siya sa opisina ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga sneaky moments naming dalawa dito sa campus. Pasaway na babae talaga siya. Mahilig sa bawal. Nang mailigpit ay tumayo ako sa labas ng pintuan at nagmasid sa mga studyanteng naglalakad na papalabas ng classrooms nila. Napabuntong hininga ako at inilibot ang tingin sa maliit kong opisina. Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa. 'Duty ka ba ngayon?' Text iyon ng kasamahan ko sa club. Napalunok ako at agad siyang nireplyan na hindi na muna. Nagpaplano kasi talaga akong tumigil na sa pagtatrabaho doon at ma

