"Miss Young?" Napalingon ako sa tumawag sa akin ang Head teacher
"Yes po?" Sagot ko sa kaniya
"Kausapin kita sandali !" Sabi niya tumango naman ako
"Una na kayo!" Sabi ko sa mga classmate ko
Kumaway pa si Luke sa akin natawa naman ako , nakita ko namang seryosong nakatingin si Brown eyes sa akin kunot noo naman nakatingin si Blue eyes 'problema ng mga to!' Tinignan ko ang iba nakangiti sila sa akin habang nagmamatya palayo.
"Bakit po sir?" Humarap na ako sa Head Teacher
"Actually ang mom mo ang nagpatawag sayo nasa office siya!" Ngiti niyang sabi tumango naman ako at pumunta na sa head office
Kumatok muna ako bago pumasok nakita kong nanonood ng TV si Mom habang nakaupo at may binabasa , may pagkain din sa harap niya.
"Good morning mommy!" Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi
"Good morning baby!" Nakangiting bati rin ni mom
"Pinapatawag mo raw ako?" Tanong ko
'Kaswal lang kami magsalita sa isat isa pero nandun parin ang paggalang kahit kay dad at syempre sa magaling kong kuya!'
"Yup, nagbreakfast ka na ba?" Tanong niya
"Hindi pa!" Umiiling kong sabi
"Ayy bakit hindi ka nagbreakfast hala sige kumain ka muna jan bago pumasok sa klase mo!" Utos niya sa akin na sinunod ko naman
'Kaya pala may pagkain dito para sa akin pala to haha sweet ni mom no!'
"Kamusta ang bago mong section?" Tanong niya habang kumakain ako
"Okay lang naman nakakatuwa silang kasama at makukulit sila!" Papuri ko sa classmate ko
Tinignan ako ni mommy parang sinusuyod ang buong reaksyon ko kung tama ba ang sinabi ko o napipilitan lang!
"Mabuti naman kung ganun , basta kung may mangyayari na naman katulad nung nakaraan magsabi ka ha!" Seryoso niyang sabi tumango naman ako
Tinapos ko na ang pagkain para makaabot pa sa subject ko ngayon.
"I go a head mom!" Humalik ako sa noo niya
'ang dami naman niyang paper works ngayon bakit kaya?'
"Okay sige baby magaral mabuti ha!" Ngiti niyang sabi ng tignan ako
"Yes mom!" Sagot ko rin tyaka lumabas na ng head office
Umakyat na ako pabalik sa 3rd floor kung saan ang classroom namin.
Pansin kong maiingay ang bawat classroom kahit nasa hagdan palang ako , siguro hindi nagturo ang mga teacher kaya nakakapagingay sila sabagay 1st day kasi kaya wala masyadong gagawin.
Pagtungtong ko ng 3rd floor madadaanan ko ang classroom namin nuon tss!
'Hindi na ako magtataka kung may eeksina na naman dito katulad kanina sa pila .... At mukhang hindi ako nagkamali tss!'
"Oh! Look who's here?" Lumabas si Briana para pagaksayahan ako ng oras stupid!
"Papasok ka na ba sa room natin? Akala ko naman magdadrop ka na sayang naman!" Kunyaring nalungkot siya
"Haha bakit ako magdadrop eh ako pa ang magiging Valedictorian sa batch natin!" Nginisihan ko siya halatang nainis siya sa sinabi ko
"As if naman mangyayari yun ha! Mas matalino parin ako sayo naisahan ka nga namin diba!" Mataray niyang sabi
"Oh yun ba haha wag kang magalala kasi natauhan na ako , natauhan na ako na hanggang pangalawa ka lang, 2nd place at laging nasa likod ko , kaya wag mong pagyabang ang kagaguhang ginawa niyo hindi kasi nun mababagong Pangalawa ka lang!" Mataray ko ring sabi
Kitang kita ko ang inis at galit sa mga mata niya 'madumi ka lumaban pero kahit ganun hindi mo ko malalampasan!'
"Ang kapal ng mukha mo!" Galit niyang sabi
Pinagtitinginan na kami ng mga dati kong classmate 'paki ko sa kanila!'
"Hindi ka ba nasasaktan?" Tanong ko sa kaniya nagtaka naman siya
"At bakit ako masasaktan?" Tanong niya rin
"Sinasabihan mo kasi ang sarili mong MAKAPAL ANG MUKHA!!" Bweta ko sa kaniya
"How dare you!" Sasampalin na dapat niya ako pero pinigilan ko pabato ko yun binitawan
"Wag mong madikit dikit ang marumi mong kamay sa maganda kong mukha naiintindihan mo!" Mataray kong sabi sa kaniya
"At sino nagsabing maganda ka? Haha iniwan ka nga ni Rhayven eh!" May panginsultong sabi niya natawa rin ako
"Hindi niya ako iniwan , ginamit mo lang siya para malamangan ako na hindi naman nangyari haha kakasabi nga lang niya kaninang ako ang girlfriend niya kahit ako ang nakipagbreak sa kaniya better luck nexttime ex bestie!" Nilagpasan ko na siya at nagtutuloy sa Classroom namin
"Kath?" Bungad na tawag sa akin ni Luke
"May nangyari ba, mukha kang Badmood?" Tanong naman ni Matthew
Umiling ako bilang sagot , tumango tango naman sila, maya maya lang dumating ang teacher namin.
"Good Morning Class Im your English Teacher , Im Ms. Lia Ocampo nice to meet you all" pakilala ni mam sobrang hinhin niyang magsalita
Ang totoo hind umaabot dito sa kinauupuan namin sa dulo ang boses niya sa sobrang hinhin kasi humihina na siya.
Tumingin siya isa isa sa amin , tumigil naman siya sa akin at ngumiti
"Its nice to see you here Ms. Young!" Bati niya sa akin tumango naman ako
"Are you comfortable in this Section ?" Mam Ocampo asking me
"Yes Mam i am!" I said with a confident tone ngumiti siya at nagsimula sa Attendance
"Bukas ko sisimulan ang diskasyon natin dahil 1st day naman , magchecheck muna ako ng Attendance okay.. say present if you here!" Mahabang sabi ni mam parang mga batang paslit naman ang mga classmate ko kung sumagot
'Ohhhpppoooowww'
'Anderson, Blake?'
'Preeeessseeent!'
'Carter, Raphael?'
'Present!'
'Clark, Kingstone!'
'Present!'
Habang tinatawag ni mam ang mga pangalan nila tinatandaan ko naman para kilala ko na sila.
'Davis, Cain?'
'Present!'
'Flores, Matthew?'
'Present!'
Tumingin sa akin si mat pagkatapos tawagin nginitian ko lang siya.
'King,Spencer?'
'Present!'
'Lee, Rainer?'
'Present!'
'Lopes, Westley?'
'Present!'
Napatingin ako kay Lopes siya yung blue eyes kanina sa pila, bigla siyang lumingon sa akin kaya napabalik kay mam ang tingin ko.
'Martin, Luke?'
'Preeeessseeennnntt maaaam!
Parang batang sabi ni Luke natawa din si Mam sa kaniya.
"Ang gwapo ng pangalan ko no?" Tanong niya sa akin nilingon naman kami nila nathan at matthew
"Ah Oo yung pangalan lang yung May ari ng Pangalan hindi!" Pangaasar ko sa kaniya
"HAHAHA!" Tawa nila Nathan at Matthew
Bagsak naman ang balikat niya dahil sa sinabi ko , nagcross arms tapos tumagilid sa akin patalikod 'Nagtampo ata!'
'Miller,Joel?'
'Present!'
'Moore, Theo?'
'Present!'
'Perez, Robyn?'
'Present!'
'Robinson, Ajax?'
'Present!'
'Rodriguez, Vincent?'
'Present!'
Napatingin ako sa kaniya kahilera kasi namin siya sa upuan magkakatabi silang tatlo ni Brown eyes at Blue Eyes , napakaseseryoso ng mukha .
'Tumatawa pa kaya sila?'
Biglang lingon niya sa akin kaya iniwas ko ulit ang mata ko nararamdaman siguro nilang may nakatingin sa kanila!
'Sanchez, Nathan?'
'Present po!'
Natawa si Matthew sa Kaniya napatawa din ako itong katabi ko nakasimangot naman.
"Pre kukuhain ka na ni lord!" Sabi ni Matthew na may nakakalokong ngiti
"Gago! Bakit?" Takang tanong ni Nathan
"Gumamit ka daw kasi ng PO kinukuha niya kasi yung gumagamit niyan lalo na kung nakikipagaway lagi HAHAHA!" Tawang tawa sabi Ni Matthew kaya natawa din ako
"Gago umpakan kita jan eh!" Amba ni Nathan kay Matthew
'Kalokohan talaga ng mga lalaki no!'
'Scott, Dominic?'
'Present!'
'Smith, Zachary?'
'Zachary? Ang ganda naman ng pangalan na yun lumingon ako kung sino yun'
'Present!' Bored niyang sabi
Si Brown eyes! yun Ang ganda pala ng pangalan niya pang hollywood talaga haha, kaso parang hindi naman uso sa kaniya ang ngumiti sayang bagay na bagay sa kaniya ang ngumiti lalo na ang ganda ng pangalan niya, nanlaki ang mata ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya 'Patay!' Iniwas ko agad ang tingin ko.
'Walker, Earl?'
'Present!'
'White, Phoenix?'
'Present!'
'Young, Katherine?' Tumingin sa akin si Mam at ngumiti
'Present!' Sagot ko
Nakatingin sila sa akin kaya parang nahiya ako bigla.
"Ang ganda ng Pangalan mo Kath!" Puri ni Nathan
"Salamat !" Sagot ko at ngumiti
"Sus! Maganda ang pangalan hindi yung may ari ng pangalan ahmp!" Maktol na sabi ni Luke
"HAHAHA!"tawanan naming tatlo sa kaniya
"Oh sige na nga gwapo na ang Martin, Luke Gwapo din ang may ari!" Sabi ko lumiwanag ang mukha niya at ngumiting tumingin sa akin
"Okay ka na?" Tanong ko tumango naman siya na may malawak na ngiti
'Parang siraulo !'
"HAHAHA!" Tawanan namin pati si Luke natawa rin sa kalokohan niya baliw!
Pagkatapos ni Mam Ocampo, pumasok naman si Sir Go Math ang Subject niya kaya sigurado ako Math din namin siya ngayon.
"Good morning class, alam ko kilala niyo na ako pero magpapakilala parin ako, Im Mr. France Go Your Math Teacher , kung meron kayong di maunawaan sa tinuturo ko lumapit lang kayo sa akin malinaw!"
"YEEESSSS SSSSIIIIRRR!" Sagot naman naming lahat
Katulad ni mam Ocampo nagattendance lang siya at bukas na raw siya magdidiscuss dahil nga raw 1st day daw ngayon..
Tinawag niya din ang mga pangalan namin isa isa para malaman kung nandito ba kami o absent!
Nang matapos siya nagpaalam na siya at makikita na lang bukas para sa lesson.
Pumasok naman ang isang Ginang na di katandaan si Mrs Alvares ,mula 1st year hanggang ngayon naging Teacher ko siya.
Sabagay nirarandom kasi sila eh kaya siguro natatapat lagi na maging teacher ko siya , sobrang bait nito ni mam eh Favorite ko siya sa lahat ng teacher of course dahil na rin sa subject niya hahaha
"Magandang umaga magaaral ! muli na naman tayong nagkita sa antas na ito kaya ang inaasahan ko maging mas masipag kayo sa pagaaral naiintindihan niyo ba?" Tagalog na tagalog ang pananalita niya ang ganda pa ng pagkakabigkas
"Hindi muna ako magtuturo para mapaghandaan niyo pa ng isang araw, bukas ay sisimulan ko ang diskasyon natin, sa ngayon nais kong malaman kung lahat ba kayo ay kompleto sa araw na ito, itaas ang kamay kung nandito kayo naiintindihan ba?" Aniya pa ni Mam Alvares
"Opo Mam!" Sagot naming lahat
Nagsimula na siyang magtawag lahat naman ay nagtataas ng kamay !
Nang ako na ang tatawagin niya napahinto siya at tumingin sa akin na nakakunot ang noo.
"Ms Young!" Tawag niya sa akin nagtaas naman ako ng kamay
"Kaya pala hindi kita nakita sa silid ng Section 1 dahil narito ka!, Bakit nga ba narito ka Ms Young!" tanong niya sa akin
"Ah nag palipat po kasi ako mam!" Sagot ko naman
Napatigil siya na parang may naiisip siya nagkatingin kaming dalawa tyaka Tumango tango siya
'siguro narealize na niya ang dahilan ko!'.
Iniligpit na niya lahat ng Gamit niya at nagpaalam sa amin.
*RRRRIIIINNNNGGGGGGGGG!!!*
Nagbell na hudyat ito na lunch break na.
Inayos ko na lahat ng gamit ko at kinuha ang bag ko , ganto talaga ako kapag naglalunch minsan kasi sa Library ako kumakain pagnaisipan ko magbasa basa.
"Tara na kath?" Tawag sa akin ni Matthew tumango naman ako at sumunod na sa kanila
Maingay sila sa Corridor Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang student dahil sa ingay nila.
Sabay sabay ang lunch break ng 3rd year kaya sigurado halos puno ang Canteen.
Napadaan kami sa Room ng Section 3 may sinundo sila Phoenix, Blake, Joel,Kingstone at Ajax na mga babae sa section na yun.
Napatingin sila sa akin dahil siguro nagiisa akong babae na kasabay ng mga to 'wag naman siguro nila ako pagselosan no?'
Sa room naman ng Section 2 may mga babae ring lumabas at lumapit kina Theo,Spencer, Robyn, Raphael and Rainer , ganun din ang ginawa ng mga babae tumingin muna sila sa akin tapos umakbay din sa mga Boyfriend nila 'Wag lang talaga magselos ang mga to Naku sakit sa ulo niyan!'
May napansin ako kasi yung sampong classmate namin nasa unahan at may kaakbay na mga Girlfriend!
"Teka!" Napahinto sila at takang tumingin sa akin
'Bakit kath?'
'Kath may problema ba?'
'Ano yun kath?'
Naging masama rin ang tingin ng ibang babae sa akin 'Tss sinasabi ko na nga ba eh!'
"Bakit sila may mga Girlfriend na kasabay maglunch?" Tanong ko sa kanila
"Oh eh anong problema dun?" Nagulat ako sa nagsabi nun dahil si Zachary yun ,natauhan din naman ako
"Bakit kayo Wala?" Turo ko sa kanilang natirang walang mga kasamang Girlfriend
"HAHAHAHAHA!!!" Ang sampong siraulo nagtawanan sa tanong ko napatawa na rin ang mga Girlfriend nila
Nagiwas naman ng tingin ang siyam na natira at nasa likod ko , halos napaggigitnaan nila ako
Hinala na lang ako ni Nathan sa Braso para mapalakad ulit .
"Lakad na Nagugutom na ako !" Sabi niya tapos binitawan ang kamay ko
"Iniiba mo ang usapan bakit wala kayong Girlfriend?" Usisang tanong ko
"Ikaw Luke diba Gwapo ka asan Girlfriend mo?" Baling ko kay Luke
Narinig kong nagbungisngisan ang ilan sa likod namin.
"Nasa Ibang School yun wala dito!" Kamot ulo niyang sabi
"Sinagot ka na pre ?" Tanong ni Dominic napatingin naman ako sa kaniya tapos kay Luke
"Hindi pa hehe!" Kamot ulo niyang sabi
Bagsak ang balikat namin sa sinabi niya 'Wala pala ang kagwapuhan nito eh Tsk!'
"Ikaw Matthew?" Tanong ko naman sa kaniya
"Nasa Japan eh Dun sya nagaaral ng HighSchool!" Deretsong sagot niya tumango naman ako tapos bumaling ako kay Nathan
"Ikaw asan Girlfriend mo?" Tanong ko kay Nathan
"Wala na sila Kakabreak lang nila bago magstart ang klase!" Si Earl ang sumagot sa tanong ko tinignan ko si Nathan may lungkot sa Mata niya.
'Parehas pala kami kung ganun!'
Nasa groundfloor na kami papuntang Canteen.
Hinawakan ko siya sa Braso at hinila patalon talon pa ako!
"Okay lang yan Nathan , Bilisan mo maglakad Maghahanap tayo sa Canteen ng Girlfriend mo haha!" Makulit kong sabi sa kaniya napapatalon talon din siya
"HAHAHAHA!" Tawanan nila Luke, Matthew,Earl,Cain,Dominic, Vincent ,Westley at Ni Zachary!
'Akala ko hindi sila marunong tumawa marunong naman pala hehe!'
Malapit na kami sa Canteen ng tumunog ang Cellphone ko 'may tumatawag!'
"Teka una na kayo sagutin ko lang to!" Sabi ko sa kanila tyaka tumakbo palayo sa kanila
'Tsk! Bakit naman kaya tumatawag ang magaling kong kapatid!'
"Hello? Bakit napatawag ka?" Tanong ko agad sa kaniya
'Hi lil sis !' Highper niyang sabi
'Nagiisip bata na naman siya!'
"Bakit bakit bakit? Maglalunch pa ako?" Inis kong sabi
'Ito naman hindi mo ba namiss si Kuya haha Anyway kaya ako tumawag dahil may nagreport sa akin na may nakakita daw sayo habang nagaaway ang dalawang Grupo ng Frat totoo ba yun?' Tanong niya sa akin
'Siguro ito yung kaninang umaga na nakabangga nila Luke pero dalawang grupo ng fraternity? So kasali rin sila Luke sa Fraternity?'
"Inawat ko lang sila dahil binubugbog nila ang tatlong lalaki tapos sila lima eh mga duwag naman pala yan eh!" May narinig akong kaloskus siguro nagkamot ng ulo tong isang to
"Anyway mga classmate ko ang mga binugbog nila diba may usapan na tayo kuya na hindi pwede na mga Schoolmate ko ang upakan ng mga bata mo!" Derederetso kong sabi sa kaniya
'Tsk! Oo alam ko yun pero kasi .... Tsk okay fine pagsasabihan ko sila and please promise me Kung hindi mo naman Classmate ang binubogbog nila o Schoolmate wag kang mangingielam naiintindihan mo Dahil oras na may nangyari sayong masama baka mapatay ko silang lahat lil sis!' Napangiti ako sa paalala niya
'Tss! Gaganyan ganyan lang yan pero Protective yan!'
'At Siguradong mapapatay ako ni Dad at mom pagnagkataon kaya please Lil sis wag mong idadamay ang sarili mo sa gulo!' Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya
'Wag mo ko pagtawanan nagaalala ako sayo pati sa sarili ko ahmp!' Sigurado nakanguso to hahaha
"Okay okay okay Noted Sige na nagugutom na ako eh lunch ka na rin jan ingat Iloveyou big bro!" sabi ko sa kaniya tyaka pinatay ang tawag
'Siguradong magtetxt yun ngayon lang niya narinig na sinabihan ko siya ng iloveyou eh lagi kasing nagmamadali yan kaya di na niya naririnig ang iloveyou ko sa kaniya hahaha!'
Nagaalala siya kasi malalagot siya kay dad at mom , parang baliw kasi may usapan na kaming wag ipapabugbug ang mga Schoolmate ko dahil ayoko ngang may makaalam ng totoong ako eh!
'Napakapasaway kasi talaga!'
Pumasok na ako sa Canteen at hinanap ang Table ng mga Classmate ko, nakita ko namang Kumaway sila Luke kaya agad naman akong lumapit dun.
"NagOrder na kayo?" Bungad kong sabi sa kanila Tumango naman sila
"Inorderan ka na namin!" Sabi Ni Matthew
"Talaga salamat!" Sabi ko sa kaniya
Nagkukwentuhan pa kami at madalas inaasar namin si Luke.
"Ohmygad! So talagang lumipat ka na sa Section 6 oh Loser!" Panglalait niya sa akin
Tumingin naman ako sa mga kasama ko bago ako humarap sa kaniya.
"Sabi ko naman sayo Briana wag mong sinasabihan ang Sarili mo , alam kong nasasaktan ka!" Ngisi ko sa kaniya tinaasan niya ako ng kilay
"Excuse me Im not talking to myself im talking to you Loser!" Mataray niyang sabi nakacrossarms pa
"HAHA Okay lang yan alam kong masakit sabihan ang sarili ng LOSER!" Pangaasar ko sa kaniya
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Inis niyang sabi sa akin
'Wala pa akong ginagawa niyan pero mukha na siyang bulkan na sasabog haha!'
"Oh sinasabihan mo na naman ang sarili mo tsk tsk!" Pailing iling ko pang sabi nagbungisngisan naman ang mga kasama ko
"Grrrrrrr! I hate you!!" Galit na niyang sabi
"Oh the feeling is mutual I Hate You Too!" Nginitian ko siya ng nakakaloko kaya ang babaita inis na inis "Sige na balik ka na sa Table niyo wala pa kasi ako maipapakain sayo eh!" Sabi ko sa kaniya tumaas na naman ang kilay niya
"At bakit ko naman kakainin ang ibibigay mo!" Galit na galit niyang sabi
"Diba Aso ka? Kung nasaan ang Amo nandun ka Kaya ka nga nandito sa harap ko kasi Aso Kita Sunod sunuran!" Malawak ang Ngiti ko sa kaniya
"OOOOOOOOHHHHHHHHWWWWW!!!!" Sigawan ng mga Kasama ko
"Hindi pa tayo tapos ! Grrrrrr!" Sabi niya sabay Walkout
Bigla naman dumating ang inorder nila kaya umayos na ako ng upo.
'Palaban si Kath Nice Nice!'
'Dapat lang yun lumaban siya eh sama ng ugali nun diba!'
"And the blue Corner Katherine Young 1 point! Ten tenenen Ten tenenen " mukhang siyang referee sa ginagawa niya may hawak pang kutyara bilang mic niya nagtawanan kami nang dahil sa kalokohan ni Luke
"Nabaliw ka na naman jan!" Sita ko sa kaniya tawa parin siya ng tawa 'mabilaukan ka sana haha!'
"I think na sagot na ang tanong ni Blake kanina!" Si Phoenix ang nagsabi tumango ako sa kaniya bilang sagot.
"Palaban ang Kath natin Meow!" Biro ni Luke Kaya na hampas ko siya Nagtawanan naman sila 'Mga siraulong to!'
"Ngayon ko lang ginawa yun no! Bukod sa pagiging nerdy nuon weak din ako kaya nga nangyari yun eh tsk!" Sabi ko na kinatahimik naman nila "Pero okay naman pala lumaban paminsan minsan hehe!" Pilit kong wag sila mailang dahil sa sinabi ko kaya magpapanggap akong malakas kahit minsan gusto ko na ulit manghina.
Nang matapos kaming Maglunch sabay sabay na kaming tumayo.
Ang sampong may girlfriend ayun sinundo na nila sa table nila.
By section kasi ang upuan dito sa Canteen May Anim na Section kaya may Anim din na Mahahabang lamesa at Kung ilang Student sa isang section ganun din ang upuan, tig-dalawa naman ang waiter sa bawat Section nakukuha ng mga Order , ganun na ang ginawa ng Head Teacher para hindi nagkakagulo ang mga Student , kung magingay sila dun lang sa Pwesto nila kahit humiga pa sila sa Table nila Okay lang basta hindi sila nakakagulo sa ibang section, may kakapalan lang talaga ang mukha ni Briana dahil sa ginawa niyang pagsugod at awayin ako tsk 'sino sa atin ang Loser!'
Naglalakad na kami Paakyat ng 3rd floor ng tignan ko ang Phone ko Napangiti ako dahil may Txt ang Kuya ko. 'see hindi yan makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya!'
'From:MakulitkongKuya
Ahhwww ang Sweet ng lilsis ko nagiloveyou kay kuya hihi 1st time kong narinig yan sayo ah siguro may kailangan ka no kaya ang sweet sweet mo ngayon no ? No?
Message Receive
12:30pm
'Haha parang siraulo talaga tong kapatid ko nasabihan lang ng iloveyou may kailangan na baliw talaga!'
'To:MakulitkongKuya
Matagal na akong naga-Iloveyou sayo no! Ngayon mo lang malinaw na narinig lagi ka kasi nagmamadali kaya hindi mo naririnig at isa pa wala akong kailangan sayo Bleeehh :P
Send Message
12:45pm
Pagkatapos kong replyan siya binalik ko na sa bag ko ang phone ko at sumabay na ulit sa paglalakad sa kanila.
----
:)