Kabanata 2

3085 Words
Nasa Hagdan na kami papaakyat ng may nagmamadaling bumaba sinasalubong kami , dahil nasa Gilid ako mabilis niya akong nabanga kaya ang ending ko ayun hulog! 'Kath?' 'Kath okay ka lang?' 'Kaya mo bang tumayo?' Sabay sabay na tawag sa akin ng mga Classmate ko. 's**t nakakahiya!' Tinignan ko kung sino ang bumanga sa akin , naginit lang ang ulo ko lalo its her again ang Ex bestie ko si Briana. "Oooppppsss! Sorry nakaharang ka kasi eh!" Tumalikod na siya at hahakbang na pababa ng iharang ko ang paa ko , Gumulong siya pababa dahil dun Tumayo ako at inayos ang sarili ko 'akala mo naman uurungan kita duhh!' "Ooohhh sorry dear bagal mo kasi bumaba eh ingat nexttime!" Nginitian ko siya ng nakakaloko kaya kita ko mula dito sa kinatatayuan ko ang magulo niyang buhok at galit niyang mukha! "HAHAHAHA!!" Pinagtawanan siya ng lahat na nakakakita lalo na ang mga Classmate ko Umakyat na ulit ako at sumabay sa mga Classmate ko 'hindi na siya obra sa sagutan kaya sa physical na siya bumabawe tsk madumi talaga siya lumaban!' "Okay ka lang Kath?" Tanong ni Nathan "Okay lang hindi naman ganun kataas hinulugan ko eh mas Solid pa nga yung hinulugan niya eh!" Sagot ko sa kaniya "HAHAHAHA!" Sabay sabay naman naming tawa 'Plakda talaga eh haha!' 'Sakit sa likod nun haha!' 'Hindi papatalo ang Kath natin!' "Meow meow meow!" Sinamaan ko ng tingin si Luke dahil sa sinabi niya 'siraulo talaga to !' Pumasok na kami sa Room ng nagtatawanan parang naging kasundo ko sila kasi pinapatulan ko kalokohan ni Briana na kinatutuwa naman ng mga to! Ilang oras lang dumating na ang sunod na teacher namin si Sir Villar History Teacher. "Good afternoon class, free kayo ngayon pero bukas start na tayo ng lesson magaattendance lang muna ako!" Deretso niyang paliwanag Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin , ganun lang ulit katulad ng ibang teacher namin. 'Feel ko tuloy Hinahayaan nila kami ngayon dahil bukas at sa susunod pa na mga araw tatambakan nila kami ng gawain Ahmp!' Pagkatapos ng ginawa ni sir nagpaalam na siya sa amin at lumabas na. "Kath?" Tawag sa akin ni Luke Tinignan ko siya para malaman kung bakit! "Bakit pala kayo magkaaway ni Torres? Di ba magclassmate kayo dati? Siya ba ang dahilan ng paglipat mo dito?" Sunod sunod niyang tanong Tumingin na sa amin si Nathan at Matthew nagaantay din ng sagot ko. Umiwas ako ng tingin sa bintana ko iyon dinapo. "Mahabang kwento pero isa rin yun sa dahilan ko pati na rin ang inggit niya na pati pagkakaibigan namin sinayang niya!" Napabuntong hininga ako at humarap sa kanila Nagulat akong ng makita na nasa paligid na namin ang iba pang classmate namin. "Nakakalungkot naman pala ang nangyari!" Nakalumbaba si Luke habang nakatingin sa akin at malungkot ang Mukha "Hahaha para kang sira!" Tawa ko sa mukha niya 'Paghahandaan ko! Paghahandaan kong sabihin sa kanila ang dahilan ko pero sa ngayon wala pa akong lakas ng loob para magkwento sa kanila! Ito na naman kasi ako eh madaling nagtiwala, madaling nakisama at madaling naging komportable sa Kanila! Nagkaroon na ako ng Trust Issue na ang nagiisang pinagkakatiwalaan ko na lang ngayon ang dad ko, mom ko at kuya ko bukod sa kanila ay wala na! Hindi ko gusto maglihim sa kanila pero masisisi ba nila ako kung sa dalawang taon ng high school eh naloko ako , pinaniwala at pinasakay sa mga bagay na akala ko totoo!' "Ms.Young?" Natauhan ako ng tawagin ako ni sir Hindi ko namalayan na nandito na siya at mukhang lutang na lutang ang utak ko tsk! "Yes po sir!" Sagot ko "May problema ba?" Alala niyang tanong sa akin napatingin na rin sa akin ang ibang classmate ko "Wala po sir sorry!" Paumanhin ko "Its okay !" Tipid siyang ngumiti tapos ay lumabas na ng Room Nagtaka naman ako bakit lumabas na siya ng room 'anyare?' "Tapos na agad si Sir?" Tanong ko kay Luke "Oo limang beses ka nga niya tinawag dahil nagattendance lang naman siya kaso parang ang lalim ng iniisip mo jan!" Pagpapaliwanag niya sa akin "s**t!" Taranta kong sabi napakamot na rin ako sa ulo ko 'Ganun na ba ako kalutang na Hindi ko man lang namalayan napumasok si sir sa Room, nagattendance ng lahat tapos Lutang parin ako aarrgghh! Kainis!' Tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko narinig ko pa ang tawag ni Luke at Nathan sa akin pero mabilis pa kay Flash ako tumakbo pa ibaba muntik na nga ako madulas sa hagdan para lang makababa at makapunta sa Restroom. Pagpasok ko pasalamat ako walang tao walang nakakita sa akin , pumasok naman ako sa isang cubicle at dun nagstay ng matagal hindi naman siguro ako hahanapin ng kung sino dahil attendance lang naman ang ginagawa. Napahilamos na lang ako sa mukha dahil ito na naman ako nagiging lutang dahil sa kanila , dahil sa kagaguhang ginawa nila sa akin. Bakit kasi sa lahat ng itatanong ni Luke eh yung issue na yun pa , pero wala naman kasi silang alam tungkol sa akin kaya hindi ko rin siya masisisi haaaayyyssst!! 'Ang sakit sa ulo!' Ilang oras pa ako nagstay dun may naririnig akong naglalabas pasok dun pero hinahayaan ko lang 'paki ko sa kanila!' *RRRIIIINNNNGGGGGGGGGG!!!!* Nagulat pa ako ng magbell , uwian na hindi na ako nakapasok ng Last subject pero okay lang naman un isang attendance lang naman ang namiss ko eh! Nagdisisyon na akong lumabas sa cubicle at naghilamos ng mukha kailangan ko ng umuwi nagugutom na ako eh! Paglabas ko ng Restroom nakikita kong palabas na ang halos lahat ng student inantay ko na lang naumunti sila tyaka ako lalabas mamaya masalubong ko pa ang mga classmate ko tanongin na naman nila ako hayst! Nang masiguro ko nang okay na kakaunti na lang ang student tyaka na ako naglakad palabas ! Daig ko pa ang nagsagala sa sobrang bagal ko maglakad parang bumagsak naman kasi ang katawan ko sa pagod hayst! 'Agggrrrhhh!' 'Gago ka masakit yun!' 'Humanda ka sakin!' Paliko na ako sa kanto malayo sa School ng may marinig akong ingay! Ingay na parang nagkakagulo? Mabilis ako lumakad at sinundan ang ingay na yun at hindi nga ako nagkamali nagkakagulo nga sila o sa madaling salita nagsusuntutukan sila! Napakunot ang noo ko ng mamukhaan ang ilan na student nakikipagpalitan ng suntok sa kapwa nilang student magkaiba nga lang ng uniform, Luke? Napatingin ako sa lalaking sinisipa ng dalawang lalaki pa napahiga na siya at dumadaing ng sakit ! 'Abay mga gagong to ah Classmate ko yan!' "TUMIGIL NA KAYOOOO!" Sigaw ko sa kanila na kinatigil din nila ang iba nakatalikod sa akin "Sinong gagong to ang nangingiilam?" Galit na sabi ng kabilang School Tinignan ko siya ng masama ng lingunin niya ako! "MAS GAGO KA!" Sigaw ko sa kaniya Nakita ko ang takot at kaba sa mga mata niya , tinignan ko rin ang ibang classmate niya ganun din ang itsura nila natatakot sila. "M-m-m-ma---!" Hindi na niya natapos ang sa sabihin niya unti unti na siyang umatras habang paabante naman ako ng lakad papunta sa harap nila "GAGO HINDI AKO MAMA MO ! LAYAS!!!" Sigaw ko ulit sa kanila Nagtakbuhan naman sila paalis 'mga bwesit na to sinabi ng wag ang mga Schoolmate ko eh!' Binalingan ko si Luke at inalalayan na tumayo 'tsk another pasa na naman siya!' "Ano sa tingin mo ang ginawa mo ha?" Inis na sabi ni Zachary sa Akin ngayon ko lang napansin na kompleto pala sila dito! "Pinaalis sila!" Pagdadahilan ko "Paano kung hindi mo sila napaalis at ikaw ang pagbuntungan nila ha!" Galit na niyang sabi "A-ano p-pasensiya n-na!" Paghingi ko ng tawad sa kanila nakayuko na ako "Wag ka kasing mangiilam ng Gulo ng iba dahil pag ikaw ang binuntungan nila kunsensya ka pa namin pakielamera!" Galit na talaga niyang sabi napayuko na lang ako 'Mali ko ba talaga na tulungan ko sila?' "Sorry! Pero hindi rin kasi kaya ng kunsensya ko na makita kong binubugbug ang mga classmate ko hindi naman ako pipe para hindi magsalita kaya hanggat kaya kong umawat ,aawat ako gusto niyo man o hindi!" Sabi ko tyaka Bumuntong hininga nagkatitigan pa kami bago siya umiwas at lumapit kina Westley at Vincent na tinulungan din niyang makatayo 'Okay lang yun kath!' 'Salamat kath!' 'Salamat sa tulong kath!' Sabi ng iba sa akin nginitian ko naman sila bumaling naman ako sa katabi ko. Napailing na naman ako at tinuro silang tatlo. "Nadagdagan na naman ang pasa niyo tsk!" Sita ko sa kanila "Okay lang gwapo parin ako haha!" Mayabang paring sabi ni Luke "Ewan ko sayo! Tara gamutin natin yang mga sugat niyo!" Aya ko sa kanila "Ha? Okay lang kath uuwi na lang kami baka pagalitan ka ng parents mo pagnakita kami eh!" Kamot ulong sabi ni Blake na akay naman si Phoenix "Hindi ako lang naman sa bahay ko wala dun ang parents ko tyaka tiyan lang sa pangatlong bahay ang bahay ko malapit lang sige na wag na kayo tumangi!" Pagpupumilit ko pare parehas silang tumango sa akin at pinangunahan ko na silang maglakad , lumilingon ako sa kanila at kitang kita ang paginda nila sa bugbug na natamo nila. Tinignan ko sila nathan ,matthew at luke lumapit ako sa kanila at inalalayan si Luke hirap kasi siyang lumakad sabagay sipain pa naman eh hayst! Nasa tapat na kami ng Gate humiwalay ako sa kaniya tyaka kinuha ang susi sa bag ko at buksan ang gate linawakan ko ang pagbukas nun para makapasok silang lahat huling pumasok sila Zachary at Westley na may masamang tingin sa akin! Pagsarado ko ng gate tumakbo naman ako papunta sa pintuan para isusi ang doornob, pagbukas ko ng pinto nilagyan ko lang ng harang ang pintuan para nakabukas lang siya , binuksan ko ang ilaw at hinayaan silang pumasok lahat , napasapo ako sa noo kasi naman ang theme ng buong bahay ko ay 'Doraemon' lahat ng gamit ko kulay blue o may mukha ni doraemon 'sana di nila ako pagtawanan huhu!' "Ano! feel at home lang kayo !" Nahihiya kong sabi Naupo ang iba sa kanila sa dalawang sofa na nasa harap ng Tv sila Nathan naman naupo sa may dinning napansin ko namang tinitignan nila ang buong bahay! 'Wow ang ganda ng bahay mo kath!' 'Para tayong nasa bahay ni nubita !' 'Ngayon lang ako nakakita na babaeng mahilig sa blue!' Sari saring kumento nila napangiti na lang ako akala ko kasi pagtatawanan nila ako eh hehehe "Sandali lang kukuhain ko lang yung firstaid kit !" Paalam ko sa kanila Inilagay ko muna ang bag ko sa kwarto tyaka pumasok sa storage room, binuksan ko ang isa sa kabinet dun kung saan nakalagay ang emergency kit ko tyaka kinuha ang box. Paglabas ko inilapag ko sa may dinning table sa harap nila Nathan , nagpuntahan naman ang ibang may sugat sa kanila at kumuha ng gamot. Pumunta naman ako sa Ref, kumuha ako ng bowl tyaka kinuha ang mga ice sa ref tyaka na rin ng ice bag. "Ano! Isa lang kasi ice bag ko baka may panyo kayo jan yun na lang gamitin ng iba okay lang?" Sabi ko sa kanila 'Oo naman kath!' 'Sige kath salamat ha!' 'Walang problema kath salamat!' Lahat na sila nasa dinning table at kumuha ng ice para sa ibang may maga sa mukha tapos bumalik na sa Sofa! Nakita ko namang nakatayo si Zachary at Westley dahil puno na rin ang dinning area dahil sa dami namin. Bumalik ako sa storage room at kumuha ng dalawang upuan para sa kanilang dalawa! Lumapit ako sa kanila at binigay ang upuan. "Ito oh para di kayo mangalay sa pagtayo!" Tipid na ngiti ang binigay ko iwas naman ng tingin ang ginawa nila pero kinuha parin at umupo. Bumalik naman ulit ako sa ref. Para kumuha ng Tubig tapos kumuha ng mga baso, inilagay ko yun sa Dinning table in case na merong mauhaw pwede silang uminom duon! Tinitigan ko sila kaniya kaniya silang paggamot sa sarili nila. 'Gusto kong maging masaya dahil nagkaroon ako ng ganitong karaming bisita sa bahay ko wala naman kasing pumupuntang mga taga section 1 nuon dito kaya sila ang 1st time na bisita ko!' "Ahh Guys gusto niyo magpadeliver tayo ng food? Wala pa kasi akong naluluto eh hehe!" Nahihiya kong sabi 'Yung ako may ari ng bahay pero ako ang nahihiya sa bisita haha feel me please!' 'Sure kath salamat!' 'Okay lang kath salamat!' 'Sige kath gutom na rin ako eh!' "Ano bang gusto niyo?" Tanong ko 'Mcdo na lang mas madaling magdeliver!' 'Jollibee na lang!' 'Mang-inasal!' "Mcdo na lang para sa lahat!" Si Zachary ang nagsabi nun natigil silang lahat at nagkatinginan "MCDO DAW KATH!" Sabay sabay nilang sabi napatakip pa ako ng tenga 'kailangan talaga sabay sabay?' "Okay Noted!" Ngiti kong sabi sa kanila Pumunta ulit ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay Oversize tshirt at jersey short lang tapos tinalian ko ang buhok ko ganto naman akong manamit dito eh! Kinuha ko ang phone at wallet ko tyaka lumabas , nagpipipintod lang ako ng mga order para sa aming lahat ng matapos yun dun ko lang napansing tahimik sila , pagtingin ko nakatingin lang sila sa akin! "Bakit?" Takang tanong ko 'Cute mo jan kath!' 'Ang ganda mo kath!' 'Simple lang napakaganda!' Kumento naman nila sa akin napakamot na lang ako ng ulo! 'Mga pasaway!' Tinignan ko sila Nathan, Matthew at Luke hindi parin sila tapos may hindi pa nalalagyan na gamot sa mga sugat nila lalo na si luke kaya lumapit ako sa kaniya. "Tulungan na kita jan!" Prisinta ko at kumuha ng gamot tyaka maingat na nilagay sa sugat niya "Aray!" Daing ni luke "Sorry!" Hinipan ko habang nilalagyan ng gamot ng hindi masyado masakit. Naramdaman ko ang mga tingin nila kaya tinignan ko rin sila. "Bakit na naman?" Taka kong tanong sa kanila umiwas lang naman sila ng tingin. "Ingit lang yan ako kasi ang ginagamot mo eh haha!" Pagyayabang ni Luke "Anong ingit ka jan? Pwede ko rin namang gamutin ang mga sugat nila no tinutulungan lang kita baliw ka na naman!" Tawa kong sabi sa kaniya 'kung ano ano naman kasi ang iniisip eh!' Nilagyan ko ng banaid ang sugat niya kaya tapos na. "May salamin ka pahiram naman ako titignan ko kung may nabawas sa kagwapuhan ko!" Sabi ni Luke hinampas ko siya sa balikat na kina aray niya "Nandun ang salamin sa gilid ng Tv whole body mirror yun kaya ikaw ang pumunta dun!" Sagot ko sa kaniya Agad agad naman niya yun ginawa patalon talon pa 'parang baliw talaga!' Tinignan ko si Matthew at Nathan okay na ang istura nila , sila Blake at Phoenix na nasa harap ko okay na rin, pero yung dalawa sa likod nila Matthew at Nathan hindi pa, nakatingin lang sila sa mga kasama at bored na bored na. "Kath wala ng Banaid!" Sabi ni Earl "Teka kukuha lang ako!" Sagot ko Bumalik naman ako sa storage room at kumuha ng isang box ng Banaid at dinala yun sa kanila. "Here oh!" Abot ko sa kaniya "Salamat!" Sabi niya Inayos ko yung upuan na pinagupuan ni Luke tyaka tinawag si Westley. "Westley!" Tawag ko sa kaniya lumingon naman siya pero kasabay nun lumingon din silang lahat 'yung totoo Westley rin pangalan niyo?' "Bakit?" Irita niyang sabi "Lika dito gamutin natin yung sugat mo!" Sabi ko sa kaniya habang tinatap ang upuan kong saan ko siya pinapaupo "Wag na gagaling din naman yan!" Masungit niyang sabi "Oo nga di ko naman sinabing hindi yan gagaling lalagyan lang natin ng gamot para mas gumaling agad tara na dito!" Pagpupumilit ko Nagkatinginan pa sila ni Zachary bago siya tumayo at lumapit sa akin "Tsk! Masakit yan eh!" Reklamo niya agad nagpigil naman ako ng tawa 'Kaya naman pala eh!' "Wag ka ngang tumawa jan!" Inis niyang sabi inayos ko na lang ang sarili ko at ngumiti sa kaniya Kumuha ako ng Bulak at gamot tyaka ko marahang inilagay sa sugat niya. "Wooo masakit!" Daing niya "Sorry, kunting tiis lang !" Sabi ko tapos hinihipan ko na lang habang dinadampi sa sugat niya para mabawasan ang sakit. Nakatingin siya sa akin medyo Nakakailang pero hindi ko na yun pinansin nang malagyan ko na ng gamot nilagyan ko naman ng banaid , napansin kong medyo may dumi sa ilang bahagi ng mukha niya pati na rin ang polo at tshirt niya. "Madumi yung damit mo tyaka mukha sandali may kukunin lang ako jan ka lang ha wag kang aalis!" Bilin ko sa kaniya Tumayo ako pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang wipes ko sa bag at kumuha din ng Itim na tshirt sa closet ko panlalaki din naman to kaya okay lang na ibigay sa kaniya. "Ito oh palitan mo yung damit mo !" Binigay ko sa kaniya yung damit tapos umupo na sa upuan ko Tinanggap naman niya yun tumalikod lang siya at hinubad ang polo pati ang white tshirt niya napaiwas ako ng tingin 'Takte kahit likod ang ganda ganyan ba talaga sa america kahit likod ulam na? Haha ang halay ng utak ko jusko!' "Okay na!" Sabi niya kaya tumingin na ako sa kaniya kumuha naman ako ng wipes at pinunasan ang ilang bahagi ng mukha niyang may Dumi , ayan na naman ang mga tingin niya nakakailang talaga. "Ahmm okay na!" Ngiti kong sabi sa kaniya "Salamat !" Umiwas siya ng tingin sa akin napangiti naman ako "Ikaw naman Zachary!" Tawag ko sa kaniya kumunot naman ang noo niya "Wag mong sabihing takot ka sa gamot?" Pangaasar ko sa kaniya "No!" Matigas niyang sabi "Then halika na dito at gagamutin na natin yan dali!" Panghahamon ko sa kaniya Nakasunod ang mga mata ng classmate namin sa aming dalawa parang nagaantay ng himala, tumayo na siya at pumunta sa harapan ko na nakapoker face 'hindi uso dito tumawa no? Pero nakita ko naman na siyang ngumiti eh ang gwapo nga eh! ' "Bilisan mo na lang agad!" Utos niya sa akin "Okay po!" Ngiti kong sabi sa kaniya May naririnig akong mga bulungan pero hindi ko maintindihan parang mga bubuyog hindi ko marinig 'mga siraulo tong mga to ah!' Sinuri ko muna ang kabuohan niya madumi rin ang polo at tshirt niya. "Yung totoo? Naggulong gulo ba kayong dalawa ni Westley sa Sahig ang dumi ng damit niyo eh?" Sabi ko sa kaniya ,nagbungisngisan naman ang mga kasama namin ,tinignan naman niya ako ng masama kaya napatikom na lang ako ng bibig. --- :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD