Kabanata 11

3522 Words
Napansin kong may Mini Library si Zachary malapit sa Studytable niya , titignan ko mamaya kung anong mga libro na yan! Sinimulan ko nang kumain para makapagsimula na akong magaral. 8:00 pm maaga aga pa naman kaya inenjoy ko ang pagkain ko , masarap ang pagkakaluto ng Chicken curry ah! Maya maya lang sinimulan ko na ang paggawa ng assignment nang matapis ako sa pagkain! Salitan kong ginagawa yun habang paminsan minsang chinicheck ang lagay ni Zachary! 'Hindi ko naman talaga dapat ginagawa to pero nung nalaman ko kasing dahil kahapon kaya siya nagkasakit nakaramdam ako ng guilt feel ko kasalanan ko kaya siya nagkasakit kaya obligado akong alagaan siya!' Nagrereview na lang ako ngayon ng maisipan kong magalarm sa Phone ko para magising ako ng maaga nag set ako ng alarm ng 4:30 am sapat na yun para makapagayos pa ako sa Bahay 8:00 am naman ang pasok sa school eh! Ilang oras din ang ginugul ko sa pagrereview ng mga lesson at ilang librong kinuha ko sa Mini library ni Zachary dito sa Studytable niya, nang Di ko na malayang Nakatulugan ko na pala yun , nagising ako dahil sa Alarm ng Cellphone ko kaya agad ko yun pinatay! Naginat pa ako bago tignan si Zachary na nakaupo at nagkukusot ng Mata mukhang kagigising lang din niya ahh! "Good Morning!" Bati ko sa kaniya tyaka tumayo at lumapit sa kaniya "Good morning din , Diyan ka sa Studytable natulog?" Takang tanong niya tumango naman ako "Nakatulugan ko ang pagrereview eh!" Sagot ko sa kaniya "Baka sumakit ang katawan mo?" Tanong niya "Okay lang ako dont worry ikaw kamusta na pakiramdam mo?" Lumapit ako sa kaniya at kinapa ang noo niya nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya mainit "Okay na ang pakiramdam ko salamat sa pagaalaga sakin!" Nahihiya niyang sabi ngumiti ako sa kaniya at pumunta ng banyo para maghilamos "Walang ano man yun!" Sabi ko ng matapos maghilamos Bumalik ako sa Studytable at iniligpit ang mga notes at librong kinuha ko sa Mini Library tyaka ibinalik duon at sa bag ko! "Antayin mo na ako sabay na tayong pumasok!" Sabi niya at naglakad na papunta sa Restroom niya kinuha ko naman ang bag ko at ibang pinagkainan ko kagabe na hindi ko na ibaba dahil nakatulugan ko na! Pababa na ako ng may bumati sa akin habang nasa hagdan tinignan ko siya agad at nginitian! "Good morning Katherine!" Bati ni Kuya Zed sa akin at ngimiti "Good Morning Kuya Aga mo nagising ah?" Tanong ko sa kaniya "Oo maaga talaga ako nagigising hindi kasi gaganda ang araw nato kung hindi ako magigising eh Hahaha!" Malakas siyang tumawa habang papunta kami sa kusina 'May pagkamahangin din pala tong kapatid ni Zachary no? Masyadong bilib sa sarili haha!' Naabutan naman namin dun si tita at ilang maid na naghahanda na agad ng Breakfast 'Ang aga ah!' "Good morning hija , hijo!" Bati sa amin ni Tita "Good morning din po tita!" Tyaka lumapit sa lababo at inilagay ang hugasin ko "Sumilip ako sayo kagabe tulog ka na sa studytable ni Zachary!" Sabi ni Tita "Opo tita nakatulog ako sa pagrereview buti na lang natapos ko naman kaya po hindi ko naibaba ang pinagkainan ko kagabe eh hehe!" Dahilan ko sa kaniya "Ang sipag mo naman matataas siguro ang Grades mo?" Sabat naman ni Kuya Zed Nagkatinginan kami ni Tita for sure kasi alam niyang matataas ang grades ko! "Okay naman kuya Pwede na para grumaduate hehe!" Sabi ko pa "Anong Course kukuhain mo sa College?" Tanong ni Kuya Zed "Ahmmm siguro Business Management tapos Human Resources Para sa Gift sa akin nila mom at dad!" Napatingin ako kay Tita alam niya kasi yun for sure ngumiti siya sa akin at tumango "Same with Kyle ha! Sabagay matalino ang isang yun kaya kahit ano mang kuhain nun hindi sasakit ang ulo!" Kumento niya kay kuya "Kilala mo si kuya?" Tanong ko sa kaniya "Of Course Classmate kami ngayon sa Business Management tyaka dati rin kaming Classmate Sa St. Merry nuon!" Sagot naman niya habang kumukuha ng pagkaing inihanda Lumapit ako sa kaniya at bumulong ayoko kasing marinig ni tita. "Edi alam mong Leader siya ng Fraternity?" Tanong ko sa kaniya tumango naman siya "Oo naman kasali ako dun isa rin ako sa mga kanang kamay niya!" Proud niyang sabi "Edi kilala mo rin si Kuya Alfred ang Head Teacher namin?" Tanong ko Tumango ulit siya "MagkakaClassmate din kami nuon nung High School Same Section 6!" Kwento pa niya napa'O' ako dahil dun "Good Morning!" Bati ni Kuya Renz "Good Morning Katherine!" Bati naman ni Ate Rhia "Ang aga aga pinopormahan mo agad si Katherine Kay Bunso na yan!" Sita agad sa kaniya ni Ate Zia "Isa din yan sa Kanang kamay ng Kuya mo si Ate Zia!" Sabi ni Kuya Zed "Talaga?" Tanong ko hindi ako makapaniwala Tumango tango naman siya "Ano yun ?" Tanong ni Zachary na kakarating lang nakauniform na siya at sumisigaw ng kagwapohan "Bunso papasok ka na okay ka na ba?" Tanong ni Ate Rhia kinapa pa ang Noo niya "Yeah im okay now!" Sagot ni Zachary at naupo sa tabi ko "Magaling pa lang magalaga si Kath pagnagkasakit ako alagaan mo rin ako ah!" Biglang sabi ni Kuya Renz natawa naman ako dahil sa sinabi niya Tinignan ko si Zachary na masama na ang tingin kay Kuya Renz! "Im just joking Bunso okay!" Ngingiting sabi ni Kuya Renz kay Zachary "Haha Ang kay Zachary Kay Zachary dude wag ka na magtangka pa haha!" Asar sa kaniya ni Ate Rhia "Bakit si Kuya Zed kausap niya si Kath kanina nagbubulungan pa!" Katwiran niya kaya tinignan naman ni Zachary si Kuya Zed "What?" Maang maangan ni Kuya Zed "May pinaguusapan lang kami don't worry hindi ko pwede pormahan yan hahaha!" Napataas ang kilay ko 'Papayag ba akong pormahan niya siraulo din to bagay sila ng kuya kong buang!" 5:00 am na kami umalis sa Bahay nila tyaka dumeretso sa bahay ko! Napagawa ko na ang Gate kay mom kaya wala ng problema sa akin sa pagbaba at labas hehe "Upo ka muna jan Magliligo lang ako!" Sabi ko kay Zachary Sumama pa kasi siya dito sa bahay masyado pa daw kasing maaga kung dederetso siya sa School kaya dito na lang daw muna siya. Sa banyo na lang ako nagbihis ng Uniform tyaka ako lumabas at pumasok sa kwarto para mas maayos ang sarili ko! Mabuti na lang at nagawa ko ang lahat ng assignment ko wala na akong poproblemahin! Pagkatapos ko magayos ay inaya ko na siyang umalis papunta sa School nauna na ang Kotse niyang umalis bago ako! Pagkalabas ng gate nakita kong may nakaparadang Itim na Van sa Tawid katapat ng bahay ko tinignan ko kung anong gagawin nila nung nakalampas na ako sa Bahay ! Sumunod sila mabagal habang ako marahang binibilisan nakita kong pumasok na ng Parking si Zachary yun din ang ginawa ko ng malapit na akong pumasok Huminto na ang Van na yun at hanggang dun na lang talaga sila sa labas ng Gate! 'Kung sabihin ko kaya to kay Kuya Alfred? Kaso baka malaman ni Kuya at Mommy eh tsk!' 'Pero malalaman din nila yun for sure naman may mga tauhan kaming umaaligid sa paligid ng bahay ko para bantayan kung okay ba ako o may nangyari na sa aking masama!' 'Kung pumunta kaya ako sa Hide Out ni Kuya mamaya after ng School?' 'Kaso kapag nalaman niya hindi na nila ako patitirahin sa bahay ko at sa Mansyon na nila ako patutuluyin ayoko nun eh !' "KATH!" nagulat ako sa Sigaw ng mga nasa harapan ko "Ano ba kayo nakakagulat kayo!" Sabi ko sa mga Classmate ko "Kanina ka pa namin tinatawag pero wala kang imik jan ang lalim ng iniisip mo!" nagaalalang tanong ni Zachary "Wala wag niyo na akong pansinin , ano ba yung tanong niyo?" Tanong ko sa kanila Naglalakad na kaming lahat papaakyat sa taas , hindi pa kasi gawa yung Hagdan dun sa kabilang side kaya dito parin kami sa Side ng mga section 1 dadaan! "Bakit kayo sabay pumasok ni Zachary?" Tanong ni Luke "Dun ako sa kanila natulog kagabi habang nagaaral ako binabantayan ko siya bakit?" Paliwanag ko nagkatinginan silang lahat "Buti nakalabas ka pa ng buhay sa Bahay nila?" Tanong ni Nathan habang ang iba tumatawa 'mga siraulo talaga!' "Mabait kasi ako kaya buhay pa ako hanggang ngayon hahaha Ang totoo kasundo ko naman silang lahat lalo na ang mga kapatid niya kaya wala namang dapat ipagalala!" Taas Noo kong sabi 'Hala bakit ganun?' 'May favoritism talaga!' 'Pagtayo galit sila pero pag kay kath!' "Ginamitan mo ng Panda Look no?" Seryosong sabi ni Blake tapos bigla na lang siyang tumakbo papalayo sa amin. 'Apaka gago talaga nito!' "BLAKE ADERSON!" Sigaw ko sa kaniya kaya nagsilabasan ang mga student sa mga room nila nasa 3rd floor na kasi kami Habang ang mga natira tawa ng tawa pati rin ang siraulong Zachary nakitawa na rin! Nakita kong Lumabas si Briana at Hinarangan ako hindi ko na tuloy naabutan si Blake 'Ang Siraulong yun!' "Good Morning Ex Bestie May pa Grand Entrance ka na naman ba?" Tanong ko sa kaniya Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos tinignan ang mga kasama ko sa Likod! "Nang dahil sayo Kaya mas tumagal ang punishment namin tapos nadagdagan pa ng ibang section Anong klaseng KALANDIAN ang ginamit mo sa mga Shareholder at sa Head Teacher para dagdagan ang Punishment namin Ha!" Galit niyang sabi nakataas din ang kilay at nakaCrossarm pa "Anong Kalandian naman ang tinutukoy mo Expert ka na dun hindi na ako dadagdag pa!" Taas kilay din kong sabi Nagbungisngisan naman ang mga nakakarinig sa sagutan namin! "Hindi Kalandian kung ako ang pinipili , Tulad ni Rhayven ako ang pinili niya kesa sayo!" Taas noo niyang sabi napangisi ako "Hindi kaniya pinili dahil kung talagang pinili kaniya hindi niya sa sabihin sa harap ko , sa harap mo at sarap ni Head teacher na Ako ang MAHAL niya at hindi ikaw!" Diin kong sabi sa kaniya "Magkaiba ang Pinili sa napipilitan Briana!" Dagdag ko pa mabilis naman niya ako sinabunutan "NAPAKALANDI MO TALAGA TANGINA KA KAKALBUHIN KITA MALANDI KA!" Sigaw na gigil niya sa akin Lahat na ng Student umawat na sa amin pinipigilan na siya , pero nararamdaman ko parin ang sakit sa anit ko 'Kingina nitong babaeng to ang aga ng sabunot bwesit!' "MAHAL NIYA AKO AT HINDI IKAW! NILANDI MO LANG SIYA KAYA NABALING SAYO ANG ATENSYON NIYA! AKO LANG MAHAL NIYA AKO LANG!" Galit na sigaw niya "KINGINA MO EDI IKAW NA ANG MAHAL NIYA! HINDI KO NAMAN INAANGKIN IYONG IYO NA MANAHIMIK KA LANG!" Sigaw ko din sa kaniya Marami ng lalaki ang umawat sa kaniya at kitang kita kong nanananching lang sila 'Mga gago!' Nakaharang sa Harap ko ang mga Classmate ko naumaawat din kita ko ang pagalala sa mga mata nila! Hinatak ni Rhayven si Briana at Pinapasok sa Loob ng Room nila akma pa niya akong dadakmain ng harangan siya ng mga Classmate ko kaya hindi na niya nagawa. "Ang tindi talaga ng Torres na yun walang pinipiling oras tsk!" Komento ni Luke "Sinabi mo pa Kahit ilang Punishment pa ata ang ibigay sa kaniya hindi parin siya titigil sa kakaaway niya kay Kath eh!" Si Phoenix "Sabihan mo kaya ang mommy mo Zach!" Si Cain Lahat naman sila napatingin kay Zachary. "Wag!" Pigil ko sa kanila "Bakit?" Tanong ni Nathan "Hindi pwedeng sabihan ang mommy niya para sa akin dahil hindi siya involve sa away namin!" Dahilan ko 'Ayoko ring idamay pa siya sa gulo namin ni Briana!' "Kakausapin ko rin si Mom kung ano ang pwede niyang gawin at wag mo na akong pigilan!" Banta niya sa akin "Gawin mo kung anong gusto mo pero wag kang sasali sa gulo ko!" Seryoso kong sabi sa kaniya nanahimik sila hanggang sa makapasok kami sa Room at maupo. Buong araw hindi ako umimik masyado akong pinagisip ni Zachary sa gagawin niya. 'Paano nga kung kausapin niya si Tita Carry at masabi niya Kay Zachary kung sino ako hindi pa ako handa para dun hindi pa ako handa na malaman ng lahat kung sino ako sa School nato! "Kath?" Tawag sa akin ng kung sino Nasa Canteen na kami dahil lunch time na Tinignan ko siya ang nakikiusap na mga mata niya ang una kong nakita. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya "Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Tanong ni Rhayven sa akin Napatingin ako sa mga Classmate ko tumututol sila sa sinasabi ni Rhayven napabuntong hininga na lang ako at tumayo. "Okay sige!" Sagot ko nauna na siyang maglakad papalabas ng Canteen Susunod na rin sana ako ng may humawak sa kamay ko tinignan ko yun si Zachary. "Kailangan ko siyang kausapin ng malaman ko kung ano ba talaga ang problema ni Briana sa akin!" Secure kong sagot sa kaniya tyaka tumingin sa iba Sumunod na ako sa kaniya nakita ko siyang papunta sa likod ng Building namin kung saan niya ako Una dinala nung Nagselos siya sa Groupmates ko noon! "Im sorry!" Panimula niya Hindi ako umiimik hinahayaan ko lang siyang magsalita. "Im sorry sa lahat ng Ginagawa ni Briana sayo!" Sabi pa niya "Alam ko nagtataka kong bakit ganto ako sayo ngayon pagkatapos ng ginawa namin sayo pero maniwala ka o hindi Mahal kita Katherine!" May nginig na boses niya at anytime maluluha na siya "Lahat na realize ko nung nawala ka sakin Kath hindi ako mapakali nung Araw na nalaman mo na akala ko magiging masaya na ako kasi nagawa ko ang gusto ni Briana pero ang sakit nung sinabi mong hindi mo ko minahal!" Tumalikod siya sa akin at pinipigilang maluha "Itinuon ko kay Briana ang atensyon ko pero wala parin dahil ikaw ang nasa isip ko kahit siya ang kasama ko!" Tuloy niyang sabi "Pasensiya na kung palagi akong nasa labas ng bahay mo gusto lang kitang makita kahit na sa malayo kahit yun lang kuntento na ako nun!" Sabi pa niya "Nang malaman ni Briana yun dun siya lalong nagalit sayo Kahit ilang beses kong sabihin sa kaniya ako ang may nararamdaman sayo at kasalanan ko still ikaw ang sinisisi niya dahil ikaw na ang mahal ko at hindi siya!" Humarap siya sa akin at kitang kita ko ang mga luha sa mga mata niya "Im sorry! im sorry kath im very very sorry! Please forgive me sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo nagawa namin ni Briana sayo patawarin mo ko!" Lumuhod siya sa harap ko at humihingi ng Sorry "Tumayo ka nga!" Inis kong sabi at inalalayan siyang tumayo "I forgive you already kayo ni Briana wala na yun sa akin Pero hindi ko na masusuklian ang nararamdaman mo sa akin Rhay Sa tingin ko kay Briana mo na lang talaga ilaan yang nararamdaman mo Ayoko ring masasaktan ang Bestfriend ko kaya please alagaan mo siya at wag mong sasaktan lalo na ng physical kundi ako ang babali sa buto mo naiintindihan mo ba?" Banta ko sa kaniya Niyakap niya naman ako ng mahigpit "Oo kath salamat , salamat at pinatawad mo ko pinatawad mo kami pangako hinding hindi ko na sasaktan si Briana aalagaan ko siya katulad ng sinabi mo maraming salamat katherine!" Masaya niyang sabi tyaka sya bumitaw ng pagkakayakap tinapik ko ang balikat niya tyaka niya ako iniwan dito Napangiti ako ng kusa wala akong alinlangan sa mga sinabi ko kay Rhayven Bukal sa puso at isip ko ang magpatawad wala naman kasing madudulot ang galit kung yun ang paiiralin ko. "Nakakainis ang pagiging mabait mo!" Nagulat ako sa boses na yun tinignan ko kung sino yun si Zachary "Bakit naman?" Takang tanong ko "Sa sobrang bait mo pati yung dapat hindi pinapatawad pinatawad mo!" Inis niyang sabi "Hindi ka magiging masaya kung hindi ka nagpapatawad!" Ngiti kong sabi "Sa tingin mo ba magiging masaya rin ako pagnagpatawad ako tulad mo?" Tanong niya sa akin Tinignan ko siya "Oo naman sigurado ako dun maniwala ka!" Ngiti kong sabi "Tara na hindi pa ako kumakain nagugutom na ako!" Reklamo ko "Ibibili na lang kita ng pagkain!" Alok niya "Libre mo ba?" Tanong ko sa kaniya naglalakad na kami papuntang Canteen wala ng Student dito kasi tapos na ang Lunch "Oo naman ano ba ang gusto mo?" Tanong niya "Marami akong gusto gutom ako eh haha!" Tawa kong sabi sa kaniya "Hindi naman kataka taka yun Gutomin kaya ang mga Panda!" Asar niya sa akin sabay takbo kaya hinabol ko siya "Aba siraulo ka ahh maabutan lang kita kala mo!" Banta ko sa kaniya "Kung mahahabol mo hahaha Takbo pa Panda!" Lalo niya pa ako inasar "Bwesit kang Daga ka hindi ako Panda!" Inis kong sabi sa kaniya hinabol ko siya hanggang sa loob ng Canteen nakita ko naman siyang bumibili na sinuntok ko nga siya sa Braso "Aray!" Reklamo niya tinaasan ko siya ng kilay "Bakit bakit?" Hamon ko sa kaniya kamot ulo naman siya "Pumili ka na ng pagkain mo!" Sabi niya kaya sa pagkain na ako tumutok "Burger , Fries , Coke tyaka malaking Nova!" Sabi ko sa kaniya "Mauubos mo ba yan ang dami ah , Ate yung sinabi niya tigdalawa!" Utos niya sa kahera na agad namang sinunod "Ikaw din naman ahh!" Sabi ko sa kaniya ng magreklamo sya sa gusto ko Nang mabayaran na niya ang pagkain isa isa na naming binitbit yung pagkain namin tyaka kami lumabas at naglakad na Papunta sa hagdan papaakyat , madadaanan na namin ang Section 1 kitang kita ko ang matalim na tingin sa akin ni Briana ngiti naman ang kay Rhayven tumango na lang ako sa kaniya may Teacher na sila kaya hindi na niya ako mahaharang pa , Pagdaan namin sa Section 2 Ang mga girlfriend ng mga Classmate ko ang una ko nakita nagHi sila sa akin ganun din ang ginawa ko sa kanila , sa Section 3 naman ganun din ang ginawa ng mga Girlfriend ng mgaClassmate ko nagHi at kumaway ganun din ang ginawa ko hindi sila makalabas dahil may nagtuturo na sa mga Classroom nila , pagdating sa Section 4 Grupo ng mga lalaki ang Nakita ko na kumakaway sa akin kahit hindi ko sila Kilala kumaway na lang ako pabalik , sa Section 5 naman Mapalalaki at babae nagkakaway sa akin o baka dito sa Katabi ko nakasimangot. "Anong klaseng mukha yan?" Tanong ko sa kaniya ng makalagpas kami sa room ng section 5 nasa tapat na kami ng section namin "Feel na feel mong kawayan ang mga lalaki dun no!" Inis niyang sabi napataas ang kilay ko "Malamang kumaway sila sa akin edi kakawayan ko rin anong problema dun?" Takang tanong ko pumasok na siya at deretsong naupo hindi man lang bumati sa Teacher namin "Good afternoon sir!" Bati ko sa teacher namin at umupo tinignan ko si Zachary at salubong ang mga kilay "Ano ba problema mo?" Tanong ko sa kaniya "Wala!" Inis niyang sabi sa akin "Ang labo mo kanina okay ka pa ngayon sinapian ka ata ewan ko sayo!" Inis ko ring sabi sa kaniya tyaka nakinig na sa teacher habang kumakain 'Ang lakas ng Topak ng isang to bigla na lang magagalit ng hindi sinasabi ang dahilan , ano bang problema sa pagkaway ko sa mga student dun eh siya nga rin kinakawayan ng mga babae dun eh hindi naman ako nagalit nasisira na siguro ulo nito!' "LQ kayo ni Zach?" Bulong ni Luke sa akin habang kumukuha din siya ng pagkain "Anong LQ ka jan di naman kami Lovers pang lovers lang yung LQ no! Tyaka malay ko jan bigla na lang nagsusungit!" Bulong ko rin sa kaniya "Baka naman may ginawa ka kaya nagalit?" Tanong ni Nathan sumali na sa usapan namin "Kinakawayan ko kasi mga Lalaking student duon sa ibang section dahil kinakawayan din ako anong nakakagalit dun eh kinakawayan din siya ng ibang babae dun!" Paliwanag ko "Ahh baka nagseselos!" Singit ni Matthew napatingin kaming tatlo sa kaniya "Bakit naman siya magseselos hindi naman kami?" Takang tanong ko nagkibit balikan na lang siya 'Siraulo din to si Matt eh magsasabi ng Clue tapos hindi itutuloy tsk!' Sunod sunod ang mga naging pagtuturo sa amin nakinig na lang ako at hindi na inintindi ang Daga sa gilid ko pati na rin ang alagad niyang mga daga rin! Pagbell nagsitayuan na ang mga Classmates ko at Nagsilabasan na for sure susunduin nila mga Girlfriend nila dumeretso na lang ako sa Parking , Nakita kong paalis pa lang ang Kotse ni Zachary! "Talagang pinanindigan mong wag ako pansinin ah! EDI WAG!" Sabi ko ng makalampas na ang kotse niya tyaka ako padabog na sumakay sa Kotse ko Pagkauwi ko sa Bahay badtrip akong binuksan ang TV manonood na lang ako kesa intindihin ang siraulong yun! Nagprepare din ako ng Dinner ko habang inaantay ko maluto ang pagkain inilabas ko ang mga Notebook ko at nilagay sa Mesa! 'Magaaral na lang ako kesa intindihin siya tsk!' Buong gabi kong pinagtuunan ng pansin ang mga lesson namin kanina at inalis ang siraulong Zachary na yun sa isip ko! 'Kung kaya mong di ako pansinin pwes kaya ko rin tiisan tayo kala mo!' --- ;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD