Kabanata 3

3081 Words
Tumayo ulit ako at pumunta sa kwarto para kumuha ng damit para sa kaniya kulay gray na tshirt ang napili ko tyaka lumabas ng kwarto binigay ko naman yun sa kaniya tinanggap naman niya. *DIIINNNGGGDOOONNNGGGG* Rinig namin ang pagdoorbell kaya napatayo ulit ako at kinuha ang wallet ko. "Anjan na yung food!" Anunsyo ko tyaka patakbong pumunta sa Gate para puntahan ang delivery boy "Good evning Mam!" Bati niya sa akin "Good evning din po kuya!" Balik kong bati sa kaniya "Credit card po ba o cash mam?" Tanong niya "Credit card po kuya!" Sagot ko May kinuha siyang parang malaking Phone tyaka ko binigay ang Card ko at iniswipe niya dun binigay naman niya ang resibo ko tyaka Nilabas ang order ko mga nasa Sampong plastik iyon tiglima sa magkabilang kamay ko. "Kaya niyo po ba mam ipasok?" Alala niyang tanong "Opo kuya salamat!" Tumango ako sa kaniya at pumasok na sa loob Malapit na ako sa Pintuan ng puntahan ako ni Westley at kuhain ang mga dala ko. "Ako na!" Seryoso niyang sabi "Sige salamat!" Sagot ko Bumalik ako sa Gate para isara ng maayos yun pero may nahagip ang mata ko na Itim na kotse. 'Ano naman kaya ang ginagawa niyan dito tsk!' Pumasok na ako sa loob para makikain na rin gutom na rin ako eh 6:00 pm na rin kasi eh! Naabutan kong nakalagay lang sa dinning table ang binili ko at walang gumagalaw kaya napakunot ang Noo ko! "Oh? Bakit hindi pa kayo kumuha ng pagkain?" Tanong ko nang maupo sa pwesto ko katabi ko parin si Zachary na nakapagbihis na "Inaantay ka namin eh!" Si Luke ang sumagot nagtaka naman ako "Haha kuhain niyo na ang pagkain niyo ano ba kayo inantay niyo pa talaga ako sige na!" Tawa kong sabi sa kanila Nagsitayuan na sila at isa isang kumuha ng pagkain , inilagay din nila sa harap namin ni Zachary ang pagkaing para sa amin. Napatingin naman ako kay Zachary kasi hindi pa siya kumakain 'ay sorry nakalimutan ko gagamutin ko pala ang sugat niya haha!' Kumuha ako ng bulak at gamot tyaka dinampi sa sugat niya nadiinan ko ata ang Pagdampi kasi napaaray siya 'hehe sorry na po!' "Argh! Masakit!" Daing niya tapos tumingin sa akin ng masama "Sorry sorry hihipan ko na lang!" Sabi ko sa kaniya Ginawa ko naman yun habang dinadampian ng gamot hinihipan ko para hindi niya masyadong maramdaman ang hapdi! Napapatingin ako sa mga mata niya para kasing tinatawag ako , kusang lumalanding dun ang mga mata ko kaya napapatigil din ako sa ginagawa ko , paminsan minsan ko din na iniiwas ang tingin ko para lang matapos agad ang ginagawa ko , nakakaadik ang mga mata niya hindi maalis dun ang mga tingin ko! Nang matapos ko na ang ginagawa ko inutusan ko na siyang kumain iniligpit ko muna ang pinaggamitan namin bago ako kumain. Naging tahimik sa loob parang may dumaan na angel nakakabingi. "Buksan niyo kaya yung TV ang tahimik niyo eh!" Sabi ko sabay turo sa Flatscreen na TV "San ba bukasan nian?" Si Ajax ang pinakamalapit dun kaya siya ang nagbukas "Manood na lang tayo ng Movie pwede Kath?" Tanong ni Dominic "Oum pwede!" Tumango ako sa kanila Lumapit na rin ako sa kanila sa harap ng TV at tinulungan silang iset yun. "Ano bang panonoorin niyo?" Tanong ko Binuksan ko ang TV at bumungad sa amin ang Cute na Picture ko na may yakap na Doraemon! 'Wotwot ang Cute!' 'Ang ganda naman niyan!' 'Ang cute cute mo jan Kath!' Nahiya ako sa kumento nila sa picture ko 'mga sira talaga to!' Touch screen ang TV ko pwede rin siyang lagyan ng picture na gusto mo bilang wallpapaer nakaconnect to sa Wifi ko kaya pwede ako magsearch ng movie na gusto ko! "Wooooooooooowwwwwwww!" Sabay sabay nilang sabi ng makita ang ginawa ko sa TV. "Anong gusto niyong panoorin?" Tanong ko Nagisip naman sila at sabay sabay nagsalita 'Aksyon movie!' 'Horror movie!' 'LOVE STORY MOVIE!' Napalakas ang pagkasabi ni Luke nun napatango ang iba sa kaniya, ngumiwi naman ako. "Ang Corny mo namang magsuggest!" Nakakunot ang noo kong sabi sa kaniya "Diba gusto ng mga babae ang love story movie bat ikaw ayaw mo?" Takang tanong ni Luke ,Umiling ako sa kaniya "Masyadong Mais iba na lang!" Sabi ko tyaka naghanap ng pwedeng panoorin Nagscroll lang ako at pinakita sa kanila ng makahanap sila yun na lang ang pinlay ko tyaka bumalik sa inuupuan ko. 'Hindi ko pa natatapos ang pagkain ko!' Ilang oras din ang ginugul namin sa panonood lahat sila nakatutok sa pinapanood. Ako naman nilinis ang pinagkainan namin hinugasan din ang mga basong pinaginuman namin. Pagkatapos naupo ulit ako , napansin kong may nakatitig sa akin kaya nilingon ko yun. 'Si Vincent , Westley at Zachary?' "Bakit?" Takang tanong ko umiling lang sila at nag iwas ng tingin Maya maya lang ay natapos din ang movie dun na sila nagpaalam na uuwi na sila. 'Salamat kath uwi na kami!' 'Kita na lang ulit tayo sa School!' 'Salamat ulit!' Sabay sabay nilang sabi sa akin ng maihatid ko sila sa Gate kumaway pa ako sa kanila hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Nilock at sinarado ko ang Gate ganun din ang pintuan sa loob tyaka naglinis ng kaunti at nagpasya nang matulog. 'Mahaba ang araw na to kailangan ko ng lakas para sa ilang araw pang darating hayst!' Panibagong araw panibagong eksina na naman ni Briana! Ako ang naiistress sa kaniya sa pinaggagawa niya tapos kapag natalo siya sa sagutan namin babawi siya sa phisicalan! 'Minsan iniisip ko baka namimiss niya ako kaya laging nagpapapansin !' Nasa room na ako ngayon yun nga lang naiba na ang pwesto ng upuan ko! Nasa dulong bahagi parin ako pero pinaggigitnaan naman ako ng mga boys! 'Vincent,Westley,Zachary,Me,Luke,Matthew at Nathan' Kami lang yung hilera dito sa likod na puno ang upuan , sa harapan kasi namin may baitang ang pagitan nila marami kasing upuan kaya ganun kahit saan pwede silang maupo. Nagsunod sunod na ang pagpasok ng mga Teacher namin at ang masasabi ko lang 'tinambakan nila kami tsk!' Sinasabi ko na nga ba eh kaya malaya nila kaming pinagbigyan nung 1st day dahil tatambakan nila kami araw araw ng maraming aralin! Tulad ngayon Filipino na ang Subject namin bago magpaalam si Mam nagiwan muna siya ng sandamakmak na assignment! Pero hindi daw niya tatanggapin kung galing sa internet ang sagot madali daw kasing icopy at paste tapos may sagot ka na , ang gusto niya dun kami sa library at dun maghanap ng sagot sa assignment namin bawal print kailangan hand written 'pahirap to si mam!' Kaya paglunch break imbes na sasabay ako sa kanila maglunch mas pinili kong pumunta ng library para sa assignment namin! "Kath hindi ka ba dito maglalunch?" Tanong ni Matthew nang mapansin niya akong nagpatakeout ng order umiling ako "Eh saan ka? Ayaw mo ba kaming kasama?" Malungkot na sabi ni Luke parang batang ayaw isama ng nanay niya napatawa naman ako Napatingin na rin sa akin ang mga Classmate namin nagaantay ng sagot ko. "Hindi naman sa ganun sa Library kasi ako kakain habang ginagawa ang assignment natin !" Paliwanag ko sa kanila tumango tango naman sila "Sige una na ko!" Paalam ko tyaka sila kinawayan Malapit na ako sa exit ng makasalubong ko si Rhayven! Seryoso ang tingin niya sa akin at tinignan niya rin ang dala kong pagkain. "Sa library ka maglalunch?" Tanong niya nilagpasan ko lang siya at di sinagot 'Pakeilam ba niya tsk!' Nakaramdam ako ng tao sa likod ko kaya tinignan ko naman to. Nagulat akong nasa likod ko si Westley nangunot noo ko! 'San naman punta neto?' "San ka punta?" Tanong ko sa kaniya na sinabayan na siyang maglakad "Sa may Gate may nagaantay kasi sa akin eh!" Kamot ulo niyang sabi tumango naman ako 'baka girlfriend!' "Girlfriend mo! Sige enjoy bye!" Hindi ko na inantay ang sagot niya lumiko na ako para makapasok sa Library! 'Buti pa sila seryoso sila sa mga babaeng mahal nila! Samantalang ako hayssst!' Humarap agad ako sa nagbabantay dito kilala niya ako close kami eh haha "Kath!" Bati niya sa akin "Hello kamusta?" Tanong ko "Okay naman may hihiramin ka bang libro?" Tanong niya "Maghahanap muna ako tapos mamayang uwian ko dadalhin okay lang?" Pagpapaalam ko "Sige kuhain muna tapos iwan mo lang yung card mo para mamaya ibigay ko na lang sayo!" Ngiti niyang sabi sa akin ganun din ang ginawa ko Ang balak ko sana ngayon gawin yung filipino kaso isang oras lang ang lunch kaya ang English at Math muna ang inuna ko kinuha ko na lang ang librong gagamitin ko sa Filipino at iuwi na lang mamayang uwian. Nang matapos ko ang English at Math sa Filipino naman ako nagfocus ibinalik ko ang mga librong ginamit ko tyaka naghanap ng ibang libro para sa Filipino. 'Alam niyo yung mahirap paghindi ka masyadong matangkad pagmay gusto kang abutin tapos di mo abot Badtrip diba!' Kahit anong abot ko hindi ko talaga maabot , maya maya may kamay nang umabot nun kaya tinignan ko siya. "Zachary!" Tawag ko sa kaniya Inabot niya sa akin ang libro kaya tinanggap ko naman. "Salamat!" Ngiti ko sa kaniya "Tapos na yung lunch balik na tayo sa Room!" Sabi niya tapos tumalikod at naglakad 'Sinundo lang pala niya ako!' Dalawang libro ang nakuha ko para sa Filipino binigay ko iyon sa Tagabantay at nagiwan ng card. "Iwan ko na to mamaya ko na balikan ha!" Ngiti kong sabi sa kaniya "Sige sige aral mabuti!" Ngiti niya ring sabi Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na rin ng Library akala ko iniwan ako ni Zachary hindi pa pala nakasandal siya sa gilid kaya pinuntahan ko na siya. "Psst! Tara na sa room!" Aya ko sa kaniya at naglakad na Nakasunod naman siya sa akin feeling ko pinagmamasdan niya ang lakad ko bigla tuloy akong nahiya. "Nandun na lahat ng Classmate natin?" Tanong ko sa kaniya para lang mabawasan ang katahimikan 'Para tuloy kaming naglalakad sa sementeryo dahil ang tahimik!' "Oo kanina pa nagpaiwan lang ako para sabihan ka!" Paliwanag niya napangiti naman ako "Salamat kung ganun!" Masaya kong sabi "Ilan taon ka na Zachary?" Tanong ko ulit "17!" Sagot niya sakin 'Mas matanda siya ng isang taon sa akin 16 palang ako eh mag17 palang sa Susunod na buwan!' "Bakit ka nga pala napunta sa Last Section?" Tanong ko ulit Wala siyang sinagot mukhang ayaw niyang pagusapan. "Since 1st year magkakasama na kayo sa Last Section?" Tanong ko ulit pero di na naman siya nagsasalita Tuloy tuloy lang kami sa hagdan paakyat 'para naman akong nakikipagusap sa hangin!' "Uso ba sayong magsalita?" Tanong ko ulit tinignan niya ako ng masama tyaka ako tumawa "Hahaha parang hangin ang kasama ko hindi nagsasalita!" Sabi ko patukoy sa kaniya "Ang dami mong tanong at ang daldal mo!" Medyo may irita sa boses niya kaya natawa na naman ako Nasa 3rd floor na kami at tawa parin ako ng tawa , na wala lang ang tawa ko ng harangin kami ng grupo ni Rhayven! "Ito na naman siya tsk!" Bulong ko pero mukhang narinig ni Zachary dahil tumingin siya sa akin. "Bakit kasama mo na naman ang lalaking to Kath?" May inis ang boses niya nagkatinginan kami ni Zachary 'Gago to malamang magclassmate kami engot!' Kinuha ko ang braso ni Zachary tapos ay hinatak siya para malagpasan sila pero hindi pa kami nakakalayo hinatak naman ni Rhayven ang braso ko. 'Mahigpit sobrang higpit at masakit!' "Sagutin mo ang tanong ko!" Galit niyang sabi Pwersahan kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Naglabasan ang mga Classmate nila napatingin din ako sa likod niya andun si Briana na salubong na ang kilay magsasalita na dapat siya pero inunahan ko siya! "Bakit ano ba kita?" Cold kong sabi "Boyfriend mo ko Kath!" Napalakas ang boses niya kaya kitang kita ko ang bigla sa mukha ni Briana "Teka Kelan pa? Bakit hindi ako nainform?" Taka kong sabi sa kaniya "Malandi ka talaga!" Sigaw ni Briana na kinagulat ni Rhayven Susugurin niya dapat ako pero pinigilan siya ni Rhayven. "Briana Stop it!" Pigil sa kaniya ni Rhayven Tumingin ako sa katabi ko ng kalabitin niya ako sininyasan niya ako bumalik na kami sa Room kaya tinalikuran ko na sila Rhayven at Briana habang nagaaway! 'Bahala kayo magpatayan jan Deserve niyo naman!' "Ex mo si Revira?" Tanong ni Zachary nagulat ako kasi nagsalita siya "OMG! Nagsasalita ka pala? HAHAHA!" Tawa ko sa kaniya Hindi ko na malayan nasa Room na pala kami kaya napatingin sa amin ang mga classmate namin. "Manahimik ka!" May pagbabanta sa boses niya "Hahaha!" Walang tigil ko paring tawa tyaka naupo sa bangko ko Mas lalo ako natawa dahil salubong ang kilay niya at masamang nakatingin sa akin! "Ehem ehem!" Pekeng ubo ni Luke tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti paglingon ko sa kabila ang salubong na kilay ni Zachary ang nakita ko ulit. "Pfffftt!!" Pigil kong tawa sa kaniya "Tumigil ka na hindi na ako natutuwa!" Banta na naman niya Nagtataka namang nagsalitan ng tingin ang mga classmate namin sa amin. "Hindi ko mapigilan hahaha!" Tawa ko parin , tumayo siya at nagwalkout 'Patay napikon ata!' "Patay nagalit si Boss!" Dinig kong sabi ni Phoenix "Ano ba kasing nangyari at tawa ka ng tawa jan napikon na yun si Zach!" Seryosong sabi ni Westley Napasimangot naman ako 'parang binibiro lang eh!' Tumayo ako at sinundan ko ang browneyes na yun , naglalakad na siya palayo kaya tumakbo ako sa kaniya. "Woyy? San ka pupunta?" Kalabit ko sa kaniya "Bakit nandito ka?" Inis niyang sabi Pinahinto ko na siya at iniharap sa akin 'mukhang naoffend ko nga siya!' "Sorry na hehe galit ka ba?" Nag peace sign pa ako "Tsk ayoko sa lahat yung pinagtatawanan ako!" Seryoso niyang sabi napatango naman ako "Okay Sorry na po!" Nagpacute pa ako para lang tangapin niya ang apologize ko. 'Sana lang effective hehe!' "Tsk fine wag kang magpacute mukhang kang .....!" Bitin niyang sabi sinamaan ko siya ng tingin 'subukan mo lang!' "Oh anong ginagawa niyo pa jan? Magsisimula na ang klase natin pumasok na kayo!" Tawag pansin sa amin ni Sir habang papalapit Bumalik na rin kami sa room at parehong naupo sa bangko namin. Tinitigan pa ako ni Luke at Westley siguro kinucomfirm kung okay na ba kami ni Zachary! 'Mukha kang PANDA!' Rinig kong bulong ni Zachary 'Ano ako Panda? Kelan pa lumaki ang mata ko tyaka hindi naman ako mataba ah! Tumingin ako sa kaniya at nanlilisik siyang tinignan , ang loko pasimpleng tumatawa dahil sa kalokohan niya! 'Pasalamat ka anjan na si sir Humanda ka mamaya!' Banda ko sa kaniya Natatawa parin siya pigil na pigil 'mautot ka sana sa kakapigil mo jan!' Nagtuloy tuloy sa pagdiscuss si Sir habang ako nagtatake down notes sa mga sinasabi niya bihira kasi siyang magpasulat halos lahat dinidiscuss lang niya kaya mas mainam ng may notes ako kahit papaano. Napatingin ako sa paligid ko mukha silang boring na boring , sa kaliwa ko nakalumbaba si Luke , si Matthew naman Mukhang nakikinig pero halatang naiinip sa mga sinasabi ni sir habang , si Nathan ayun malapit nang makatulog , sa kanan ko naman ang seryosong mukha nila ang bumungad sa akin si Vincent na nakacrossarms pa habang nakatingin kay sir , si Westley na naglalaro ng ballpen habang nakatingin kay sir at si Zachary namang seryoso tapos pagtingin sa akin ngingisi inambaan ko siya ng kamao natawa lang siya 'Siraulo talaga!' "Good bye class!" Paalam ni Sir buti na lang hindi sobrang dami ang iniwan niyang assignment ! Matagal tagal pang pumasok ang sunod na teacher kaya binalikan ko ang siraulong to! Tinignan ko siya ng masama ng Tumawa siya ng malakas at agad ng lumayo sa akin! "Ikaw na siraulo ka!" Inis kong sabi sa kaniya hinabol ko siya hanggang sa makakaya ko pero ang siraulo ayun nagpaikot ikot sa classroom kaya ending ko paikot ikot din "HAHAHAHA mukha kang Panda!" Malakas na naman niyang tawa Halos lahat tuloy ng Classmate ko nakitawa rin sa kaniya sabay tingin sa akin! "IKAW NAMAN MUKHA KANG DAGA!" sigaw ko naman napatahimik sila pati si Zachary Nagkatinginan silang lahat akala ko susugurin nila ako pero .... "WHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay sabay silang nagtawanan maliban kay Zachary na salubong ang kilay nagpeace sign ako sa kaniya kaso mukhang nagalit ata! Malalaki ang hakbang niya papalapit sa akin! "OH NO! waaaaaaaaaaaaaa!" Tili ko habang tumatakbo palayo sa kaniya "Ah daga pala ah halika dito!" Patakbo siya sa akin Nababangga ko na ang ibang classmate ko minsan inihaharang ko sila para di ako maabot nitong daga na to! Natatawa din ako kahit tumatakbo ako palayo sa kaniya , lumapit ako kay Westley at pinangharang ko siya "Magsitigil na nga kayo para kayong mga bata!" Aniya sa amin na animong naboboring na sa takbuhan namin Napatigil na lang si Zachary at inayos ang Uniform niya bigla na lang umalis sa harap ko si Westley kaya kaharap ko na ang daga nato! Aalis na dapat ko ng kuhain niya ang braso ko! "Waaaaaaaaaaaaa!!" Tili ko nagpupumiglas pa ako tinignan ko si Westley na tinatawanan ako 'Siraulong yun alagad siguro siya nitong daga nato daga na rin siya!' Bigla na lang niya akong kiniliti sa tagiliran na kina tili ko ulit! "Hoy wag kang mangiliti ...... isa tama na hahaha .... makulit ka talagang daga ka no!" tawa kong sabi habang kinikiliti niya ako "At ikaw naman Panda ka!" Asar niya rin sa akin pero wala parin siyang tigil sa pagkiliti! "Katherine!" Boses ng kung sino kaya napatigil siya sa ginagawa niya sabay kaming napatingin sa pintuan 'Tsk! Ginagawa na naman niya dito!' Nawala ang ngiti ko sa labi tsk Kelan ba ako tatantanan nila lumipat na nga ako ng section para hindi sila makasama , sila naman tong lapit ng lapit tapos ngayon pupuntahan pa ako! Lumakad siya palapit sa akin at hatakin ang kamay ko para hilain hindi naman niya ako ganun nahatak ng mabilis ng may humatak din sa isa ko pang kamay Thanks to Zachary! "Bitawan mo siya!" Seryosong sabi niya "Sino ka para pigilan ako!" Matapang na sabi ni Rhayven sa kaniya "Sino ka rin ba at nanghahatak na lang bigla?" Matapang ding sabi ni Zachary Matalim silang nagkatitigan kung kutsilyo lang ang mga tinginan nila siguro patay na silang dalawa! Unti unti ako nakakaramdama ng sakit sa magkabila kong kamay 'humihigpit ang kapit nila sa kamay ko putek!' "MASAKIT!!!" Sigaw ko sa kanila --- :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD