Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Josh. Natapos ang buong klase namin na paulit-ulit nanunumbalik sa isipan ko 'yong pag-amin nya.
"Lalim ng iniisip ah..." puna ni Josh. Inabot niya sakin 'yong isaw na hawak niya na tinanggap ko naman. He asked me out after class. Ewan ko ba rito, namiss ata ako.
"Napapaisip lang ako..." tugon ko. "Kung pano nangyari yon?" bahagya pa akong natawa.
He stood properly and held my hand. Napatingin ako sa kamay namin na pinagsiklop niya. Hindi pa rin ako makapaniwala, damn!
"Upo nga muna tayo, baka tumangkad ka ng husto eh." he chuckled kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Biro lang..." natatawang dugtong nya.
Gaya ng sinabi niya, humanap na muna kami ng pwesto. Umupo agad ako nang makahanap na kami, tumabi naman siya sakin at binitawan na ang kamay ko para makain na namin ng ayos 'yong inihaw na binili namin.
"Ano nga ulit 'yong iniisip mo?" he broke the silence. "Pano nangyari ang alin?" kunot-noong tanong niya.
"Yon... yong gusto mo rin ako?" patanong kong tugon, hindi rin sigurado sa sariling sagot. "I mean, paano? Kailan pa? Bakit ako?" I chuckled dahil sa sunod-sunod kong tanong.
"Sira! Dami niyan ah..." he laughed, napakasarap sa pandinig. "Gusto kita? Oo, gusto kita. Gusto ko 'yong toyoin na napakasunget kong prinsesa." mapang-asar niyang dugtong na nakapagpangiti sakin.
"Hindi ako makapaniwala...." I admit. "Sabi mo dati.. hindi ka nagkakagusto sa kaibigan mo." pagpapaalala ko sakanya.
He shrugged and finished his foods. "Eh hindi naman kaibigan ang tingin ko sayo."
"Secret admirer pala kita?" pinanliitan ko sya ng mga mata, nang-aasar.
"Secret admirer din pala kita?" he mimicked me kaya napanguso ako at umatras. Inubos ko na muna 'yong pagkain ko.
"Tch! So... paano nga? Kailan pa saka bakit ako?" pag-uulit ko sa tanong, hindi niya naman kasi sinagot kanina 'yon.
"Anong paano?" kunot-noong tanong niya. "Malamang, sayo ko naramdaman 'to. Malay ko kung kailan pa... saka bakit ikaw? Alangan namang iba ang gustuhin ko, 'di naman sila ikaw." he chuckled.
"Labo mo..." tumawa ako. "You should like someone else, 'yong deserve na maipagmalaki mo. I mean... 'yong mas deserving kesa sak—"
"Gago, deserve mong ipagmalaki..." he shook his head, para bang 'di nagustuhan ang sinabi ko. Napangiti na lang ako ng bahagya.
"Seryoso, ang sarap siguro sa pakiramdam kung totoo 'to..." itinukod ang kamay ko sa gilid ko, I let the cold breeze of wind touch my skin. "Yong may nag-aalaga sayo, may proud for having you, may nagmamahal sayo ng totoo.... I don't know, basta alam ko napakasarap sa pakiramdam non." I smiled. Sandaling natahimik si Josh, pinagmamasdan lang ako.
"Akin ka na diba?" he suddenly asked. Hindi ako sumagot, he should know the answer by himself. He shook his head and clicked his tongue. "Akin ka, Kayls. Nasa tabi mo ako nong mga panahong sinasayang ka lang ng iba, I've seen how much struggles you've went through at hindi ako papayag na maranasan mo ulit 'yon. Now that you're mine, wala ng pedeng sumingit na kahit sino. Mukha na nga silang singit, sisingit pa sila satin. Tch!" he rolled his eyes.
I bit my lips, trying not to smile. "Oh? Sayo ako?"
He glared at me, hindi natutuwa sa pang-aasar ko. "Seryosong usapan tas gaganyan ka? Oh sige, tara kay J—"
"Sayo ako." I gave him a sweet smile. "Sayo lang po..." I pouted.
He stood up kaya't tumayo na rin ako. Agad siyang tumakbo, napaawang na lang ang labi ko. Gusto pa atang makipaglaro ng habulan, aba!
"Bata ka ba, ha?!" pasigaw kong tanong. He didn't gave me an answer. Itinapon ko na ang hawak kong stick at agad siyang hinabol.
"Bagal!" mapang-asar nyang sambit. I glared at him kaya natawa sya.
I was about to catch him kaso tumakbo ulit sya palayo. Ah, you wanna play... huh?! I picked up a small stone na nasa lapag, ibinato ko kaagad yon sa may paa niya kaya napahinto siya. I took that as a chance para tumakbo, nang makalapit na ako sakaniya ay agad ko syang dinambahan ng yakap mula sa likuran.
"Hoy—" gulat nyang sambit, napahawak pa sa dibdib.
"OA neto..." pabiro akong umirap at bumaba mula sa kanyang likuran.
Pinitik niya ang noo ko. "Napakaduya...." he chuckled.
"Josh.." I uttered habang naglalakad kami.
"Oh?" he asked.
"Josh.." I repeated.
"Huh?" he looked at me. "Huhnli ka ghorl?" humagalpak sya sa tawa.
"Ay, accenterist ka teh?" pabiro kong tugon. Sabay kaming natawa.
Tahimik na kami habang naglalakad, halatang may malalim siyang iniisip. I don't know how to show him na gusto ko talaga siya. Hindi naman kasi ako showy na tao... pero handa akong magpakatotoo sakanya.
"Josh..." I uttered.
"Po?" he asked. "Potchi?" he chuckled when I pouted.
"Josh..." pagtawag ko ulit.
Bumuntong-hininga sya at bahagyang natawa. "Yes, baby?"
Agad na kumabog ang dibdib ko. Unang beses niya akong tinawag na ganon...
"Gusto ko.." I looked at him. Nakatingin din sya sakin, hinihintay ang kasunod kong sasabihin. "Ikaw..."
"Gusto rin kita." he chuckled a bit. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.
Bumalik na naman sa katahimikan ang paligid. Nag-iisip na ulit siya so I took my phone para sana tignan kung may mahahalagang chats. Wala naman masyado, bukod sa paalala ng adviser namin na magreview daw kami para sa nalalapit na examination week. Bumaling ako kay Josh, nakatitig na sya sakin at taas-kilay akong sinusuri.
I chuckled. "Gc po ng class natin..." I showed him my phone.
"Wala naman akong sinabi." pabiro niya akong inirapan. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa nya, napakaattitude talaga nito!
"Saka 'yong last crush ko.." pang-aaar ko. He glared at me pero 'di sya umimik. Binilisan nya lang ang lakad nya kaya bahagya akong napag-iwanan. "Seloso..." I whispered saka ako tumawa.
I wrapped my hand on his arm, napatingin naman sya sakin pero agad ding umiwas ng tingin. Sandali akong bumitaw, bumusangot sya kaya kinuhanan ko kaagad sya ng picture. He turned his gaze at me, tinaasan nya pa ako ng kilay saka pabirong umirap ulit.
"Bakla!" pang-aasar ko. Humagalpak ako sa tawa nong kinindatan nya ako na animo'y tama ang nasabi ko. "Bakla ka?" I chuckled.
"Hindi!" bigla syang umayos ng tayo.
Nagbikit-balikat na lang ako at pasimpleng ngumiti. Kumapit ulit ako sa braso niya para magpantay kaming dalawa sa paglalakad, napag-iiwanan ako eh.
"Josh..." I mentioned. Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Gusto kita." I sincerely uttered.
Inalis ko ang kamay ko mula sa braso nya, hinayaan nya lang ako at siya naman ang kumapit sakin. Ipinulupot niya sa bewang ko ang braso niya at marahan akong hinatak palapit sakanya. Dumampi sa noo ko ang napakalambot na bagay.
He planted a soft kiss on my forehead. "Gusto rin kita, Makayla.... sobra."
******