"Sinamahan ko lang si Irish!" Sagot niya bigla na lang may lumapit sa kaniyang babae
Hindi naman sa nanghuhusga ah pero Hipon eh , magkaibigan nga sila ni Kuya Kyle mahilig sa Hipon!
"Hi!" Malanding sabi nitong Irish nakatingin siya kay Zachary tapos napataas naman ang kilay niya sa akin habang lingkis lingkis siya kay Kuya Zed napangiwi ako
"Kuya Zed?" Tawag ko kay kuya
"Why?" Sagot niya
"Wala na bang isda sa dagat?" Tanong ko ulit nangunot naman ang Noo nilang tatlo dahil sa sinabi ko
"What do you mean?" Takang tanong ni Kuya Zed
"Bakit puro Hipon ang nabibingwit niyo!" taas kilay kong sabi nakita ko ang inis sa Mukha ni Irish
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Malakas na tawanan ng mga Classmate ko nasa likod na pala namin sila
"Pasmado naman ng Bibig mo girl!" Taray na sabi ni Irish
"Okay lang yung bibig wag lang mukha! Sa itura mo Parehong pasmado!" Taray ko ring sabi
"Tara na nga Babe nakakasira ng araw ang isa dyan!" Aya niya kay Kuya Zed
"Ikaw pasira palang Kami Sirang sira na nung nakita ka namin!" Taas kilay kong sabi
Tumalikod na siya at nauna nang maglakad hinarap naman ako ni Kuya Zed tyaka ginulo ang buhok ko!
"Hahaha I like that Attitude Sige na at makikipagbreak pa ako dun!" Paalam niya samin
"Pumili ka naman ng maganda sa susunod!" Bilin ko napatawa naman siya
"Ikaw lang yung maganda sa patingin ko kaso Bakod ka na ni Zachary eh!" Pilyo niyang sabi sabay tingin sa kapatid niya na salubong ang kilay
"Naku! Hindi niya pwedeng bakuran ako dahil nabakuran na siya ni Briana baka Magka world war 3 na naman!" Deretso kong sabi
Lahat sila napatingin sa akin at gulat ang mga mata tapos biglang baling kay Zachary!
"s**t!" Napatakip ako sa bibig ko ang daldal ko nasabi ko ang hindi dapat sabihin
"Oh Briana that girl she's beautiful ah so bunso hindi mo na pala pwedeng bakuran si Kath Ano!" Pangaasar ni Kuya Zed sa kaniya
"Tsk!" Lang ang nasabi niya tyaka lumakad na papuntang supermarket
"Babye Kuya!" Paalam ko sa kaniya
Pagkaalis niya nabigla ako sa tingin ng mga Classmate ko at girlfriend nila!
"Anong ibig mong sabihin dun Kath?" Takang tanong ni Blake
"A-ano wag niyo k-ko tanungin S-si Zachary ang tanungin niyo Nakita ko lang naman sila naghahalikan sa CR kahapon wala akong Clue sa kanilang Dalawa!" Napatakip na naman ako sa bibig ko di ko na malayang nasabi ko ang nakita ko kahapon
"WHAT!" Sabay sabay nilang sabi pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito sa mall
"Wag na kayo magtanong A-ano baka may masabi na naman ako! Mamili na tayo dali!" Aya ko sa kanila at tinalikuran sila
Nagkaniya kaniya na lang kaming namili , ewan ko kung asan sila mas pinili kong humiwalay sa kanila!
Sa kakatago ko sa kanila napadpad ako sa Kutkutin napa'O' na lang ako ng makita to!
"Nakakatakam naman!" Sambit ko habang namimili ng mga Bibilhin ko
Nakalimang Garapon ako 'hihi marami akong madudukot sa Camping hihi!'
Napunta naman ako sa Chichiryahan, tatlong malalaking chichirya lang ang kinuha ko tapos nag deside na akong magbayad sa Cashier , marami pa akong nagrocery nung nakaraan kukuha na lang ako sa supply ko!
Nagaantay ako sa kanila nagulat akong isang punong Cart ang dala nilang lahat!
"What the! Ano yan bat ang dami?"tanong ko sa kanila Nagngisihan naman sila
"Sa aming lahat yan pinagisa na namin!" Sabi ni Earl tumango naman ako
"Yan lang binili mo?" Tanong ni Westley tumango ako sa kaniya
"Sapat na to sa akin Baka nga hindi ko pa maubos eh!" Ngiti kong sabi sa kaniya pagkatapos nilang magbayad naka Dalawang karton sila
Inilagay muna nila sa Van na dala dala nila ang akin naman sa Kotse ko tyaka kami bumalik sa loob!
"Lunch na tayo! Nagwawala na ang tiyan ko!" Reklamo ko sa kanila
"Sige saan ba tayo kakain?" Tanong ni Vincent luminga linga naman kami
Tinuro ko ang Korean resto. Kunti lang sila magserve pero maraming dishes!
"Dun tayo Ako na manglilibre Since pinagantay ko kayo kanina!" Presinta ko tuwang tuwa naman sila dahil dun
"Lakas makabawi ah!" Sabi ni Luke ngumiti naman ako
"Nagugutom na ako wag kang ano jan!" Sabi ko sa kaniya
Una akong pumasok at humarap sa Waiter na nagwewelcome Sa amin.
"VIP room!" Sambit ko sa kaniya tyaka kami ginuide papunta duon
"Dito po tayo mam and sir!" Sabi niya tyaka kami pinapasok
"Pakiserve ang Special dishes niyo tyaka lahat ng siniserve niyo dito!" Maauthoridad kong sabi
"Yes mam wait for a minute!" Yumuko siya sa akin at umalis , Umupo na ako sa tabi ni Nathan
Habang nagaantay kami ng pagkain tinignan ko ang mga kasama ko naglalambingan sila kasama ang mga Girlfriend nila!
'Bastos talaga tong mga to eh Hindi man lang nirespeto ang mga single dito!'
Sama sama sila dun sa Dulo habang kaming mga walang Love life heto at nasa unahan nagaantay ng pagkain 'Food is life na lang daw!'
Tumingin pa ako sa harapan ko na sana hindi ko na ginawa dahil nakatingin pala siya sa akin , kusa kong iniwas ang Mga mata ko sa kaniya!
"Zach, Paano naging kayo ni Briana?" Biglang tanong ni Luke na syang harapan niya lang si Zachary
'Kung minamalas ka naman talaga bat pa kasi tinanong pa ng siraulong to ang bagay na yun patay talaga ako nito!'
Napatingin sa akin si Zachary iwas naman ako ng tingin , patay malisya!
"Kung paano naging kayo ni Alexa ganun lang din kami!" Sagot niya
'So talaga sila ni Briana!'
"Ano namang nagustuhan mo dun?" Tanong ni Phoenix na kaakbay sa Gf niya
"Maganda naman si Briana kahit sino naman magkakagusto sa kaniya!" Sagot ni Zachary
'Tama! Walang lalaking hindi magkakagusto sa kaniya dahil maganda siya at sexy!'
"Paano si Revira diba boyfriend niya yun?" Tanong ni Vincent
"Nakipaghiwalay na raw siya dun dahil iba naman daw ang gusto ni Revira kaya nagkachance din kami!" Sagot ulit niya
Bakit ata ngayon madaldal siya yan ba ang epekto ni Briana sa kaniya?
'Kaya siguro sabi niya sa akin Asa pa ako kasi may Briana na siya! Wala ng pagasa Kath!'
"So Si Briana na ba ang seseryosohin mo? Pagnagkataon siya palang ang nagiisang babaeng sineryoso mo!" Tanong ni Westley
"Mali hindi si Briana ang unang sineryoso niya!" Sabi ni Robyn
"Sino?" Takang tanong ni Westley
"Nakalimutan mo na ba? Si Sam nung Elementary tayo na Sinulot ni Revira sa kaniya!" Sagot naman ni Robyn
"Ay Oo nga antagal na kasi nakalimutan ko na!" Sabi ni Westley
"So seryosohan na ba yan Zachary?" Tanong Nila
Nagpipindot lang ako sa Cellphone ko kunyari pero nakikinig ako sa usapan nila!
Unti unti rin ako nakakaramdam ng kirot sa dibdib hindi ko alam kung bakit? Baka may sakit na ako sa puso kaya ganto!
'Kaya siguro mainit ang ulo nila sa isat isa dahil may past pala sila , sino kaya yung Sam? First love niya?'
"Hindi ko pa masasabi dahil bago palang kami Titignan ko pa kung serseryosohin ko siya!" Sagot ni Zachary
Napako ang mata ko sa Screen ng Cellphone ko!
'Kung ganun posibleng seryoso na ang relasyon nila? Napahawak ako sa dibdib ko lalong kumikirot eh hindi ako halos makahinga!'
"Kath ayos ka lang?" Tanong ni Nathan
Bumalik ang Ulirat ko ng tapikin niya ako napatango ako sa kaniya!
"Restroom lang ako!" Paalam ko sa kanila tyaka tumayo at lumabas ng Room
Nakasalubong ko ang magseserve ng Pagkain at sininyasang ipasok na tyaka naman ako dumeretso sa Restroom!
Tumingin ako sa salamin , pinagmasdan ko ang sarili ko!
"Bakit kumikirot ang dibdib ko? Bakit naiiyak ako? Bakit nasasaktan ako?" Tuloy tuloy kong tanong sa sarili ko habang nakatingin sa salamin
Naghilamos ako pagkatapos nun para mahimasmasan kahit papaano!
Huminga muna ako ng malalim bago umalis sa Restroom at harapin sila!
Nakita kong kumakain na sila kaya nakijoin na lang ako.
"Oh diba gutom ka na kain na!" Sabi Matthew pilit na ngiti ang sinukli ko sa kaniya
"Umusog ata yung gutom ko hehe!" Sagot ko at pilit na ngiti ang ibinigay
"Kumain ka parin hindi ka nagbreakfast diba!" Bilin ni Matthew tumango ulit ako
"Kunti lang siguro kakainin ko!" Tyaka sinimulang magpaihaw ng karne
'Bigla akong nawalan ng gana nang dahil dun , kahit ang lunukin ang pagkain ko hirap na hirap ako parang may nakabara sa lalamunan ko , kaya mga Limang subo lang ata ang ginawa ko busog na ako agad!'
Napansin ni Nathan na binaba ko na ang chopstick ko kaya tinignan niya ako.
"Ayaw mo na?" Takang tanong niya tumango ako
"Umatras yung gutom ko kaya busog agad ako!" Dahilan ko sa kaniya tumango tango naman siya at nagpatuloy sa pagkain
Inantay ko na lang silang matapos kumain , habang malalim ang iniisip!
'Wala lang naman tong kirot sa dibdib ko diba? Baka dahil nagmadali ako kanina kaya kumirot sya! Tama siguro nga dahil dun!'
"Kath tara na!" Tapik sa akin ni Nathan
Tapos na pala silang kumain hindi ko namalayan!
Tumayo na rin ako at lumabas deretso naman ako sa Counter para magbayad , inantay na lang nila ako sa labas dahil masyado namin napuno ang resto , pagkatapos ko magbayad agad din naman ako lumabas.
"Saan na tayo niyan?" Tanong ni Joel
"Ahmm guys pwede bang mauna na ako sa iniyo?" Paalam ko sa kanila
'Hindi na maganda ang araw ko!'
"Bakit Kath?" Takang tanong nila
"May gagawin pa kasi ako eh hehe!" Pilit na ngiti ko sa kanila
"Osige ingat ka pauwi ha!" Sabi ni Luke
"Sige enjoy kayo!" Kaway ko sa kanila tapos ay tumalikod na
'Hindi ko feel makisaya sa kanila ngayon!'
Nararamdaman kong may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa Parking , kaya nagmadali akong sumakay sa Kotse ko!
May dalawang lalaking nakablack na tshirt at black na sumbrero ang sumusunod sa akin!
'Ano ba kasi ang kailangan nila?'
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko pauwi ng bahay , pagkapark ko nagmasid muna ako sa paligid tyaka pumasok sa loob at nilock to!
Nagisip ako ng pwedeng gawin kung paano ko malalaman kung anong pakay nila.
Kinuha ko ang Laptop ko at nagsearch ng Hided Camera umoder ako nun para sa gagawin ko!
Pagkadating agad kong sinetup iyon sa Gate ko yung tipong hindi mapapansin ng kalaban!
Maganda ang Camerang nabili ko dahil makukuhanan nito ang lahat ng angulo malayo ka man o malapit!
Pati sa loob ng bahay at labas ng pintuan meron din sa may pool at sa Kwarto ko meron din!
Sinimulan ko iset sa Laptop ko ang lahat ng Camera's and boom! May nahagip agad sa may Gate!
Itinutok ko ng maigi sa Van na yun , nakabantay lang sila sa harap ng bahay habang nagyoyosi.
Tinutok ko pa sa pagmumukha nila para makuhaan ko ng malinaw ang mga mukha.
May napansin akong simbolo pare pareho silang merong tattoo nun sa kaliwang leeg.
Nagfocus ako sa tattoong yun at kinuhaan ng picture 'Sino naman kaya ang nasa likod ng Simbolo na to?'
'♠'
Sino ang gumagamit ng Simbolo ng Spade?
Fraternity din ba sila?
Kalaban o kakampi?
At bakit ako ang lagi nilang sinusundan?
Pagkatapos ng Camping sa sabihin ko na to kay Kuya , Alam ko siya lang ang makakatulong sa akin.
Alam niya ang lahat ng simbolo ng Fraternity para saan pa at siya ang pinakamataas na Leader ng Fraternity diba!
Katulad ng Fraternity nila May simbolo din sila at lahat ng yun nakaukit malapit sa pulsuhan nila.
'?'
Crown simbolo ng Fraternity ni Kuya na ibig sabihin Pinakamataas , kinakatakutan ng Lahat , nirerespeto at Ginagalang!
Kahit ako ay meron nito pero sa gilid ng tiyan ko pinalagay hindi madaling makita dahil oras na makita ni mom at dad tapos kaming dalawa ni kuya!
Maghahanap pa ako ng ilang information tungkol sa Spade na to!
Mahirap ng gumalaw ng walang bala, hindi ko ilalagay sa alanganin ang buhay ng Kapatid ko!
Alas Otso palang nagising na ako mahirap na baka maiwanan ako ng Bus kapag tanghali na naman ako nagising katulad kahapon.
Ngayon ko naisipang magimpake , hindi ko kasi nagawa yun kagabe dahil sa mga taong nagbabantay sa labas ng Bahay ko!
'Ang matindi pa dun hanggang Alas dose sila ng gabi duon walang alis alis , walang kain kain ang tindi talaga nila, bilib ako sa Sikmura nila ahh!'
Pagkatapos ko magalmusal kinuha ko lang ang Gymbag ko malaki laki naman ito sigurado magkakasya ang mga gamit ko dito for one week!
Pagkatapos kong magimpake kinuha ko ang binili kong kutkutin at isiniksik sa loob ng Bag tapos ang ilang chichirya!
Bandang 11:00 nagayos na ako sa sarili , nag-maong Short lang ako na kulay itim , sando na itim at checkerd na Blue pinarneran ko ng itim na Rubber shoes tyaka nagpusod ng Buhok!
'Mainit kasi sa legs ang pants kaya bihira ako nagpapants madalas ko talagang suotin Maong short!'
Kinuha ko ang Sling bag ko dito ko nilagay ang Cellphone , wallet , susi at Pocket wifi Niloadan ko na to kahapon pa dadalhin ko kasi ang Laptop ko para mamonitor ang Bahay ko , alam ko pupunta at pupunta parin ang mga yun sa bahay ko kaya need kong Dalhin ang Laptop para alam ko ang nangyayari!
Nagpasya akong umalis bandang 11:30am , siniguro kong Nakasarado lahat ng pintuan sa loob ng bahay bago sinara ang Front door.
Inilagay ko sa Kotse ang bag ko , iiwan ko sa School ang Kotse ko para madaling makauwi pagbalik namin!
Paglabas ko sa Gate nagmasid muna ako sa paligid kong may kahinahinala, nang masure kong wala deretso ko nang pinaandar papuntang School ang Kotse ko!
Pagpark ko sa Parking ng School sinigurado kong nakalock ang kotse ko tyaka nagtuloy pumunta sa Groundfloor kung na saan ang mga bus!
Kitang kita ko mga Student na sobrang excited , nagtatawanan , nagaasaran , nagkukwentuhan at yung iba naglalandian sa mga Girlfriend/Boyfriend nila 'Kayo na! Kayo na may Lovelife letche!'
"Hi Kath!" Bati sa akin ng isang lalaki
"Hello!" Balik kong bati
"Hi ganda mo naman!" Bati na naman ng isang lalaki
"Ah thank you!" Balik kong sabi
"Hello Kath tulongan kita jan?" Alok ng isang lalaki tinitigan ko siya familiar siya eh
"Diba ikaw yung nagbigay ng tubig sa akin sa Canteen?" Tanong ko sa kaniya
"Hehe naalala mo pa yun , Oo ako nga yun!" Sagot niya habang nakakamot ulo siya
"Oo naman bakit naman hindi , salamat pala dun ah! Anong pangalan mo?" Tanong ko namula pa siya
'Keleg yen Koya?'
"Lance , Lance Wilson!" Inabot niya sa akin ang kamay niya kaya tinugunan ko naman
"Katherine Young Nice to meet you!" Ngiti kong sabi sa kaniya
"Ako na magdala ng gamit mo sa Bus niyo!" Presinta niya
"Ah sige , anong section mo?" Tanong ko matapos niya kuhain ang Gymbag ko tyaka naglakad
"Section 3 ako!" Sagot niya
"Classmate mo pala ang ibang Girlfriend ng mga Classmate ko kung ganun!" Sabi ko sa kaniya tumango naman siya
"Oo kaibigan ko rin ang mga yun madalas nga sila magkwento tuwing nagbabonding kayo eh!" Ngiti niyang sabi
Gwapo si Lance pero mas nakuCutetan ako sa kaniya lalo na paglumalabas ang malalim niyang dimple , matangkad din siya sa akin , matangos ang ilong at medyo singkit ang mata 'sana all may dimple ay meron din pala ako hehe!'
"Pwede ka rin makijoin if hindi ka busy pagnagbonding kami!" Ngiti kong sabi sa kaniya
"Talaga pwede?" Masayang masaya niyang tanong tumango tango ako
"Oo naman walang problema dun!" Sagot ko sa kaniya
'ang cute ng dimple niya!'
"Ehem! Ehem!" Napalingon ako sa nagpekeng ubo na yun
Ang mga Classmate ko , nakapameywang silang nakatingin sa akin nakaCrossarms naman sila Westley, Luke,Nathan,Matthew at Zachary!
Tinignan ko si Lance bigla siyang namutla kaya tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.
"Pakilala kita sa mga Classmate ko!" Sabi ko sa kaniya napalunok pa siya bago tumango "Guys this is Lance Wilson Section 3 siya , Siya yung nagbigay ng Tubig sa akin sa Canteen remember?" Sabi ko sa kanilang lahat
Titig na titig sila kay Lance parang hinahalukay nila ang pagkatao ni Lance kaya nang tignan ko si Lance mas lalo siyang namutla!
"Hoy! Wag niyo nga titigan ng ganyan si Lance Ano ba kayo tinatakot niyo eh!" Sita ko sa mga Siraulong to
"Sobrang bigat ba ng Bag mo at pinabuhat mo pa sa kaniya yan?" Seryosong sabi ni Zachary
"Ha? medyo pero kaya ko naman!" Katwiran ko
"Kaya mo naman pala bakit pinabuhat mo pa sa kaniya!" Seryoso ring sabi ni Westley
"Ano nagpresinta naman kasi siya okay lang naman yun!" Sambit ko
"DI OKAY SA AMIN YUN!" Sabay sabay nilang sabi mga seryoso ang mga mukha
"A-a-ahh k-kath b-balik n-na a-ako s-sa b-bus n-namin!" Nauutal nang Paalam ni Lance sa akin natatakot!
"Osige salamat sa pagbuhat!" Sagot ko sa kaniya "Pasensya ka na sa mga to ah Mukhang Badmood ata sila hehe!" Paumanhin ko pa sa kaniya tyaka siya kinawayan paalis
Lumingon naman ako sa mga Siraulong to at nakapameywang pa!
"Ano yun?" Tanong ko naiinis na "Anong eksina yun Section 6?" Inis kong sabi
"Pinopormahan ka nun!" Si Luke
"Paraan niya lang yun para madiskartehan kaniya!" Si Westley
"Lalaki din kami kaya alam namin kung dinidiskartehan ang isang babae!" Si Nathan
"Siguradong lolokohin ka lang nun!" Si Cain
"Baka pinaguusapan ka nila kung bibigay ka o hindi eh!" Matthew
"May motibo yun kaya lumapit sayo!" Blake
"Mukha palang nun hindi na katiwatiwala eh!" Si Phoenix
"Wag ka nang lumapit dun!" Si Robyn
"Wag mo nang kakausapin!" Si Raphael
"Wag mo na Titingnan!" Earl
"Paglumapit lumayo ka na agad!" Vincent
"May gusto lang yun makuha tapos iiwan ka lang nun!" Dominic
"Kapag ikaw nasaktan nun di namin mapapangakong hindi na siya magigising pa!" Kingstone
"Tyaka wag ka na ulit magsusuot ng ganyan!" Theo
"Kaya ka nilapitan nun dahil sa suot mo!" Rainer
"Masyado kang takaw pansin!" Spencer
"Masyadong kang Takaw tingin!" Joel
"Masyado kang Sexy!" Ajax
"Masyado kang Maganda!" Zachary
"TAMA!" Sang ayon nilang lahat sa sinabi ni Zachary
'Pakisabi nga sa akin kung Classmate ko ba sila o Mga Kuya! Daig pa nga nila si Kuya Kyle eh mas mahigpit pa sila kesa sa isang yun!'
Hindi ko alam kung maiinis pa ba ako dahil sa mga sinabi nila, para akong nagkaroon ng maraming kuya tapos iniingatan nila ako kaya sila naghihigpit 'aaaahhh! Ang sweet!
---
;)