Kabanata 10

3388 Words
Nagdorbell ako pagkapark ko ng kotse sa labas , may kasambahay na lumabas para harapin ako! "Good Afternoon mam sino po hanap nila?" Tanong niya sa akin "Dadalawin ko po Si Zachary anjan po ba siya?" Sagot na tanong ko rin sa kaniya "Yes po mam pasok po kayo!" Binuksan niya ang Gate para maipasok ko ang Kotse ko Pagbaba ko Nakita ko ang Mommy ni Zachary sa may pintuan , Nakangiti na siya sa akin ng makita ko! "Its nice to see you here hija!" Bati niya sa akin sabay beso sa pisngi ko ganun na rin ang ginawa ko "Good afternoon po Dadalawin ko lang po si Zachary!" Sabi ko sa kaniya 'Muntik ko ng masabing Mickey Mouse buti napigilan ko haha!' "Oh magkakilala pala kayo ng Bunso ko?" Takang tanong niya "Yes po mam magClassmate po kami!" Sagot ko sa kaniya "Call me Tita , Yeah i heard that , your mom told me na lumipat ka nga raw but i dont expect na sa Section 6 ka pala nagpalipat its that okay to you?" tanong niya sa akin "Yes po tita okay lang naman po yun besides kasundo ko po lahat ng Classmate ko unlike before sa Section 1!" Sagot ko sa kaniya tumango tango naman siya Naglalakad na kami papasok sa Loob ng bahay nila habang sininiyasan niya ang isang maid na kuhain ang prutas na dala ko! "Hayst! Ang mga Student ngayon wala ng kinatatakutan! Kanina lang na narinig namin na inaaway ka at pinaiwan sila Gosh! Sila pa ang Matapang kesyo daw sumisipsip ka tsk kung alam lang nila!" Mahabang kwento niya sa akin 'Nakakatuwa pala siyang kasama madaldal din pala siya nagkakasundo rin siguro sila ni mom haha hindi halata pero madaldal din yun si mom!' Tumigil kami sa Harap ng isang pinto tyaka siya kumatok! "SABI KONG WALANG MANGIISTORBO SA AKIN!" Sigaw ng nasa loob tapos narinig kong may tumama sa may pinto nangunot ang Noo ko 'Its that Zachary? Bakit naninigaw siya?' "Haynaku! Hija pagpasensya mo yang Bunso ko Spoiled kasi eh , ang totoo ayaw niyan naiistorbo pagganyang may sakit siya nagkukulong lang yan sa kwarto niya buong araw di rin yan umiinom ng gamot dinadalhan lang yan ng pagkain tapos di rin kinakain hayst!" Sabi ni tita halatang stress na stress na siya kay Zachary "Parehas pala sila ni Kuya pag nagkakasakit haha , sige po tita ako na pong bahala kay Zachary!" Sabi ko kay tita ngumiti naman siya sakin parang nasolve na ang problema niya "Salamat hija ah ipapaiwan ko ang isang maid para kung may iuutos ka sa kaniya mo na lang sabihin!" Sabi niya sa akin "Yaya pakuha naman ng susi ng kwarto ni Zach!" Utos niya sa maid Pagkabalik ng maid dala na ang susi tyaka binuksan ni Tita ang Kwarto. "Maiwan na kita jan hija magpapaluto ako dito ka na magdinner ha!" Giliw niyang sabi sa akin "Sige po tita salamat!" Tumango siya sa akin At iniwan kami ng Maid dito! "Ate may bumubuga ba ng Apoy sa loob pagbinuksan ko?" Tanong ko sa Maid natawa naman siya at umiling "Wala naman po mam!" Sabi niya kaya napanatag ako binuksan ko na ang pinto nang magsalita ulit siya "May lilipad nga lang pong bagay nasiguradong tatama sayo!" Pagkasabi ng Maid nun Hindi na ako nakaiwas kusang tumama ang Sapatos sa Mukha ko. 'Asar to si Ate dapat inuna niya ang Warning pasuspence pa eh natamaan na tuloy ako!' "ARAY!!" Napasigaw ako sa Sakit ng mukha ko , yung swelas ata ng sapatos ang tumama eh "Sh*t!" Rinig kong mura niya "Ano ba kasing ginagawa mo dito!" Tanong niya Rinig na rinig ko ang boses niya Nang idilat ko bahagya ang mata ko nasa Harapan ko na pala siya at wala siyang damit 'Ohmy pandesal!' "Tsk Bakit kasi namamato ka!" Inis kong sabi sa kaniya Hinatak niya ako at pinaupo sa Kama niya "Hindi kasi ako nagpapaistorbo Tsk!" Irita niyang sabi "Ano bang ginagawa mo sa bahay namin?" Tanong niya "Hindi ba Obvious? Malamang dinadalaw ka!" Sagot ko habang hinihimas ang bandang noo ko "Sino nagsabi sayo?" Tanong niya ulit "Si Westley tinanong ko siya kaya sinabi niyang may sakit ka , nagaalala ako kaya pinuntahan kita pero parang napasama pa ako tsk!" Inis kong sabi sa kaniya sinamaan siya ng tingin Madilim sa buong kwarto niya ang Lamp shade lang ang tanging ilaw kaya nakikita ko kahit papaano ang mukha niya! "Sorry hindi ko alam na darating ka!" Sabi niya Inayos ko ang sarili ko kahit medyo masakit pa hinayaan ko na lang. "Surpise visit kasi tawag dun! Anyway Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya Humiga naman siya sa kama niya at nagbalot ng Kumot! "Okay na ako pahinga lang to!" Sagot niya sa akin Tinignan ko ang buong Kwarto pero madilim talaga! "Saan ba ang Switch ng Ilaw dito ang dilim dilim!" Pumunta ako sa may pintuan banda para hanapin hindi naman ako nabigo dahil tumatama dun ang liwanag ng lampshade Pagbukas ng ilaw napabagsak ang balikat ko sa nakita ko! "Zachary?" Tawag ko sa kaniya "Hmmmm?" Sagot niya "Anong klaseng hayop ang nandito sa kwarto mo?" Tanong ko ulit pabalikwas siyang umupo "ANO!" Sigaw niya "Tignan mo kaya ang kwarto mo? Kwarto ba to ng tao ha? Ang Dumi dumi!" Seryoso kong sabi sa kaniya Tinignan naman niya ang kwarto niya napalaki ang mata niya dahil sa dumi at gulo nito! "Bakit ang Dumi dumi naman niyan?" Tanong niya "Aba malay ko sayo anong klaseng hayop ba pinapatulog mo dito!" Sagot ko sa kaniya sinamaan niya ako ng tingin "Ako lang natutulog dito! Hindi ko naman alam bakit ganyan kagulo yan!" Paliwanag niya ,Lumapit ako ulit sa kaniya "Ipalinis na lang natin sa Maid niyo teka tatawagin ko lang!" Sabi ko sa kaniya at tumungo na sa pinto para tawagin si Ateng maid "Ate Pasok po kayo!" Binuksan ko ng malaki ang pinto "Bakit po mam?" Tanong niya "Linisin mo nga ang Buong kwarto!" Si Zachary ang nagsalita "Hoy! iutos mo naman ng maayos!" Sita ko sa kaniya inis niya akong tinignan tinarayan ko naman siya "Tsk! Siraulo talaga! Anyway pasuyo naman ate palinis po ng kwarto niya!" Maayos kong pakiusap "Sige po mam!" Lumabas siya siguro para kumuha ng gamit Lumapit ako sa tabi ni Zachary Nakatalukbong lang siya ng kumot! "Bakit hindi mo pinapunta ang Girlfriend mo dito para alagaan ka?" Tanong ko sa kaniya "Hindi ko nga Girlfriend yun ang kulit mo rin no!" Irita niyang sabi "Sus kunyari ka pa! Patingin nga gaano kataas ng lagnat mo!" Kinapa ko ang noo niya at leeg sobrang init nga parang mainit na tubig na malapit ng kumulo "Nababad ako kahapon kaya nagkalagnat ako!" Dahilan niya "Oo alam ko ,yan din ang nasa isip kong dahilan!" Sang ayon ko sa kaniya Ilang minuto lang bumalik na ang Maid may kasama na tong dalawa pang maid at pinagtulungan nila iyon linisin. Bumaling ang paningin ko kay Zachary na nakaupo na at tinignan din ang mga maid na maglinis. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya umiling siya "Eh gamot uminom ka na?" Umiling ulit siya "paano ka gagaling kung hindi kakain at iinom ng gamot?" Sermon ko sa kaniya "Ayoko ng gamot mapait!" Ngiwi niyang sabi tinaasan ko siya ng kilay "Sus parang gamot lang eh!" Pangaasar ko sa kaniya "Sandali magpapaluto ako sa maid niyo wag ka munang matulog para makakain ka agad!" Tumango siya sa akin Lumapit ako sa Kay Ateng maid kanina sa kaniya ko na lang iuutos! "Ate papasuyo ulit po ako!" Tawag ko sa kaniya humarap naman siya sa akin "Sige po ano po yun?" Tanong niya "Papaluto po ako ng Lugaw para kay Zachary tapos pabili na rin ng Gamot Paracetamol yung Liquid po pangadult mukhang ayaw nito sa tablet eh hehe!" Natawa naman siyang tumango "Sige po yun lang po ba?" Nagisip pa ako ng pwedeng iutos "Ah tyaka maligamgam na tubig at bimpo yun lang ate!" Sabi ko tumango siya at lumabas ng Kwarto kaya yung dalawang kasama niya ang nagtuloy ng paglilinis Bumalik ako sa gilid ng kama ni Zachary at naupo dun nang may maalala ako. "Nga pala nagmeeting kami kanina sa School About sa Camping sasama ka ba?" Tanong ko sa kaniya "Kelan daw yun?" Tanong niya "Nextweek na , Sa Linggo ang alis natin sasama ka ba?" Tanong ko ulit "Sige, ano mga dadalhin?" Tanong niya "Sariling Tent , 1week na Clothes tyaka mga personal things lang!" Sagot ko sa kaniya tumango tango siya "Sagot daw ng mga Shareholder ang Pagkain ng buong School pwero lang ang Extra Snacks kaya payo nila kung Gusto daw natin ng Extra Snack iProvide daw natin yun Naisip naman ng Buong Section 6 na mamili sa Sabado sasama ka ba?" Tanong ko "Sige!" Sagot niya tumango tango ako Napansin kong pinagpapawisan siya kaya tumayo ako. "Saan ba Closet mo dito?" Tanong ko sa kaniya "Yang pangalawa!" Sagot niya naman Binuksan ko yun at naghanap ng tshirt nakita ko pa ang tshirt na binigay ko sa kaniya nung una ko silang papuntahin sa bahay ko , yun na lang ang kinuha ko at ipasuot sa kaniya. "Oh isuot mo masyadong nalalantad ang katawan mo!" Abot ko sa damit at kinuha naman niya yun "Okay lang malantad basta sa harap mo lang!" Ngumisi siya sa akin habang isinusuot ang damit Binato ko nga siya ng Unang malapit sa kinauupuan ko! "Siraulo ka talaga!" Sabi ko pa sa kaniya Narinig kong nagbungisngisan ang mga naglilinis 'Tsk naniwala naman sa Amo nilang Daga!' Nang matapos sila nagpaalam naman sila sa amin tyaka lumabas , biglang pasok naman ni Ateng Maid na inutusan ko dala ang Planggana na may Maligamgam na tubig at bimpo. Inilagay niya yun sa gilid ng Lampshade. "Yung pinapaluto niyo po mam maya maya ko po dalhin dito!" Sabi niya tumango naman ako tyaka siya lumabas Kinuha ko ang bimpo at pinigaan yun sa Maligamgam na tubig tyaka ako lumapit kay Zachary. "Umayos ka humiga!" Utos ko sa kaniya ginawa naman niya yun Inilagay ko ang bimpo sa Noo niya , nakatingin siya sa akin habang ginagawa ko yun tapos ay pumikit. Pinagmasdan ko naman siya , halatang may dinaramdam siya dahil kitang kita yun sa mukha niyang namumula pati na rin ang tenga niya parang kamatis sa pula , ang haba pala ng Pilik mata niya nahiya tuloy ang akin , makapal din ang kilay niya kaya nga pagnaiinis siya halata mo agad pagnagsalubong ang dalawa niyang kilay , ang tangos din ng ilong niya pagsinapak siguro to mababali ang buto sa ilong haha , bumaba ang tingin ko sa Lips niya maliit lang ito pero pulang pula masarap kaya halikan to? 'Ay sh*t na hahalay na ako dito ah ang gwapo naman kasi nito eh!'. Itigil ko ang pagtitig sa kaniya kinuha ko ulit ang bimpo at binigaan iyon tyaka binalik sa noo niya. May kumatok sa pinto kaya tinignan ko yun , bumalik na pala ang maid na inutusan ko thid time dala na niya ang pagkain at gamot ni Zachary inilagay niya iyon sa Mesang digulong at inilapit sa akin. "Salamat ate!" ngiti kong sabi sa kaniya tumango naman siya tyaka lumabas ng kwarto Tumingin naman ako kay Zachary at bahagya siyang tinapik para gisingin. "Zachary wake up!" Sabi ko sa kaniya nagmulat naman siya ng mata kinuha ko muna ang bimpo tyaka nilagay sa palanggana "Kumain ka muna para makainom ka ng gamot!" Inalalayan ko siyang umupi tyaka ko inilapit ang lamesa Hinayaan ko siyang kumain ng kumain mukhang gutom talaga siya ahh! Kinuha ko ang Orange na nakalagay sa gilid ng plato niya tyaka Binalatan , tahimik kami pinagmamasdan ko lang siya kumain. "Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin "Mamaya na lang siguro ako kakain paguwi ko!" Sagot ko sa kaniya "Wag ka na munang umuwi delikado na rin sa daan , magpautos ka na lang para dalhan ka ng pagkain dito!" Suhesyon niya umiling ako "Kailangan ko rin umuwi dahil may pasok bukas tyaka gagawa pa ako ng assignment ko!" Dahilan ko sa kaniya "Hindi kita maihahatid!" Nalungkot ang boses niya "Okay lang may dala akong Kotse kaya okay lang na umuwi ako!" Ngiti kong sabi sa kaniya Pinagmasdan niya lang ako sinisiguro niya siguro kung okay lang sa akin bumuntong hininga siya tyaka pinagpatuloy ang pagkain niya. Nang matapos siya ibinigay ko sa kaniya ang gamot nakabaso yun na may sukat. "Ayoko niyan!" Tangi niya dito "Ano ka ba hindi yan mapait!" Pagpipilit ko sa kaniya "Ayoko parin!" Tangi niya parin "Iinumin mo o Sapilitan kong ipapainom sayo?" Banta ko sa kaniya inis siyang tumingin sa akin tyaka kinuha ang gamot Tuloy tuloy niyang ininom yun tapos ay tubig! "Ano mapait ba?" Tanong ko sa kaniya umiling siya "Hindi!" Sabi niya "Diba ayaw mo kasing maniwala sa akin eh!" Sabi ko pa sa kaniya May narinig kaming nagbubungisngisan kaya agad namin yun tinignan , napalunok ako ng makita ang mga taong to! Ang Mom ni Zachary , Ang Dad ni Zachary at mga kapatid niya! Halos di nagkakalayo ang mga mukha nila sa mom at dad nila kaya hindi ka magdududa kung magkakapatid ba sila! "Good evning po!" Bati ko sa kanila ng tumayo ako sa kama ni Zachary "Good evning din hija!" Bati rin ng daddy niya "Hi Ako nga pala si Zia the first born!" NakipagShakehands siya sa akin Maganda siya at straight na straight ang buhok "Im Zedrick 2nd Born!" Nakipagkamay din siya at akma niyang hahalikan ang palad ko ng hugutin ko iyun may kulay ang buhok niya Blode at sobrang gwapo niya pero mukhang playboy "Hello im Rhia the 3rd born!" Jollyng pakikilala niya sa akin sobrang ganda niya maiksi ang buhok niya na bumagay sa kaniya "Im Renz the 4th Born!" Pakilala naman niya sakin ito yung hindi playboy na type simple pero lakas ng dating sobrang gwapo rin Lahat sila kinamayan ko tyaka rin nagpakilala sa kanila. "Im Katherine Young po nice to meet you po!" Pakilala ko sa kanila "Oh The younger daughter of Kenneth Nice to meet you hija im Zhakie ang Daddy nila!" bossy type na sabi ng Daddy nila sobrang kamukha niya si Zachary feel ko may isa pang Zachary akong nakikita "Nice to meet you rin po sir!" Nahihiya kong tugon "Nah! Tito just call me tito!" Ngiti niyang sabi 'OMG Zachary na Zachary talaga!' "Bakit kayo nandito?" Singit ni Zachary kaya tinignan ko siya kumakain na siya ng Orange na binalatan ko kanina "Mom told us na may bisita ka so gusto namin siya makita kaya nandito kami!" Ate Zia Said "Kamusta naman na ang pakiramdam mo?" Tanong ni tito "Better!" Sagot ni Zachary "Woooooohhhh! Umayos ba ang pakiramdam mo dahil maganda ang Nurse mo bunso?" Asar ni kuya Zedrick kay Zachary "Maybe Yes!" Deretsong sagot niya sabay tingin sa akin napaiwas naman ako ng tingin "Ooooooohhhh! Nagbibinata na ang Bunso natin yiiiieee!" Tiling sabi ni Ate Rhia kinikilig "Nililigawan mo na ba siya Bunso?" Tanong ni Kuya Renz umiling si Zachary "No!" Sagot niya "Edi ako na lang manliligaw sa kaniya!" Ngumiti siya at tumingin sa akin "No!" Maauthoridad niyang sabi "Tsk! Inunahan mo naman ako Renz ako na lang ang manliligaw sa kaniya!" Singit naman ni Kuya Zedrick napaatras pa ako ng lumapit siya sa akin Naramdaman ko ang kamay ni Zachary sa kamay ko at hinila niya ako paupo sa tabi niya! "I said no! Maghanap kayo ng ibang liligawan niyo!" Matapang niyang sabi sabay tingin ng masama sa mga kapatid niya Nagtaas naman ng dalawang kamay sina Kuya Zedrick at Kuya Renz dahil sa sinabi ni Zachary! 'Parang sira tong isa nagbibiro lang naman ang mga kapatid niya tapos ganyan ang sasabihin niya!' "Wag niyo na nga pagtalunan yan kayo Zedrick at Renz tigilan niyo ang kapatid niyo pati si Katherine!" Utos ni tita sa kanila tumango tango naman sila dito "Pagpasensyahan mo na ang dalawang ito ah Ngayon lang kasi sila nakakita ng magandang babae lahat kasi ng nililigawan nila panget haha!" Tawang asar ni Ate Zia kina Kuya Zed At Renz "Hehe okay lang po!" Nahihiya kong sabi "Ipapahatid ko ang dinner mo dito ha! Dito ka na matulog delikado na sa daan kung uuwi ka pa sa bahay mo!" Si tita ang nagsabi "Bahay niya? what do you mean?" Tanong ni tito "Independent kasi siya may sarili na siyang bahay first year high school palang siya!" Paliwanag ni tita sa kaniya "WOOOOOAAAAHHHH!" Sabay sabay na sabi nila Ate at Kuya "Ang astig mo naman!" Si Ate Rhia "Gusto ko rin Magkabahay ng sarili!" Si Kuya Renz "Naku magdadala ka lang dun ng mga babae mo!" Inismiran siya ni Ate Zia "May alam ka pa bang pwedeng bilhin na bahay gusto ko rin niyan!" Si Kuya Zedrick "Manahimik!" Si Tito kaya agad sila nanahimik "Alam ng parents mo na independent ka?" Tanong niya sa akin "Yes po tito!" Sagot ko "Hinayaan ka nila?" Tanong niya pero parang iba ang dating nun "Yes po , gusto ko po kasing matuto sa mga bagay bagay at yun din po ang gusto ng parents ko ang matuto sa paraang alam ko po!" Seryoso kong sagot sa kaniya "Hindi ka ba natatakot na may mangyari sa iyo sa bahay na tinitirahan mo?" Tanong niya ulit "Nung una po ay natakot ako pero nung tumagal nasanay na po ako hindi naman po kasi ako matuto kung puro takot po ang paiiralin ko!" Deretsong sagot ko sa kaniya tumango tango siya "Yeah right mas mainam ngang matuto sa sariling paraan para maihanda mo ang sarili mo sa Future!" Sang ayon niya sa akin "Yes po tito!" Proud kong sabi "So dad pwede na po ba kaming Bumili rin ng sarili naming bahay? You know para maging handa sa future?" Ngiti ngiting sabi ni Kuya Zedrick "Kung hindi puro babae ang nasa isip mo baka payagan pa kita pero mukhang magiging laman lang ng bahay mo babae at barkada tsk!" Dismeyadong sagot ni tito napakamot ulo naman si Kuya Zed "Ayan kasi bleeeeehhh!" Asar sa kaniya ni Ate Rhia inaambaan siya ni kuya Zed na babatukan kaya umiiwas siya dito "Oh siya maiwan na namin kayo at mukhang kailangan ng magpahinga ni Bunso!" Si Tita ang nagsabi "Bye Bunso Bye Kath!" Paalam ng mga kapatid niya at nauna nang lumabas ng kwarto "Take a rest Zachary ng gumaling ka na!" Paalala ni Tito sa kaniya "Salamat sa pagaalaga sa Anak ko Katherine!" Ngiti niyang sabi tumango naman ako "Wala po yun tito!" Sabi ko sa kaniya "Sige iwan na namin kayo ha bye!" Paalam ni Tita sa amin tyaka sila sabay na lumabas ng kwarto at sinara iyon Malakas ako napabuga ng hininga 'feel ko hindi ako makahinga ng maayos ng makausap ko sila lalo na ang daddy niya!' "Nakakakaba naman yun!" Kumento ko nasa pinto parin ang tingin naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko "Woy! Chansing ka na!" Agad kong bawi sa kamay ko "Mukha mo Chansing!" Sabi niya "Wag mo na isipin ang mga kalokohang sinabi nila kuya sayo!" dagdag pa niya "Wala naman sa akin iyon alam ko namang nagbibiro lang sila!" Sabi ko sa kaniya "Dito ka na gumawa ng assignment andun ang studytable ko at Computer!" Turo niya sa Dulo ng Kwarto tumango naman ako sa kaniya "Magpahinga ka na babantayan kita habang gumagawa ako ng Assignment!" Ngiti kong sabi sa kaniya Tunulungan ko siyang humiga at inayos ko ang kumot niya , kinapa ko pa ulit ang Noo niya nang maramdaman kong medyo mainit pa nilagyan ko ulit niya ng bimpo sa Noo at hinayaang makatulog! Nang makatulog siya napansin kong bumubukas ang pintuan pumasok si tita at ang isang maid na may dalang tray ng pagkain. "Natutulog na si Zachary?" Tanong ni tita tumango naman ako "Yes po tita!" Sabi ko sa mababang boses "Ito magdinner ka muna may gagawin ka pa ba?" Tanong niya ulit tinuro ko ang studytable ni Zachary "Gagawa po ako ng Assigment at magrereview ng ilang lesson kanina habang binabantayan si Zachary tita!" Tumango tango siya "Osige magpapadala na lang ako ng snacks mo dito okay!" Ngiting sabi ni tita "Cge po tita salamat!" Ngiti ko ring sabi Iniwan na nila ako kaya tinignan ko ang pagkaing inihanda nila inilagay ko sa may studytable yun tyaka inilabas ang mga Assignment ko! --- ;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD