"Dapat pala dinala niyo mga Girlfriend niyo dito kaso hindi tayo magkakasya dito lahat maliit lang tong space nato eh!" Suhisyon ko sa kanila
"Oum nga marami tayo eh!" Sangayon ni Luke
"Pwede tayo sa Bahay ng Parents ko mas malaki ang pool dun!" Sabi ko
"Talaga?" Tanong ni Blake tumango ako
"Magpapaalam ako kung kelan pwede tapos dun na lang tayo!" Ngiti kong sabi
Sumangayon naman silang lahat 'Siguro after na lang ng Birthday ko magaaya ako dun!'
Nagsiahonan kami sa pool at lumapit sa mesang pinaglalagyan ng pagkain tyaka kumuha ng gusto namin.
Tatlo lang ang Beach bed ko dito kaya ang iba sa ibaba lang naupo at kumain hindi naman sila nagreklamo okay lang naman daw.
Kumakain ako ng Minudo at Kanin ng lumapit si Zachary nilagyan niya ako ng barbeque sa plato.
"Salamat!" Ngiti kong sabi sa kaniya tyaka siya tumabi sa gilid ko
Nagtitinginan ang mga siraulo parang may pinaguusapan sila gamit ang mga mata.
Tinignan ko si Luke na nakatingin sa akin tinaasan ko siya ng kilay.
"Gusto mo rin?" Tanong ko habang alok ang barbeque tumango naman siya
"Kuha ka dun!" Sabi ko tyaka ngumisi lumaylay ang balikat niya tyaka tumayo at kukuha sana ng barbeque.
"Ubos na!" Sabi niya tyaka bumalik sa kinauupuan niya
"Ay kawawa inubusan , oh hati tayo!" Kumuha lang ako ng kaunti dahil busog na rin ako tyaka binigay sa kaniya tuwang tuwa naman siya 'parang bata!'
"Salamat!" Masaya yang sabi
'Nakakaisa si Luke ah!'
'Pumaparaan tong lalaking to eh!'
'Ginagamit ang Charm!'
Bulungbulungan nila Akala ko mo hindi Naririnig 'mga siraulo talaga!'
Inabot kami ng Gabi bago sila nagdisisyong umuwi. Nagsabay sabay na ang ibang lalaki sa CR para magbanlaw , wala naman daw mawawala sa kanila Magsusukatan lang daw sila sabay tawanan 'mga siraulo talaga tong mga to!'
Nang matapos sila , Ako naman nagbanlaw nagdala na rin ako ng damit para sa loob na ng CR magbihis.
Paglabas ko Tinignan ko silang lahat mga nakaayos na meron lang isang basang sisiw parin.
"Oyy Bat di ka pa nagbabanlaw?" Tanong ko kay Zachary
"Wala akong pamalit!" Sabi niya nasapo ko ang noo ko
"Oo nga pala sige na magbanlaw ka na dalhan kita ng damit dun pagkatapos mo!" Sabi ko sa kaniya tyaka sinunod ang sinabi ko
Pumasok ako sa Kwarto at binuksan ang Closet kumuha ako ng damit ni Kuya yung Hindi pa niya nagagamit kahit yung underware 'haha hindi naman niya yun malalaman eh tyaka papalitan ko na lang!'
Lumabas ako dala ang Damit ni Kuya Puro Tribal to Original pa yung underware naman Bench.
Kumatok ako sa pinto ng CR tyaka inabot sa kaniya.
"Salamat!" Sabi niya
Nanonood ang iba habang ang iba nandito sa Dinning table at nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko
Tumingin naman sila sa lumabas sa CR tumingin din ako at ngumiti saktong sakto lang.
"Paano ka nagkaroon ng Damit ng lalaki dito?" Seryosong tanong ni Westley tinignan ko siya nakatingin siya kay Zachary
"Sa Kuya ko yan , nagiistock kasi siya ng damit dito dahil minsan pumupunta siya dito ng walang damit kaya nagstock na siya ayaw daw niya suotin ang damit ko eh hahaha!" Paliwanag ko umupo na si Zachary malapit sa akin
"Bago pa ang mga damit nato ah may tag pa eh!" Sabi ni Zachary tumango ako
"Pinagdeliver niya kasi yan dito pero wala naman siya kaya tinago ko na lang!" Sagot ko
"Hindi kaya magalit kuya mo?" Tanong ni Zachary
"Haha takot ka ba?" Pangaasar ko sa kaniya "Okay lang yun Mabait yun si Kuya Nagsasapakan nga lang kami nun eh!" ngiti kong sabi
Nangunot ang noo nila natawa naman ako sa reaksyon nila haha
"Seryoso ka jan?" Tanong ni Nathan
"Oo bonding namin yun!" Kompirma ko
"Nasaan ba ang kuya mo?" Tanong ni Westley
"Sa bahay ng Parents namin!" Sagot ko
"Bakit nan dito ka wala ka sa puder ng parents mo?" Tanong ni Cain
Akala ko nanonood pa sila pero na sa akin na ang atensyon nila
"Yung Kuya ko kasi mapaglaro yun!" Makahulugan kong sabi nangunot naman ang noo nila
"Paanong mapaglaro?" Tanong ni Vincent
"Kagaya mo Mapaglaro sa Babae Playtime diba?" Tukoy ko sa sinabi nila sa GC
"So palaging may babae ang kuya mo?" Si Luke tumango ako
"Palagi siyang may babae at palagi rin silang nakatambay sa Bahay namin , buti sana kung magaganda at disente ang binababae niya kaso hindi tsk!" Paliwanag ko sa kanila
"Edi katulad lang yun ni Fey!" Sabi ni Zachary
"Who's Fey?" Takang tanong ko
"Yung kasama ko kahapon sa Mall!" Sagot niya
"Ahh Oo katulad nga niya , nagtataka nga ako kahapon kung ganung tipo talaga ang gusto mo Tsk hindi kayo nagkakalayo ni Kuya Hilig Niyo magpauto!" Seryoso kong sabi tinignan niya naman ako
"Hindi ako nagpauto no! Pinagbigyan ko lang siya kahapon ang kulit kasi tyaka hiniwalayan ko na kahapon pa bago umuwi!" Depensa niya
"Whatever! Anyway dun nga niya pinapapunta sa bahay namin ang mga babae niya , tapos nagfefeeling reyna makautos sa mga made namin akala mo may ari ng bahay!" May inis kong sabi ng maalala ko yung mga babae ni kuya
"Anong ginawa ng parents mo? Hindi ba nila alam?" Tanong ni Matthew
"Alam nila yun nga lang kapag tapos na , mautak din kasi Ang Siraulo kong kapatid Papapuntahin niya yung babae pag wala sila mom at dad!" Sagot ko sa tanong niya tumango tango sila
"Sigurado sinasabon yun ng parents mo paguwi no?" Tanong ni Earl napatawa ako
"Totoo inaasar ko pa nga siya habang sinisermonan eh haha!" Sagot ko naman sa kaniya
"Eh bakit nga bumukod ka sa kanila?" Tanong naman ni Blake
"Ayoko kasing nakikita yung Mga babae ni Kuya kaya binili ko to tyaka sinabi sa kanilang gusto kong lumipat dahil ayokong makita mga babae ni kuya!" Sagot ko
"Ahh hindi sila kumontra?" Tanong ni Ajax
"Syempre nung una Oo Pero pinakita ko na sa kanila yung Titulo ng bahay na to kaya wala na silang nagawa haha mautak din syempre ako!" Tawa ko sa kalokohan ko
"Hindi ka ba natatakot magisa ka lang dito?" Tanong ni Dominic
"Nung unang lipat ko dito nakakatakot first time ko sa isang bahay na ako lang lahat gagawa eh pero katagalan nasanay na ako!" Proud kong sabi
"Ganyan din kaya gawin ko sa parents ko no para pumayag din silang bumukod ako haha!" Si Phienix
"Depende kung Sino mas batas sa iniyo kung sila kahit anong pilit mo hindi kanila papayagan pero kung ikaw sigurado hahayaan kanila mamuhay magisa!" Sabi ko sa kaniya
"So batas ka kesa sa parents mo?" Tanong ni Zachary
"Hindi , mahal lang talaga nila ako hinahayaan nila akong matuto sa paraang alam ko!" Proud kong sabi at ngumisi sa kanila.
'Pwede kaya kami magpaampon sa parents mo gusto ko ng ganyang parents!'
'Ako din gusto ko rin!'
'Kami rin!'
"Hahaha Someday mamemeet niyo rin ang parents ko , tignan natin kung gusto niyo parin hahaha!" Tawa ko sa kanila
Pagkatapos namin magkwentuhan nagalisan na sila inihatid ko lang sila sa Gate at nagpaalam. Nagpaiwan si Zachary hindi ko alam kung bakit!
"Oyy bakit di ka pa umuwi?" Tanong ko sa kaniya
"Tutulungan kitang magligpit sa pool!" Sabi niya
"Okay na ako kaya ko na yun umuwi ka na gabi na delikado na sa daan!" Sabi ko sa kaniya
Hindi na siya nagpumilit pa at umuwi na rin nagtaxi na lang siya wala kasi siyang dalang sasakyan.
Inilock ko na ang gate tyaka pumasok sa loob , nilinis ko na ang Pool area medyo messy talaga siya hahaha pero okay lang Sulit at enjoy naman , pagkatapos kong maglinis nilock ko na lahat ng pintuan at nagpasyang matulog na!
Monday again , Pasok Again , harang harang ng alagad ni Briana Again!
'Akala ko pa naman natauhan na siya sa huli naming paguusap mukhang hindi parin pala tsk!'
Nagdala na ako ng Kotse ko maaga nga lang ako pumasok ayoko kasing Maagaw pansin ng ibang Student.
Nainis lang ako sa Gate ko kasi kailangan ko pang bumaba at ilock ang gate tyaka papasok ulit sa kotse para paandarin 'ipapagawa ko nga kay mom yun Isasuggest ko yung Authomatic na sa sara pag labas ko at bubukas pag papasok na ako hehe!'
Andito ako sa Office ni Kuya Alfred Nanggugulo nakikibalita ako sa nangyari nung friday.
"Good Morning Kuya!" Bati ko sa kaniya tyaka pabato kong inihiga ang sarili sa Sofa
"Good Morning Kath! Ayusin mo ang upo mo nakapalda ka!" Sita sa akin ni Kuya ginawa ko naman ang sinabi niya
"Anong punishment kina Briana at Rhayven?" Tanong ko
"One week Community Service!" Sabi niya habang nakatingin sa paper na nasa harap niya
'Ang busy na nila ngayon siguro maraming event ang School sa susunod na mga buwan?'
'MagpapaCamping kaya ulit sila? Last Year nagpaCamping sila pero hindi ko naman enjoy nagaway lang kasi kami dun ni Rhayven eh!'
"NagBreakfast ka na kuya?" Tanong ko sa kaniya umiling siya
"Eh? Bakit hindi pa , teka nga magpapadala ako dito!" Sabi ko tyaka lumabas ng Office at dumeretso sa Canteen
"Good Morning Mam!" Bati ng mga Crew sa akin
"Good Morning din sa Iniyo! Pasuyo naman Padalhan ng Breakfast sa Office ni Head Teacher!" Sabi tyaka nagturo ng mga pagkain ibinigay ko ang Card ko para dun ibawas ang bayad
Umalis na ako dun pagkasabi ko tyaka dumeretso ulit sa office ni Kuya alfred dadalhin naman nila yun dito eh!
7:00 am palang kaya hindi pa ganun sobrang dami ng mga student , may flag ceremony rin mamaya kaya baka medyo late na ang mga yun pumasok.
30 mins lang dumating na ang binili ko inilapag nila lahat yun sa lamesa na office ni mommy dun lang kasi may mahabang mesa eh.
"Kuya Breakfast na!" Alok ko sa kaniya tumayo siya at lumapit sa akin tinignan niya ang binili ko
"Ang dami naman mauubos mo ba yan?" Tanong niya
"Eh? Sayo lahat yan hahaha!" Sagot ko sa kaniya gulat pa siya
"Hindi ko mauubos lahat yan ano ka ba!" Reklamo niya
"Haha Kaya mo yan Kailangan mo yan mukhang naiistress ka sa mga paper works mo eh haha!" Asar ko sa kaniya
"Hayysst! Medyo nga eh nextweek na kasi ang Camping ng School , manghihingi palang ako ng permit sa Probinsiyang Pupuntahan ng mga student!" Sabi niya na parang napagod agad
"Meron ba ako matutulong? Saang probinsiya naman ulit magcacamping?" Tanong ko kay kuya na nagsimula ng kumain
"Probinsiya ng Daddy mo May maganda raw dun na pwedeng pagcampingan ng buong School tyaka hindi delikado , kaso hindi pa ako nakakakuha ng permit ang dami kong ginagawa eh!" Paliwanag pa niya
"Ipasuyo mo na lang sa tauhan ni Dad may mga tauhan naman si Dad duon na pwedeng utusan , ay teka ako na nga i call dad!" Presinta ko tyaka kinuha ang Phone ko
"Sige Kath salamat!" Sabi niya pa
Dinaial ko ang No. Ni Dad ilang ring lang sinagot naman niya agad.
'Good morning baby!' Masayang sabi ni Dad
"Good Morning Dad!" Bati ko rin sa kaniya
'Bakit na patawag ka baby may problema ba?' Tanong niya
"Wala naman po Dad may papakisuyo lang sana ako ?" Sabi ko rito
'Ano yun Baby? Tell Dad what is it?' Tanong niya
"MagcaCamping kasi ang St. Merry Academy sa Province Niyo Dad kaso hindi pa nakakakuha ng Permit nextweek na kasi ang Camping Pwede po ako magpasuyo magpakuha ng permit Dad?" Paliwanag kong tanong sa kaniya
'Sure Baby ipapadala ko na lang jan ang Permit this day okay yun lang ba?' Sagot ni Dad
"Yes Dad Thank you!" Masaya kong sabi
"Welcome baby Iloveyou!" Sabi ni dad
"Iloveyou too dad Takecare!" Sagot ko tyaka ibinaba ang tawag humarap ako kay Kuya Aldred na kumakain parin
"Hahaha akala ko ba hindi mo mauubos haha!" Asar ko sa kaniya
"Nagutom ako eh haha!" Sagot niya
"Okay na Kuya ipapadala raw ngayong araw yung Permit!" Nakangiti kong sabi sa kaniya
"Salamat Kath nabawasan iniisip ko !" Sabi niya
"Welcome kuya! Una na ako magfaflag ceremony na eh!" Sabi ko tyaka kinuha ang bag ko Bago ako makalabas ng pinto tinawag niya pa ako
"Kath?" Tawag ni kuya
"Why?" Sagot ko
"Mamaya Magpapunta ka ng isang representative ng Section para sa ilang discasion sa Camping!" Paalala niya sa akin tumango naman ako
"Ako na lang pupunta mamaya!" Presinta ko tumango naman siya
Tuluyan naman na akong lumabas ng office niya at lumapit na sa Section naming nakapila na kakatapos lang kasi magbell kaya nakapila na ang lahat ng section sa Groundfloor.
"GOOD MORNING KATH!" Malakas na Bati sa akin ng mga Siraulo kong Classmate
Napatingin tuloy sa amin lahat ng section ang mga girlfriend nila nagsikawayan sa akin ganun din ako.
"Ano ba kayo ang lakas ng Boses niyo Maganda Gising niyo no? Good Morning sa iniyo!" Sita ko bago sila binati nagtawanan naman sila 'mga siraulo talaga!'
"HAY NAKU NAPAKALANDI TALAGA!" Rinig ng lahat ang sinigaw ni Briana kaya napatingin lahat sa kaniya napailing na lang ako 'walang pinagbago!'
Hindi naman siya pinansin ng iba lalo na ang section namin , tinignan lang siya na parang baliw na sumigaw tapos ay dinedma na! 'Tsk napakapapansin kasi eh!'
Ilang oras lang ang ginugul namin sa Flag ceremony at nagsiakyatan na rin.
Asual ang Maldita kong Ex-Bestie may eksina bago sila umakyat!
"Now i know kung bakit ka nagpalipat ha! Malandi ka talaga!" Mataray niyang sabi
"Excuse Me! Hindi BRIANA TORRES ang pangalan ko so Stop calling me MALANDI!" Mataray ko ring sabi sa kaniya
"OOOOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!" Hiyawan ng lahat ng 3rd year na malapit sa amin
'Tsk! Gusto niya talaga yung pinapahiya ang sarili niya nakakaawa siya tsk!'
"Ha! Ha! Ha! Hinding Hindi ka talaga magiging Briana Torres dahil nagiisa lang akong MAGANDA!" Nakataas ang Kilay niya sa akin nagyayabang
"Hindi ako na inform na KATHERINE YOUNG na pala ang pangalan mo? Pagsinabi mo kasing MAGANDA pangalan ko lang Sapat na!" Bwelta ko sa kaniya
'Hindi to papatalo girl!"
"WOOOOOOOOHHHHHH KATHERINE! KATHERINE! KATHERINE!" Sigaw ng mga Student na nanonood sa amin kasama pa jan ang mga Classmate ko.
Hinawakan na siya ni Rhayven sa braso pinapatigil na siya sa ginagawa niyang pagpapahiya sa sarili niya!
"Briana Stop it let's go!" Sabi sa kaniya ni Rhayven napapatitig siya sa akin tinaasan ko naman siya ng kilay 'titingin pa eh!'
"Arrrggghhh! Hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi ni Briana sa akin
"Okay dear i wait for you bye!" Mapangasar kong sabi nagbabye pa ako sa kaniya
"And the Blue Corner Katherine Young Winner!" Biglang sigaw ni Luke nagtawanan naman kami siraulo talaga to
Napatingin ako sa Stage kung na saan sila Kuya Alfred nakita ko sa gilid niya si Mommy nakatumps up pa siya napangiti ako sa kaniya.
'Support siya minsan sa kamalditahan ko eh haha!'
Nagakyatan na kami lahat syempre huli kami dahil huli kami sa Pila eh.
Sa pagdaan namin sa mga Classroom nagsisigawan sila yun nga lang Pangalan ko ang sinisigaw hahaha
"KATHERINE! KATHERINE! KATHERINE!" Tuloy parin nilang sigaw
Nang makapasok na kami at makaupo sa mga upuan namin.
'Sikat na si Kath!'
'Baka di na tayo pansinin niyan kasi sikat na siya!'
'May kaagaw na sa atensyon ni Kath!'
"Hindi na tayo Love ni Kath!" Malakas na sabi ni Luke, nagiiyak kunyari ang iba , napapailing naman ang ibang katabi namin ni Luke
"Hala Kayo para kayong mga sira Kath niyo parin ako walang magbabago no!" Sabi ko sa kanila
"Yeeeeeeeheeeeeyyy!"
Sabay sabay nilang sabi 'Yung totoo? Mga bata ba to? Naiistress ako!'
Nagsimula na ang Klase namin nagsiayos naman na sila at himala lahat sila nakikinig 'nakanaks first time? Haha!'
Habang patuloy nagtuturo ang mga guro may isa lang akong napansin.
Tumingin ako sa Tabi ko 'Hindi pumasok si Zachary!'
"Bat di pumasok si Zachary?" Tanong ko kay Westley
"May sakit daw sabi ni mama niya!" Sagot naman niya
'Nagkasakit siya? Akala ko di tinatablan ng sakit yun pero paano naman siya nagkasakit? Ano ba ginawa niya kahapon at nagkasakit siya?'
Pilit kong iniisip kung anong sanhi ng pagkakasakit niya , tumingin ako sa mga Classmate ko.
'Nagswimming nga pala kami kahapon tapos nababad siya dahil wala nga siyang pangpalit nun , kaya siguro nagkasakit Siya , ang bilis pala niyang magkasakit kahit mababad lang saglit!'
Nangmatapos ang Huling subject namin bago ang Lunch , nagbigay muna ito ng assignment at nagremind na rin para sa project.
Pasahan na pala ng Project sa mga Subject kailangan na ng doble sipag.
Nang magbell na kaniya kaniya na silang labas ng classroom sigurado susunduin na nila ang mga girlfriend nila!
"Saan ang bahay ni Zachary?" Tanong ko kay Luke na katabi ko habang naglalakad pababa
"Bakit?" Tanong niya
"May sakit daw eh kaya hindi nakapasok bibisitahin ko lang!" Dahilan ko
"Sa Exclusive Villa itanong mo na lang sa Gard para maguide ka nila!" Sagot naman niya
Nangunot ang noo ko 'Exclusive Villa? Andun ang Mansion namin dun din sila nakatira? bakit hindi ko siya nakikita kung ganun?'
"Hindi ba kayo sasama?" Tanong ko sa kanila
"Magagalit lang ang Mom at Dad niya pagnakita nila kami dun!" Paliwanag ni Matthew tinignan ko naman siya na nagtataka
"Bakit?" Tanong ko
"Hindi kasi sila Good shot sa parents ni Zachary isinisisi kasi sa kanila kung bakit palaging nasa gulo o away si Zachary kaya mas mabuti nang wag na nilang puntahan si Zachary! " paliwanag naman ni Westley
"Eh ikaw? Hindi ka rin Good shot?" Tanong ko sa kaniya
"Siya lang ang nakakapunta dun sa bahay ni Zachary Parehas kasing Shareholder ang parents nila dito sa School habang kami Ordinary Student lang napapaaway pa!" Si Nathan tumango tango naman ako
'Alam ko nang Shareholder ang Parents nila pero ang hindi ko alam itong ban ang Section 6 sa bahay nila Zachary!'
"After Class puntahan ko siya sama ka ba?" Tanong ko kay Westley Umiling naman siya
"May lakad ako eh may iniutos si Kuya ko!" Dahilan niya
"Ahmm sige ako na lang!" Sabi ko
"Goodluck Kath sana buhay ka pa bukas haha!" Panakot ni Luke nangunot naman ang Noo ko
"Bakit naman?" Takang tanong ko
"Haha Dragon magalit ang Dad ni Zachary habang Tigre naman ang mommy niya kaya Good luck sayo!" Si Nathan napalunok naman ako
'Wala naman siguro silang gagawin sa akin diba Shareholder din kami dito ako pa nga may ari eh!'
"Gago! Wag niyong tinatakot namutla na tuloy si Kath hahaha!" Si Dominic
"H-huh? H-hindi a-ah!" Nautal ko sabi mas lalo nila akong pinagtawanan 'mga siraulo talaga!'
Papasok na kami ng Canteen Ako ang nahuhuli sa kanila nang may malakas na bumangga sakin dahilan para matumba ako.
"Bagay lang sayo yan b***h!" Sabi nitong bumangga sa akin
"KATHHHH!!" Sigaw na tawag sakin ng mga Classmate ko
Tinulungan nila akong makatayo tyaka ko hinarap itong nagmamaldita nato!
"Bakit mo ko binangga?" Mahinahon ko pang sabi at tinignan siya Ulo hanggang paa
'Alagad ba to ni Briana? Sabagay mukha din siyang Clown at nakulangan sa Tela ang uniform niya!'
"Para yun sa pagpapahiya mo Kay Briana! At sa paglalandi sa lahat ng lalaki dito!" Mataray niyang sabi sa akin
Magsasalita na sana ang mga Classmate ko ng pigilan ko sila 'Gulo ko to bawal maghimasok!'
"Paglalandi? Hiyang hiya naman ako sa Suotan mo ah So Hindi ka malandi niyan?" Pangaasar ko sa kaniya
Nagtawanan ang mga student na nakapaligid sa amin , sabay sabay din ang bulungan na mukhang itong babaeng to ang tinutukoy!
"Ang kapal ng mukha mo mas Malandi ka! Pati si Briana kinakalaban mo Bakit sino ka ba?" Naghahamon niya akong tinignan
Lumapit ako sa kaniya nakataas lang ang kilay niya at nakaCrossarms!
"Ako? Makikilala mo rin ako! Magantay ka malapit na!" Ngumisi ako sa kaniya at tinalikuran siya
Humarap ako sa lahat ng Student para pabalikin na sila sa Table nila masyado ng naaabala ang Lunchbreak nila!
"MagLunch na kayo wag niyo nang intindihin ang isang to!" Sabi ko tyaka naman sila nagbalikan sa mga pwesto nila ganun din ang mga Classmate ko
Bumaling ako sa babaeng ito ulit at binulungan siya!
"Be ready pagnakilala mo na ako isama mo na rin yang Amo mo at iba pang tuta nakagaya mo naiintindihan mo!" Tinapik ko lang ang balikat niya tyaka tumuloy na sa Table namin
Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain!
'Malapit na! Malapit na akong magpakilala bilang owner ng School na ito!'
---
;)