Dalawang linggo na ako sinasamahan ni Rhayven sa Library hindi ko alam kung anong trip niya eh pero nabago yun ng aminin niyang may gusto raw siya sa akin.
"Kath?" Tawag niya sa akin nasa library kami
"Ahmm?" Sagot ko habang nakatingin sa libro
Kinuha niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya inipit niya yun sa dalawang kamay niya.
"May sasabihin ako!" Seryosong sabi niya nakatitig pa siya sa mga mata ko
"A-ano yun?" Nautal kong sabi feel ko nagiinit na ang pisngi ko
"Gusto kita kath!" Sabi niya
Nagkatitigan lang kaming dalawa sa mata walang kumikibo walang nagsasalita.
"Seryoso ka jan?" Kunot noo kong sabi
"Mukha ba akong nagjojoke , pwede ba akong manligaw sayo?" Tanong niya ulit
Napaiwas ako ng tingin at tinanggal na ang mga kamay niya sa mukha ko.
"Kelan pa yan? Di ba si Briana ang gusto mo?" Tanong ko
"Hindi ko alam kung kelan eh basta naramdaman ko na lang , Oo dati gusto ko siya pero nabaling sayo ang nararamdaman ko Kath please wag mo rin sana ako tangihan!" May halong pagmamakaawa niyang sabi
Tumingin ako sa kaniya inaalam ko kung totoo ba siya sa mga sinasabi niya , nakita ko namang totoo siya bumuntong hininga ako at tumango.
"Oh sige!" Pagpayag ko
"Pumapayag ka? Seryoso?" Excited niyang sabi tumango ako ulit sa kaniya
"Yes!" Medyo napalakas niya ang boses kaya nasita kami ng nagbabantay
Mula nung araw na yun palagi na niya akong binibigyan ng Flowers , binibilhan ng pagkain , pagweekend inaayang magdate minsan pumupunta kami sa bahay nila pagmagmovie marathon minsan naman sa bahay ko kami nanonood.
Isang buwan siyang nanligaw nun alam din ni Briana yun wala naman siyang sinabing iba suportado niya nga raw kami eh.
Sinagot ko rin si Rhayven after one month , nagkagusto rin ako sa kaniya dahil sa effort na binibigay niya pero hindi siya lumalim na Masasabi kong mahal na mahal ko siya hindi humantong dun ewan ko kung bakit.
Simula nung naging kami ni Rhayven hindi ko na nagagawa ang mga bagay na palagi kong ginagawa tulad ng pagtambay sa Library lagi niya kasi akong inaaya na sa Canteen na lang daw kumain masyado na raw akong tatalino kung puro libro ang aatupagin ko minsna din niyang sinabi na nagseselos na siya sa mga librong binabasa ko dahil andun na lang daw lagi ang atensyon ko.
Kaya medyo lumihis ako medyo napapabayaan ko na ang pagaaral ko mabuti na lang at laging nasa Office si mom nun at binibigyan ako ng copy ng lesson para review hindi rin niya ako pinapaalis sa office niya hanggat hindi ko natatapos reviewhin ang lesson.
Ilang beses na rin akong napapagalitan ni mom nun pati si Kuya ay napagsasabihan din ako.
Akala ko sa darating na 3rd Grading magiging kulelat ako buti na lang at nagstrict si mom at nakapagreview ako sa mga topic.
Mataas parin ang Grade ko kahit ganun na medyo na pabayaan ko ang pagaaral ko naging Top1 parin ako si Briana parin ang Top2.
Mas lalong nainis sa akin si Briana dahil ako parin ang nagTop minsan na nga niya akong inakusahan na nandadaya eh kaya inulit ang test ko yun nga lang mas nagalit siya naperfect ko kasi yung score ko kesa dun sa unang score ko na may limang mali.
Pagkatapos nun unti unti nang lumayo si Briana sa akin , iba na rin ang kasama niya mga Clown , natuto na rin siyang maglagay ng kolorete sa mukha kahit hindi naman na yun kailangan dahil maganda naman na talaga siya.
Ang relasyon naman namin ni Rhayven ay patuloy na maayos na pinasasalamatan ko dahil hindi ako nagkakaproblema sa amin.
Parehas alam ng parents namin ang relasyon namin pero ayaw ng parents ko sa resulta ng relasyon namin.
Paminsan minsan kung pumasok si Rhayven kaya ako hindi rin nakakapasok dahil palagi niya akong isinasama kung nasaan siya.
Minsan na siyang nalulong sa Video game straight 1week hindi siya pumapasok at dahil dakilang Girlfriend ako ang ending parehas kaming hindi pumapasok.
Nasurvive namin ang 1st year nun kahit may kalokohan kaming ginagawa ang hindi pagpasok sa School.
Nung nag-2nd year kami nagkakaroon na ng gap ang relasyon namin nan jan yung nagseselos na siya kahit wala namang dapat pagselosan.
One time nun kalahati na ng pasok nun sa 2nd year ng may Groupings sa Isang Subject.
Hindi kami magkagrupo o talagang inilayo ako ng Teacher ko sa kaniya.
Pumunta kami sa bahay ng isa naming kagrupings tyaka dun gumawa ng topic namin.
Tatlong lalaki at dalawa kaming babae sa Grupo , hindi ko alam kung may gusto ba ang isang lalaki sa akin nun dahil ako lang ng ako ang kinakausap at nilalapitan niya.
Panay dikit niya sa akin minsan na niya nilagay ang kamay niya sa beywang ko nakita yun ng kagroup ko kaya lumayo ako sa kaniya ayoko lang makarating ang bagay nato kay Rhayven.
Pagkatapos ng groupings namin Nasa School na kami para ipasa ang gawa namin ng bigla na lang ako kinaladkad ni Rhayven palayo sa kagroup ko.
"Rhayven nasasaktan ako!" Sabi ko sa kaniya at pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko
"Masasaktan ka talaga! Ano tong narinig kong may humawak sa beywang mo nung nag groupings kayo ha! Naglalandi ka na ha!" Sigaw niya sa akin nasa likod kami ng Building kaya walang nakakakita sa amin
"Siya yung lapit ng lapit sa akin nun nilalayuan ko naman siya nagulat din ako nung ginawa niya yun sa akin , im sorry!" Napayuko ako nang magsorry ako
Nasaktan ako sa sinabi niyang malandi ako! Paano niya nasa sabi yun eh halos nawawala na ako sa focus ko sa pagaaral para lang sa kaniya ang atensyon ko.
"Ayoko na ulit makakarinig ng ganyang kaBullshitan Katherine naiintindihan mo!" Galit parin niyang sabi tumango ako sa kaniya iniwan niya ako dito.
Napaiyak na lang ako dahil dun , hindi ko naman talaga gusto ang nangyari na yun eh iniiwasan ko naman yung lalaking yun dahil alam ko ito ang mangyayari pero lapit parin siya ng lapit sa akin.
"Oy best anung nangyari?" si Briana ng makaalis ako dun
Nagugulat man ako dahil pinansin na niya ako hindi ko na yun inintindi dahil mas okay sa akin na pinapansin niya ako.
"Nagselos lang si Rhayven dun sa isang kagroupings ko!" Sagot ko sa kaniya
"Ay seloso pala siya , hayaan mo baka sobra ka lang mahal kaya nagselos!" Ngiti niyang sabi nginitian ko rin siya
Yun na lang ang huling usap namin ni Briana balik na naman kasi siya sa hindi pagpansin sa akin ng mga sumunod na araw.
Minsan ko na rin nakikitang magkausap sila ni Rhayven pero hindi ko naman yun ginawang big deal Bedtfriend ko si Briana at Boyfriend ko naman si Rhayven wala naman silang gagawing hindi maganda diba.
Tatlong buwan naging On - Off ang relasyon namin ni Rhayven palagi na lang kasi siyang nagseselos nun , tamang hinala sa lahat ng gagawin ko , hindi na ako masyadong nakakafocus sa pagaaral dahil nasa kaniya na ang atensyon ko.
Salamat na lang at may Mom Dad at kuya akong hindi nagsasawang pagsabihan ako dahil nalilihis na naman ako.
Sa mga unang Grading naging Top1 parin ako buti na lang at laging mataas ang exam ko nakakabawi ako.
Bago kami magtapos sa 2nd year nagaway kami ni Rhayven nun , palagi na lang kasi puro barkada niya ang kasama niya tyaka yung barkada ni Briana , ayoko sana makaramdam ng selos pero nakakaselos naman na kasi ang ginagawa nila.
Pagkatapos ng away namin nun buong Summer hindi niya ako tinawagan o tinxt man lang , palagi akong tumatawag sa kaniya pero laging busy ang phone niya hindi rin siya sumasagot sa mga txt ko.
Tatlong linggo! Tatlong linggo niya akong natiis walang Calls walang Txt kahit puntahan man niya lang ako dito sa bahay ko hindi niya ginawa. Kaya nagdisisyon akong pumunta sa bahay nila!
Sabado yun ng gabi ng naglakas ako ng loob na puntahan siya sa kanila.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila nakasalubong ko ang maid nila.
"Ate san si Rhay?" Tanong ko rito
"Nasa Pool po kasama ng mga kaibigan niyo!" Sagot niya sa akin tumango naman ako at nagpunta dun
Dederetso na sana ako sa kanila ng makita kong nakakandong si Briana sa Kandungan ni Rhayven.
Nakaswuim suit lang siya habang si Rhay nakashort lang may iniinom sila at nagtatawanan.
Masayang masaya sila habang ako nagaalala sa kaniya dahil sa away namin nung huli.
Nakatago ako sa gilid ng pader habang pinagmamasdan silang masayang masaya.
Ano bang nagawa ko sa kanila at nagawa nila to sa akin? May kasalanan ba ako? Nagkulang ba ako? Dalawang taon kaming magkakakilala isang taon naman ang relasyon namin saan ba ako nagkulang?
"Babe kelan mo ba tatapusin ang Dare natin?" rinig kong sabi ni Briana
"Oo nga pre mukha namang hindi bibigay yun si Katherine eh masyadong manang!" Dagdag na sabi nung barkada ni Rhayven
Dare? Manang? Unti unti nang nagiging malinaw sakin ang nangyari ang stupid ko dahil naniwala ako.
"Baka naman nahuhulog ka na sa kaniya babe kaya ayaw mo na tapusin ang Dare mo ha!" Malanding sabi ni Briana nakayakap pa siya kay Rhayven
"Bukas tatapusin ko na yung Dare Naboboring na rin ako sa kaniya eh!" Rinig kong sabi ni Rhayven habang nakayakap sa beywang ni Briana
Napatigil ang buong sistema ng katawan ko! Boring! Ganun pala ang tingin niya sa akin!
"Sayang naman ang pusta namin hindi mo nagawang makuha ang virginity niya Hahaha!" Malakas natawanan nila inaasar si Rhayven
"Gago Bukas sisiguradohing kong makukuha ko yun!" Singhal niya sa mga barkada niya
"Haha Poor bestfriend akala niya talaga mahal mo siya ang dali niya utuin haha" rinig kong sabi ni Briana na nagpasakit sa dibdib ko
Kumuha ako ng lakas para magpakita sa kanila , walang kahit na emosyon ko sila tinignan at kahit pakiilam sa ginawa nila hindi ko pinakitang naaapektuhan ako!
"Anong makukuha niyo sakin bakit niyo ko ginanito?" Tanong ko sakanila at sabay sabay silang nagulat
Napatayo agad si Rhayven sininghalan naman siya ni Briana.
"Ano ba yan nalaman mo agad haha Pinagkaisahan ka lang namin ang dali mo kasing mauto hahaha" akala ko magsisi siya kasi nahuli ko sila pero walang kahit na anong bakas sa mukha niya ang pagsisisi
Mabilis na nagbago ang aura ni Rhayven nawala na ang gulat niya pati rin ng iba tyaka sila nagtawanan.
'Sila yung dalawang taong pinagkatiwalaan ko , naniwala ako sa kanila pero ganto lang din ang igaganti nila mga walang puso!'
"Kung binigay mo lang sana ang sarili mo sa akin nung una edi sana nanalo na ako sa pustahan namin diba sayang din yung 10k no HAHAHAHA" muli na naman silang nagtawanan napailing ako mga baliw na sila
"Ano bang kasalanan ko sa iniyo at dinamay niyo pa ako sa kagaguhan niyo?" Cold kong sabi
"Pabida ka kasi!" Lumapit sa akin si Briana "Dapat ako ang Top1 at hindi ikaw na sa akin dapat ang papuri wala sayo mas matalino ako kesa sayo!" Pagyayabang niya sa akin
"Seriously Briana? Do you think maiisip to ng isang MATALINONG tao? Gumamit ka ng Tao para masabing nalamangan mo ko? Saang paraan ka lumamang?" Mapakla kong tanong sa kaniya
"Ang makita kong nadidistract ka at hindi nakakapagfocus sa pagaaral dun palang lamang na ako!" Ngisi niya sa akin
"Hindi man ako nakapagfocus Still im Top1 at Top2 ka lang!" Diin ko sa kaniya malakas na sampal ang binigay niya sa akin Inawat na siya ni Rhayven
"Tandaan mo aangatan pa kita! Pero sa ngayon Wawasakin ko muna ang puso mo!" Sabi niya tyaka niya Hinatak si Rhayven para halikan sa harap ko
Masakit Oo pero ano namang magagawa ng sakit nato sa sitwasyon ko nato? Hindi oras para manghina ngayon kailangan ko ipakitang hindi nila ako mawawasak ng ganun ganun na lang.
Matapos niya halikan si Rhayven tyaka siya muling bumaling sa akin.
"Matagal ka na naming Niloloko mas nauna ang relasyon namin kesa sa iniyo dinare namin si Rhayven na ligawan at paibigin ka ng sa ganun bumagsak ang grades mo at masaktan ka!" Proud niyang sabi sa kagaguhang ginawa niya
"Si Briana talaga ang Gusto ko una palang pero dahil gusto ko siya lahat gagawin ko para lang sumaya siya kahit na ang saktan ka sumaya lang siya!" Sabi yun ni Rhayven
"Masaya naman ba siya?" Tumingin ako kay Briana "Masaya ka ba? Nasaktan mo na ako , napaniwala na Bestfriend kita, napaniwala na mahal niya ako at nagtiwala sa iniyo Ano Masaya ka ba?" Panunumbat ko sa kaniya "Hinding hindi ka magiging masaya dahil ako lang ang nakakaintindi sa ugali mo! Yan tinatawag mong mga kaibigan yan? Sige nga anong magandang dulot ang ginawa nila para sayo?" Turo ko sa mga gagong barkada nila "Wag ka lang magsisisi dahil sa kagagahang ginagawa mo , sumasama ka sa nga Taong yan na wala namang alam kundi uminom , maglakwatsya at makipaglandian kung kani kanino!" Galit na tumingin ako sa mga barkada niya "Hindi ako nasaktan dahil kay Rhayven Briana Dahil mas nasaktan ako dahil yan ang nararamdaman mo , na umabot pa sa gantong sitwasyon, Bestfriend kita eh Bestfriend Briana pero Kingina mo Wala ka nang bestfriend!" Himutok ko pang sabi sa kaniya "Magpakasaya kayo hanggat kaya niyo wala na akong pakeilam sa iniyo!" Sabi ko pa tyaka umalis sa Lintik na bahay nato.
*End Flashback!*
Nabalik ang wisyo ko nandito na pala ako sa bahay at nakahilata na sa kama.
Hindi ko matandaan na nakauwi na pala ako masyadong naging lutang ang isip ko dahil sa nakaraan na yun.
'Sana hindi na lang yun ginawa nila Briana hindi na lang sana siya nilamon ng ingit , hindi na sana siya nagpalason sa ingit , sana hanggang ngayon Bestfriend parin kami , sana hanggang ngayon masaya kaming ginagawa ang gusto, nagtatravel ng magkasama , nagshashopping ng makasama, magaaral ng magkasama, kikiligin sa mga Crushes namin, magkukwentuhan, manonood ng sine na magkasama at gagawa ng mga bagay ng magkasama. Pero lahat yun wala na , lahat yun tapos na at dahil yun sa Lintik na Dare nila!'
'Pero kung Dare naman pala yun bakit sinasabi ni Rhayven na mahal niya ako? Eh sa pagkakatanda ko si Briana ang mahal niya at hindi ako Ano to gusto na naman niya ng part2 pabibilugin na naman ang ulo ko tyaka lolokohin Eh GAGO talaga siya tsk!'
Dahil weekend ngayon nagpasya akong magGrocery kunti na lang kasi ang stock ko sa Ref. Naglista ako ng kakailanganin ko pa tinignan ko rin ang storage room kung meron akong dapat ilista ng makita ko agad ko iyon nilista tyaka bumalik ulit sa ketchen nagtitingin ako dun kung may kulang tyaka ko ulit nilista nang mapagtanto kong okay na lahat naligo na ako at nagbihis.
Hanging pink blouse , Maong Black Short at Black rubber shoes ang sinuot ko mas komportable ako pag ganito eh.
Naisipan kong magbukas ng Messager baka may gustong sumama sa akin sa Grocery kaso mukhang Busy sila wala kasi silang Reply sa Chat ko eh!
Tatlong linggo na akong nasa Group Chat ng Section 6 hindi nga lang ako makasabay sa ingay nila lalo na kung sunod sunod ang pasok ng message ang daldal nila sa messager tapos wala namang katuturan ang pinaguusapan 'mga siraulo talaga!'
Kinuha ko na ang slingbag ko tyaka inilagay ang Cellphone at wallet ko kinuha ko ang susi ng kotse kung saan nakalagay din ang susi ng bahay.
Bago ko isara ang bahay inalisan ko muna ng cover ang Kotse ko , last week napacheck ko to okay naman daw kaya gagamitin ko na full tank naman kaya walang problema binuksan ko ang makina tyaka ipinarada sa labas ng gate , pumasok ulit ako sa bahay tyaka sinara ang pinto pati na rin ang Gate.
Dahil hindi naman gaanung mainit kaya ipinaba ko ang bubong ng Kotse ko tyaka naglagay ng sunglases sa mata, gusto ko yung ganito nafefeel ko yung hangin ng paligid narerelax ako.
Mabilis ako nagpaandar na akala mo nangangarera buti na lang at hindi traffic papuntang mall.
Pagpark ko tyaka ko lang binalik ang pagkakaayos ng bubuong ng kotse mahirap na public place to eh pinindot ko ang susi tyaka naglakad na papasok ng Mall.
Since hindi pa ako kumakain nagpasya akong sa isang fastfood na lang muna kumain.
Pagpasok ko dun agad ako umorder tyaka naghanap ng mauupuan , pero iba ang nahanap ko na mukhaan ko ang couple na nakatalikod sa akin kaya dun ako umupo sa tabing table nila.
"Hon , subuan kita?" Sabi ni Blake sa Girlfriend niyang si Clara
"Same na lang tayo mas sweet yun!" kinikilig na sabi ni Clara
'kaya siguro walang sumasagot sa chat ko dahil busy sila sa mga girlfriend nila at isa na si Blake dun haha!'
Nagchat ako sa GC kahit walang sumagot.
'Ang sweet naman ng Blake natin ! Hoy Respeto sa Single dito Nilalanggam na kayo!'
Sinend ko yun sa GC tyaka madaling tinapos ang pagkain ko haha baka makita nila ako eh makasira pa ako ng date nila.
Paglabas ko ng fastfood na yun dumeretso na ako sa supermarket tyaka kumuha ng cart.
Inuna kong kuhain ang mga nasa listahan ko , habang naghahanap may nakita na naman akong couple.
'Si Phoenix at Sophia'
Hindi ko na lang sila inistorbo nakakahiya nagdadate sila sa Grocery haha
Sa kakahanap ko ulit ng bibilhin may nahagip na naman ang mata ko pero this time dalawa na silang Couple.
'Theo at Andrea
Spencer at Jane!'
May naisip ako pinictureran ko sila tapos bumalik ako kina Phoenix pasimple ko rin sila pinictureran buti na lang pinictureran ko rin sila Blake kanina bago umalis haha ebidensya haha
Nagpalakad lakad na at pinagpatuloy ang paggoGrocery nang mapadpad ako sa Frozen Foods ibang Frozen foods nga lang ang nakita ko haha.
'Langya tong mga to ginawang park ang supermarket !'
'Ajax at Jenny rose
Joel at Elizabeth
Kingstone at Kate!'
May kaniya kaniya sila Cart mukhang namili rin sila , pagkatapos nila kumuha ako naman ang namili sa mga nandito lahat ng matipuhan kong bilhin binili ko na makakain ko rin naman to eh.
May nakita akong Barbeque pack kaya naisip ko kumuha rin nun bukas magbabarbeque ako magisa sa mini pool ko hehe.
Nang masiguro ko nang okay na lahat ang pinamili ko pumunta na ako ng Cashier pero wag ka nagkita kita yung mga Couple na nakita ko nagbatian pa sila.
Kinuhaan ko sila ng Picture hihihi isesend ko sa Gc mamaya haha mas nauna silang matapos kesa sa akin nangmatapos naman ako nagpatulong lang ako sa isang bagger dito para ipalagay sa kotse ko napadami kasi ang pinamili ko tapos may isang kaban pa ng bigas hindi keri ng musicle ko yun.
Kadalasan kasi kasama ko si Kuya magGrocery kaya may taga buhat ako kaso busy ata ang lolo niyo hindi nagrereply sa Txt ko next time bibisita ako sa hideout nila pwede naman ako dun pagbiglaan yung hindi niya alam hahaha.
Pagkatapos kong magpatulong kay kuya bagger binigyan ko lang siya ng tip tyaka ko ulit sinarado ang kotse ko maglilibot naman ako ngayon hehe.
Ang una kong pinuntahan ang store ng mga teddy bear baka kasi may stock sila ng Doraemon eh kaso pagpunta ko dun out of stock na raw so naglibot muna ako sa Store na yun habang nilibot ko naman yun sa bandang dulo may nasilip akong Couple na naglalandian gamit yung mga Teddy bear.
'Si Rainer at Bella!'
Naningkit ang Mata ko sa kanila maglalampungan na lang dinadamay pa ang mga teddy bear dito sa store , hihi kukuhaan ko sila ng picture pagkatapos ko gawin yun lumabas na ako ng store.
Naglakad lakad naman ulit ako sa isang Botique naman ako pumasok mga New design ang tinignan ko may natipuhan lang akong dress dun nakulay skyblue tapos jeans at Croptop tyaka ko yun kinuha at babayaran na sana pero may narinig akong pamilyar na Boses.
"Love Bilhin natin to oh ang ganda niya bagay sa akin hihi!" Parang kinikiliting sabi ng babae
"Okay i buy that , mamili ka pa para mabayaran na natin!" Sagot nung pamilyar na boses
Sinilip ko sila kung nasaan sila nasa Dress part sila at may pulang dress na tinitignan yung babaeng kasama niya at siya mukhang bored na bored na.
'Si Zachary!'
Kinuhaan ko din sila ng litrato tyaka mabilis na tumungo sa Cashier para hindi nila ako maabutan , mabuti na lang at mabilis din ang cashier nakalabas agad ako , mabilis akong lumayo sa Store na yun 'mukha na ba akong spy dahil dito hindi ko kinakaya jusko!'
---
;)