"Pero dito ako Komportable eh! Bawal parin ba kahit gusto ko to?" Tanong ko
"BAWAL!" Sabay sabay na naman nila sabi napanguso ako
Napatingin tuloy ako sa gilid namin lahat na kasi sila nakatingin sa akin i mean samin.
'Mukha na akong pinapagalitan ng mga Kuya ko!'
"Anong gagawin ko ito na suot ko eh!" Katwiran ko
"MAGPALIT KA!" Sabay ulit nilang sabi sabay turo sa Restroom
"Ayoko!" Hiyang hiya na ako dito
"MAGPALIT KA!" Ulit nila
"Magpapalit ka o Ako mismo magpapalit sayo!" Maauthoridad na sabi ni Zachary
Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya 'siraulo talaga siya!'
"O-oo n-na m-mag papalit na huhu ang Bad niyo sakin!" Protesta ko sa kanila tyaka kinuha ang Bag ko at patakbong pumunta sa Restroom
May ilan ilan pa akong naririnig dahil sa mga ichoserang nanonood sa amin!
'Ang sweet naman nila kay kath!'
'Oo nga bet ko rin magkaroon ng ganyang mga classmate hihi!'
'Para tuloy siyang bunsong kapatid na iniingatan ng mga kuya niya haha sweet!'
'Nakakainggit!'
'Edi magpalit kayo kung gusto mo!'
'Naku hindi ako tatanggi jan haha!'
'Crush mo kasi si Matthew kaya ganun!'
'Bakit ikaw crush mo nga si Westley eh!'
'Lahat naman ng student dito may Crush sa Section 6 ang gagwapo kasi nila yiiieee!'
Ang gagwapo nga pero ang hihigpit kainis sila ang init kaya pagnagpants kaya nga mas sanay akong magshort kasi hindi mainit!
'Sige lang palalagpasin ko kayo kala niyo ha makakabawi din ako ha!'
Ginagawa ko na lang ang gusto nila nagpalit na lang ako ng pants fitted to kaya okay lang , ang damit ko hindi ko na inalis okay naman na to eh , tumingin pa ako sa salamin para macheck ang damit ko ng makuntento ako lakas loob na akong lumabas ng Restroom!
Hindi ko alam kung dahil ba sa eksina nila o talagang sinusundan ako ng tingin ng lahat nahiya na tuloy ako!
Deretso ako sa Bus namin nasa labas parin sila at inaantay ako napayuko ako ng nagsingkitan ang mga mata nila ng tingnan ang suot ko!
"Masyado ka paring takaw tingin!" Luke
"Masyado paring sexy!" Westley
"Masyado ka paring Maganda!" Zachary
Namula ako dahil dun kailangan ba talagang sabihin yun sa lahat ng student?
"Okay na to! Tyaka hindi naman kasi maiiwasan yun dahil Maganda naman talaga ako hihihi!" Nagpeace sign ako sa kanila
"Tsk Fine akin na yang gamit mo at ilalagay ko na sa taas!" Presinta ni Zachary kaya binigay ko na lang
'Sigurado akong nakikita to ni Briana at sigurado rin ako abot abot ang taas ng kilay niya sa inis!'
Pagkababa niya ulit , tyaka naman dumating si Head Teacher at kinausap kami , 12:00pm na kaya pinahanda na ang mga driver sa pagalis , nagPray muna kami bago tuluyang pinaakyat!
"Lahat ba ay narito na?" Tanong ni Kuya Alfred pagkatapos ng Praying "Section 1?" Tanong niya
"Complete na sir!" Sagot ng Section 1
"Section 2?"
"Complete po Sir!"
"Section 3?"
"Kompleto na po!"
"Section 4?"
"Complete na po kami!"
"Section 5?"
"Complete na po sir!"
"Section 6?"
"Okay na Sir!" Sigaw naming lahat
Napatingin sa amin si Sir at natawa sininyasan na niya kaming umakyat!
"Okay! Aalis na tayong lahat,kayo ang mauuna at nasa hulihan naman kami ienjoy niyo ang Camping nato!" Sabi pa niya
"Yes Sir!" Sigaw naman naming lahat
Hindi pa ako nakakaakyat ng tawagin ako ni Kuya Alfred, nakaakyat at nakaupo na lahat ng Classmate ko!
"Why Kuya?" Tanong ko sa kaniya
"Nakita ko ang ginawa ng mga Classmate mo kanina ha!" Sabi niya at ginulo ang buhok
"Luh si Kuya makikisali ka rin sa kanila?" Napanguso kong sabi
"Kung hindi kanila sinita ay ako ang sisita sayo no! Kaya bawal ka na mag suot ng Shorts naiintindihan mo?" Utos niyang sabi napatango naman ako "Kumain ka ba ng Lunch?" Tanong niya umiling ako
"Breakfast lang hehe!" Tatawa tawa kong sabi
"Ikaw talaga , antayin mo ko dahil may pinabaon ang mommy mo!" Sabi niya tapos sininyasan niya ang driver na maghintay saglit
Habang nagaantay ako napatingin ako sa mga ibang Bus , nagalisan na sila ng makasakay ang mga Student!
Tinignan ko naman ang Bus namin , nagulat pa ako ng lahat sila nakatingin sa akin at nakakunot ang Noo 'Ano na naman kaya ang iniisip ng mga to?'
Maya maya lang lakad takbo na ang ginawa ni Kuya Alfred may dala siya Paper bag 'Mukhang maraming pinadala si mom ah naexcite tuloy ako!'
"Here kainin mo habang nasa Byahe para di ka magutom ha!" Bilin niya pa tumango tango
"Yes kuya!" Habang tinitignan pa ang loob nun tyaka nakangiting tumingin sa kaniya pinisil naman niya ang pisngi ko tyaka sininyasang umakyat na sa bus "Kuya Driver ingat sa pagmamaneho!" Paalala niya sa Driver
"Yes sir!" Sagot naman nito
"Sige na!" Sabi niya pa
"Ingat din kayo sa byahe kuya!" Sabi ko at kumaway bago umakyat
Tuluyan nang sinarado ng Driver ang pintuan , humarap naman ako sa mga Classmate ko para maghanap ng mauupuan pero kunot noo nila ang nakita ko!
"Anong mukha yan mukha kayong nalugi?" Sabi ko habang papunta sa Dulong upuan
"Bat dyan ka?" Tanong ni Luke
"Wala lang Gusto ko lang!" Sabi ko tyaka umupo dun sa tabi ng bintana
May naramdaman akong umupo rin sa tabi ko kaya tinignan ko rin to!
Napaiwas ako ng tingin 'kinakabahan na naman ako bakit kasi sa akin pa siya tumabi eh!'
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya sa akin
"Hindi ah!" tangi ko
"Tsk! I know iniiwasan mo ko dahil sa pagsabi mo sa kanila about sa nakita mo sa Restroom!" Sabi niya pa
"Hindi ko naman sinasadyang masabi yun ang kulit kasi nila kaya nasabi ko ng di namamalayan!" Napanguso ako ng sabihin yun
"Tigilan mo nga yan!" Irita niyang sabi tinignan ko naman siya
"Tigilan ang ano?" Takang tanong ko
"Ang ngumuso nakakatemp eh!" Pahina niyang sabi habang kamot ulo siya
"Ano?" Tanong ko
'magsasalita kasi mahina pa tsk!'
"Wala! Wag mo nang isipin ang tungkol dun nagpaliwanag na ako sa kanila im not serious with her i know she use me! Shareholder ang family ko kaya inakit niya ako!" Paliwanag niya napataas naman ako ng kilay
"Nagpaakit ka naman?" Napapalakas ang boses ko kaya kita kong dumungaw ang mga Classmate ko sa amin
"Katulad lang din siya ni Fey yung kasama kong nakita mo sa mall remember?" Sabi niya tumango naman ako
"Diba sabi mo kahapon titingnan mo kung seseryosohin mo siya?" Tanong ko
"Yeah! But i heard her , talking her friends , gagamitin niya ako para lalo siyang sumikat at maging part ng family namin! Deperate right!" Sabi pa niya
'Tignan mo talaga ang gagang yun sinasabi ko na nga ba at may binabalak yun eh nagiinit ang ulo ko!'
Tumayo ako at pina usog siya para makadaan ako!
"Gaga talagang babaeng yan! Pahintuin nga to humanda sa akin yan! nang-gigigil ako!" Inis ko sabi kaya napatayo na ang lahat ng Classmate ko
"Kalma Kath!" Sabi ni Matthew
"Ay hindi ako makakalma hanggat hindi ko nasasampal yun!" Inis ko paring sabi
Hinablot ako ni Zachary at pinaupo ulit sa tabi niya!
"Nasa gitna na tayo ng Byahe mamaya mo na sampalin pagkababa natin!" Sabi pa niya napataas ang kilay ko 'Hindi niya ako pipigilan?'
"Hindi mo ko pipigilan?" Takang tanong ko
"Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong niya
"MALAMANG NAG-ANOHAN KAYO NUN EH!" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sila sa akin
"Anong nag-anohan?" Tanong ni Luke
"Ano yun?" Sabi ng iba
"Sila diba ni Briana Nag-anohan sa Restroom!" Turo ko kay Zachary na natatawa dahil hindi ko masabi yung Nag-anohan
"Ano ba ginawa nila?" Tanong ni Westley
"Ay Gago! Wag niyo kong inaano alam na alam niyo yun!" Inis kong sabi sa kanila
'Painosente pa tong mga to!'
"HAHAHAHAHA!" Tawanan nila
'Kita mo! Kita mo nakuha pang magsitawa ng mga to!'
"Hindi nga na tuloy eh!" Sabi ni Zachary kaya napatingin ako sa kaniya
"Nanghihinayang ka pa?" Gulat kong sabi maloko siyang ngumiti
"Sumilip ka kasi sa amin kaya hindi natuloy!" Sabi niya pa
"Ilayo niyo sakin yan masasapak ko yan!" Duro ko kay Zachary na natatawa pa
"Hahaha!" Tawanan pa nila
'Lakas ng mga topak nito!'
"Paano mo nalaman na ginagamit ka lang niya?" Seryoso kong tanong sa kaniya ng huminto sila sa kakatawa
"Yung last time na nagBar kami nila Kuya malapit ang Table nila sa Table namin naguusap sila ng mga kaibigan niya nung una wala naman kaming pakielam ang kaso binanggit niya ang pangalan ko kaya naCurious kami nila kuya at pinakinggang ang usapan nila!" Kwento niya sa amin "Now niya lang daw nalaman na Isa pala kami sa Shareholder pati nga si West ay balak niya ring Gamitin inuna niya lang ako!" Dagdag niya pa
"She's not my type but pwede ng paglaruan!" Ngisi ni Westley tinignan ko naman siya ng masama
"Wag niyo na patulan ang isang yun Siguro may problema lang ang negosyo nila kaya naisip niya ang bagay na yun!" Seryoso kong sabi napatingin na lang ako sa bintana
Natahimik naman sila at bumalik na sa kaniya kaniya nilang upuan!
'Bat nagagawa ng magisip ni Briana ng ganun? Naghihirap na ba sila? Wala namang nababangit si Dad ah! inverstor si dad sa Company ng parents ni Briana kaya kung magkakaroon man ng problema siguradong sasabihin niya yun sa akin! May problema kaya? Hindi naman niya ugali ang ganito eh hindi siya desperada para manggamit ng tao!'
Ilang oras din ako nagisip isip Ang katabi ko naman nakacrossarm habang nakapikit!
'Hayst! Naboboring ako!'
Tinapik ko siya kaya nagdilat siya ng mata at tinignan ako!
"Why?" Tanong niya
"Usog ka dadaan ako!" Sabi ko pa sa kaniya
"Saan ka naman pupunta?" Takang tanong niya ng padaanin niya ako
"Makikipagkwentohan ako kay Kuya Driver haha!" Kinuha ko ang paper bag na binigay sa akin ni Kuya Alfred bibigyan ko ng sandwitch si kuyang driver
"Kath! Saan ka?"
"Umupo ka na lang kath baka masubsob ka!"
"Pasaway ka talaga!"
Sari sariling protesta nila pero hindi ako nakinig!
"Easy lang Guys Bored lang ako kaya makikipagkwentuhan muna ako kay Kuya Driver!" Sabi ko sa kanila napapakamot naman sila ng Ulo
Umupo ako sa hagdan ng bus malapit sa driver at kinausap siya.
"Ayos lang kayo kuya Driver?" Tanong ko sa kaniya
"Ayos naman hija!" Ngiti niyang sabi kinuha ko ang dalawang Sandwitch at isang mineral sa Paperbag tyaka inilagay sa tabi niya
"Pagnagutom po kayo kainin niyo po yan Kuya!" Ngiti kong sabi sa kaniya
"Sige Hija Salamat ang bait mong bata!" Sabi pa niya ngumiti naman ako sa kaniya
Napapatingin naman ako sa labas ng Bus kung saan maraming sasakyan, napapagitnaan naman ang bus namin ng iba pang bus ng School kaya tinitignan ko rin ang Bus ng iba!
Dumapo naman ang mata ko sa Tugtugan ni Kuya Dito sa Bus kaya ng may naisip akong Idea Nakangiti akong tumingin kay kuya driver!
"Kuya May Bluetooth po ba tong Speaker niyo dito?" Ngiti kong tanong
"Oo Hija meron yan teka Open ko lang!" Meron siyang pindot dun kaya nagbukas
Napapalakpak naman ako tyaka tumayo at humarap sa kanila muntik naman ako masubsob 'Ayan ang kulit mo kasi eh!'
"KATHERINE!" Alala nilang lahat nagpeace sign naman ako sa kanila
"Sino merong magagandang music sa iniyo?" Tanong ko sa kanila ng may malawak na ngiti
"Si Vincent marami jan kami nagpapapasa ng Kanta eh!" Sabi ni Ajax
Napatingin naman ako kay Vincent at ngumiti!
"Connect mo sa Speak ng Bus nakabukas na Bluetooth!" Sabi ko sa kaniya
Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya at cinonnect sa Speak!
"Baka pagalitan tayo ng Head Teacher!" Sabi ni Joel
"Hindi yan ako bahala tyaka diba sabi niya ienjoy daw natin ang Camping , Nageenjoy lang tayo haha!" Masaya kong sabi sa kanila tumango tango sila at ngumiti na rin
Humarap ulit ako kay kuya Driver tyaka ulit siya kinausap.
"Kuya pwede po ba nating buksan ang bintana tapos patayin na lang yung Aircon tapos yung freshair na lang sa labas ang papasok sa buong bus hehe!" Request ko pa kay kuya Driver
"Sige pwede naman mas mainam nga yun!" Sangayon ni Kuya Driver
"Yaaahhh! Thank you kuya!" Tumayo at humarap ulit ako sa mga Classmate ko
"Guys Alam niyo ba kung paano painggitin ang ibang section?" Sabi ko sa kanila
"Paano?" Sabay sabay nilang tanong
"Buksan niyo yung Bintana lahat!" Utos ko sa kanila ginawa naman nila pinatay na ni Kuya Driver ang Aircon ramdam ko na ang hangin "Tapos Iplay mo Vince yung Rockstar mong Music jan!" Ngiti kong sabi sa kaniya ngumiti rin siya mukhang nakuha na niya
Kita ko sa mga mukha nilang nagets na nila ang Gusto ko!
"Gusto namin yan!" Sabay sabay nilang sabi
"Vince Music!" Sabi ko sakaniya kaya pinilay na niya
Nilakasan ko naman ang Volume ng speaker ni kuya!
Sound On: SWEET CHILD O MINE
By: Aerosmith & GNR
Nagtayuan naman sila pagkaplay Nagsisigawan, Nagtatalunan sa gitna ng Bus nakikigulo din ako!
'Hahaha The Best Camping Ever!'
May nagakto pang kumakanta habang ang iba nagaakting naggigitara 'Hahaha ang saya ng ganto!'
Napatingin naman ako sa mga Bus na nasa gilid namin kita kong napapatayo na sila at nakatingin sa Bus namin!
"Guys tignan niyo haha!" Turo ko sa mga Bus na nasa gilid namin
"HAHAHAHA!" Pinagtawanan nila ang ibang section na nakatingin sa amin
'Nakangiti ako habang pinapanood sila , This is my Classmates And This is My Group of Friends, I Love Them!'
Next Song: BEGGIN
BY:Meniskin
Ngayon mukha silang Mga lasing na bigay na bigay sa Kanta ng isang Consert hahaha 'ang saya saya nila!'
Naupo ako sa Inuupuan namin ni Zachary kanina, sumingit ako sa mga nagsasayaw na Classmate ko haha
Tinitignan ko sila ang saya saya nilang pagmasdan!
Next Song: WALWAL
BY: FT. Raf,Davis,Renzy,Nik,Makino&Mistryo
Sabay sabay nilang kinanta ang Song nato tapos inacting pa nila kaya tawa ako ng tawa!
Mga tatlong Song pa na Rock bago napunta sa Love song ang kanta!
Nakaupo na sila at sinasabayan na lang ang Kanta, alam ko rinig na rinig sa labas ang kanta nila sa lakas pa naman ng boses nila eh!
Next Song: Lagi
BY: SkustaClee
Naramdaman kong Umupo si Zachary sa Tabi ko habang kumakanta kaya napatingin ako sa kaniya , feel na feel niya habang nakatingin sa akin!
' Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga
Hindi kumpleto ang araw 'pag 'di kita kasama
Okay lang nandito lang ako na laging nakaabang
Kahit na magdamag, ohh
Eh ano naman kung ilang oras ang masayang
'Di naman ako manghihinayang Handa akong magbabad makasama ka lang
Ayos lang kahit gabihin pa 'ko kakatingin... Dahil '
'Pesti! Kinikilig ako waaaaahhhh!'
Sabay sabay tumayo ang mga Classmate ko at kinanta nila ang chorus sa Sakin mismo , hindi ko mapigilang Hindi mapangiti 'Sobrang Swerte ko sa mga siraulong to napakasweet nila!'
' Di ka nakakasawang tingnan Pagmasdan ang 'yong mga mata, whoa, whoa, whoa-ohh
Susundan, susundan sa'n man magpunta, oh-whoa, whoa-oh -
Basta't ngumiti ka lang palagi
Lagi, lagi, oh lagi, laging ngumiti ka lang
Sa'kin, akin, akin, palaging ngumiti ka lang Palagi, lagi, lagi, oh lagi, ngumiti ka lang palagi, yeah '
Tinuloy tuloy pa nila ang kanta hanggang sa matapos ito!
Pagkatapos naman nun ilang Love song pa bago napadpad sa Parokya ni edgar ang Tugtug!
Mas natawa ako kasi habang kinakanta nila yun tinatawag nila ang mga Girlfriend nila sa magkabilang Bus!
Next Song: SORRY NA
BY: Parokya ni Edgar
"Andrea!" Tawag ni Theo
"Jane!" Tawag ni Spencer
"Diana!" Tawag ni Robyn
"Ariana!" Tawag ni Raphael
"Bella!" Tawag ni Rainer
"Sophia!" Tawag ni Phoenix
"Kate!" Tawag ni Kingtone
"Elizabeth!" Tawag ni Joel
"Clara!" Tawag ni Blake
"Jenny rose!" Tawag ni Ajax
"BABE!" Sigaw ko din sa labas kaya napatingin sila sa akin "AY WALA PALA AKONG JOWA! SANA ALL MAY JOWA!" Sigaw ko ulit
'Ako na lang jowa mo!'
'Akin ka na lang!'
'Mahal na agad kita!'
'Ako na lang miss aalagaan kita!'
'Iloveyou babe!'
'Uwi ka na babe di na ako galit!'
'Tayo na lang dalawa!'
Hinila naman ako ni Zachary papaloob dahil sa mga taong nagsisigaw nun!
Napatawa ako dahil sa mga sinabi ng mga tao sa labas habang ang mga Classmate ko Nakakunot ang Noo sa akin!
"Don't do that Again!" Banta ni Zachary masama na ang tingin sa akin
"HAHA Sorry nadala ako sa kanila eh Wala pala akong Jowa!" Tawa kong sabi sa kaniya
"Napakapasaway mo!" Inis niyang sabi
Nagtuloy tuloy naman ang Kanta na piniplay ni Vince , naging sad Song naman ang sumunod na kanta.
Next Song: Remix Song
By: Yayoi
Sinasabayan parin nila ang kanta , kahit ako nakikisabay na habang nakalumbaba sa bintana!
Bandang 3pm huminto ang lahat ng Bus sa isang Restuarant!
Tuloy tuloy parin ang Kanta na nagpaplay agad agad namang bumaba ang lahat ng Student sa kani-kanilang Bus!
Ang mga Loverboy kong Classmate ayun nilapitan agad ang mga Girlfriend nila!
Ako ang huling bumaba sa Bus namin nakita ko ang talim na tingin ng grupo nila Briana 'Sus Wag mo ko ganyanin dahil may atraso ka pa sa akin!'
"Lahat ng magreRestroom magRestroom na tapos sumunod sa table namin naiintindihan ba?" Tanong ni Kuya Alfred
"Yes Sir!" Sagot namin lahat
Nahahati ang bilang ng mga Student ang iba sumama na sa Mga Teacher kung saan ang Table namin , habang ang iba naman sa Restroom ang punta!
"Katherine?" Tawag sa akin ni Kuya Alfred
"Why kuya?" Sagot ko pinisil niya ang pisngi ko "Aaaaarrraay kuyaaa!" Impit na daing ko baka may makarinig sa akin eh
"Pasaway ka talaga Bakit ka sumigaw ng ganun? Lahat ng kasabayan nating mga sasakyan ay nagsigawan din sayo!" Sita niya sakin napakamot ulo ako
"Hehe Nadala ako sa sigawan ng mga Loverboy kong Classmate eh! Wala nga pala akong Jowa hehe!" Tawa ko sa kalokohan ko
"Ikaw ka talaga! Sige na at kumain ka na din dun baka gabihin na tayo sa pagdating duon!" Sambit pa ni Kuya
Tutungo na sana ako sa Table ng mga Classmate ko kaso nakaramdam naman ako ng pagkaihi kaya sa Restroom na muna ang punta ko.
Medyo marami rami pa ang nakapila na Schoolmates ko nasa dulo ako ng pila.
"Kath!" Tawag sa akin ni Clara
Magkakasama silang lima na nakapila rin, kumaway ako sa kanila at lumapit!
"Ano kinilig ba kayo?" Mapangasar kong sabi sa kaniya namula naman ang mga pisngi nila
'Sus! Sweet kasi ng mga Boyffriend niyo sana all!'
"Buti hindi kayo pinagalitan ni Head Teacher?" Tanong ni Elizabeth kinailing ko
"Hindi naman tyaka sinabi na yun sa Meeting bago itong Camping ah hindi ba nasabi sa iniyo?" Takang tanong ko
"Ha? Wala namang sinabi si Ella sa amin siya kasi ang pumunta sa meeting na yun eh!" Sambit ni Sophia
'Isa siguro yung Ella na yun sa napunishment dahil sa pangaaway sa akin!'
"Sinabi yun sa Meeting, Pinagpaalam ko yun nagtanong ako sa Head teacher at shareholder kung pwede magdala ng Speaker para kung boring eh magpapasounds lang UmOkay naman sila!" Paliwanag ko
"Hala sinabi pala yun bakit sa amin hindi sinabi ni Ella ang Malditang yun puro lang kasi siya 'ang sipsip talaga ni kath tuloy may punishment kami!' Ganun lang ang ibang sinabi niya, yung tungkol nga sa Extra Snacks hindi rin namin alam eh kung hindi lang sinabi ng mga Boys sa amin hindi kami makakabili!" Kwento pa ni Kate
"Tsk! Ang mga yun puro lang sila pacute sa mga Shareholder yun pala hindi nakikinig!" Dismaya kong sabi
"Humanda yan mamaya sa amin masyadong nagmamaldita tapos hindi naman pala nakikinig nung meeting kulang kulang ang information niya!" Inis na sabi ni Jenny rose
"Ano ano pa ba ang pinagusapan sa Meeting na yun?" Tanong nila ng makapasok na kami sa loob ng Restroom
"Bukod sa magdala ng Sariling tent, personal things Yun yung Extra snacks para sa mga may gusto tapos ibat ibang activities daw ang gagawin natin kada araw tapos yun pwede magdala ng Speaker tapos pwede daw tayo mamasyal after camping sabi ni Head Teacher pero kailangan buong section ang kasama bawal ang hiwalay sa section para walang maiwan .... ahmmm yun lang napagusapan!" Kwento ko sa kanila
Nakita kong nakapaligid na rin ang ibang section sa amin at umaapila!
---
:)