Kabanata 4

3545 Words
Nagsilapitan ang mga Classmate ko nagaabang kung may mangyayari hindi kanais nais! Agad naman nila yun binitawan tinignan ko yun at namumula 'mga depungal kayo!' "Ano Na naman ba ang eksina mo Rhayven ha? Hindi pa ba sapat ang eksina mo kanina? Kailangan may pahabol pa?" Sunod sunod kung tanong sa kaniya "We need to talk?" Seryoso niya akong tinignan "Wala tayong dapat pagusapan!" Cold kong sabi Napatigil siya at inusisa ang mukha ko 'damhin mo ang cold ko hanggang manigas ka pakyu!' "Please Kath kahit kunting oras lang magusap muna tayo!" Pakiusap niya "Hindi kasi ako nakikipagusap kung hindi naman importanteng tao!" Cold ko paring sabi "Bakit ba ang tigas mo na ngayon ha?" Tanong niya ngumisi ako sa kaniya "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?" Cold ko paring sabi "Sino ba pinagmamalaki mo? Itong section nato? Hindi ka magiging Valedictorian kong dito ka nabibilang Kath!" Sermon niya sa akin "Gago! Ano bang basihan mo para makuha ang pagiging Valedictorian? Section? Impluwensya? Tanga Utak ang kailangan dun sa istado mo Wala ka nun puro ka lang paporma!" Sigaw ko sa kaniya masama ko siyang tinignan "Nagbago ka na Kath!" Sabi niya "Thanks to you at sa gagong section niyo! UMALIS KA NA DITO!" Sigaw ko pa ulit sa kaniya "At wag na wag mong nila-lang ang section namin dahil TANGNA mo mas mukha pa silang matino kesa sa section niyo LAYAS!" Dagdag ko pa nanginginig ako sa galit! 'Ang punyetang to ang saya saya naming nagtatawanan dito tapos eeksina para manira ng araw gago!' Nung hindi parin siya gumagalaw para umalis humarang na ang mga classmate ko at sila na ang nagpaalis dito! Naramdaman ko ang pagakbay ni Luke tinignan ko siya ngumiti naman siya habang ako naiyak na , niyakap niya ako at pinapatahan! "Okay lang yan nandito lang kami!" Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko 'Sa sobrang galit ko naiyak ko na lang! Bakit ba kasi ayaw nila akong tigilan!' Tahimik sila habang ako umiiyak lang , nang mahimasmasan na ako bahagya akong lumayo sa kaniya. "Wag ka na umiyak mas lalo kang nagmumukhang Panda!" Mapangasar na sabi ni Zachary Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya , nagtawanan naman ang mga Classmate ko! "Siraulo ka talaga!" nginisihan naman ako ng loko Bumalik na kami sa mga kaniya kaniya naming upuan hindi pala pumasok si Sir kaya pala ang haba ng eksina namin kanina. Inantay na lang namin ang Last subject namin , pagpasok ni Mam nasa akin agad ang tingin niya. "Ms. Young kakausapin ka raw ng Head Teacher you may go bibigyan na lang kita ng copy ng lesson bukas!" Ngumiti siya sa akin "Okay po mam!" Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag "Okay ka lang kath?" Tanong ni Luke nginitian ko siya at tumango "Magchat ka sa GC kung may problema ha!" Alalang sabi niya "Anong gc?" Takang sabi ko "Gc ng section natin inadd ka namin dun!" Paliwanag niya tumango naman ako "Oh sige una na ako!" Ngiti kong sabi sa kaniya tinignan ko rin ang iba pati ang mga katabi ko may pagaalala sa mga mata nila pero nginitian ko lang sila. 'Ilang araw palang kaming nagkakasama mukhang napalapit na ako sa kanila , iba kasi yung bonding eh totoo sila masyado walang kaplastikan hindi katulad sa section 1 halos lahat mga plastik!' Lumabas na ako at naglakad na napapaisip ako bakit naman ako ipapatawag ni Head Teacher 'anjan kaya si Mom?' Patakbo na akong bumaba ng hagdan madadaanan ko ang room ng section 1 baka may humarang na naman kaya tatakbo na lang ako , mabilis ko namang narating ang Head Office kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Nakita kong nagbabasa siya ng mga papel sa ibabaw ng lamesa niya ng tignan ko niya ako ngumiti naman siya. "Sir tawag niyo daw po ako!" Bungad kong sabi Tumayo siya at sumenyas na sundan ko siya binuksan niya ang office ni mommy dito at bumagsak ang balikat ko ng Pagmumukha agad ni Kuya Ang nakita ko kasama si mom! "Hi lil sis miss me!" Ngiting sabi niya sa akin Napangiwi naman ako , miss mo mukha mo chaaarr! "Hindi!" Seryoso kong sabi nalungkot bigla ang mukha niya ,Narinig ko ang pagtawa ni Sir "Kyle hindi ka parin nagbabago isip bata parin tsk!" Sita sa kaniya ni Sir napataas ako ng kilay dahil dun "Kilala mo po si Kuya Sir?" Takang tanong ko "Oo naman lil sis magclassmate kami buong highschool no! Hindi mo ba alam yun hina mo naman!" Mapangasar niyang sabi "Tama ang sabi ng kuya mo Magkaklase kami nuon , mas matanda lang ako sa kaniya dahil accesslaration siya nuon!" Paliwanag ni Sir "Tyaka lil sis kasali siya sa Frat ko no!" Pagyayabang nito ni kuya Masamang tingin ang dinapo ni mom sa kaniya 'ayaw ni mom na isinasali ni kuya ang frat frat niya sa usapan kahit tanggap naman niya yun!' "Luh sir nagpauto ka jan kay Kuya ?" Natawa naman si Sir Busangot naman ang mukha ni kuya bahagya ring natawa si mom "Isa ako sa kanang kamay ng Kuya mo Sa Fraternity niya , Pwede mo rin akong tawaging Kuya kung walang mga istudyante or wala sa school masyadong pormal ang Sir!" Ngiti niyang sabi tumango naman ako "Pwede rin ba akong sumali rin sa Frat niyo?" Inosente kong tanong "NO!!" Sabay sabay nilang sabi mas malakas nga lang kay mom "HAHAHAHA kidding!" Nagpeace sign pa ako sa kanila "Hindi ka pwedeng sumali dun gusto mo bang mapatay ako ng maaga nila grandpa at grandma isali mo na rin si dad at mom magiging doble dead ako nian lil sis!"sabi niya animong nakikiusap na wag ko ng balakin natawa naman ako "Nagbibiro lang ako haha ano palang meron at pinapunta ako dito?" Tanong ko tyaka umupo sa tabi ni Kuya Umupo rin si Sir sa harapan ni kuya si mom naman ang nasa center para kaming nagmemeeting. "I want to know your opinion or suggestion!" Panimula ni mommy Inantay ko pa ang sunod na sa sabihin niya. "Ipapaupgrade ang school baka may gusto kang idagdag o ipaalis?" Tanong ni mom Nakaabang naman si Kuya Kyle at Kuya Afred (Head teacher) sa akin! Nilagay ko ang kamay sa baba at kunyaring nagiisip! "Pwede bang magpaalis ng Student?" Tanong ko "ANO!" Tanong nila ngumisi ako at umiling "Kidding!" Ngisi ko sa kanila "Siguro lagyan na lang ng hagdan dun sa dulo ng section namin ang hirap kasing dumaan sa lahat ng room masyado akong pinapasikat nila Rhayven at Briana sa araw araw nila pagharang sa akin!" Bored kong sabi "Nabalitaan ko nga ang mga yan!" Sabi ni Kuya Alfred "Bakit hindi ka nagsasabi?" Nagaalala namang sabi ni Kuya "Hindi naman sila ganun kasagabal ayoko lang na susugod sila sa Room at pagsasalitaan ng hindi maganda ang mga Classmate ko!" Pagsabi ko sa ginawa ni Rhayven kanina "I give him a warning para hindi na ulit maulit to!" seryosong sabi ni Kuya Alfred "Its okay Kuya kaya ko pa namang ihandle ang mga ugali nila , tyaka baka malaman nila ang koneksyon ko sa iniyo Ayoko lang masabihang kapit sa malakas hehe!" Ngiti kong sabi "Hindi ka naman namin napipigilan sa gusto mo eh hayst!" Bagsak ang balikat ni kuya nilawakan ko pa ang ngiti ko kaya natawa siya "Imomonitor ko na kayo palagi kung sino ang may kasalanan tatanggap ng panishment wag ka nang umangal!" Maauthoridad na sabi ni mom nagkatinginan kaming tatlo nila kuya "Okaaaaayyy!" Mahabang sabi ko "Anyway Anytime from now darating na ang grandparents niyo so be ready okay!" Paalala ni mom Nagkatinginan kami ni kuya sabay sabing ... "Darating na ang delobyo!" Naglalakihan pa ang mga mata namin 'My grandparents , parents ni Dad yun kaya delobyo ang tawag namin dun ni kuya dahil sa ugali nila , si Lolo na istrikto , kapag tumingin siya sayo para kang hinahalukay ang pagkatao mo tapos bigla ka na lang manghihina sa takot , ang boses na hindi mo gugustuhing marinig maauthoridad at bossy , pero sobra namang magbigay sa panganagailangan naming magkapatid wag mo lang siyang susuwayin! Si Lola sweet siya sa amin ni kuya katulad ni lolo binibigay din niya ang gusto namin spoil kung baga pero Kung may hindi siya nagustuhan sa ginawa mo ihanda mo na ang tenga mo dahil rarat-ratin ka niya , istrikta rin si lola sa ibang paraan nga lang , matalim kung tumingin , mataray ang postura , at nakakatakot kung magalit mas nakakatakot pa kay lolo , ang kadalasang nasesermunan sa aming dalawa ni kuya walang iba kundi si kuya haha mula kasi na access siya agad sa highschool nung 10 siya lahat na ng kalokohan sinalihan niya kaya lagi yan napapagalitan ni Lola at Lolo!' "Kailangan ko na palang magdala ng kotse incase na biglaan ang dating nila!" Sabi ko habang nakadukduk sa mesa "Bakit kasi hindi ka nagdadala ng sasakyan sayang naman ang kotse mo!" Sabi ni kuya "Hello! Ang lapit lang ng bahay ko sa School magkokotse pa ako? Duhhh!" Maarte kong sabi ginagaya naman niya bahagya ko nga siyang tinulak ganun din siya sa akin kaya ang ending nagtulakan kaming dalawa! "Tignan mo tong dalawang to parang mga bata!" Sita sa amin ni Kuya Alfred "Haynaku Alfred masanay ka na sa dalawang yan kundi nagbabangayan ayan naglalaro na akala mo 3 years old lang!" Ani ni mom napailing habang natatawa si kuya Alfred Hindi namin sila pinakinggan at tuloy tuloy lang kaming nagtutulakan hindi naman yun ganun kalakasan kaya inienjoy lang namin , ganto kami magbonding ni Kuya eh may pagkaphysicalan haha! Ilang oras lang ay nagbell na ibig sabihin uwian na , tumayo ako at kinuha ang bag ko! "Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya napangiwi ako sa tanong niya "Uuwi malamang!" Pilosopo kong sabi "Magdinner ka na sa bahay ipapahatid na lang kita sa driver pauwi!" Sabi ni mom tumango ako at naupo ulit Binalik ko ang bag ko at lumapit kay mom dahil sa dami ng ginagawa niya 'nung isang araw pa siya maraming ginagawa ano bang meron?' "Mom bat napakarami mo namang paper works? Lahat ba yan related sa School?" Tanong ko sa kaniya habang nagtitingin sa mga papel na binabasa niya "Oo naman baby , ang dad mo kasi tuluyan nang nabili ang School nato dahil lagi naman daw ako nandito kaya ako na raw ang magmanage , itong mga ito mga Budget to ng School !" Patukoy niya sa hawak niya sa kanang kamay "ito naman mga Share ng Shareholder!" Patukoy naman niya sa kaliwang kamay niya na may hawak na papel "Ang na kay Alfred ang mga event ng School ipinahahandle ko na sa kaniya para makaadvance ng Budget hindi mashoshort ang School!" Paliwanag pa niya sa akin Tumango tango naman ako sa kaniya 'kaya naman pala eh ibig sabihin .....!" "Tayo na ang may ari nito mom?" Gulat kong sabi sa kaniya "Yes baby!" Malawak ang ngiti ni mom sa akin Napatakip ako sa bibig ko 'hindi ako makapaniwala OMG!' "Tsk sasabog sa inis si Briana pagnalaman niya to Hahaha!" Sabi ko tyaka ko kinuha ang mga papel na puro shareholder ang laman "Nagkaayos na ba kayo ni Briana?" Tanong ni Kuya habang ang mata nasa TV 'Feeling prinsepe tong ugok nato!' "Hindi na mangyayari yun , nalalamon na siya ng ingit kahit hindi naman niya alam ang lahat sa akin!" Nagbuntong hininga ako "lalo na kaya pagnalaman niya pa to tsk baka isumpa na niya ako haha matatawa lang ako sa itsura niya lalo na pag-naggagalaiti sa galit!" bungisngis ko Napailing si kuya at tumawa din ganun din si kuya Alfred at mom , alam nila ang storya pati si Kuya Alfred kaya pare parehas sila na natawa. Binasa ko ang papel na hawak ko una kasi ang Share ng pamilya ni Briana 10% kaya nga malakas ang loob ng gagang yun na mangbully ng kapwa niya studyate kasi may share sila dito sa School , naalala ko nung 1st year kami lahat ng babaeng sasalubong sa kaniya sa daan sasabunutan niya o kaya itutulak sa hagdan o papatirin para madapa palagi niya yun ginagawa sa lahat , wala namang gustong lumaban dahil natatakot sila na iexpell sila ni Briana 'tsk ewan ko ba paano ko yun naging bestfriend!' Ang sunod naman na papel ay Ang pamilya ni Rhayven parehas kina Briana na 10% ang Share at parehas ng Ugali tsk! Kung sa babae si Briana version naman niya si Rhayven puro lalaki naman ang Pinagdidiskitahan niya naalala ko nun bigla na lang may natumba sa harap ko na lalaki na agad ko namang tinulungan nun pagtingin ko kung anong dahilan nun Sinuntok pala siya ni Rhayven sa kadahilanang Nakaharang daw sa Pinto ng Entrance 'diba apaka gago!' Siniship sila dati ni Briana as a Love Team parehas kasing bully Ang maarte kong bestfriend noon hindi pumapayag sa love team nila hindi naman daw niya type si Rhayven pero ang gagong Rhayven Type pala ang Bestfriend ko , hindi ko alam ang ihip ng hanggin noon kung bakit ako na ang niligawan ni Rhayven Ayun pala isa na ako sa ibubully nila tsk! Ang sunod naman na papel ay sa Pamilya Lopes may share silang 20% mas mataas sila kesa sa pamilya nila Briana at Rhayven , Lopes? May classmate akong Lopes diba? "Si Westley?" Takang tanong ko habang nakatingin sa papel Napatingin sila sa akin na nakakunot ang noo! "Anong sabi mo baby?" Tanong ni Mom "Ito Share ng Lopes , family ni Westley Lopes ba to?" Tanong ko ulit at pinakita kay mom ang papel "Yes Parents ni Westley nga yan!" Pagkukompirma ni Kuya Alfred "Kung may share naman pala siya bakit nasa Last section siya?" Curios kong tanong "Yun kasi ang gusto ng parents niya , barumbado daw kasi si Westley laging napapasabak sa Away kaya inilagay siya dun sa last section , yun din naman ang patakaran ng School kaya dun na siya inilagay marami siyang guidance record nung elementary kaya wala talagang choice!" Mahabang paliwanag ni Kuya Alfred tumango tango ako sa kaniya "Akalain mo yun sa asul niyang mata barumbado pala yun haha!" Tawa kong komento sa sinabi ni kuya Tinignan ko ulit ang kasunod na papel , Pamilya Smith may share silang 30% sila ang pumapangalawa sa share namin 'Teka!' "Si Zachary rin?" Tanong ko ulit na kay Kuya Alfred na ang tingin tumango siya "Ganun din ba ang sinabi ng parents ni Zachary? Kuya?" Tanong ko kay kuya Alfred "Halos magkatulad din ng gusto pero sa part ni Zachary siya ang nagkusang lumipat sa Last section magkakaibigan na kasi ang buong last section mula elementary kaya ayun hanggang high school gusto sama sama sila!" Paliwanag ni Kuya Alfred tumango tango din ako "Haha ang Dagang yun ayaw mawalay sa Mga kaibigan niya tsk tsk!" Tawa tawa kong sabi "Anong daga?" Sabi ni Mom napatawa ako ng maalala ko ang asaran namin kanina "Nagaasaran kasi kami kanina pagkatapos ng lunch time tinawag niya akong Panda kaya tinawag ko siyang Daga Hahaha!" Tawang tawa ko ganun din sila sa akin "Dapat pusa ang itawag sayo dahil mahilig ka kay doraemon eh!" Pangaasar ni kuya "Mas gusto ko naman yun kesa sa panda no! hindi naman malaki mata ko Siraulo yun eh!" Sabi ko Tinignan ko naman ang huling papel yun ang share ng pamilya namin , napanganga na lang ako ng 100% ang share namin dito tapos nakapangalan sa akin ang School ! "Yaaaaaaaaa! Mommy ano to!" Tili kong sabi nagulat naman sila "Ano ka ba lil sis bigla ka na lang tumitili jan!" Reklamo ni kuya "Eh kasi itong share natin sa School what the! Ano to mommy?" Binigay ko kay mommy yung papel at inaantay ang paliwanag niya "Maaga mong nalaman sayang Birthday gift namin dapat to sayo binili ng daddy mo ang school at pinangalan sayo ako ang pinamanage muna dahil nagaaral ka pa wala na tuloy yung suprise namin haha!" Mahinang tawa ni Mom "Buti pa si lil sis may sariling School asan ang akin mommy?" Parang batang ayaw malamangan ng kuya ko "Tapusin muna ang kursong kinuha mo na naman ngayon at ibibigay sayo ng dad mo ang branch na gusto mo gusto niyang ikaw na ang maghandle nun ng mas maaga!" Paliwanag ni mom sa kaniya Napa'O' si kuya kyle at nagtatalon sa tuwa , gustong gusto niya kasi ang isa sa branch ng company ni dad tumutulong na siya dun paminsan minsan yun nga lang panay kuha parin niya ng bagong kurso para raw mas marami siyang malaman pa 'Sobrang talino ng Kuya ko kaya kahit anong kurso ang kunin niya hindi siya nahihirapan , nakakabilib!' "Congrats pre!" Sabi ni Kuya Alfred "Salamat ! Isa ka sa kukuhain kong empleyado Red haha!" Sabi ni kuya sa kaibigan "Hindi ko tatangihan yan basta mataas ang sweldo eh hahaha!" Pare parehas kaming natawa Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala seryoso nato? Wala ng bawian akin na talaga ang 'St. Merry Academy' waaaaaaaaaaahhhhhh im speechless Gabi ng magpaalamanan kami kina kuya Alfred at sa Co-teacher niya! Iisa lang ang kotseng sinasakyan namin may driver na kasama si mom , si kuya sa passenger seat at kami naman sa back seat nakayakap ako kay mom! "Thank you mom sa gift!" Yakap kong sabi sa kaniya niyakap din niya ako "Anything for you and your brother iloveyou both!" Malambing na sabi ni mom "Iloveyou too mom!" Sabi ni kuya Mabilis kaming nakarating sa Mansion , nakaabang na sa amin si Dad pagbaba ko malaki ang ngiti niya sa amin. "Baby!" Galak na sabi ni daddy tyaka patakbong yumakap sa akin ganun din ako 'Namimiss ko na rin sila hehe!' Niyakap din siya ni Kuya at Mom tyaka kami pumasok sa loob. Akay akay ako ni dad at ganun din si Kuya papasok nakaakbay siya sa mga balikat namin. "Ang lalaki na ng mga Baby's namin ah! Lalong gumagwapo ang panganay ko at ang bunso naman namin mas lalong gumaganda tsk may pinagmanahan talaga!" Mayabang na sabi ni Dad nagtawanan naman kami "At kanino naman nagmana Aber!" Nagpameywang si mom sa harap namin Nagkatinginan naman kami tatlo nila dad at kuya at tumawa. "Syempre sa iniyo kami ni dad nagmana mom!" Malambing na sabi ni kuya kay mom Lumapit na si mom sa amin at yumakap , ganito kami magbonding lalo na kapag hindi sila parehas busy sa mga trabaho nila! Nagdinner lang kami at nagkwentuhan , nagpasalamat din ako kay daddy dahil dun sa gift nila sa akin ni mommy sa birthday ko , kahit next month pa naman talaga ang birthday ko ay nakahanda na agad ang regalo nila , hindi sila nabibigong masuprisa ako! Pagkatapos naming kumain nagpaalam na rin ako dahil 10pm na ng gabi masyado ng gabi buti sana kung dala ko ang sasakyan ko kaso hindi eh , ang driver ni mom at dad ang maghahatid sa akin pauwi kaya mas mabuti ng magpahatid agad ako masyado na siya gagabihin sa daan pauwi. Malapit na ang kotse na minamaneho ni mang Arnold ng makita kong may itim na Van sa tapat ng bahay ko. 'Sino kaya ang mga yun?' "Kuya dito na lang ako pakihinto po!" Sabi ko kay mang arnold Ginawa naman niya ang sinabi ko inihinto niya tyaka ako lumabas at paandarin ulit niya paalis. Nandito ako sa kabilang daan na katapat ng bahay ko , nasa dilim para hindi ako makita ng mga taong nakaitim. Pinagmamasdan ko sila kung may gagawin silang masama pero nakatingin lang sila sa bahay ko parang may hinihintay na lalabas. Nasa limang tao sila dahil nakatambay sila sa gate ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng picture pati ang plaka ng sasakyan nila ay kinuhaan ko rin pagkatapos tumawag ako sa barangay sinabi kong may mga nakatambay na mga kalalakihan sa labas ng isang bahay. Maya maya lang ay nakita kong huminto ang mga barangay tanod at kinausap ang mga lalaki dun tyaka pumasok sa Van at umalis na. Lumabas ako sa dilim para makita nila ako. "Kuya tanod!" Tawag ko sa kanila "Mam kayo po ba ang tumawag kanina?" Tanong sakin ng isang tanod "Opo kuya sino daw po sila bakit sila nagaabang sa bahay ko?" Takang tanong ko "Kaibigan ka daw nila at gusto ka daw nila madalaw kaso raw mukhang wala ka raw kaya ayun umalis na sila!" Mahabang paliwanag nila "Hindi ko po kilala ang mga yun kuya kanina ko pa sila pinagmamasdan mula dun!" Patukoy ko sa dilim na pinagtataguan ko "at wala akong niisang mamukhaan sa kanila na kakilala ko!" Paliwanag ko sa kaniya "Ganun po ba mam sige po hihigpitan po namin ang pagroronda dito sa street na ito!" Sabi ni kuya tanod "Sige po kuya salamat po!" Tugon ko naman sa kaniya "Ilock mo na lang po lahat ng pinto pati rin itong gate mo kapag may kakaiba po kayong naramdaman tumawag po kayo sa amin o ng pulis mam!" Paalala niyang sabi sakin "Opo kuya salamat po!" Sabi ko at pinapasok na ako nila ginawa ko naman ang utos nila nilock ko ang Gate at mga Pintuan Naglinis muna ako saglit sa buong bahay pagkatapos naglinis ng katawan tyaka pumunta ng kwarto para matulog. 'sana maging safe parin ako dito kung hindi mapipilitan akong umuwi sa Mansion hayyyst!' --- :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD