Kabanata 5

3329 Words
Ilang araw at ilang gabi ko na binabantayan ang sarili ko literal! Simula nung makita ko ang itim na Van na yun natatakot na ako para sa sarili ko! Ang mga tanod na nakausap ko nung gabing yun ay patuloy sa pagroronda gabi gabi dito sa street namin 'salamat sa kanila!' Sa mga araw na lumipas naging balisa din ako halos araw araw ko ring pinapapunta ang buong section 6 dito sa bahay para lang may makasama ako. Ibat ibang dahilan ang sinasabi ko mabuti na lang at di sila nakakahalata , mukha rin namang gusto nila laging narito sa bahay enjoy na enjoy kasi sila eh. Araw ng Biyernes ngayon P.E sana namin pero iniba na ang Sched tuwing Friday ang Cooking activity ang P.E naman ay ginawang Wednesday. Papasok na ako sa School , naglalakad , hindi ko parin kasi dinadala ang kotse ko ang lapit naman kasi ng school ko sayang lang sa gas , siguro naman magsasabi si Mom kung kelan ang dating ng grandparents namin. Malapit na ako sa Gate ng maramdaman kong may sumusunod sa akin , nakita ko ang anino niya sa gilid ko kaya mas minadali ko ang lakad ko. Lakad takbo na ang ginawa ko nang makarating ako sa loob kinalma ko ang sarili ko 'hanggang dito sa school sinusundan nila ako?' Huminga ako ng malalim tyaka umakyat na sa hagdan patungong 3rd floor. Pagkarating sa floor namin kakaiba na naman ang trip ni Briana paano ko nasabi? Ganto! Nasa harapan ko lang naman ang limang babaeng sunod sunuran kay Briana! 'Tsk! Kung makasunod kayo jan akala niyo siya ang may ari ng School like duhh ako kaya yun tsk!' Binigyan ko sila ng Cold expression katulad ng lagi kong pinapakita sa kanila. "Ano na naman ba to?" Malamig kong sabi sa kanila "May pinaguutos lang kasi si Briana samin!" Ngisi nito akala mo naingudngud sa ispasol sa puti ng mukha "Ano naman yun?" Irita kong sabi Bigla niya akong sinampal napabaling sa kanan ang mukha ko! "Pinapasabi din niyang Layuan mo ang Boyfriend niya na si Rhayven!" Malditang sabi nitong si ispasol "Anong section kayo?" Tanong ko sa kanila at tinignan sila ng masama "Kami? Section 3 kami!" Taas noo niya sabi napangisi naman ako ' Tatandaan ko ang araw nato!' "Mga ASO ba kayo ni Briana at sumusunod kayo sa kaniya?" Bored kong sabi 'Wala akong ganang makipagsagutan sa iniyo ngayon please lang backoff!' "Sumusunod lang kami sa nakakataas!" Sabi naman ng isang babae na nabudburan ata ng Ketchup ang mga pisngi 'Seriously? Puro clown ba ang tinatanggap ng School namin bakit ganto mga itsura nito?' "Tsk! Maling kinatataas ang sinusunod niyo kung ganun!" ngisi kong sabi sa kanila 'Wala silang mga alam tsk!' "Hahaha hindi mo ba alam na Shareholder sa School nato ang Pamilya ni Briana kaya dapat sinusunod siya!" Pagyayabang naman nitong Violet ang Buhok? 'Ano ka grapes?' "Anong nangyayari dito?" Sabi ng kung sino sa likuran ko Nilingon ko siya ngumiti naman siya sa akin ganun din ako. "Good morning Kath!" Bati ni Westley sa akin "Good morning din!" Sagot ko sa kaniya "Anong meron?" Takang tanong niya "Sinasalubong ako ng mga Clown hindi ako na inform na Napaaga pala ang Birthday ko next moth pa naman yun!" Inosente kunyari kong sabi sabay ngisi "HAHAHAHA!" Bigla na lang may nagtawanan sa likuran niya Ang mga Classmate ko pala sabay sabay silang pumasok? "Good morning Sa iniyo?" Bati ko sa kanila "GOOD MORNING KATH!" Sabay sabay nilang bati rin "Tsk! Malandi talaga!" Parinig ni Violet hair "Sinabi mo pa kaya nga lumipat ng section 6 yan para landiin lang sila!" Sabi naman ni Ketchup girl "Akala mo napakahinhin yun pala nasa luob ang kulo b***h!" Sabi naman nung Dilaw ang buhok "Ano pa nga ba eh pati nga si Rhayven nilandi niya boyfriend pa talaga ni Briana ah napaka landi!" Sabi naman Ispasol girl "Hindi naman maganda kung makalandi tsk mas maganda pa tayo jan eh!" Sabi naman nitong Green ang buhok pero short hair Nakakapintig ng tenga ang naririnig ko mula sa kanila 'seriously? Sa kanila pa talaga nanggaling ang mga salitang yan tsk inilalarawan lang nila ang mga sarili nila tsk!' "HINDI NAMAN SI KATH ANG MALANDI KAYO!" Bigla na lang may sumigaw nun mula sa classmate ko Nakita kong nanlalaki ang mga mata nila sa gulat dahil dun sa nagsalita. Lumapit sa akin ang nagsalita si Luke pala yun! Nakita kong ngumiti at nagpacute si Violet hair kay Luke. 'May gusto siya kay Luke!' "Hi Luke!" Malanding sabi ni Violet hair "Ang panget mo umalis ka nga jan sinisira mo ang araw namin!" Sigaw niya dun sa Violet hair Napayuko na lang si Violet Girl at pumunta sa Bandang likuran ng mga kasama niya Napahiya eh! "Hahaha! Rude" Hindi ko napigilang matawa nawala tuloy yung badtrip ko "Ang sama mo pinagtatawanan mo pa siya napahiya na nga!" Pagtatanggol ni Green Short hair sa kaniya "Kung may masama dito kayo yun hindi ba ? bakit isinisisi niyo kay kath ang kasalanan niyo?" Singit naman ni Matthew nang makalapit siya sa tabi ko Tumingin ako sa kaniya tapos sa mga babaeng nasa harap namin napayuko si Green short hair tapos nakangiti ng malawak at pacute kay Matthew napangiwi ako mukha siyang mansanas na gusto magpakain iiiiiwwww! "Hi Matt good morning!" Pabebe niyang bati kay Matthew "Ang panget na ng araw ko dahil binati mo ko pwede bang wag ka na lang magexist nakakadiri eh!" Masungit na sabi ni Matthew Mas lalo ako natawa dahil dun, pati ang ibang classmate namin nagbungis ngisan din. "HAHAHA sakit nun!" Kumento ko pa Sinamaan ako ng tingin ng mga Clowns pero Ngisi lang ang binigay ko sa kanila. "Pwede bang umalis na kayo jan sa daan Ang papanget niyo para magmaganda!" Seryosong sabi ng kung sino nilingon ko naman yun Si Mickey Mouse pala nakacross arms pa siya "Z-z-zachary!" Utal na banggit ng mga Clowns tapos gumilid sila para padaanin kami 'Tsk hindi naman magaganda kung makaasta naman!' 'Anong section ba ang mga yan dapat pinapaexpell na yan eh hindi dapat tumatangap ng clown dito!' 'Mga section 3 yan classmate ng girlfriend namin mga maldita daw talaga yang mga yan kahit sa classroom nila!' Kaniya kaniyang kumento ng mga classmate ko habang naglalakad na paalis. 'Natutuwa na ako sa kanila tsk nakukuha na nila ang tiwala ko at naaasahan ko na sila , tatlong linggo palang kami nagkakasama pero itinuturing na nila akong isa sa kanila , so sweet!' "Hindi niyo kaya ang back-up ko no hahaha next time kasi wag niyo ipahiya ang sarili niyo nakakatawa kasi kayo eh ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko tsk gwapo na maaasahan pa hahaha!" Nilagpasan ko na sila at lumapit na sa mga Classmate ko nagtatawanan kami habang naglalakad patungo sa classroom. "Araw araw ba laging may humaharang sayo sa Section na yun Kath?" Tanong ni Earl sakin Nakaupo na kami at lahat sila nakaupo malapit sa amin , para kaming nagmemeeting. "Oo laging may Grand entrance si Briana sa akin hindi nabubuo ang araw ko kung walang pagrand entrance eh hahaha!" sagot ko sa kanila "Bakit hindi ka nagsasabi ganyan na pala ang ginagawa sayo ng mga yun?" Si Vincent "Ayaw ko lang naman may madamay na iba !" "Pero hindi ka naman hero para tanggapin na lang lahat ng mga salitang binabato nila sayo!" Si Westley "Oo nga kath andito naman kami eh!" Si Phoenix "Pwede kang magsabi sa amin!" Si Blake "Hindi mo ba kami mga kaibigan kath?" Malungkot na sabi ni Luke napatingin ako sa kaniya tapos sa kanilang lahat Kitang kita ko ang lubgkot sa mga mata nila pagsinabi kong 'hindi' pero hindi ko rin namang gusto sabihin yun. Para sakin kaibigan ko na sila at masaya ako kasi ganun din pala ang turing nila sa akin 'masaya pala talaga pag tinuturing kang kaibigan ng mga taong tinuturing mo ring kaibigan!' "Of course ....!" Pambitin ko sa kanila lumaylay ang balikat nila dahil dun "Kaibigan ko kayo no!" Bigla na lang nagliwanag ang mga Mata nila ngumiti ako naman ako malawak sa kanila "Yehey Kaibigan na namin si Kath!" Masayang sabi ni Luke bakas sa kanila ang saya ganun din ako ngayon lang ako nagkaroon ng ganto kadaming kaibigan haha hindi na ako nerd na lonely hehe! Pagkatapos namin magusap usap nagsidatingan naman ang mga teacher namin at naglesson assual palaging maraming assignment lalo na at friday ngayon mukhang nilulubos nila ang weekend para pagawain kami ng assignment 'walang patawad huhu!' Lunch break na namin sabay sabay kaming nagsilabasan , sinundo na naman ng boys ang mga Girlfriend nila and take note hindi na nila ako tinatarayan minsan na kasi namin sila sinama sa bonding namin at okay naman silang kasama yun nga lang sa harap ko naglalampungan ang mga kingina! "Hi Kath!" Bati nila sa akin "Hello Girls!" Sagot ko rin at ngumiti sa kanila Pababa na kami ng hagdan ng makarinig kami ng pagtatalo inilibot ko ang tingin sa 2nd floor dun ko lang nakita na nagtatalo si Briana at Rhayven mabilis ako lumakad papunta sa harap ni Briana ng makita kong sasampalin siya ni Rhayven kaya ang ending ako ang nasampal ni Rhayven! Sa lakas ng pagsampal niya napaupo ako feel ko maaalis ang pisngi ko sa mukha ko! "KATHERINE!" Sigaw ni Briana tinulungan niya akong tumayo lumapit na rin ang mga Classmate ko "Gago ka ah!" Sigaw ni Luke sabay suntok kay Rhayven Mabilis ko siyang inawat ayokong mapaaway siya nang dahil sa akin. "I-im S -sorry K-kath hindi ko S-sinasadya!" Utal utal na sabi ni Rhayven habang nakaupo dahil sa pagkakasuntok ni Luke "Bakit mo sasampalin si Briana ha?" May inis na sa boses ko "Ang kulit kulit niya kasi hindi ka parin niya tinitigilan napikon na ako kaya yun!" Paliwanag niya nakayuko lang "Gago ka? Hindi ako titigilan ni Briana dahil hindi mo rin ako tinitigilan Tanga!" Galit ko nang sabi "K-k-katherine!" Kabado niyang sabi "Sa susunod makita kong saktan mo si Briana sinasabi ko sayo puputulan talaga kita ng kaligayahan!" Sigaw ko sa kaniya napatakip naman siya sa pantalon niya 'Tsk napakagago mo!' Bumaling ako kay Briana na gulat parin ang itsura naiinis ako sa kaniya tsk! "At ikaw naman babae ka pumili ka naman ng lalaking hindi ka pagbubuhatan ng kamay sayang ang ganda mo kung magpapabugbug ka lang sa lalaking to gumising ka pwede ang daming lalaki jan mas matino pa kesa jan tsk! Kainis ang sakit nun!" Iniwan ko na sila sumunod naman ang mga Classmate ko 'Kath ayos ka lang?' 'Sobrang sakit ba?' 'Sabihin mo kung nahihilo ang lakas kasi ng sampal eh!' Sa iniyo kaya gawin yun tignan natin kung hindi kayo masaktan. "Okay lang ako kaya ko naman!" Nasa canteen na kami dumeretso ako counter. "Yes mam?" Tanong sa akin ng kahera "Penge nga ako ng ice paki lagay sa ice bag kung meron kayo!" Sabi ko rito "Yes mam!" Taranta siyang sumunod sa akin Andaming nagbubulungan sa likod ko 'mga pesti kayo!' "Ito po mam!" Abot niya sa akin "Paki una ang order ng mga Classmate ko!" Utos ko sa kanila "Yes mam!" Agad agad naman silang pumunta sa table namin Naupo ako at nilagay sa pisngi ko ang ice bag , nakatingin lang sila sa akin na may pagalala "Dapat siguro sa clinic ka na pumunta!" Sabi ni Matthew "Malayo naman to sa bituka masakit lang kaya nilagyan ko nito!" Pagtangi ko "Ang tigas ng ulo mo talaga tsk!" Sabi ni Zachary nauubusan na ng pasensya nginisihan ko lang "Kumain na lang tayo nagugutom na ako eh!" Aya ko sa kanila Natahimik ang buong Canteen parang may anghel na dumating. "Ms Young go to my office!" Sabi ng Head Teacher nilingon ko siya "Yes po!" Kinuha ko na lang ang Juice ko at nagpaalam sa mga kasama ko "Kita tayo sa Room mamaya!" Pilit na ngiti ang binigay ko tumango naman sila Nauna nang sumunod si Briana at Rhayven kay Head Teacher habang ako naman mabagal na naglalakad habang nakalagay parin ang ice bag sa pisngi ko. Deretso lang ako pumasok at naupo sa sofa ni Sir 'bakit ako intured dito!' "Ms Young ano ang nangyari sa pisngi mo?" Seryosong tanong ni Sir "Nasampal ni Rivera sir!" Sagot ko bumaling naman siya kay Rhayven "Rivera explain what happened?" Tanong ni sir "Hindi ko sinasadyang masampal siya , si Briana dapat yun pero humarang siya!" Panimula ni Rhayven "Bakit mo naman sasampalin si Ms Torres are you gay Mr Rivera?" May halong inis na sabi ni Sir "Hahaha!" Hindi ko na pigilang hindi matawa Tumingin sila sa akin si Kuya Alfred naman pinagdilatan ako ng mata kaya tumahimik ako. "Ilang beses ko nang pinagsasabihan si Briana na tigilan na si Katherine pero hindi siya nakikinig paulit ulit parin niyang sinusugod at inaaway si Katherine" Muling paliwanag niya kay Sir "Uulitin ko rin sayo Hindi ako titigilan ni Briana kung Hindi mo rin ako Titigilan kung marunong kang makaramdam alam mo na kung bakit hindi tumitigil yang isa!" Seryoso kong sabi sa kanila "Pinalagpas ko na ang issue sa pagitan natin pero kung umasta kayo akala niyo ako ang nanakit sa iniyo lumayo na ako pero lapit parin kayo ng lapit!" May inis na sa boses ko "Lumalapit ako dahil gusto kong humingi ng tawad gusto kong magpaliwanag sa lahat ng nangyari!" Bweta naman ni Rhayven sa akin "Kasama ba sa paghingi mo ng tawad ang palaging pagtambay sa harap ng bahay ko Rhayven? Nagmumukha ka nang stalker alam mo ba yun?" Inis ko paring sabi sa kaniya Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya kahit si Briana at Kuya Alfred nagulat din sa sinabi ko. "B-bakit ka laging nasa bahay niya Rhayven?" Si Briana para siyang iiyak "Gusto ko lang siyang makausap yun lang yun!" May inis na sagot ni Rhayven sa kaniya "Mahal mo ba siya?" Tanong ulit ni Briana Wala akong interest sa mga pinaguusapan nila tsk! "Alam mong Oo ang sagot ko jan Briana!" Sagot din ni Rhayven "Kung ganun paano ako?" Humihikbi ng sabi ni Briana "Wag mong iyakan yan Hindi pa patay yan di niya deserve luha mo tsk!" Irita kong sabi sa kaniya Tumingin siya sa akin ng masama tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit ikaw na naman? Bat palaging ikaw? Yung talino, masayang pamilya , maraming kaibigan , pati si Rhayven nasa sayo na rin!" Sumbat niya sa akin "lahat na lang kinuha mo sa akin lahat na lang inagaw mo sakin!" Sumbat parin niya "Wala akong inaagaw sayo Briana may sarili kang Talino pero nilalamon ka ng sobrang paghahangad kaya ayaw mo nalalamangan, pamilya? Meron ka rin nun pero hindi mo hinahayang iparamdam nila yun sayo dahil nakafocus ka masyado para angatan ako, kaibigan? Ako Briana im your bestfriend remember? Kahit naiinis ako sa ugali mo still your my bestfriend kahit ano pang kagagahan ang ginagawa mo sa akin araw araw still your my bestfriend alam ko ang dahilan mo bakit mo yun ginagawa kaya hinayaan kita dahil naiintindihan kita Briana!" Napaiwas ako ng tingin ng malapit ng bumagsak ang luha ko "at yang Gagong Ex ko Hindi ko na yan mahal , maybe dahil hindi ko naman talaga siya minahal Dahil alam kong Mahal mo siya nasaktan lang ako sa ginawa niyo dahil sa lahat ng tao Yung BESTFRIEND ko pa ang may pakana nun!" Tumayo ako at umalis sa Office ni Kuya Alfred Hindi ako makahinga sa loob mas mabuti ng umalis at bumalik sa room ko. Pagpasok ko tumingin sila sa akin lahat na may pagaalala, umupo ako sa pwesto ko lumapit silang lahat sa harapan ko. "Kamusta anong sabi ni head teacher?" Tanong ni Luke sa tabi ko "Ewan ko umalis na ako hindi naman ako ang nagsimula eh!" Kibit balikat kong sabi "Ano ba kasing nangyari sa pagitan niyong tatlo? Para kasing napakalalim ng galit ni Torres sayo eh!" Takang tanong nila *Flashback* "Hi!" Bati sa akin ng magandang babae "Hello!" Bati ko rin sa kaniya "Ako nga pala si Briana Torres ikaw?" Pakilala niya sa akin "Katherine Young!" Sambit ko ngumiti siya sakin ganun din ako ang ganda lalo niya kapag ngumingiti "Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong niya sa akin "Oo naman hindi ko tatangihan yan!" Masaya kong sagot sa kaniya Simula nuon palagi na kaming magkasama ni Briana , kapag recitation halos kaming dalawa na lang ang palaging nakakasagot , sa Lunch naman palagi kami ang inuuna binibigyan ng pabor ng mga lalaki si Briana kasi maganda nga ito naging Crush siya ng buong School sa totoo lang. Isang buwan palang kaming pumapasok nun pero halos lahat ng Year sa School kilala siya at pinagpapantasyahan ng lahat. One time nga sinugod siya ng mga babae dahil nakipagbreak daw ang mga boyfriend nila dahil gusto raw si Briana dun na nagsimulang nangbully si Briana lagi niyang pinapatulan ang mga babaeng susugod sa kaniya minsan siya pa ang nangunguna ng gulo pero mas kadalasan kasalanan ng iba. Ilang beses ko na ring pinagsabihan si Briana nuon na wag na lang patulan ang mga babaeng yun dahil wala naman siyang mapapala duon pero ang gaga kong kaibigan nageenjoy daw siya Nang magdalawang buwan kaming pumapasok meron na naman na matunog ang pangalan isa din na Classmate namin si Rhayven Rivera Bakit siya sumisikat? Binubugbug lang naman niya ang mga lalaking humaharang sa kaniya one time kong nasaksihan yun dahil sa mismong harapan ko na tumba ang lalaking sinuntok niya 'apaka gago diba!'. Simula nun palagi nang siniship si Briana at Rhayven nun ang akala ko nuon kaya pinagbibigyan ni Rhayven ang mga student na iship sila dahil trip lang niya Yun pala may gusto pala talaga siya kay Briana nun. Umamin siya one time nasa library kaming dalawa ni Briana may dala siyang Chocolates flowers at teddy bear lahat yun ay para kay Briana. Pero ang gaga kong kaibigan tinanggihan si Rhayven isang linggo pagkatapos ng eksina nun tumigil si Rhayven kay Briana akala ko susuko na eh. Wala naman akong agains sa mga manliligaw ni Briana yun nga lang ako ang tambakan nila ng mga pabigay nila kay Briana yung iba kasi nahihiya raw kay Briana kaya sa akin pinapadaan ako taga bigay 'ginawa nila akong delivery!' Nung lumabas ang result ng Grades namin mataas ang nakuha ko puro line of 99 habang kay Briana may 95-98 Ako ang nagTop 1 at si Briana ang Top 2. Sa sumunod na Quater mas bumaba si Briana hindi ko alam kung bakit pero lagi naman kaming magkasama sa library at laging nagaaral , naging Top1 ulit ako ng 2nd Grading at siya Nagtop2 parin. Pero may nagbago kay Briana mula nun nagiging mainitin ang ulo niya sa akin parang irita siya lagi sa akin. Palagi ko kasi siyang inaaya na maglibrary after ng 2nd grading namin pero hindi na siya sumasama sa akin ewan ko kung bakit. Isang linggo akong magisang tumatambay sa Library dun na rin ako naglalunch nuon puro libro lang ang kaharap ko. One time lunch break nun nasa library ako ng may tumabi sa akin patingin ko si Rhayven. "Wala si Briana dito Rhay baka nasa Canteen!" Sabi ko sa kaniya "Alam ko nakita ko siya kanina kasama ng mga ibang admirers niya!" Sagot naman niya "Eh bat nandito ka dapat makisali ka din dun admirers ka din niya diba haha!" Asar ko sa kaniya inismiran naman niya ako "Pagkatapos niya akong tangihan wag na no!" May inis sa boses niya "Dito na lang ako sasamahan na lang kita!" Ngiti niyang sabi "Naku maboboring ka lang dito dahil puro libro ang kausap ko!" Sabi ko sa kaniya habang nasa libro ang mata "Di mas okay yun nakakapagaral ako!" Masaya niyang sabi "Ikaw ang bahala!" Sagot ko naman sa kaniya Mula nung araw na yun palagi na kaming magkasama ni Rhayven sa Library tuwing Lunch break , sa Room naman tumatabi na siya sa akin habang ang bestfriend ko ayun nakikipag tawanan sa mga lalaking may gusto sa kaniya. --- ;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD