Bago ako bumalik sa Classroom namin nagpaalam muna
Ako sa kanilang magrerestroom at mauna na sila dun!
Pagpasok ko sa CR may ilang babaeng nagkukumpulan dun at nagkukwentuhan nagtuloy tuloy naman ako sa Cubicle dahil sasabog na pantog ko.
Habang umiihi nakikinig ako sa nagkukwentuhan sa labas.
"Sabi ni Briana Bago na raw ang may ari ng School natin!"
"Oo daw regalo raw sa kaniya ng Parents niya tong School na to!"
"Ang swerte niya no? Sana meron din tayong parents na ganun!"
"Oo nga tyaka alam niyo ba 3rd year lang daw yung anak kayear natin!"
"Talaga! Edi pwede tayong makipagkaibigan dun?"
"Ikaw kaibigan? Baka sumipsip ka lang haha!"
"Gaga kung magiging kaibigan natin yun magiging isa rin tayo sa sikat no!"
"Hahaha mukha kang Manggagamit sa part na yan!"
"Okay lang basta maging sikat din ako tulad ni Briana no mapapansin na din ako ni Dominic ng Section 6 hihihi!"
"Gaga sa Gwapo nun hindi ka nun mapapansin mukha ngang may gusto yun dun sa Classmate nilang si Katherine!"
"Ang swerte rin ng babaeng yun no? Pagkatapos kay Rhayven sa Section 6 naman may lihim ding Landi no!"
"Hahaha" sabay nilang tawa
Inayos ko na ang sarili ko tyaka lumabas at naghugas ng kamay!
Natahimik sila ng makita ako tinignan ko sila sa may salamin.
"I dont think gusto rin kayong maging kaibigan ng bagong Mayari ng School Balita ko kasi Ayaw niya sa mga Mangagamit tulad niyo! Tyaka isa pa Ayaw din Ni Dominic sa mga babaeng Manggagamit!" Tyaka ko sila tinalikuran at umakyat na sa Classroom
'Ayaw ko talaga sa mga Katulad nila Manggagamit pare pareho talaga sila ni Briana hawa hawa na ang mga ugali tsk!'
Pagpasok ko sa Room wala pangteacher buti naman!
"Oh Mukhang Badtrip ka ah? May nakaaway ka na naman?" Tanong ni Luke pagkaupo ko nagsilapitan naman sila
"Oo sa CR mga admirer ni Dominic!" Sagot ko sabay tingin namin kay Dominic
"Oh bakit ako?" Si Dominic
"Gusto mo ba sa babae ang manggagamit?" Tanong ko sa kaniya nangunot ang noo niya at umiling
"Bakit?" Tanong niya
"Siraulo yung mga Admirer mo , gusto nilang gamitin yung bagong mayari ng School para mapansin mo daw sila!" Irita kong sabi
"Hindi ko type ang ganung babae mas gusto ko ang simple!" Totoong sabi niya tumango tango naman kami
"Tsk iba ang kagwapohan mo Pre!" Asar sa kaniya ni Robyn
"Gago!" Balik naman niya dito tapos nagtawanan kami
Dumating naman ang teacher namin sinuyod niya kami bago magsalita!
"Bumaba na raw ang Representative ng Section niyo magmeMeeting na raw!" Paalala ni Sir Nagtaas ako ng Kamay dahil dun "Yes Ms Young?" Tanong niya
"Ako po yun Sir!" Sagot ko
"Oh sige bumaba ka na bibigyan na lang kita ng copy ng lesson!" Sabi niya pa
"Okay po Sir!" Sagot ko
Kumuha lang ako ng Maliit na note book at ballben para itakenotes ang sasabihin sa Meeting tyaka ako bumaba sa Office ng Head Teacher!
Pumasok ako dun at nakita kong nakatayo si Kuya Alfred at papasok na sa Meeting room ni mommy!
'Anjan na ibang representative ng section?' Bulong ko kay kuya
'Oo , anjan din lahat ng Shareholder!' Bulong din niya
'Ahmm okay' Tanong ko
Sabay na kaming pumasok dun kita ko ang mga mata ng mga student galing sa ibang section mga nakataas ang kilay sa akin!
"Good afternoon po!" Bati ko sa mga Shareholder na nandun
"Good afternoon din hija take a sit!" Sabi nung mommy ni Briana ngumiti lang ako sa kaniya
"Thank you!" Tyaka ako umupo sa tabi ng isang student din
Sa side namin anim kaming Student sa kabila naman ang mga Mrs. Na Shareholder tapos sa gitnang dulo si Mom sa bahagyang gilid niya si Kuya Alfred
"Okay since kumpleto na kayo sisimulan ko na ang meeting natin at kung para saan to!" Pasimula ni mom "if my tanong kayo dont bother to ask okay!" tumango siya sa amin
Inihanda ko naman ang ballpen ko at note para sa sasabihin ni mom.
"Ang meeting nato ay para sa gaganaping Camping ng school Nextweek!" Sabi ni mom "Sa Probinsya ng Nueva icija ang Camping natin May Permit na tayo kaya magpoproceed na tayo sa mga student!" sabi pa ni mom
"Linggo ng Tanghali 12nn ang Alis ng lahat dapat nasa kaniya kaniya ng Bus ang lahat ng Section bawal ang late kundi maiiwan!" Si kuya Alfred
"Bawat Section may Sariling Bus kaya hindi kayo magsisiksikan bawal din ang ibang section sa ibang bus iwas away!" Paalala ni Mom isinulat ko naman yun
"Ang pagkain naman ng Buong School sagot na ng Shareholder!" Turo ni mom sa kanila "Sila ang Shareholder natin Mrs. Smith, Mrs. Lopes, Mrs. Rivera and Mrs. Torres!" Isa isa niyang pinakilala sa amin at tumango naman sila sa amin
Pinagmasdan ko silang lahat , ang ganda nung mommy ni Zachary sa tingin ko sa kaniya na mana ni Zachary ang Brown eyes kitang kita sa mukha niya eh , Ang Mommy naman ni Westley Halos Copyng Copy niya siguro sa Daddy niya minana ang Blue eyes, ang Mommy naman ni Rhayven strikta ang mukha matagal ko naman na yun alam dahil pinakilala narin ako nuon sa kaniya okay naman kami pero hindi ang anak niya, ang mommy naman ni Briana nakangiti siya sa akin ng tignan ko ganun din ako sa kaniya Magkasundo kami niyan dahil madalas ako sa bahay nila nuon hindi na nga lang ngayon!
"Ang hindi lang sagot ng School ay ang Extrang pagkain na Gusto niyo, kaya ang suggest namin kung sino ang gustong magdala ng extra snacks okay lang as long as walang Alak kundi magpapunishment kayo!" Patuloy ni Kuya Alfred "Ang kailangan niyo dalhin Own Tent bawal makishare pwero na lang kung parehong babae o parehong lalaki hindi pwede ang lalaki at babae naiintindihan niyo?" Paalala ni kuya Alfred tumango naman kami "Then Clothes for Oneweek Personal things wala na kayong piproblemahin sa Tubig dun dahil may magagamit tayo!" Paliwanag pa niya isa isa ko iyun sinulat sa note ko "Ang Meeting Place dito sa School Hanggang 11:50 ng umag lang kayo hihintayin ng School paglate maiiwan!"Remind pa niya
"Yun lang ang topic sa meeting nato i hope maexplain niyo lahat iyan sa Classmate's niyo! Kung may tanong kayo itanong niyo na!" Sabi ni Mom
Walang nagtaas ng kamay kaya ako ang nagtaas tumingin naman sila sa akin habang ang mga student masama akong tinignan.
"Yes Ms Young?" Tanong ni Kuya Alfred
"Sama sama rin po ba kami sa iisang Area ng lahat ng Section?" Tanong ko
"No may iaasign sa iniyong Area at dun lang kayo pwede, kapag may pumunta sa area niyo pwede niyong ireport sa amin!" Sagot ni kuya Alfred at tumango naman ako
"May mga Activity po ba tayong gagawin?" Tanong ko ulit
"Yes bawat araw na nandun tayo ibat ibang activities ang gagawin natin!" Paliwanag ulit ni Kuya Alfred tumango ulit ako "Since na banggit mo ang Activities natin sa Camping! Magdala kayo ng extra Tshirt niyo buy Color ang Section! Color tshirt ng Section 1 Pink, Section 2 Orange, Section 3 Red, Section 4 Violet, Section 5 Green And Section 6 Blue!" Dagdag na bilin ni Kuya Alfred tumango tango ako habang isinusulat ang sinabi niya
"If ever na maglast day po tayo dun Pwede po ba kaming mamasyal sa Lugar na yun?" Tanong ko ulit napapatawa si Kuya Alfred ganun din si Mom at mga Shareholder
'Nakukulitan siguro sa akin!'
"Kung mas maaga tayo matapos at mahaba pa ang Oras papayagan namin kayo Pero hindi pwedeng magkahiwalay hiwalay kayo sama sama parin dapat para walang maiiwan!" Paliwanag ulit ni Kuya Alfred tumango ulit ako at sinulat yun
"May tanong ka pa ba hija?" Tanong ng mommy ni Briana
"Last na talaga!" Sabi ko napatawa naman sila
"Sige ano yun?" Tanong ng mommy ni Westley
"Pwede po bang magdala ng Speaker dun hehe alam niyo na po pagboring pwede magpatugtog hehe!" Patawa kong tanong
"Of Course kung saan kayo magiging komportable pwede may kaniya kaniya naman kayong Area kaya hindi kayo makakaistorbo sa ibang Section!" Si Mommy ang sumagot tumango naman ako at sinulat yun
'Matutuwa ang mga siraulo kong Classmate haha!'
"Wala na bang tanong?" Sabi ni kuya Alfred nagantay pa siya kung may tanong mukhang wala na nga "Okay you may go!" Aniya pa samin
Tumayo na ang mga Kasabay kong Student at nauna nang lumabas sa akin!
Bago ako lumabas Lumapit ako kay Mom at humalik sa pisngi!
"Napakasweet na bata!" Puri ng mommy ni Zachary
"Sobra Carry parehas naman sila magkapatid sweet sa amin magasawa!" Proud na sabi ni mom ngumiti ako sa kanila
"Mauna na po ako!" Sabi ko sa kanila at tumango naman sila
Paglabas ko ng Meeting room akala ko nakaalis na ang mga kasama ko kanina hindi pa pala nakaabang sila sa akin sa pinto, hindi ko sinirado ng todo ang pinto!
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanila
"Napakapapansin mo talaga no?" Napalakas na sabi ng isa sakanila Section 5 ata to eh
"Ano naman ang ginawa ko?" Tanong ko sa Kanila narinig ko ang yapak sa loob ng meeting room mukha nasa pintuan na sila.
"Nagpapansin ka sa mga Shareholder dun pati sa Head Teacher sumisipsip ka sa kanila napakalandi mo talaga!" Sabi pa ng isa taga Section 1 to alagad ni Briana
"Nasaan ang paglalandi dun? Nagtatanong ako about sa Camping libre ang magtanong hindi mo ba alam!" Sagot ko sa kaniya
"Hindi pagtatanong ang ginagawa mo pagpapansin , sumisipsip ka sa mga shareholder para ano? Para lumakas ka dito sa School?" Sabi pa ng isa na mukhang taga Section 4
"Hindi ko ugaling sumipsip dahil hindi ko naman kailangan nun!" Bored ko sabi sa kanila
"Tama nga ang sabi ni Briana Bukod sa Malandi ka Sipsip ka pa!" Sabi pa nitong isa mukhang taga Section 3
"Talagang dito niyo ko naisipang awayin ah! Sa office talaga ng Head Teacher? Sabagay para naman deretso Punishment na kayo diba!" Sabi ko tyaka binuksan ang pinto bumungad sa kanila si Kuya Alfred at ang Shareholder!
Namutla sila dahil lahat nakatingin sa kanila tinignan ko si Mommy salubong na salubong ang kilay niya 'Lagot kayo ngayon!'
"Maiwan kayong lima Ms. Young go to your Room!" Seryosong sabi ni Kuya Alfred
"Yes Sir!" Sagot ko tapos bumaling naman sa lima "Good luck! Kaya niyo yan Matapang naman kayo diba Babosssh!" Tyaka sila iniwan dun
'Haha gagawa kasi ng Kalokohan sa Office pa ni Kuya Alfred tatapang eh!'
Nakangiti ako habang umaakyat ng hagdan papuntang Room namin!
Kaso another eksina na naman 'jusko hindi matapos tapos!'
"Bawal dumaan ang Malandi dito!" Sabi ni Briana tumawa naman ako sa sinabi niya "What's the funny?" Irita niyang tanong
"Kung MALANDI naman kasi ang paguusapan Ikaw lang yun Wag ka na mangdamay Hahaha!" Tawa ko sa kaniya
"Tumigil ka kakatawa naiirita ako!" Inis niyang sabi
"Kamusta punishment mo? Enjoy ba? Dont worry makakasama mo na ang iba mong alagad isasuggest ko na pati ang CR ng Girls at Boys Linisin niyo hahaha!" Tawa ko paring sabi sa kaniya at nilagpasan siya patalon talon pa ako habang papunta sa room
Pagkarating ko sa Room kakatapos lang ni Sir nagpaalam na rin ako sa kaniya!
"Anong nangyari mukhang Good mood ka naman ngayon?" Tanong ni Westley
Nginitian ko siya kamukhang kamukha niya talaga yung mommy niya!
"Ang ganda ng Mommy mo magkamukhang magkamukha kayo!" Puri ko sa kaniya at ngumiti
"Nakita mo?" Takang tanong niya tumango ako
"Nandun sila habang nagmemeeting lahat ng Shareholder!" Sabi ko pa
"Edi nakita mo Mommy ni Zachary?" Tanong ni Phoenix tumango naman ako
"Maganda rin ang mommy niya mukhang sa kaniya na man ni Zachary ang brown na mata!" Komento ko pa
"Oo sa kaniya tapos kamukha niya ang daddy niya!" Si Westley tumango naman ako
"Anyway About sa Camping ang Meeting kanina Nextweek na yun!" Panimula ko
"Yeeeehhhheeeeyyyy CAMPING! CAMPING! CAMPING!" Sabay sabay nilang sabi Excited na Excited napatawa ako sa kanila nagsasayaw pa sila
Napapasilip din tuloy ang ibang Section sa amin dahil sa ingay!
"Wooooyyy! Tama na yan may nagkaklase sa kabila!" Saway ko sa kanila nagsiupuan naman sila
"Magdala daw ng sariling Tent bawal makishare , one week na Clothes and personal things Tyaka Tshirt na Blue Para sa Activities natin 7 days ang Activities kaya 7 tshirt na blue!" Sabi ko pa sa kanila tumango tango pa sila
"Sa probinsiya ng Nueva icija ang Camping natin!" Dagdag kopa
"Maganda ba dun?"
"First time ko pupunta dun!"
"Kami din naman firsttime no!"
Ibat ibang komento nila nakakatuwa lahat kami excited!
"Ang pagkain natin sagot na ng Shareholder Breakfast, Lunch at Dinner! If ever daw na gusto niyo ng extra snacks pwede raw kayo magdala hindi na daw kasi yun sagot ng School pero bawal ang alak magkakapunishment tayo pagnakitaan tayo!" Paliwanag ko sa kanila
"Magambagan na lang tayo para sa Extra Snacks!"
"Oo tama!"
"Magkano ba?"
Kaniya kaniya na naman sila ng komento
"Sa Saturday niyo na yan pagusapan Monday palang ngayon siguro sabay sabay na lang tayong mamili para alam natin kung anong gustong Snacks!" Sabi ni Vincent tumango tango naman sila bilang sangayon
"Sabi pa May sarili tayong mga Area Kung saan tayo iaasign dun lang tayo bawal tayong pumunta sa area ng ibang Section kundi mairereport tayo!" Paliwanag ko pa
"Hindi ko makakasama si Jenny Rose!"
"Pano si Clara di ko makikita!"
"Elizabeth ko huhu!"
"Hindi kami magkikita ni Kate!"
"Ang Sophia ko mamiss ko!"
"Bella babes Baka maghanap siya ng iba huhu!"
"Baka magtampo ang Mahal kong Ariana!"
"Baka pati si Diana ko Magtampo rin huhu!"
"Baka makipagbreak na sa akin si Jane huhu!"
"Wala na wasak na puso ko Makikipagbreak na si Andrea ko huhu!"
Tinignan ko ang mga Kasama kong walang Jowa!
"Tara na!" Yaya ko sa kanila at tumayo
"Hala saan kayo pupunta?" Tanong ni Phoenix
"Nakakahiya naman sa iniyong may mga Jowa dito no!" Malakas naman silang nagtawanan
"Ang OA niyo hindi pa naman end of the world no!" Sabi ko sa kanila nakasimangot naman sila
"Magkakasama rin naman kayo dahil sa mga Activity for sure iaallow naman ni Head Teacher yun since mga Girlfriend niyo naman yun!" Paliwanag ko sa kanila nagliwanag naman ang mga mukha nila
"Ayaw lang nilang pumunta ang ibang section sa ibang area dahil iniiwasan nila ang magaway away!" Sabi ko
"Sila Briana at mga Alagad niya tama ba?" Tanong ni Luke tumango ako
"Kanina nga lang kahit nasa Office ng Head Teacher inaway na naman nila ako eh Hahaha Yun nga lang mukhang kasama na nila ang Amo nila sa Punishment haha!" Tawa kong sabi
"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Westley
"Narinig at nakita kasi sila ng Shareholder at ng Head teacher kanina na inaaway ako kaya ayun pinaiwan sila dun!" Natatawa ko pang sabi
'Buti nga sa kanila!'
'Salbahe kasi sila kaya bagay lang yun sa kanila!'
'Sama sama sila dun haha!
Komento nila , hindi ko sila masisisi dahil sila ang nakakakita sa mas laging pangaaway sa akin ng mga yun!
"Nga pala Pwede daw tayo magdala ng Speaker sa Area natin hindi naman daw tayo makakaistorbo sa ibang section kaya okay lang!" Sabi ko at Ngumiti sa kanila
"YEEEEEEEEEESSSSSSSS! SOUNDTRIP! SOUNDTRIP! SOUNTRIP!" Sabay sabay na naman nilang sigaw
"Waiting Place sa Linggo Dito sa School 12:00 nn ang alis ng Lahat ng Bus , kapag nalate ka iiwanan ka! Isang section sa isang bus iwas away daw!" Sabi ko pa sa kanila tumango sila
"Ang Huli Papayagan tayo ng Head Teacher na Mamasyal dun sa last day Kapag maaga o Mahaba pa ang Oras bago umuwi , kailangan sama sama tayong lahat kapag meron nahiwalay maiiwan!" Paliwanag ko pa nagtums up pa sila at tumango tango
"Ehem ehem!" Agaw pansin ng Teacher namin
Kararating lang niya kaya naexplain ko sa kanila lahat!
"Mukhang excited na kayo sa Camping Nextweek ah!" Ngiting sabi Ni Sir Values Teacher namin
"YES SIR!!" Galak naming sagot kay Sir
"Good pare pareho tayo maexcite!" Nagtawanan kami dahil dun 'excited na rin pala si Sir hahaha'
Nagdiscuss na siya at nakinig naman kami , dinadagdagan nila ang lesson dahil nextweek wala kaming Klase dahil sa Camping!
Magkasunod ring pumasok ang nga teacher namin kunting Oras na lang uwian na!
'Ano kaya ang dadalhin ko sa Mickey Mouse na yun? Dadaan na lang muna ako sa Mall at bibili ng Prutas!'
Sabay sabay kaming nagtayuan ng magpaalam sa amin ang huling teacher!
Maaga pa kaya may time pa akong pumunta sa Mall.
Pagkababa deretso kami sa Parking nagtaka pa sila kasi sumabay ako sa kanila.
"San ka punta?" Tanong ni Luke malapit kasi ako sa kaniya nakatingin din ang iba sa amin na nasa kaniya kaniya na nilang Kotse
"Haha Pupunta akong Mall bibili ng Prutas para kay Mickey Mouse!" Sabi ko sa kanila
"Sabay ka na?" Presinta ni Westley
"Ha? Hindi na May Kotse ako dala!" Sagot ko s akaniya tyaka nilapitan ang Kotse ko
Light Blue Na makintab ang Kotse ko May Sticker ng Doraemon sa Gilid ng Salamin Pwedeng ibaba taas ang Bubungan kaya fresh dito sumakay!
"Wow Ang Cute ng Kotse mo!" Puri ni Blake
"Haha Cute din ng Mayari!" Tawa kong sagot
'Ay totoo naman yun!'
'Cute na maganda pa!'
'Tyaka mabait ayiiee!'
"Sige kita tayo bukas nagkakabolahan tayo dito eh hahaha!" Sumakay ako at Binaba ang bubungan para makita ko sila
"HINDI YUN BOLA!" Sabay sabay nilang sabi natawa na lang ako at pinaandar na ang kotse
*Beeeeep* *Beeeep*
Busina ko sa kanila tapos kumaway bilang paalam sa kanila!
Ang iba nakasunod na sa akin ang iba naman Mukhang inaantay pa ang mga Girlfriend nila!
Mabilis ko lang pinaandar ang Kotse ko papuntang mall nadaanan ko pa nga ang bahay ko!
Pagkapark ko ibinalik ko lang sa pagkakasarado ang bubungan tyaka ko nilock , Mabilis akong naglakad papuntang Supermarket at dun dumeretso sa Fruits Area!
May nakita akong Set na ng Fruits na nakalagay sa Basket kaya yun na agad ang hinablot ko tyaka binayaran sa Cashier!
Nagmamaneho na ako papunta sa Exclusive Villa kung na saan ang Mansion namin!
Pagdating ko sa Gate Kinausap ko ang Guard dun Kilala ako neto syempre dito kami nakatira eh!
"Kuya Guard!" Tawag ko sa kaniya
"Mam Kath Kamusta po!" Bati niya sa akin
"Ayos naman po , may itatanong lang ako kuya Guard!" Sabi ko sa kaniya
"Ano po yun mam?" Sagot niya naman
"Saan ang Residence ng Family Smith dito?" Tanong ko sa kaniya
"Sa Kaliwa po mam tapos deretso hanggang dulo Dun po Ang Mansion ng Mga Smith!" Sagot naman niya
"Sige ho Salamat!" Tumango ako sa kaniya at Pinaandar na ang kotse ko
'Kaya siguro hindi ko nakikita si Zachary dito dahil iba kami ng way , Sa Kanan ang daan papuntang Mansion namin may dalawa pang lilikuan bago matuntun ang mismong mansion namin Habang ang mansion naman nila Kaliwa lang tapos sa dulo lang madaling Tandaan!'
Mabilis akong nakarating sa Mansion ng mga Smith hindi to kasing laki ng Mansion namin pero Malaki na rin kung titignan ng Ordinaryong tao!
---
;)