Kabanata 12

3260 Words
Tatlong araw walang pansinan, tatlong araw walang imikan , tatlong araw na parang hindi kami nageexist sa isat isa! 'Ganyan niya ako natiis na di kausapin tatlong araw!' Lahat na ng classmate namin nagtataka na sa amin pero nanatili kaming tahimik 'ginagaya ko lang naman ang ginagawa niya sa akin eh!' "Hindi parin kayo nagpapansinan ni Zach?" Tanong ni Luke ng magkasabay kami sa parking umiling ako "Kung ano lang ang ginagawa niya ganun din ginagawa ko!" Inosente kong sabi habang papaakyat na kami "Para kayong mga bata!" Sabi niya napataas ang kilay ko "Hiya naman ako sayo ah!" Sabi ko sa kaniya "Teka nakalimutan ko ang phone ko sa Kotse balikan ko lang una ka na!" Bigla niyang sabi tumango naman ako Nagpatuloy naman ako sa pagakyat sa kabilang bahagi na ako ng hagdan umaakyat mabuti nga at gawa nato hindi ko na mararanasan ang laging entrance ni Briana tuwing umaga eh! Biyernes ngayon at bukas mamimili na kami ng snacks para sa linggo! Pagpasok ko sa room wala pang tao siguro dahil maaga pa masyado! Pagkaupo ko naglabas lang ako ng libro at kinuha ang headphone ko tyaka nilagay sa tenga at sinimulan magbasa! 'Pampalipas oras lang!' Maya maya lang may pagkain na humarap sa akin burger Fries Coke at malaking Nova tinignan ko ang nagbigay nun 'Si Zachary!' Inalis ko ang headphone tyaka siya hinarap pagkaupo niya sa tabi ko tinaasan ko siya ng kilay! "Ano?" Tanong ko sa kaniya "Tsk!" Singhal niya "Hindi ka makatiis?" Asar ko sa kaniya "Naiinis parin ako sayo!" Halata ngang naiinis siya pero okay na rin sa akin "Sus baka naman ibang inis na yan?" Tukso ko sa kaniya Tinignan niya ako nagtataas baba naman ang kilay ko nangaasar! Nagiwas siya ng tingin sa akin! "Asa ka pa! Peace offering lang yan!" Seryoso niyang sabi 'Awts! Sakit ah Asa daw ako siraulo to di man lang magdahan dahan!' "Okay Accepted!" Ngiti kong sabi tyaka sinimulang kumain Isa isa na ring dumating ang mga Classmate namin! Tinignan ko si Luke natagalan ang siraulo san naman niya kaya nilagay ang phone niya at ganun siya katagal dumating! "Okay na kayo?" Tanong niya tumango naman ako "Nagbigay siya ng Peace offering then i Accept it hindi rin siya makatiis eh!" Ngiti kong sabi habang binibigyan siya ng Nova "Haha pagkain lang pala katapat mo eh!" Asar niya sa akin akma ko naman siyang susuntukin "Hindi no! hindi naman kasi sobrang lalim nung tampuhan eh so para saan pa para patagalin diba!" Paliwanag ko sa kaniya tatango tango naman siya. Pumasok na ang mga Teacher namin at naglesson na mabuti na lang at hindi nila kami iniwanan ng Assignment kaya free kami ngayon makakapagpahinga ako ng mas matagal hehe! Dahil nga daw Nextweek ang Camping namin kaya hindi na nila kami iniwanan ng assignment sa susunod na lang daw na week , kaya sigurado pagod pagod na naman utak namin nito! Pagkatapos ng last subject namin bago magLunch pinaalalahan niya kami sa mga dapat dalhin at hindi dapat lahat naman kami ay sumangayon sa kaniya tyaka siya lumabas ng room at nagpaalam! Inaya na ako ng mga Classmate kong maglunch at sa kabila kami dumaan bakit? Dahil susunduin daw nila ang mga Girlfriend nila 'Mapapasana all ka na lang talaga!' Napapangiti ako sa kanila habang masayang nagkukwentuhan at magkaakbay! 'Nakakamiss din palang may kasabay kang maglunch bukod sa Classmate mo , May kaholdinghands , May umaakbay , may poprotekta sayo , may kayakap at may magaalala sayo!' "Nakakainggit!" Sambit ko "HOY! Naiinggit daw si Kath!" Sigaw ni Luke nalaki ang mata ko dahil dun 'Napalakas ang sinabi ko dapat sa isip ko lang yun eh!' "Siraulo!" Hampas ko sa kaniya "Okay lang yan kath andito naman si Nathan same naman kayong single hindi ka nagiisa HAHAHA!" Asar ni Dominic 'Palibhasa nasa ibang School ang Girlfriend niya kaya hindi siya naiinggit!' Inambaan ko siya iwas naman ang ginawa niya tyaka tumawa ng tumawa! May umakbay naman sa akin at pinalakad na ako! "Wag ka jan kay Nathan sakin ka na lang!" Hirit ni Westley taas pa ang kilay niya mabilis ko siyang siniko at nauna nang maglakad "Chansing!" Sinamaan ko siya ng tingin pinagtawanan naman Siya ng mga Classmate namin tapos kamot ulo naman siya! "Witwew! Hindi obra ang Charming mo Kay Kath West hahaha!" Asar sa kaniya ni Vincent Mas lalo silang nagtawanan nilingon ko pa si Westley parang nagmamakaawa ang tingin niya tinaas ko ang kamao ko para alam niyang sapak abot niya! Nakita yun ng iba kaya mas lalong nagtawanan sila , napunta naman ang tingin ko kay Zachary nagtama ang mga mata namin tapos kusa niyang iniiwas yun! 'Ang arte nito swerte niya nga pag sya ang nagustuhan ko haha!' Pagpasok ko sa Canteen nasa Counter si Rhayven napatingin siya sa akin at ngumiti ganun din ang ginawa ko sa kaniya! "Lunch?" Tanong niya "Oo nagugutom ako eh!" Sagot ko nagkatinginan kami tapos tumawa "Nagexplain na ako sa Bestfriend mo Sana lang maintindihan niya at di ka na awayin!" nagaalala niyang sabi "Okay lang naman yun! Para sakin way niya yun kasi namimiss niya ako haha!" Sagot ko at tumango siya at nakitawa "Yeah your right Sana magkaayos na kayo!" Sinsero niya sabi "Sana nga Rhay sana!" Ngiti kong sabi "Dun na ako sa table namin!" Tinapik ko siya sa balikat tyaka pumunta na sa table namin 'Kaya siguro ayaw niya kay Westley!' 'Si Rhayven parin pala ang gusto!' 'Ano ba yan ang tanga naman may girlfriend na yung Rhayven na yun eh!' 'Baka mahal niya talaga!' 'Pero niloko siya nun!' 'Dapat marealize niyang wag na si Rhayven ang mahalin niya!' 'Hayaan niyo na lang siya maiisip din niya yun!' 'Paano pagnasaktan na naman siya!' 'Oo nga tapos magpapalipat na naman siya!' 'Oo nga tapos dun pala siya makakahanap ng bago!' 'Tama tapos hindi na niya tayo kakausapin kasi may bago na!' 'Hahayaan pa ba natin?' 'Oo dapat hindi natin hayaan na masaktan ulit siya!' 'Tsk sino bang may sabing hahayaan nating masaktan ulit si Katherine!' 'Hindi rin ako papayag!' 'Ako rin humanda sila!' 'Maski ako hindi rin papayag no!' 'Bigyan natin ng leksyon pagsinaktan niya ulit si Kath!' 'Tama! Tama! Tama!' 'Okay! Ako ang pinaguusapan nila haha at saan naman nang galing ang ideyang masasaktan ulit ako?' "Kung hindi niyo hahayaang masaktan ako MAS hindi ko hahayaang masaktan ako no!" Singit ko sa usapan nila Lahat sila na gulat sa pagsingit ko naglalakihan pa ang mga mata nila! "KATH!" Sabay sabay nilang sabi sa gulat "Ano?" Tanong ko habang natatawa "Thank you sa pagaalala dont worry mali ang iniisip niyo magkaibigan na lang kami ni Rhayven wala ng hihigit dun!" Seryoso kong sabi sa kanila Nakita kong nabunutan sila ng tinik ng malamang magkaibigan na lang kami ni Rhay , hindi ko naman sila masisisi dahil alam na nila ang Kwento sa nangyari sa amin Yun nga lang hindi rin nila maintindihan kung bakit patuloy parin si Briana sa pangaaway sa akin Kahit naman ako hindi ko rin maintindihan eh! Nagsimula na kaming kumain walang imikan , walang daldalan 'Yung totoo gutom na gutom?' Maya lang may naglagay ng Water sa tabi ng Plato ko pagtingin ko isa sa mga student yun ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin 'Pumuporma si Koya?' "Aba siraulo yun ah!" Protesta ni Luke "Bakit?" Takang tanong ko "Hindi ata nakikita ang pader pumuporma pa!" Mayabang na sabi niya "Sinong pader?" Tumingin siya sa gawi nila Zachary at Westley "Ako Syempre ako yung Pader hehe!" Kamot ulo niyang sabi "Siraulo Mabait lang yung tao kaya nagbigay ng Tubig wag mong lagyan ng malisya!" Sabi ko sa kaniya inambahan pa ng Suntok na iniwasan naman niya "Pinopormahan ka nun!" Singit ni Westley "Oo nga alam namin ang ganyang galawan!" Sabi ni Phoenix "Bakit ganyan ka rin ba pumorma sa Gf mo?" Natatawa kong sabi kaya natawa rin ang iba "Hahaha minsan!" Kamut ulo niyang sabi "Hayaan niyo na si kath single naman siya kaya walang problema dun!" Singit naman ni Zachary nasa plato ang tingin habang sumusubo ng pagkain Napatingin silang lahat pati ako sa kaniya tapos bigla silang natahimik! 'Bakit bigla ako nakaramdam ng kaba?' Natapos na kaming lahat sa pagkain at nagdesisyon ng umakyat pero nagpaalam akong magreRestroom lang kaya na una na sila paakyat! Pumasok ako sa isang Cubicle dun at hinayaan ang sariling Manatili duon hindi kasi mawala yung kaba ko eh halos hindi na ako makahinga dahil sa Kabang ito! 'Anong nangyayari sa akin?' Maya maya may narinig akong pumasok sa kabilang Cubicle nagulat ako sa naririnig ko 's**t bat dito nila yan ginagawa?' Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng dahan dahan para tignan kung sino yun! Mas nagulat ako ng makita sila! 'Paanong? Bakit? Kelan pa?' Nakita kong naghahalikan si Zachary at Briana sa loob ng Cubicle halos makita na ang bra ni Briana ng madaling buksan to ni Zachary! "s**t!" Napamura si Zachary ng makita ako kaya natigil sila gulat din akong tinignan ni Briana Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan ko! "S-sorry! S-sige t-tuloy n-niyo n-na! Isipin niyo na lang hindi ko nakita" nautal kong sabi sa kanila tyaka madaling lumabas sa Restroom Napapahawak ako sa dibdib ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba para anytime lalabas na siya sa dibdib ko! Tuloy tuloy na akong umakyat nang wala sa sarili pagdating ko sa Room nakatingin silang lahat sa akin tuloy lang ako hanggang makaupo sa upuan ko! "Kath?" Tawag ni Luke tinignan ko siya pero lutang ang isip ko "Anong nangyari bakit namumutla ka?" Si Westley "Para kang nakakita ng multo?" Si Matthew "Higit pa sa Multo ang nakita ko!" Lutang kong sabi "Ano ba ang nakita mo?" Tanong ni Nathan Lahat sila nakatingin sa akin lahat sila nagaabang ng sasabihin ko! Nakita kong papasok siya sa room kaya mabilis akong umiling sa mga Classmate ko bilang sagot sa tanong nila! Umiwas ako ng tingin sa kaniya , nanginginig ang kamay ko ramdam ko yun sa ilalim ng mesa , ang kaba sa dibdib ko andun parin at lalong lumala ng alam kong umupo siya sa tabi ko! 'Paanong si Zachary at Briana? Bakit sila naghahalikan? Kelan pa may nangyayari sa kanila? Kung masamang panaginip lang to sana gisingin na ako! Ang bigat sa dibdib!' Kahit nagtuturo na ang mga Teacher namin nandun parin ang Kaba hindi maalis sa dibdib ko! Sinubukan kong magfocus sa lesson pero saglit lang tapos babalik na naman sa eksina nila sa Restroom! 'Gusto ko nang umuwi hindi ko na kaya yung kaba lalo na at nasa tabi ko siya! Hindi ko alam ang nangyayari sakin basta ang alam ko ang bigat sa dibdib ng kabang to!' 'Paano si Rhayven kung may Zachary na siya? Ano bang binabalak ni Briana bakit ngayon si Zachary naman ang nilalandi niya?' Nagulat ako sa bell tinignan ko ang mga Classmate ko nagaayus na sila para umuwi! Naging lutang ako sa huling subject namin hindi ko namalayan tapos na pala! "Kath ayos ka lang?" Tanong ni Luke tumango na lang ako at inayos na rin ang gamit ko sa bag Pinilit kong wag tumama ang tingin ko kay Zachary , hindi ko siya kayang tignan dahil yung eksina nila ni Briana ang nakikita ko! Sumabay ako kina Luke pababa umiwas na ako kay Zachary yun lang ang tanging alam ko sa ngayon! Nasa Parking kaming lahat habang inaantay ang ibang girlfriend ng mga Classmate namin! Nakasandal ako sa Kotse ko at lutang parin ang isip! "KATH!" Tawag nila sa akin dun lang bumalik ang ulirat ko "B-bakit?" Tanong ko "Ayos ka lang ba talaga kanina ka pa ganyan?" Tanong ni Westley at lumapit sa akin tumango naman ako "O-okay lang ako!" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya "Sabi namin kung sa iniyo ba kami dederetso o sa Mall na lang tayo magkita kita?" Tanong niya sa akin "S-sa m-mall na lang para h-hindi na k-kayo mapagod p-pa!" Nauutal kong sabi alam kong halata na ako pero di ko mapigilan eh 'gusto ko na talagang umuwi!' "Osige chat na lang sa GC!" Sabi ni Matthew sinangayunan naman siya ng lahat tapos sumakay na kami sa kaniya kaniyang kotse namin Bago ako makapasok sa kotse ko may kamay na pumigil sa akin ng tignan ko siya bumalik na naman ang kaba ko , mabilis kong hinawi ang kamay niya sa akin! "M-mauna n-na a-ako!" Madali akong pumasok sa loob ng kotse ko at agad na pinaandar yun! Mabilis pa kay flash ko yun pinatakbo papunta sa bahay at agad na pinark sa loob! Takbo naman ang ginawa ko papasok sa loob tyaka mabilis na humiga sa Sofa! "Anong nangyayari sa Earth!" na sabi ko na lang habang tulala dito sa bahay 'Bakit sila? Kelan pa?' Tanong ko sa sarili 'Gago Briana to ako pa sa sabihan ng Malandi eh siya naman pala tong may ginagawang kakaiba sa likod ni Rhayven!' 'Tsk! Kawawang Rhayven siguradong masasaktan siya pagnalaman niya to!' 'Ginawa niya lahat para kay Briana kahit ang Dare na yon tapos Bullshit! Nagawa paring lokohin siya ni Briana!' 'Mas lumalala na ngayon si Briana hindi ko na kinakaya ang mga paandar niya!' 'Ano na lang ang sasabihin ng mommy ni Zachary? Na ganun ang ginagawa nila sa loob ng School?' 'Paano ko sila haharapin ngayon kung sa tuwing titingin ako sa kanila yun ang nakikita ko!' Napahawak ako sa Ulo ko ng sumakit ito dahil sa sunod sunod na tanong sa isip ko! Tumayo ako at dumeretso sa Kwarto para magpalit ng damit tyaka lumabas ulit para magluto ng pagkain! 'Nakakagutom ang kaganapan nilang dalawa hindi ko kinakaya!' 'Kung ganun dapat ko nang iwasan si Zachary dahil minarkahan na siya ni Briana!' 'Ang gagang yun kung sino ang magustuhan ay mamarkahan tsk mautak ang bwesit!' Kumakain ako nang maisipan kong magonline gamit ang Laptop ko Unang dumapo sa akin ang Message's Nagpopup kasi sa Screen ang GC namin nagiingay sila! '10 tayo ng Umaga magkita kita sa Mall ah!' 'Pwedeng isama ko GF ko?' 'Bakit hindi ba sila mamimili ng sarili nilang Snacks?' 'Wala naman siyang nabanggit bukas sabihin ko!' 'Kami din sama din namin GF namin!' 'Paano naman yung ibang School ang GF?' 'Hindi pwedeng isama yun sa Camping , School lang natin ang may Camping eh!' 'Sayang naman buti pa kayo makakasama niyo GF niyo Bigti na huhuhu!' 'Ang drama mo gago edi ipagpaalam mo kay Head teacher kung papayag haha!' 'Gago siguradong di papayag yun!' 'Buti alam mo hahaha!' "Sana all may jowa!" singit ko sa chat nila 'Kath!' 'Yown lumabas na si Kath!' 'Anyare sayo kanina?' 'Anong klaseng Multo ba ang nakita mo?' 'Hahaha takot ka sa multo Kath?' "Shhhhhhhhh! Ingay niyo!" 'Sabihin mo na kasi!' "Bawal! Pinagbabawal!" 'Ang daya mo naman dali na kath!' 'KAAAAATTTTTTTHHHHHHHHHHH!' "Basta hindi pwedeng sabihin , baka awayin ako , baka mula 3rdfloor Ihulog ako sa groundfloor edi patay ako!" 'Sino ba kasi yan?' 'Kilala ba namin?' 'Hindi kami papayag na ihulog ka niya sino ba yun?' "Wag niyo na isipin yun! Good night na kita tayo bukas babooooossshhh" Agad naman ako nagLogout andami nilang tanong hindi nga pwede sabihin eh medyo makulit Ahmmmp! Nalinis na ako sa katawa tyaka pumunta ng Kwarto at nagpasya ng matulog! 'Masyadong mabigat sa dibdib ang araw nato kailangan ko ng matinding Rest!' *KKKKIIINNNNGGGGGGGG!!!* Naiinis akong inabot ang Cellphone ko dahil ang ingay ingay pagdampot ko agad ko lang pinindot ang green button tyaka sinagot hindi ko na tinignan ang pangalan! "Hello!" Irita kong sabi habang nakapikit pa 'Anong oras na tulog ka parin?' Sabi sa kabilang linya "Bakit ba? Inaantok pa ako! Sino ka ba?" Inis kong sabi "Anak ng! Si LUKE to kanina pa kami nagaantay sayo dito sa Mall!" Malakas niyang sabi Napadilat ako bigla at tinignan ang Name ng Caller Si Luke nga! "Yaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" Sigaw ko at napaupo sa kama "Ano ba! Ano ba! Wag kang sumigaw masakit sa tenga!" Iritang niyang sabi narinig kong nagtatawanan sa paligid niya "Sorry Oh my god! Maliligo lang ako!" mabilis ako nagtungo sa banyo at naligo Bakit naman kasi tanghali na ako nagising hindi ako nakapagalarm palibhasa sabado ngayon kaya hindi ako nakapagalarm napasarap ang tulog ko! Mabilis akong naligo at pumunta ng kwarto at dun nagbihis , maong short , fitted pink blouse at black rubber shoes ang suot ko , inayos ko rin ang buhok ko tyaka kinuha ang sling bag ko at nilagay ang wallet, cellphone at susi! Dali dali akong pumunta sa Kotse pagkasara ko sa pinto at nagmaneho na palabas! Pinaharurot ko ang sasakyan papuntang Mall mabuti na lang at di masyadong Traffic! Pagpark ko nakita kong nagaabang sila sa Entrance ng Mall kasama ang mga Girlfriend nila! "Nice ah! Una kang naggood night sa GC kagabe pero ikaw ang nahuli ngayon!" Sarcastic na sabi Ni Luke "Hehe Sorry na napasarap tulog ko nakalimutan kong magalarm!" Nagpeace sign pa ako sa kanila tatawa tawa naman silang pumasok na sa Mall "Ano bang ginawa mo at parang puyat ka pa?" Tanong ulit ni Luke habang naglalakad kami kumapit ako sa Braso niya at inilagay ko sa braso niya ang ulo ko "Parang pagod na pagod ako kahapon kaya bagsak ako sa higaan! Inaantok pa nga ako eh!" nakanguso kong sabi "Hoy! Chansing na yan ah!" Protesta ni Westley "Pre baka magalit si Alexa niyan?" Si Dominic Inalis ko na lang tuloy ang Pagkakakapit ko sa braso niya naglakad na parang Zombie dahil inaantok pa ako! May kapeng bumungad sa akin ng tignan ko kung kanino galing yun napaatras ako at napalayo agad sa kaniya! 'Ewan ko ba parang Authomatic na lumalayo ang katawan ko sa kaniya!' Nagtaka ang mga nakakakita sa amin pero hindi ko na lang yun pinansin! 'Nawala tuloy bigla ang antok ko ng makita si Zachary!' "Anyare sayo?" Bulong ni Nathan sa kaniya ako tumabi "W-wala!" Iling kong sabi "Akala ko okay na kayo kahapon?" Tanong niya nagkibit balikat na lang ako tyaka kumapit sa Braso niya "Wala naman siguro magagalit sayo diba single ka naman haha!" Kantyaw ko sa kanila "Inaantok ka pa?" Tanong niya habang inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya tumango ako "Oo eh bitin pa tulog ko!" Sabi ko matapos humikab "Gusto mo bumili muna tayo ng Coffee? Nag breakfast ka na ba?" Tanong niya ulit umiling ako "Dahil sa tawag ni Luke nagmadali na akong nagasikaso tyaka dumeretso dito hehe!" Paliwanag ko "Kasalanan ko pa ngayon sino ba ang Late ha?" Sermon ni Luke sa akin nginitian ko siya ng malawak "Sorry na nga diba hehe!" Nagpeace sign ako sa kaniya kumawala naman ako sa kakakapit sa braso ni Nathan ng may nakita akong familiar na tao "KUYA ZED!" Sigaw ko at kinawayan ko siya Napatingin ang mga Classmate ko sa tinawag ko tyaka kumaway din kay Kuya! Malawak siyang ngumiti sa akin at nagopen arms para yakapin ko raw! Nangmalapit na ako sa kaniya huminto ako sa harap niya! "Mukha mo kuya hahaha! San si Kuya Kyle?" Bulong kong sabi "Nasa School may ipapasa raw Hug mo na si Kuya Nahiya ka pa hahaha!" Hinila niya ako tapos niyakap "Ang mga gwapong tulad ko binibigyan ng mahigpit na yakap Hahaha!" Mayabang yang sabi tyaka ako bumitaw "Parang lumamig lalo dito sa Mall ang hangin mo kasi eh Hahaha!" Asar ko sa kaniya natawa din siya sa kayabangan niya "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya "Mamimili ng Extra Snacks para sa Camping namin bukas!" Sabi ko naramdaman kong may tumabi sa akin alam kong siya yun "Anong ginagawa mo dito Kuya?" Tanong niya sa kapatid niya --- ;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD